Nang maisip nyia ang bagay na iyon, naglakad palapit si Darryl kay Jade Spirit bago siya magtanong ng, “Jadie, Jadie, kumusta ka na?”Naramdaman ni Jadie na para bang nagliliyab ang kaniyang katawan. Hindi natigil ang panginginig nito na para bang nawala na siya sa kaniyang sarili. At higit sa lahat, wala na siyang narinig na kahit ano sa mga sinasabi ni Darryl.“Ang init! Napakainit!”Agad siyang tumayo para yakapin si Darryl nang makita niya itong papalapit sa kaniya. Nawala na sa tamang pagiisip si Jadie nang dahil sa tindi ng init sa kaniyang katawan kaya wala na siyang nagawa kundi maghanap ng kahit na anong makapagpapalamig sa kaniyang temperatura.Nang yakapin siya ni Jadie, agad na naramdaman ni Darryl na para bang malulusaw ang kaniyang mga buto na sinabayan ng mabagong amoy na kaniyang nalanghap. Hindi na niya naiwasan pang mapalunok nang maramdaman niya ang napakagandang katawan ni Jadie. “Well, sino nga ba ang magaakala na masyado palang sexy itong si Jadie, napakasarap
Mabilis namang bumagsak noong mga sandaling iyon ang suot na Kaleidoscope Mask sa mukha ni Darryl. Siguradong lumuwag ang pagkakakapit nito nang dahil sa tindi ng init na nagmula sa katawan ni Jadie. Hindi ito nakitang nahulog ni Darryl hanggang sa tuluyan itong natanggal sa kaniyang mukha.‘Buwisit! Natigilan nang husto ang utak ni Darryl nang makita niya ang maskara sa lupa. ‘Buwisit. Sira na ang aking pagpapanggap!’“Ikaw—” Narinig ni Jadie ang tunog kaya agad siyang napatingin sa direksyong iyon. Dito na niya nakita ang tunay na itsura ni Darryl. Nanginig nang husto ang kaniyang katawan habang nasusurpresang sinasabi na, “Ikaw… ikaw si Darryl?”Bihira lang umalis si Jadie sa Jade Fairyland kaya halos imposible para ritong makilala si Darryl. Pero nagawa nang imbitahan ni Prince Aurin si Darryl sa Jade Fairyland noong maging master niya ito kaya nagawa siyang makita ni Jadie mula sa malay noong mga sandaling iyon. Naalala niya si Darryl nang dahil sa espesyal nitong pagkatao gaya
“Sino iyan?”“Sinong nandiyan?”Papasok na sana si Princess Sheila sa kuwarto ni Darryl nang makasalubong niya ang mga nagpapatrolyang mga bantay. At dahil malalim na ang gabi, hindi nagawang makita ng mga bantay kung sino ang nasa kanilang harapan kaya agad nila itong sinigawan.Dito na nagalit at sumigaw pabalik ang nakapamaiwang na si Princess Sheila. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang ako lang ito?”Agad na nagulat ang mga bantay nang marinig ng isa sa kanila ang boses ni Princess Sheila. Mabilis siyang yumuko para magbigay ng respeto habang lumulunok sa kaniyang sarili.“Kayo lang po pala ito, mahal na prinsesa. Pasensya na po kayo.”“Patawarin niyo po sana ako. Patawarin niyo po kami sa pagiging bulag.”Nagmamadali na si Princess Sheila na lokohin si Darryl kaya hindi na siya nagpaistorbo pa sa mga bantay na humihingi ng tawad sa kaniya. “Sige, umalis na kayo sa harapan ko!”“Opo. Opo!”Mabilis namang sumagot ang mga bantay bago ito magsitalikod para umalis. Dito na pu
Malapit nang makarating sa pinto si Darryl nang magsimula si Princess Sheila na bumulong sa kaniyang sarili. Dito na nakaramdam si Darryl ng mali sa paligid nang walang kahit na anong dahilan. ‘Ano ang nangyayari? Bakit nararamdaman ko na mayroong nanonood sa akin?’ Agad naman siyang tumawa habang iniiling ang kaniyang ulo. ‘Maaaring masyado lang akong sensitive matapos malaman ni Jadie ang tunay kong pagkakakilanlan.’Papasok na sana si Darryl sa pinto habang naglalaro ang bagay na iyon sa kaniyang isip nang bigla siyang madulas sa patibong. Hindi na siya nakapagreact pa kaya tuluyan na siyang nahulog dito.‘Buwisit!’ Galit nitong sinabi. ‘Sino ang naghukay ng ganito kalalim na butas sa harapan ng aking pinto? Siguradong malakas ang loob ng taong iyon!’At nang mahulog siya sa ilalim ng butas, agad niyang idiniretso ang kaniyang katawan habang itinatayo ang kaniyang sarili para maghandang lumipad palabas sa butas.Isang malakas na tawa ang bigla niyang narinig sa tuktok ng butas n
