”Ikaw…”Mabilis na bumalik sa wisyo si Daisy. Nag-ipon siya ng lakas ng loob para kausapin si Hendrick. “Paano mo iyon nagawa?” Lumampas sa linya ang mga taong iyon. Hindi iyon intensyon ng babae o ni Keele. Anong lakas ng loob nilang ganunon si Keele?Makikitang gustong pumatay ni Hendrick base sa ekspresyon ng kaniyang mukha. “Dapat mong bilangin ang lucky stars mo dahil sa hindi ko pagpatay sa kaniya sa kabila ng ginawa mo sa kapatid ko.”Seryosong nagsalita ang katabi niyang kriminal habang narinig sa hangin ang mga salita. “Higit sa puwersa ang ating gagamitin kapag may nangyari sa ating High Lady. Magbabayad kayo gamit ang inyong mga buhay at babagsak din ang wasak na Lunar Moon Hut.”“Hindi iyan patas!” Hindi magawang kontrolin ni Daisy ang kaniyang galit at buong lakas siyang nakipagtalo. “Tama ang ating mga paraan. Bakit ito nangyari? Dahil ba masyadong matagal na naghintay ang young lady para gumaling?”Oh?Natawa si Hendrick habang nakatitig kay Daisy dahil hindi siya
Pakiusap, huwag mo iyang gawin Sir. Ipinapangako kong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para iligtas ang iyong kapatid.”Humihikbing nagmakaawa si Keele. Hinding hindi niya maiisip na may darating na trahedya.Nahimatay din sa takot si Daisy, halos mawala ang kaniyang balanse. Hindi lamang sila gustong patayin ni Hendrick at ng mga tauhan nito, gusto rin nitong sunugin ang buong Lunar Moon Hut. Sobra na iyon!Hindi sumasagot si Hendrick sa pagmamakaawa ni Keele. Matapang niyang tinitigan si Wisteria, nawala siya sa sakit at kalungkutan.“Ikaw riyan.”Nang sandaling iyon, naglakad palapit ang kriminal at naglabas ng espada. “Napakaswerte mo’t mamamatay ka dahil sa pagpatay sa aming young miss. Mapunta ka sana sa impyerno.”Nang marinig ang huling salita, nagningning ang patalim ng espada sa liwanag at humampas ito sa leeg ni Keele.Takot na takot si Keele. Nanginig siya habang nakaupo roon. Nakalimutan niyang yumuko.Sa parehong sandali, halos mahimatay si Daisy sa takot.
Palalain ang sitwasyon?Hindi mapigil ni Daisy ang kaniyang galit.Aalis ang sinumang nasa tamang katinuan sa unang senyales ng mga pangyayari. Pero nanatili at naglakas ng loob na tumulong si Darryl.Sobrang matuwid siya, pero ginawa siyang walang kwenta ni Keele.Ininsulto niya rin si Darryl dahilan kung bakit lumala ang mga pangyayari. Sumusobra na siya.Galit na nagpadyak ng paa si Daisy. Hindi niya binigyang pansin si Keele.Samantala, sa panig ni Darryl.“Nakakainteres.”Tila gustong pumatay ni Hendrick sa kaniyang ekspresyon nang ngumisi siya bilang sagot sa mga sinabi ni Keele.Nang sumunod na segundo, tinitigan ni Hendrick si Darryl. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa pangingialam sa hindi mo naman pasyente? Gusto mo bang mamatay?” Galit at mas lalo pa siyang nag-init nang subukang mangialam ni Darryl.Pagtapos ay humakbak ang isa sa mga kriminal para hablutin ang damit ni Darryl at malamig na nagsalita. “Anong lakas ng loob mong guluhin ang aming young master?”“
Mabilis na naglakad si Daisy palapit kay Darryl nang pakawalan siya. “Anong kailangan kong gawin?”Medyo ngumiti si Darryl. Mabilis nitong inaral ang kondisyon ni Wisteria bago magsalita. “Kunin mo ang mga halamang ito. Kailangan ko ng tatlong ounce ng bamboo wisps at limang ounce ng almond scales.” Gayunpaman, nanatiling hindi makakilos si Daisy sa sahig habang gulat ang ekspresyon nito.Uhh…Tinapik ni Darryl ang kaniyang noo at bigla niyang naalala na nasa Cryolet Continent siya. Iba ang mga batas doon kumpara sa Nine Mainland.Muling nagsalita si Darryl. “Ibig kong sabihin, dalhin mo sakin ang ginamit mo.”Huminto si Daisy at nagtanong. “Sigurado ka?” Pinainom niya kay Wisteria ang medisinang hinanada niya, pero wala itong naging epekto. Bakit siya nito inutusang gawin ulit ang gamot?Tama ba si Keele? Wala bang alam ang lalakeng iyon tungkol sa mga gamot?“Young Master Steinfield”Pagtapos ay sumigaw si Keele. “Wala siyang alam! Gusto niyang kumuha ulit tayo ng parehong
