"Patayin ang apoy ngayon din!" Nawalan na ng pasensya si Darryl. Humakbang siya at sinigawan si Princess Sheila. "Huwag ka ngang magtanga-tangahan. Alam mo ba na baka maging dahilan yun ng catastrophe?"Papunta na siya para patayin ang apoy. Gayunpaman, nakialam si Princess Sheila at pinigilan siya. Huminto siya sa tapat kaldero at hinawi si Darryl sa tabi. "Nakakainis kang matanda ka! Pagmamay ari ng kuya ko ang elixir production room, kaya akin din 'to. Gagawin ko ang kahit na anong gusto ko, at wala kang boses sa gano'ng bagay."Tinulak niya si Darryl ng ilang metro paatras. Talagang hindi siya nakapagsalita. Sa parehong oras, may aksidenteng nahulog na kung ano at lumikha ng malakas na ingay. Ang bagay ay ginto at may nakaukit na mga letra rito. Ito ang Gold Emperor Token na nakuha niya kanina mula sa Black Swamp. Sina Princess Sheila at Jadie Spirit ay nag-pokus sa gintong token. "Ano 'yan?" Nag-react si Princess Sheila at nagmadali para pulutin ito pagkalipas ng dalawang se
Walang kaideideya si Jade Spirit hanggang sa punto na iyon na masyadong mapanganib ang paggawa ng mga elixir. Agad na humalo ang malamig na hangin sa apoy na nagpaasul sa dating pula nitong kulay habang unti unting umaangat ang pagasa sa kaniyang dibdib.‘Ano ang nangyayari?’ Agad na nagpanic si Jadie nang magbago ang kulay ng apoy. Dito niya lang narealize ang pagkakamali na kaniyang nagawa. Sinubukan niyang patayin ang apoy pero huli na ang lahat.Matapos tamaan ng malamig na simoy ng hangin, mabilis na sumabog ang nagliliyab sa pulang kaldero bago pa man ito magawang lapitan ni Jadie. Agad siyang nakarinig ng mababang pagdagundong. Tumalsik si Jadie ng ilang dosenang beses nang dahil sa lakas ng shockwave na tumama sa kaniyang katawan bago siya tuluyang magcollapse. Mabilis namang naging turquoise ang kulay ng apoy bago pa man siyta makatay. At habang kumakalat ang apoy sa paligid, unti unti nitong narating si Jadie.Nanginig ang kaniyang katawan nang maramdaman niya ang tindi ng
Nang maisip nyia ang bagay na iyon, naglakad palapit si Darryl kay Jade Spirit bago siya magtanong ng, “Jadie, Jadie, kumusta ka na?”Naramdaman ni Jadie na para bang nagliliyab ang kaniyang katawan. Hindi natigil ang panginginig nito na para bang nawala na siya sa kaniyang sarili. At higit sa lahat, wala na siyang narinig na kahit ano sa mga sinasabi ni Darryl.“Ang init! Napakainit!”Agad siyang tumayo para yakapin si Darryl nang makita niya itong papalapit sa kaniya. Nawala na sa tamang pagiisip si Jadie nang dahil sa tindi ng init sa kaniyang katawan kaya wala na siyang nagawa kundi maghanap ng kahit na anong makapagpapalamig sa kaniyang temperatura.Nang yakapin siya ni Jadie, agad na naramdaman ni Darryl na para bang malulusaw ang kaniyang mga buto na sinabayan ng mabagong amoy na kaniyang nalanghap. Hindi na niya naiwasan pang mapalunok nang maramdaman niya ang napakagandang katawan ni Jadie. “Well, sino nga ba ang magaakala na masyado palang sexy itong si Jadie, napakasarap
Mabilis namang bumagsak noong mga sandaling iyon ang suot na Kaleidoscope Mask sa mukha ni Darryl. Siguradong lumuwag ang pagkakakapit nito nang dahil sa tindi ng init na nagmula sa katawan ni Jadie. Hindi ito nakitang nahulog ni Darryl hanggang sa tuluyan itong natanggal sa kaniyang mukha.‘Buwisit! Natigilan nang husto ang utak ni Darryl nang makita niya ang maskara sa lupa. ‘Buwisit. Sira na ang aking pagpapanggap!’“Ikaw—” Narinig ni Jadie ang tunog kaya agad siyang napatingin sa direksyong iyon. Dito na niya nakita ang tunay na itsura ni Darryl. Nanginig nang husto ang kaniyang katawan habang nasusurpresang sinasabi na, “Ikaw… ikaw si Darryl?”Bihira lang umalis si Jadie sa Jade Fairyland kaya halos imposible para ritong makilala si Darryl. Pero nagawa nang imbitahan ni Prince Aurin si Darryl sa Jade Fairyland noong maging master niya ito kaya nagawa siyang makita ni Jadie mula sa malay noong mga sandaling iyon. Naalala niya si Darryl nang dahil sa espesyal nitong pagkatao gaya
