Agad namang tumigas ang tono ng boses ni Zephyr nang makita niya ang pagdadalawang isip sa muha ni Zack. Nagpakita ng inis ang tono ng kaniyang boses habang nagtatanong ng, “Mayroon bang problema? Ayaw mo ba silang ibigay sa amin, Kamahalan?”Maamo namang ngumiti si Zack habang ibinubuka nito ang kaniyang bibig. “Kung nakikita mo, masyado nang malaki ang perwisyong ibinigay ni Chester at ng kaniyang mga tauhan sa Royal City. Nagawa pa nga ng isa sa mga ito na magkunwaring Empress—na isang malaking uri ng pagtataksil sa amin. Hinatulan ko sila ng kamatayan bukas kaya hindi niyo na kailangan pang dalhin ang mga ito sa mga kapwa ninyo Heaven Watcher.”Dito na sumimangot si Zephyr habang sumisigaw ito ng, “Ang lakas ng loob mo!”Tumuro rin si Levin kay Zack habang galit itong sumisigaw ng, “Ang lakas din ng loob mo para sa isang mortal na Emperor na makipagnegosasyon sa mga Heaven Watcher. Alam mo ba na gumawa si Darryl Darby ng isang imposibleng krimen na nagdawit sa bawat isang miyemb
Hay!At nang papaalis na ang mga ito, hindi na napigilan pang magbuntong hininga ni Zack habang galit na sinasabing, “Sayang! Napakaraming tao natin ang namatay para lang makuha si Chester Wilson at ang mga kaibigan nito pero sa huli ay nagawa pa rin silang kunin ng mga Heaven Watcher.Buwisit!Hindi sana natin nagawang ibigay ang lahat ng ito kung mas maaga lang dumating dito ang mga hayop na mga Watcher na ito.Dito na tumingin si Jedidiah sa direksyon ng mga papaalis na Watcher habang nagiisip na sinasabing, “Bakit nararamdaman ko na parang may mali, Kamahalan?”“Ano ang problema?” Nakasimangot na tanong ni Zack.Dito na nagisip nang bahagya si Jedidiah habang dahan dahang sinasabi na, “Ayon sa aking mga nalalaman, diretso kung magtrabaho ang mga Heaven Watcher. Palagi nilang ipinapakita ang kanilang mga chapa para ipakita ang kanilang mga pagkakakilanlan bago sila gumawa ng kahit na ano pero wala akong nakita na kahit anong chapa sa apat na ito.“At sigurado rin ako na higit
Umabante si Dax para isandal ang kaniyang mukha kay Goddad nang magsalita siya.“Aargh!”Halos hindi kayanin ng bata ang mukha ni Dax na puno ng maliliit na balbas habang galit siyang sumigaw. “Natutusok ako sa balbas mo, Tito Dax! Ibaba moa ko, ibaba mo ako!”Haha!Bumulwak sa tawa ang lahat.Sumulyap si Chester sa wala pa ring malay na si Shannon, medyo kumunot ang kaniyang noo.Nang sumunod na segundo, nagtanong si Chester kay Ambrose. “Anong nangyayari, Ambrose? Hindi ba’t dapat mong tingnan ang sitwasyon kasama ang mga pirate? Paanong kasama mo ngayong si Shannon?”Napatingin ang lahat kay Ambrose nang marinig sa ere ang mga salita.Huminga ng malalim si Ambrose, mapait itong ngumiti. “Nabigo ang South Cloud Royals sa pagpapabagsak sa palasyo nang pumunta ako sa nayon ng pangingisda. Halos hindi rin nakalabas ng buhay si Shannon…”Detalyadong inilarawan ni Ambrose ang lahat sa loob ng ilang minuto.May pagsisising nagsalita si Ambrose sa bandang dulo. “Akala ko’y magigi
Pinagpag ni Darryl ang dumi sa kaniyang katawan. Pumunta siya sa pinakamalapit na bayan para sadyaing magtanong ng direksyon.Huh?Mayroong naramdaman si Darryl na tila may kakaibang nangyayari sa kaniyang katawan, sobra ang kaniayng pagkagulat.‘Naku po.’Bakit nakakulong ang kaniyang fairy soul?Malinaw na naramdaman ni Darryl ang kakaibang enerhiyang lumabas mula sa kaniyang fairy soul. Kaya naman hindi niya nagawang ilabas ang kaniyang fairy soul. Halos hindi isang mortal na tao ang lebel ng kaniyang enerhiya…Paano iyon nangyari?Hindi kaya’y dahil ito sa teleportation gateway na hindi maayos na nabuksan sa Godly Region at nagdulot ng kakaibang pagkakataon na nagdulot ng pagkakakulong sa kaniyang fairy soul?Kasabay nito, nanigas sa pagkakatayo ang naguguluhang si Darryl.Maririnig ang mga yapak mula sa kaniyang likuran habang napapaisip siya. Sa parehong sandali, narinig din ang mga pag-iyak ng ilang katao.“Bilis, maghiwa-hiwalay tayo. Kailangan natin siyang mahanap ba
