Empress?Agad na nagpalitan ng tingin ang mga bantay sa kanilang narinig habang nagpapakita ng hindi mabasang itsura ang kanilang mga mukha.Nagbaba ng isang utos ang palasyo na hulihin ang sinumang tatawag sa kaniyang sarili na Empress. At sinabi rin na ang babaeng gagawa nito ang isa sa mga nagpapanggap na miyembro ng pamilya Carter.Dito na tumingin ang pinuno ng mga bantay kay Ambrose habang malakas itong nagtatanong ng, “At sino ka naman?”“Ambrose Darby!” Kalmadong sagot ni Ambrose.Dito na nagbago ang itsura ng pinuno ng gma bantay habang galit at gulat itong sumisigaw ng, “Kung ganoon ay ikaw pala ang anak ni Darryl Darby! Tama gna ang hinala ko. Halikayo rito! Pabagsakin ninyo ang dalawang ito ngayundin!”Agad na binunot ng mga bantay ang kanikanilang mga espada nang marinig nila ang utos bago sumugod papunta sa direksyon nina Ambrose at Shannon.Buwisit…Dito na napasimangot si Ambrose.Kasabay nito ang pagapaw ng hindi na mapigilan pang galit sa dibdib ni Shannon ha
Isang grupo ng mga mangmang.Napasimangot na lang ang nauubusan ng pasensyang si Ambrose habang sinasabi na, “Niloko kayong lahat ni Zack, mga mangmang! Ibuka ninyo ang inyong mga mata at tingnan niyo ang babae sa inyong harapan—Empress ninyo ang nakatayo sa aking likuran! Hindi siya namatay! Nagsinungaling lang si Zack para nakawin ang trono mula sa kaniya!”Magsinungaling?”Dito na napatingin ang lahat maging ang kapitan at ang mga nakapaligid na bantay bago ibaling ang kanilang mga paningin kay Shannon.Well… kung titingnan ang itsura at ang aura nito, naging kamukha nga ito ng kanilang Empress.Maaari kayang nagsasabi ng katotohanan si Ambrose? Na nagsinungaling si Zack sa lahat?Dito na tumigil ang lahat sa pakikipaglaban para isipin ang bagay na iyon.“Itigil mo na ang mga kasinungalingan mo, Ambrose.”Dito na nila naringin ang isang galit na sigaw mula sa palasyo habang sumusugod ang libolibong mga bantay paabante na pinamunuan ng isang imahe.Nakasuot ito ng gintong ro
Clang clang…Kumaway si Ambrose sa mga sundalong sumusugod sa kaniya habang nagliliwanag nang ginto ang paligid nang dahils a hawak niyang Tyrant Hammer. Masyadong overwhelming ang nakakatakot na enerhiyang nagmumula sa kaniya kaya nagawa niyang pabagsakin ang isang daang mga tao sa sarili nilang mga dugo sa loob lang ng kulang kulang isang minuto.Dito na sumugod ang mga tao sa paligid para tingnan ang mga nangyayari nang marinig nila ang balita tungkol sa laban.Hiss!Hindi naiwasang mapabuntong hininga ng mga tao sa paligid nang makita nilang makipaglaban si Ambrose nang magisa sa isang grupo ng mga sundalo.“Hindi nga basta basta ang binatang ito, nagawa niyang umatake sa napakaraming mga bantay!”“Narinig ko na anak daw siya ni Darryl Darby at ito rin daw ang kasalukuyang namamahala sa Elysium Gate. Hindi ko inasahan na magkakaroon ito ng napakatinding aura na kagaya nito…”“Tama ka riyan…”Habang nasa gitna ng kanilang mga pagiyak, marami ring mga kababaihan ang nabiktima
“Zack!”Hindi na halos mapigilan pa ni Shannon ang kaniyang galit noon habang sumisigaw kay Zack ng. “Ang lakas ng loob mong magtaksil at magsinungaling sa iyong mga tao nang nakawin mo ang trono mula sa akin. Pagbabayaran mo ang lahat ng ito.”“Heh heh…” Dito na tuluyang naging bastos ang itsura ni Zack. Umabante ito ng ilang hakbang bago bumulong sa tainga ni Shannon, “Hindi na importante ang tungkol sa bagay na ito, Shannon Long. Hindi ka na Empress ngayon, at nasa ilalim ko na rin ang kontrol sa buogn city. Wala ring kahit na sinoa ng maniniwala na ikaw ang tunay na Empress. Ituturing ka na nila ngayon bilang isang miyembro ng pamilya Carter. Ito na talaga ang kapalaran mo kung ano ang tatanungin, Ha ha…”Agad na nanlamig ang itsura ni Zack habang tumatawa ito kay Shannon. “Itapon ninyo sa dungeon ang dalawang ito, bibitayin natin sila sa harap ng publiko sa loob ng tatlong araw.”“Opo!”Nagmamadaling humakbang ang mga bantay nang marinig nila ang utos para dalhin ang dalawa s
