Nang sabihin niya iyon, tiningnan ni Archfiend Antigonus si Logan gamit ang naglalagablab niyang tingin na naglabas ng napaktinding opresyon sa kaniyang mga mata.“Ako—"Hindi pa rin nakapagdesisyon si Logan noong mga sandaling iyon. Pero nang makita ng kaniyang mga mata si Archfiend Antigonus, biglang nanginig ang buo niyang katawan habang lumuluhod sa harapan nito. “Nakahanda akong tulungan ang kamahalang si Archfiend Antigonus na tumawid sa apoy at tubig at gawin ang lahat para mapagsilbihan kayo.”Pagkatapos niyang timbangin ang mga pros at cons, napagdesisyunan na rin ni Logan na tulungan si Archfiend Antigonus.Agad namang tumawa sa kalangitan si Archfiend Antigonus nang marinig niya ang pagsangayon ni Logan. At pagkatapos ay sumasangayon siyang tumango rito, “Magaling! Karapat dapat ka talagang ilagay sa tamang landas kaya ipagkakatiwala ko na sa iyo ang lahat.”“Masyado naman po kayong mabait.” Magalang na sinabi ni Logan.Pagkatapos ng ilang minuto, agad na nilagay ni lo
“Napakabagal…”Napanguso na lang si Cloud Spirit nang makita niya si Darryl. Hindi na naitago pa ng maganda niyang mukha ang kaniyang pagkainis. “Bakit ang tagal mo.”Kahit na nagpunta siya sa Black Swamp kasama ni Darryl bago tagumpay na makuha ang Ghost Spirit Herb na kanilang ibinigay kay Empress Heidi, hindi pa rin nagimprove ang relasyon ng dalawa sa isa’t isa. Mas tumindi pang hinanakit ni Cloud Spirit kay Darryl noong mga sandaling iyon.Wala namang naging pakialam si Darryl sa kawalan ng pasensya ni Cloud Spirit. Ngumiti lang ito habang nagtatanong ng, “Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo.”Hindi naman nagdalawang isip si Cloud Spirit na magsalita. Dito na niya sinabing, “Naubos na ang Sedation Pill sa Jade Fairyland at ang mga manggagamot ay kasalukuyan ngayong nagpapalakas nang magisa. Maaari mo ba akong tulungan na gumawa ng ilang piraso nito.”Ang Sedation Pill ay isang gamot na makatutulong sa pagpapakalma at pagmemeditate ng isang tao. Araw araw itong iniinom ni
Hindi naman nakatulong ang ipinakitang asal ni Cloud Spirit sa galit ni Princess Sheila. Mabilis itong naglakad paabante para sampalin si Cloud Spirit.Slap!Ginamit ni Princess Sheila ang buo niyang lakas para gawin ang sampal na iyon. Isang iyak naman ng babae ang narinig sa paligid habang napapaatras si Cloud Spirit. Agad na nagpakita ang isang marka ng palad sa malambot nitong mukha.“Mahal na prinsesa…” Hawak ni Cloud Spirit sa kaniyang mukha habang nakakaramdam ng pagkadehado sa kaniyang sarili, pero wala pa rin siyang sinabi na kahit ano. “Ano po ang nagawa ko?”“Ano sa tingin mo?”Dito na nagpamaiwang si Princess Sheila habang sumisigaw ng, “Si Barely Immortal ang master ng aking kapatid pero nagawa mo pa rin siyang bastusin. Kaya hindi ba’t dapat lang na bugbugin kita ngayon?“Nagpunta rin ako rito para matuto sa kaniya ngayong umaga pero inistorbo mo kami. Kaya maituturing mo nang magaan na parusa ang sampal na iyan.”Ano?Natigilan dito si Cloud Spirit. Palaging nagi
Woosh!Nang sandaling iyon, dahan-dahang nagapkita ang dalawang anyo, hindi kalayuan sa sirang sasakyan.Nakasuot ng itim na robe at matangkad na itim na sombrero ang isa sa kanila. Kasing putla ng papel ng balat nito. Mayroon namang hindi makatotohanang anyo ang isa na naglalaho. Tira-tira ito ng kaluluwa.Totoong iyon ang tagahatid ng mensahe, sina Logan at ang Archfiend Antigonus.Boom!Tiningnan ng Antigonus ang sunog na katawan ni Hacket sa sirang sasakyan at napakunot. “Iyan ba ang katawang nahanap mo para sa’kin?”Dinig ang pagkabigo sa boses nito.Nahiya si Logan pero maingat siyang sumagot. “Iyong Kamahalan, hindi naman masamang kumuha ng katawan na namatay pagtapos nitong lisanin ang Ghost World. Pinatalsik sa Nine Heavens ang kaluluwa mo pagtapos ng unang mong pagkamatay. Maaari mo lamang muling i-hulma ang iyong katawan paglipas ng halos 10,000 taon at kapag nahigot mo na ang kahalagahan ng langit at lupa!."“At nang panahong iyon, ilang buwan pa lamang ang nakalipa
