"Ano ang sinabi mo? ulitin mo nga ang mga sinabi mo," sumabog ang pangloob na enerhiya ni Rachel mula sa kanya. Napakalakas nito halos durugin nito si Darryl. Siya ay isang ika-apat na antas na Maestro Heneral! Ang pagiging nasa isang mataas na antas sa isang murang edad ay itinuturing na isang henyo.Hindi makahinga si Darryl. Si Abbess Mother Serendipity ay lubos na sinira ang kanyang kapangyarihan. Sa ngayon, siya ay isang ordinaryong tao lamang.Lumabas mula sa lawa si Sara at inakbayan si Rachel. "Itigil mo yan. Bakit mo kailangang gawin iyon? "Magaling si Darryl, sa mga mata ni Sara. Kung hindi dahil sa kanya, maaaring namatay na si Rachel, at tama siya tungkol sa Feng Shui ng lawa!Dahil doon, bumalik na si Rachel sa kanyang silid upang magpalit bago siya magtungo sa pag-aaral.Binabasa ni Zoran ang mga lumang manwal sa pag-aaral habang siya ay sabik na sumubok na makahanap ng isang paraan upang matulungan si Darryl na mabawi ang kanyang kapangyarihan.Lumapit si Rachel s
’Nandito si Ewan White?’ Nagtatakang tanong ni Rachel.Nagulat siya at mabilis niyang sinabi, "Tay, sasama ako sa iyo."Si Ewan White ay alagad ni Ophelia Lane. Galing din siya sa sikat na pamilyang White sa Mid City.Si Ewan at Rachel ay matalik na magkaibigan, at gustong gusto niya ito tila ba ay siya’y kaakit akit.Si Ophelia ay nakaupo sa sofa, isang sagisag ng biyaya sa kanyang kaakit-akit na katawan.Si Ewan, ang kanyang alagad, ay nakatayo sa likuran niya na nakasuot ng suit, sobrang gandang tignan.Si Ewan ay tagasunod ni Ophelia ng halos apat hanggang limang taon na at lubos na may kasanayan sa paggawa ng mga elixir."Ewan!" Masayang bati ni Rachel sa kanya. "Masaya akong makita ka! Hindi na natin nakikita ang isa’t isa, ilang taon na ang lumipas. Halos mamatay ako sa walang ginagawa! "Tumawa si Ewan. "Naging abala ako! Ngunit narito na ako! "Ngumiti si Ophelia. Inisip niya na sina Ewan at Rachel ay ipinagkaloob ng langit para sa isa’t isa.Lumakad si Zoran at bina
Tumango si Zoran at tumawa, “Parang kilala mo rin ang aking inaanak! Napagpasyahan kong pakasalan siya ni Rachel. "Si Ewan White ay hindi rin masama, ngunit siya ay hindi si Darryl Darby.Hindi ito kinaya n ani Rachel. Pinadyakan niya ang kanyang mga paa at sinabing, "Tay, sinabi ko na sa iyo. Hindi ko siya pakakasalan! Gusto ko si Ewan! Hindi ang manugang na iyon! " Mahigpit na hinawakan ni Rachel ang braso ni Ewan."Kalokohan!" Saway ni Zoran. "Paano mo susuwayin ang desisyon ng iyong ama! Ang pag-aasawa ay hindi isang bagay na pagpipilian mo. "Hindi mapakali si Rachel. Kinagat niya ang labi at sinabing, "Tay, hindi ko maintindihan. Anong maganda kay Darryl? Kung sa tingin mo siya ay isang henyo, hayaan mo siyang magkaroon ng kumpetisyon kasama si Ewan at tingnan natin kung sino ang mas mahusay sa kanilang dalawa. Kung manalo si Darryl, makikinig ako sa iyo. Ngunit kung manalo si Ewan, hahayaan mo akong pakasalan ko siya. "Natahimik si Zoran. Hindi niya inaasahan ang kanyang
Bumungisngis dito si Rachel, “Kahit ano? Kung ganoon ay magpapaligsahan tayo sa paggawa ng mga elixir.”Kahit na anong mangyari, kinakailangang matalo ni Darryl. Sinabi ng kaniyang ama na marunong si Darryl gumawa ng mga elixir, pero paano maggawang manalo ng talunang ito kay Ewan? Hangga’t magagawang manalo ni Ewan ay magagawa niya itong pakasalan.“Sige,” Walang pakialam na sinabi ni Darryl.Ngumiti naman dito si Ophelia. Masyadong naging kahanga hanga ang ginawang performance ni Darryl noong nakaraang Elixir Competition. Isa talaga siyang henyo pagdating sa larangang ito. Pero kung ikukumpara kay Ewan, milya milya ang naging layo ni Darryl sa ipinakita nitong kakayahan sa paggawa ng mga elixir.Umalis sila at pumasok sa elixir production room. Ang elixir production room ni Carter ang pinakapropesyunal na elixir production room sa buong Mid City, na naglalaman ng iba’t ibang mga kaldero at pambihirang mga herbs at sangkap sa paggawa ng elixir.Nang makapasok sila sa kuwarto, nar
