Share

Kabanata 4922

“Pero mayroong nagiwan ng mga Golden Scale Leave sa labas ng pinto kanina. Ito ang dahilan kung bakit ka namin nagamot.”

Lumabas ang mga salitang ito sa bibig ni Daisy bago nito interesadong tingnan si Darryl. “Nakalimutan ko palang tanungin ang iyong pangalan pagkatapos kong magsalita nang ganito kahaba. Pasensya ka na! Pero sino ang nagdala ng mga Golden Scale Leaves na ito sa iyo? Sigurado ako na malakas ang isang iyon.”

Uhh…

Hindi na nakasagot pa si Darryl sa sunod sunod na tanong ni Daisy. Pero agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang marealize niya ang isang bagay.

Nawalan siya ng malay sa gubat nang dalhin siya ng mga ito rito. Dahil sa kaniyang panghihinay ay kinailangan niya ng mga Golden Scale Leave para magamot pero walang kahit na isang nakuha ang mga ito. Dito na nagiwan ang isang misteryosong indibidwal ng mga Golden Scale leave sa mismong harapan ng kubo na ginamit ng mga ito sa kaniya.

Sino kaya ang isang ito?

Wala siyang kilala na kahit sino sa kontinente ng Cryo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status