Kabanata 4930Tumango at hindi na nagsalita pa si Hendrick sa sinabi nito.Tapos nang pakainin ng medisina ni Daisy si Wisteria. Tahimik siyang pumunta sa isang gilid.Sa parehong sandali, napatingin ang lahat kay Wisteria habang naghihintay sa kung anong mangyayari.Sobrang tahimik sa great hall.“Mmph…”Muling nagkaroon ng malay si Wisteria paglipas ng ilang minuto. Dumaing ito na tila nasasaktan habang bahagyang nanginig ang kaniyang katawan.“Hendrick!” Naaninagan niya si Hendrick, bumulong siya gamit ang nanghihinang boses. “Sobra akong nahihirapan. Mamamatay na ba ako?”Nagpatuloy sa panginginig ang kaniyang katawan at nagsimulang mamuo ang pawis sa kaniyang noo.Crap!Mabilis na nataranta si Daisy. Mukhang hindi gumana ang gamot na ginawa ni Darryl.Hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Keele nang titigan niya si Darryl. Hay*p, inakala niyang walang alam ang mang-mang na iyon at gumagawa gawa lamang ng kwento. Magkakaroon pa sana ng kaunting tiyansang bumaliktad ang
Nanatiling hindi gumagalaw si Darryl, kasing payapa ng tahimik na tubig ang mukha nito.“Darryl…”Sa mahalagang sandaling iyon, mabilis silang nilapitan ni Wisteria at sumigaw ito. “Yogi Katz, anong ginagawa mo? Itigil mo ‘yan!”Mabilis na huminto si Yogi at nagsalita. “Young Miss, binastos ng lalakeng iyan ang Young Master. Pinaparusahan ko siya para alam niya ang lugar niya.”Tiningnan ni Yogi si Hendrick.Malamig at tahimik si Hendrick.Nilapitan ito ni Wisteria at bahagyang hinila ang kaniyang damit. “Bakit ka makikipaglaban sa ibang tao, Hendrick? Tinuro sa’tin ng ating ama ang kabaitan, pero tingnan mo ang gulong ginagawa mo.”“Wisteria!” Huminga ng malalim si Wisteria at tumitig kay Keele kung saan nakatayo ito sa malayong distansya, nagsalita ito. “Wala kang malay at wala kang alam sa mga nangyayari. Halos mawala ang buhay mo kanina. Isang biyaya ang katotohanang hindi ko winasak at pinatay ang lahat. Isa pa, binayaran ko rin sila.”TInitigan ni Hendrick si Darryl at na
”Si Darryl pa rin ang ating tagapagligtas kahit papaano. Hindi ka ba nakokonsensyang paalisin siya?”May busilak na puso si Daisy; para sa kaniya, hindi resonable ang mga aksyon ni Keele. Hindi nagsalita ang lalake noong dumating sina Hendrick, kaya naman mag-isang hinarap ni Darryl ang mga ito. Gusto niyang umalis si Darryl nang maglaho na ang mga ito.“Kasi—”Hindi makapagsalita si Keele; dumepensa siya paglipas ng ilang sandali. “Hindi ka nagkakamali, pero kakayanin mo ba ang pagbalik nina Hendrick?"Nanigas sa kinatatayuan si Daisy. Kinigat niya ang kaniyang labi at hindi niya alam ang sasabihin.Kalmadong nagsalita si Darryl. “Maaari ko siyang itaboy pagkabalik niya rito.”Lumingon siya para tingnan si Daisy, nagsalita ito. “Huwag kang mag-alala! Nandito ako!”Tumango si Daisy. Gumaan kaagad ang kaniyang loob sa kaniyang narinig. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay ligtas siya kapag nariyan si Darryl kahit na isang araw pa lang niya itong nakikilala.“Itataboy mo
Hindi iyon nagustuhan ni Keele, dinepensahan nito ang sarili. “Hindi ko siya ginugulo. Siya ang may gustong magdulot ng gulo.”“Sige na…” Nakaramdam ng pagkatalo si Daisy. Ngumiti at nagsalita ito. “Problema niya iyon, hindi sa’yo. Uminom ka na, Senior Brother.”Nagsalin ng tsaa si Daisy para kay Darryl, awkward at mahina itong nagsalita. “Huwag mo siyang pansinin, Darryl. Ganyan lang talaga siya.”Ngumiti at tumango si Darryl. Hindi siya naabala sa mga sinabi ni Keele.Tanging ang tsaa lang ang nasa isip ni Darryl nang mga sandaling iyon. Hindi na tatalab kina Daisy at Keele ang refreshing herb dahil sa pag-inom nila ng tsaa. Gumaan ang kaniyang loob.Kailangan nalang nilang maghintay sa muling pagbisita ni Hendrick.Thud!Nag-iisip pa rin si Darryl nang may biglang sumipa sa pinto. Pagtapos ay pumasok si Yogi at ang mga tauhan nito.Hay*p!Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nina Keele at Daisy, mukhang galit na galit si Keele at takot ito habang mainit na nakatitig k