Ilang taong nang nasa mundo ng mga cultivator si Darryl kay natural lang na maintindihan niya kung ano ang iniisip ni Princess Sheila. Pero nabahala pa rin siya noong mga sandaling iyon.“Prinsesa!”Mapait na tawa ni Darryl habang nanlulumong sinasabi na, “Kumalma po kayo, wala po akong intensyon na magsinungaling sa inyo.”“Walang intensyon?” Dito na naoverwhelm ng kaniyang emosyon si Princess Sheila. “Alam mo ba na ilang araw na kitang hinahanap pero nagawa mo pa ring itago ang katotohanan sa akin. Hindi ba’t wala nang kasing sama ang ginawa mong ito sa akin?”Dito na nagpatuloy sa kaniyang pagtatanong si Princess Sheila. “Bakit naman nagkunwari ka na isang matandang lalaki?”Well…Nagisip ng isang sandali si Darryl bago ito sumagot ng, “Mayroon akong mga rason kung bakit ko ito nagawa, Mahal na prinsesa. Isipin mo na lang ang mga maaring mangyari kung babalik ako sa rito gamit ang tunay kong mukha, siguradong magaalala ang Empress sa sandaling magpunta ako sa Jade Fairyland ga
Agad na hinila ni Princess Sheila si Darryl para yakapin at halikan.Pagkatapos nang nangyari sa kanilang dalawa noon, agad nang bumukas ang puso ni Princess Sheila kaya wala na itong balikan. Hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili.Dito na nanginig ang buong katawan ni Darryl habang nabablangko ang kaniyang isipan na para bang tinamaan siya ng isang kidlat.“Prinsesa…” Agad na nahimasmasan si Darryl pero mabilis siyang itinulak ni Princess Sheila papunta sa dulo ng bath tub nang sabihin niy aang salitang iyon, hindi na ito makapaghintay pa habang napapakagat siya sa kaniyang labi at unti unting ibinababa ang kaniyang katawan."Ugh!"Dito na nabalot ng kaakit akit na mga ungol ang buong kuwarto.…Samantala, Sa Ghost World.Ilang milya mula sa labas ng Underground Main Hall na nakaharap sa Northwest matatagpuan ang isang misteryoso at kulay itim na building. Makikita sa gitna ng nitoa ng isang dambuhala at bilog na altar na napaligiran naman ng ilang mga batong pinto, m
Arogante namang tumawa si Antigonus nang makita niya ang reaksyon ni Logan.Phew!Dito na nahimasmasan si Logan kaya naisipan na nitong umalis para makipagkita at ireport ang sitwasyon kay Ileana.“Bakit ngayon pa?”Kalmadong tanong ni Antigonus, “Irereport mo ba ang nangyari sa King of the Dead?”Dito na tumigil sa paglalakad si Logan, agad niyang pinigilan ang kaniyang takot habang sinasabi na, “Tama, kinakailangan kong ireport ang ganitong mga bagay sa hari para sundin ang kaniyang utos.”Kalmado namang sumagot si Antigonus ng, “At pagkatapos ano? Ano ang gagawin ng hari sa sandaling malaman niya ito? Ikukulong niya ang aking kaluluwa?”Nagpakita ng iba’t ibang emosyon si Logan pero hindi pa rin niya nagawang sumagot. Pero sapat na ang kaniyang katahimikan para rito.Siguradong magugulantang ang buong mundo sa sandaling kumalat ang balita na buhay pa si Archfiend Antigonus."Ha ha…"Nang makita niya ang tahimik na pagsangayon si Logan, agad namang tumawa si Antigonus para
Nang sabihin niya iyon, tiningnan ni Archfiend Antigonus si Logan gamit ang naglalagablab niyang tingin na naglabas ng napaktinding opresyon sa kaniyang mga mata.“Ako—"Hindi pa rin nakapagdesisyon si Logan noong mga sandaling iyon. Pero nang makita ng kaniyang mga mata si Archfiend Antigonus, biglang nanginig ang buo niyang katawan habang lumuluhod sa harapan nito. “Nakahanda akong tulungan ang kamahalang si Archfiend Antigonus na tumawid sa apoy at tubig at gawin ang lahat para mapagsilbihan kayo.”Pagkatapos niyang timbangin ang mga pros at cons, napagdesisyunan na rin ni Logan na tulungan si Archfiend Antigonus.Agad namang tumawa sa kalangitan si Archfiend Antigonus nang marinig niya ang pagsangayon ni Logan. At pagkatapos ay sumasangayon siyang tumango rito, “Magaling! Karapat dapat ka talagang ilagay sa tamang landas kaya ipagkakatiwala ko na sa iyo ang lahat.”“Masyado naman po kayong mabait.” Magalang na sinabi ni Logan.Pagkatapos ng ilang minuto, agad na nilagay ni lo