Bilang isang napakataas na nilalang ng lahi ng mga fiend, nakita ng Archfiend Antigonus na dinulot ng mga taong iyon ang aksidenteng pumatay kay Hackett.Kahit na wala siyang ugnayan kay Hackett ay muli siyang nabuhay gamit ang mortal na katawan nito. Baka tadhanang pag-isahin silang dalawa at naramdaman niyang tungkulin niyang maghiganti para kau Hackett.Whoosh!Kaagad na nakita ang katawan ng Archfiend Antigonus nang sandaling iyon at kasing bilis ng kidlat niyan kinompronta ang mga tao.‘Wow, nakakamanghang bilis!’ Naisip ng mga ito.Nagulat si Kratos at ang mga kalalakihan. Nagmula si Hackett sa pangalawang henerasyong inapo ng isang prominenteng pamilya, pero noo’y maayos ang kalagayan ng pamilya. At para siyang isang basura dahil wala siyang kwenta. Paano niya nagawang maging makapangyarihan?Tatalikod na sana si Kratos para bumalik sa sasakyan sa pagkataranta, pero huli na ang lahat.Bang! Boom! Clang!Kahit na muling nabuhay ang Archfiend Antigonus gamit ang katawan ni
Subalit naging malamig ulit ang puso ni Skye nang maisip niya ang mga napagtagumpayan ni Hackett. “Dapat ay matagal nang patay ang basurang iyon. Wala siyang ibinigay sa akin!”Natawa at napatalon si Theodore sa kaniyang narinig. Umupo siya sa tabi ni Skye, at ipinalibot ang braso sa babae. “Kung ganoon, hindi karapat dapat ang basurang iyon na makatanggap ng atensyon mula sa’yo.” Sambit nito nang pumalibot sa katawan ng babae ang kaniyang braso. “Natural lang ang naging pagkamatay niya para sa atin.”Maganda ang mood ni Theodore. Sa mga nakalipas na taon, ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sakupin ang mga kumpanya pamilya Lambert. Subalit naging matigas si Hackett at tumanggi siyang pirmahan ang kasunduan.Walang ibang pagpipilian si Theodore kundi ang patayin siya. Hindi niya lamang makukuha ang mga ari-arian ng pamilya Lambert, pero mapapasakanya rin ang magandang asawa ni Hackett.Mas lalong nasabik si Theodore habang iniisip niya iyon. “Ilanga raw kitang hindi nak
Slap!Hindi nagdalawang-isip ang Archfiend Antigonus na sampalin si Skye habang natataranta siya. Buong lakas niyang sinampal ang babae. Napasigaw si Skye at paatras nalumipad ang kaniyang katawan sa layong mahigit sampung metro bago lumapag sa sahig!“Ikaw—”Takot at galit si Skye. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang isang kamay habang nakatitig siya sa Archfiend Antigonus, nagsalita siya. “Ikaw…sinaktan mo ako?”‘Dati ay tahimik lang ang basurang iyon at hindi ako kailanman sinigawan. Ngayon, sinampal niya ako?’ Naisip nito.“Bilang isang asawa, hindi ka naging matapat at nakipagsabwatan ka pa sa iyong kabit para patayin ang asawa mo. Hindi b akita dapat saktan?”Slap! Slap! Slap!Narinig sa buong kuwarto ang malutong na tunog, lumundag ang puso ni Theodore!‘Diyos ko po, madalas na waking kwenta at duwag ang basurang iyon. Hindi ko inasahang matindi siyang aatake sa babae.’ Naisip nito. “Hay*p!”“Anong lakas ng loob mo para saktan siya sa harap ko, Hackett?” Sigaw
Isa lamang ordinaryong lalake si Hacket Lambert na mayroong kakaibang karanasan at naging mas malakas.Habang nasa isip niya iyon, hindi maganda ang ngiti ni Theodore sa Archfiend Antigonus. “Tinawagan ko na sila.” Sambit nito, hindi maikukubli ang matapang niyang tono. “Huwag mo itong pagsisihan balang araw.”Umupo roon ang Archfiend Antigonus habang walang ekspresyon ang kaniyang mukha. “Magtawag ka ng mga tao hangga’t gusto mo.”Bluffing!Tahimik ang pagsinghal ni Theodore nang makita niya ang pag-arte ng lalake, tumahimik siya.“Theodore!” Medyo inilapit ni Skye si Theodore, kitang-kita ang kaniyang pagaalala. “Mapagkakatiwalaan ba ang taong tinawagan mo?” Takot niyang tiningnan ang Antigonus nang magsalita siya.Walang bahid ng takot si Skye kay Hackett. Pero sa mga hindi malamang dahilan, mukhang tuluyang nagbago si Hackett na para bang ibang tao na ang lalake. Matatakot ang mga tao na lapitan siya dahil sa aura na lumabas sa kaniyang katawan.“Huwag kang matakot!”Pinaka