Dali-daling lumapit paabante ang mga kalalakihan, mabilis nilang tinali si Darryl.“Hey, hey. Mag-ingat naman kayo…”Walang ibang gustong gawin si Darryl nang mga oras na iyon kundi ang lumaban. Sa kasamaang palad, hindi magagamit ang mga kakayahan ni Darryl nang sandaling iyon, at tanging ang lakas lang ng kaawa-awang mortal niyang katawan ang kaniyang magagamit.Ang kumawala habang sumisigaw lamang ang kaya niyang gawin at hindi niya magawang labanan ang napakaraming tao. “Maling lalake ang kinalaban mo!”Slap!Habang narinig ang mga salita sa hangin, sinampal ng kanilang pinuno ang ulo ni Darryl at sumigaw ito. “Ikaw, tumahimik ka!”Kumuway siya nang magsalita siya, sumenyas sa lahat na bumalik sa bayan sa distansya kasama si Darryl sa de tulak.Motherf*cker!Walang masabi si Darryl.Sinwerte lamang siya, hindi ba? Una, nakakulong ang kaniyang kapangyarihan at napagkamalan siyang maling tao. Inisip niya itong maigi, hindi kaya’y… Hindi kaya’y kamukha niya ang tinutukoy nila
Uhh…Tuluyang naguluhan si Darryl nang maramdaman niya ang galit ng Old Master Stanford. Gayunpaman, sinubukan niya ang lahat ng kaniayng makakaya para matiyagang magpaliwanag.“Paniguradong ikaw si Old Master Stanford. Magpapakatotoo ako sa’yo. Darryl Darby ang pangalan ko. Hindi ako ang hinahanap niyong si Derrick Darby. Nagmula ako sa ibang lupain. Dumaan lamang ako sa burol na iyon nang bigla akong hulihin ng mga tauhan mo at dalhin dito.”Huh?Kumunot ang noo ng Old Master Stanford.Hindi mapigilang maglakad ni Gerald palapit at muli nitong binatukan si Darryl, sumigaw siya. “Iyan pa rin ang sinasabi mo hih? Bakit wala ka pa ring hiya sa puntong ito? Ano ang tungkol sa Darryl Darby na iyon at sa ibang lupain? Gusto mo talagang mabugbog!”Lumingon ito para kausapin ang Old Master Stanford. “Sumusobra na siya sa puntong ito, Old Master Stanford. Suhestiyon kong parusahan siya at bigyan ng maliit na leksyon.”Motherf*cker. Mapaparusahan ako dahil sa sinabi kong iyon?Nagulat
Habang napapaisip ang lalake, nakalimutang i-lock ni Sheniqua ang pinto. Tahimik siyang lumabas.Biglang nakita ang sampung anyong nakasuot ng itin na damit, tumatawid ang mga ito sa pader. Nakatakip ang kanilang mukha at hindi mahirap makitang mga bandito sila.“Argh!”Nakakabinging sumigaw si Sheniqua nang makita niya ang mga tao. Subalit nahuli siya at sinukluban ng mga bandito. Matapang na umangil ang pinuno ng grupo. “Huwag kang mag-iingay, kundi ay papatayin kita.”Dinikit niya ang mahabang espada sa leeg ni Sheniqua. Kasing lamig ng yelo ang patalim, nanginig at namutla sa takot ang babae.Napakunot sa sarili si Darryl. ‘Hay*p. Isa bai tong nakawan?’Sa puntong iyon, nadiskubre rin ng mga bandito si Darryl. Dali-dali silang lumapit at iginapos ang mga kamay nito.Sa parehong sandali, narinig ang mga pag-iyak mula sa great hall ng Stanford mansion at nagkagulo ang mga tao.“Mayroong mga pag-atake ng bandito!”“Pakiusap, tulungan ninyo kami!”Sa pagkakataong iyon, malami
Nanginig sa galit ang Old Master Stanford at tinuro niya si Herod. “Ikaw… Maayos ang katayuan mo, Heord Houllier. Hindi ka ba natatakot maging katatawanan dahil sa paggamit sa mahinang babae bialng panakot? Pakawalan mo siya ngayon.”Matanda na siya nang maging anak niya ang babae at walang hanggan ang pagmamahal niya rito. Paano niya mapipigilan ang kaniyang galit kung nakita niyang tinatakot ni Herod si Selina gamit ang patalim?Tinatag ng Old Master Stanford si Selina nang magsalita siya. “Huwag kang mag-alala, Selina! Nandito ako!”Lubhang mas malakas si Selina kumpara sa inaasahan. Walang kaba na makikita sa kaniyang mukha. Sa halip, hindi makatotohanan ang pagiging kalmado niya.Kinausap niya ang Old Master Stanford. “Huwag kang mag-alala sa akin, Ama. Isa pa, hindi na rin namana ko magtatagal sa mundo dahil sa sakit ko. Hayaan mong patayin nila ako kung gusto nila. Wala tayong ibibigay na pagmamay-ari ng Stanfords sa mga gungong na ito.”Sigh…Hindi kalmdo ang Old Master S