“Sige, hayaan ninyong ipaliwanag ko ang mga rules sa kompetisyong ito,” sabi ng umuupong si Ophelia. “Ang sinumang makagawa ng pinakapambihirang elixir sa loob ng isang oras ang mananalo. Agad na matatalo ang sinumang hindi matatapos sa loob ng isang oras.”Tumingin siya sa kaniyang orasan para ayusin ito. “Your time starts…now.”Mabilis na nagreact dito si Ewan. Naglakad siya papunta sa ingredients section at sinukat ang bawat sangkap gamit ang kaniyang kamay. Napakaaccurate ng ginawa niyang pagsukat sa mga ito.Nagsindi siya ng apoy, isinalang ang mga sangkap at nagsimula sa paggawa ng kaniyang elixir. Maayos na dumaloy ang lahat at walang kahit na anong problemang nakita ang kahit na sino sa ginagawang elixir ni Ewan.Pinaligiran siya ng buong pamilya Carter, tiningnan nila nang maigi ang bawat paggalawa na ginagawa ni Carter habang tumatango bilang pagsangayon dito.“Hindi na ako magtataka kung bakit naging isa siyang disipulo ni Ophelia. Napakagaling ng kaniyang kamay sa pagg
Isang kulay gintong Elixir Cloud. Paano ito magagawang higitan ni Darryl?“Tanging isang henyong guro na kagaya ni Ophelia lang ang makakapaglabas ng isang napakahusay na estudyanteng kagaya nito!” Sabi ng isa sa mga taong nanonood habang nakatingin ang lahat kay Ophelia.Wala naman siyang sinabi na kahit ano habang humihigop ng kaniyang tsaa. Alam na niya kung gaano kahusay ang estudyante niyang si Ewan kaya inaasahan na niya ang bagay na ito.“Grabe, isang gintong Elixir Cloud!” Sabi ni Sara. Dito na siya lumingon kay Darryl at sinabing, “Dali na, Darryl, ayaw kong matalo tayo!”Ngumiti si Darryl pero hindi siya nagsalita ng kahit na ano, sa kaniyang loob ay nagawa niya ring purihin ang kalaban niyang si Ewan.Nangangailangan ang kahit na sino ng napakatinding husay sa paggawa ng mga elixir para makabuo ng isang kulay gintong Elixir Cloud. Kaya walang duda na naging ganito kaconfident si Ewan nang kalabanin siya nito.BAM!Dito na biglang nagvibrate muli ang kaldero ni Ewan. A
“Gusto mo bang mabugbog?” sigaw ni Ewan. Paano nagawa ng isang ito na bastusin ang kaniyang master?“Bumaba ka riyan, Ewan.” Utos ni Ophelia habang nakatingin kay Darryl. “Ano pang silbi ng pagyayabang sa mga sandaling ito? Nagawang bumuo ng aking disipulo ng isang gintong Elixir Cloud at isang Five Spirit Pill. Iniisip mo bang magagawa mo pa ring mahigitan iyon?"“Siyempre. Hindi pa naman tapos ang oras ko.” Sabi ni Darryl habang inaasikaso ang kaniyang kaldero.Dito na iniling ni Ophelia ang kaniyang ulo. “Tandaan mo na lang ang napagkasunduan natin. Kikilalanin mo ako bilang master sa sandaling matalo ka ni Ewan ngayon, at kailangan mo itong opisyal na gawin sa pamamagitan ng pagyuko sa aking harapan.”PSST! PSST! Binuksan ni Darryl ang takip ng kaldero. Dito na biglang lumabas ang init kasama ng amoy ng mga sangkap na kaniyang ginamit sa paligid.“Ano? Ano ang ginagawa niya? Isang napakalaking pagkakamali ang pagbubukas sa takip ng kaldero nang hindi pa naluluto nang tuluyan
“Grabe! Siguradong may isang tao na gumagawa ngayon ng isang napakapambihirang elixir!” Sabi ng isa sa mga taong nasa loob ng Mid City habang nakaturo sa kalangitan.Isa nang common knowledge ang pagpapalabas ng isang Elixir Cloud sa pagbuo ng mga elixir, pero hindi pa sila nakakakita ng isang elixir cloud na naglabas ng kidlat.Dito na tuluyang natahimik ang buong mansyon na pagmamayari ng mga Carter.Agad na bumagsak ang ngiti ni Rachel habang nanginginig sa sobrang gulat. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng dalawa niyang mga mata. Paano ito naging posible?Isa lang walang kuwentang manugang si Darryl. Kaya paano nito nagawang mahigitan ang husay ni Ewan sa paggaw ng mga Elixir? Nagulat dito nang husto si Rachel.BUZZ!Habang nagugulat ang lahat, mabilis namang nagsimula na kumulo nang agresibo ang kalderong ginagamit ni Darryl. Nahati sa dalawa ang kaldero at isang elixir pill ang lumabas kasabay ng ilang kidlat mula sa ulap na nasa ibabaw nilang lahat.Sinalo ito ni Darry