“Sino iyan?”“Sinong nandiyan?”Papasok na sana si Princess Sheila sa kuwarto ni Darryl nang makasalubong niya ang mga nagpapatrolyang mga bantay. At dahil malalim na ang gabi, hindi nagawang makita ng mga bantay kung sino ang nasa kanilang harapan kaya agad nila itong sinigawan.Dito na nagalit at sumigaw pabalik ang nakapamaiwang na si Princess Sheila. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang ako lang ito?”Agad na nagulat ang mga bantay nang marinig ng isa sa kanila ang boses ni Princess Sheila. Mabilis siyang yumuko para magbigay ng respeto habang lumulunok sa kaniyang sarili.“Kayo lang po pala ito, mahal na prinsesa. Pasensya na po kayo.”“Patawarin niyo po sana ako. Patawarin niyo po kami sa pagiging bulag.”Nagmamadali na si Princess Sheila na lokohin si Darryl kaya hindi na siya nagpaistorbo pa sa mga bantay na humihingi ng tawad sa kaniya. “Sige, umalis na kayo sa harapan ko!”“Opo. Opo!”Mabilis namang sumagot ang mga bantay bago ito magsitalikod para umalis. Dito na pu
Malapit nang makarating sa pinto si Darryl nang magsimula si Princess Sheila na bumulong sa kaniyang sarili. Dito na nakaramdam si Darryl ng mali sa paligid nang walang kahit na anong dahilan. ‘Ano ang nangyayari? Bakit nararamdaman ko na mayroong nanonood sa akin?’ Agad naman siyang tumawa habang iniiling ang kaniyang ulo. ‘Maaaring masyado lang akong sensitive matapos malaman ni Jadie ang tunay kong pagkakakilanlan.’Papasok na sana si Darryl sa pinto habang naglalaro ang bagay na iyon sa kaniyang isip nang bigla siyang madulas sa patibong. Hindi na siya nakapagreact pa kaya tuluyan na siyang nahulog dito.‘Buwisit!’ Galit nitong sinabi. ‘Sino ang naghukay ng ganito kalalim na butas sa harapan ng aking pinto? Siguradong malakas ang loob ng taong iyon!’At nang mahulog siya sa ilalim ng butas, agad niyang idiniretso ang kaniyang katawan habang itinatayo ang kaniyang sarili para maghandang lumipad palabas sa butas.Isang malakas na tawa ang bigla niyang narinig sa tuktok ng butas n
Empress?Agad na nagpalitan ng tingin ang mga bantay sa kanilang narinig habang nagpapakita ng hindi mabasang itsura ang kanilang mga mukha.Nagbaba ng isang utos ang palasyo na hulihin ang sinumang tatawag sa kaniyang sarili na Empress. At sinabi rin na ang babaeng gagawa nito ang isa sa mga nagpapanggap na miyembro ng pamilya Carter.Dito na tumingin ang pinuno ng mga bantay kay Ambrose habang malakas itong nagtatanong ng, “At sino ka naman?”“Ambrose Darby!” Kalmadong sagot ni Ambrose.Dito na nagbago ang itsura ng pinuno ng gma bantay habang galit at gulat itong sumisigaw ng, “Kung ganoon ay ikaw pala ang anak ni Darryl Darby! Tama gna ang hinala ko. Halikayo rito! Pabagsakin ninyo ang dalawang ito ngayundin!”Agad na binunot ng mga bantay ang kanikanilang mga espada nang marinig nila ang utos bago sumugod papunta sa direksyon nina Ambrose at Shannon.Buwisit…Dito na napasimangot si Ambrose.Kasabay nito ang pagapaw ng hindi na mapigilan pang galit sa dibdib ni Shannon ha
Isang grupo ng mga mangmang.Napasimangot na lang ang nauubusan ng pasensyang si Ambrose habang sinasabi na, “Niloko kayong lahat ni Zack, mga mangmang! Ibuka ninyo ang inyong mga mata at tingnan niyo ang babae sa inyong harapan—Empress ninyo ang nakatayo sa aking likuran! Hindi siya namatay! Nagsinungaling lang si Zack para nakawin ang trono mula sa kaniya!”Magsinungaling?”Dito na napatingin ang lahat maging ang kapitan at ang mga nakapaligid na bantay bago ibaling ang kanilang mga paningin kay Shannon.Well… kung titingnan ang itsura at ang aura nito, naging kamukha nga ito ng kanilang Empress.Maaari kayang nagsasabi ng katotohanan si Ambrose? Na nagsinungaling si Zack sa lahat?Dito na tumigil ang lahat sa pakikipaglaban para isipin ang bagay na iyon.“Itigil mo na ang mga kasinungalingan mo, Ambrose.”Dito na nila naringin ang isang galit na sigaw mula sa palasyo habang sumusugod ang libolibong mga bantay paabante na pinamunuan ng isang imahe.Nakasuot ito ng gintong ro