Empress?Agad na nagpalitan ng tingin ang mga bantay sa kanilang narinig habang nagpapakita ng hindi mabasang itsura ang kanilang mga mukha.Nagbaba ng isang utos ang palasyo na hulihin ang sinumang tatawag sa kaniyang sarili na Empress. At sinabi rin na ang babaeng gagawa nito ang isa sa mga nagpapanggap na miyembro ng pamilya Carter.Dito na tumingin ang pinuno ng mga bantay kay Ambrose habang malakas itong nagtatanong ng, “At sino ka naman?”“Ambrose Darby!” Kalmadong sagot ni Ambrose.Dito na nagbago ang itsura ng pinuno ng gma bantay habang galit at gulat itong sumisigaw ng, “Kung ganoon ay ikaw pala ang anak ni Darryl Darby! Tama gna ang hinala ko. Halikayo rito! Pabagsakin ninyo ang dalawang ito ngayundin!”Agad na binunot ng mga bantay ang kanikanilang mga espada nang marinig nila ang utos bago sumugod papunta sa direksyon nina Ambrose at Shannon.Buwisit…Dito na napasimangot si Ambrose.Kasabay nito ang pagapaw ng hindi na mapigilan pang galit sa dibdib ni Shannon ha
Isang grupo ng mga mangmang.Napasimangot na lang ang nauubusan ng pasensyang si Ambrose habang sinasabi na, “Niloko kayong lahat ni Zack, mga mangmang! Ibuka ninyo ang inyong mga mata at tingnan niyo ang babae sa inyong harapan—Empress ninyo ang nakatayo sa aking likuran! Hindi siya namatay! Nagsinungaling lang si Zack para nakawin ang trono mula sa kaniya!”Magsinungaling?”Dito na napatingin ang lahat maging ang kapitan at ang mga nakapaligid na bantay bago ibaling ang kanilang mga paningin kay Shannon.Well… kung titingnan ang itsura at ang aura nito, naging kamukha nga ito ng kanilang Empress.Maaari kayang nagsasabi ng katotohanan si Ambrose? Na nagsinungaling si Zack sa lahat?Dito na tumigil ang lahat sa pakikipaglaban para isipin ang bagay na iyon.“Itigil mo na ang mga kasinungalingan mo, Ambrose.”Dito na nila naringin ang isang galit na sigaw mula sa palasyo habang sumusugod ang libolibong mga bantay paabante na pinamunuan ng isang imahe.Nakasuot ito ng gintong ro
Clang clang…Kumaway si Ambrose sa mga sundalong sumusugod sa kaniya habang nagliliwanag nang ginto ang paligid nang dahils a hawak niyang Tyrant Hammer. Masyadong overwhelming ang nakakatakot na enerhiyang nagmumula sa kaniya kaya nagawa niyang pabagsakin ang isang daang mga tao sa sarili nilang mga dugo sa loob lang ng kulang kulang isang minuto.Dito na sumugod ang mga tao sa paligid para tingnan ang mga nangyayari nang marinig nila ang balita tungkol sa laban.Hiss!Hindi naiwasang mapabuntong hininga ng mga tao sa paligid nang makita nilang makipaglaban si Ambrose nang magisa sa isang grupo ng mga sundalo.“Hindi nga basta basta ang binatang ito, nagawa niyang umatake sa napakaraming mga bantay!”“Narinig ko na anak daw siya ni Darryl Darby at ito rin daw ang kasalukuyang namamahala sa Elysium Gate. Hindi ko inasahan na magkakaroon ito ng napakatinding aura na kagaya nito…”“Tama ka riyan…”Habang nasa gitna ng kanilang mga pagiyak, marami ring mga kababaihan ang nabiktima
“Zack!”Hindi na halos mapigilan pa ni Shannon ang kaniyang galit noon habang sumisigaw kay Zack ng. “Ang lakas ng loob mong magtaksil at magsinungaling sa iyong mga tao nang nakawin mo ang trono mula sa akin. Pagbabayaran mo ang lahat ng ito.”“Heh heh…” Dito na tuluyang naging bastos ang itsura ni Zack. Umabante ito ng ilang hakbang bago bumulong sa tainga ni Shannon, “Hindi na importante ang tungkol sa bagay na ito, Shannon Long. Hindi ka na Empress ngayon, at nasa ilalim ko na rin ang kontrol sa buogn city. Wala ring kahit na sinoa ng maniniwala na ikaw ang tunay na Empress. Ituturing ka na nila ngayon bilang isang miyembro ng pamilya Carter. Ito na talaga ang kapalaran mo kung ano ang tatanungin, Ha ha…”Agad na nanlamig ang itsura ni Zack habang tumatawa ito kay Shannon. “Itapon ninyo sa dungeon ang dalawang ito, bibitayin natin sila sa harap ng publiko sa loob ng tatlong araw.”“Opo!”Nagmamadaling humakbang ang mga bantay nang marinig nila ang utos para dalhin ang dalawa s