Isang kulay gintong Elixir Cloud. Paano ito magagawang higitan ni Darryl?“Tanging isang henyong guro na kagaya ni Ophelia lang ang makakapaglabas ng isang napakahusay na estudyanteng kagaya nito!” Sabi ng isa sa mga taong nanonood habang nakatingin ang lahat kay Ophelia.Wala naman siyang sinabi na kahit ano habang humihigop ng kaniyang tsaa. Alam na niya kung gaano kahusay ang estudyante niyang si Ewan kaya inaasahan na niya ang bagay na ito.“Grabe, isang gintong Elixir Cloud!” Sabi ni Sara. Dito na siya lumingon kay Darryl at sinabing, “Dali na, Darryl, ayaw kong matalo tayo!”Ngumiti si Darryl pero hindi siya nagsalita ng kahit na ano, sa kaniyang loob ay nagawa niya ring purihin ang kalaban niyang si Ewan.Nangangailangan ang kahit na sino ng napakatinding husay sa paggawa ng mga elixir para makabuo ng isang kulay gintong Elixir Cloud. Kaya walang duda na naging ganito kaconfident si Ewan nang kalabanin siya nito.BAM!Dito na biglang nagvibrate muli ang kaldero ni Ewan. A
“Gusto mo bang mabugbog?” sigaw ni Ewan. Paano nagawa ng isang ito na bastusin ang kaniyang master?“Bumaba ka riyan, Ewan.” Utos ni Ophelia habang nakatingin kay Darryl. “Ano pang silbi ng pagyayabang sa mga sandaling ito? Nagawang bumuo ng aking disipulo ng isang gintong Elixir Cloud at isang Five Spirit Pill. Iniisip mo bang magagawa mo pa ring mahigitan iyon?"“Siyempre. Hindi pa naman tapos ang oras ko.” Sabi ni Darryl habang inaasikaso ang kaniyang kaldero.Dito na iniling ni Ophelia ang kaniyang ulo. “Tandaan mo na lang ang napagkasunduan natin. Kikilalanin mo ako bilang master sa sandaling matalo ka ni Ewan ngayon, at kailangan mo itong opisyal na gawin sa pamamagitan ng pagyuko sa aking harapan.”PSST! PSST! Binuksan ni Darryl ang takip ng kaldero. Dito na biglang lumabas ang init kasama ng amoy ng mga sangkap na kaniyang ginamit sa paligid.“Ano? Ano ang ginagawa niya? Isang napakalaking pagkakamali ang pagbubukas sa takip ng kaldero nang hindi pa naluluto nang tuluyan
“Grabe! Siguradong may isang tao na gumagawa ngayon ng isang napakapambihirang elixir!” Sabi ng isa sa mga taong nasa loob ng Mid City habang nakaturo sa kalangitan.Isa nang common knowledge ang pagpapalabas ng isang Elixir Cloud sa pagbuo ng mga elixir, pero hindi pa sila nakakakita ng isang elixir cloud na naglabas ng kidlat.Dito na tuluyang natahimik ang buong mansyon na pagmamayari ng mga Carter.Agad na bumagsak ang ngiti ni Rachel habang nanginginig sa sobrang gulat. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng dalawa niyang mga mata. Paano ito naging posible?Isa lang walang kuwentang manugang si Darryl. Kaya paano nito nagawang mahigitan ang husay ni Ewan sa paggaw ng mga Elixir? Nagulat dito nang husto si Rachel.BUZZ!Habang nagugulat ang lahat, mabilis namang nagsimula na kumulo nang agresibo ang kalderong ginagamit ni Darryl. Nahati sa dalawa ang kaldero at isang elixir pill ang lumabas kasabay ng ilang kidlat mula sa ulap na nasa ibabaw nilang lahat.Sinalo ito ni Darry
Sa kabilang banda, natuwa naman nang husto si Sara! Niyakap niya ang braso ni Darryl habang pinupuri ito, “Napakagaling mo talaga! Sino ba ang magaakalang napakahusay mo pala sa paggawa ng mga elixir? Turuan mo naman ako sa susunod!”Ngumiti naman sa kaniya si Darryl at tumatangong sinabi na. “Sige, sige! Tuturuan kita pero huwag mo naman akong alugin nang husto. Hindi na ito kaya ng katawan ko.”Tumawa naman dito si Sara. Namula ito habang pinapakawalan si Darryl matapos makita ang paglapit ni Ophelia rito.Tumawa rito si Darryl, humanga siya rito habang tinitingnan ang napakaganda niyang katawan. “Natalo ka sa pustahan natin, Chairlady Lane. Kikilalanin mo na ba ako bilang iyong master sa pamamagitan ng pagyuko sa harapan ko?”Dito na namula ang mukha ni Ophelia.“Itigil mo na nga ang biro mo Darryl!” Sabi ni Zoran.Si Ophelia ang mahusay at napakalakas na Chairlady ng Jiangnan Elixir Association. Kaya paano nito magagawang yumuko at kilalanin ang isang binatang katulad ni Darr
Hindi mapakaling kinain ni Darryl ang herb sa kaniyang bibig.Nasabik siya nang husto matapos maisip ang pagbalik ng kaniyang lakas. Pero hindi pa rin nito nagagawang bumalik pagkalipas ng oras.Ano ang nangyayari?Nacucurious niyang tiningnan si Ophelia at nagtanong ng “Hindi po ba epektibo ang herb na ito, Chairlady Lane? Bakit wala pa rin po akong internal energy hanggang ngayon?” Nababagabag na itinanong ni Darryl.Maging si Zoran ay naguluhan dito. “Oo nga, bakit wala pa rin itong epekto?”Tumawa si Ophelia habang nakatinging sinasabi kay Darryl na. “Kailangan mo muna akong tawagin na Master.”“Opo, opo. Master.” Wala nang nagawa pa rito si Darryl. Nilagay niya ang pareho niyang mga kamay sa paligid ng kaniyang energy field at sinabing, “Wala po akong nararamdaman na kahit anong senyales ng nagbabalik kong internal energy.”Dahan dahang humigop ng tsaa si Ophela at nakangiting sinabi na. “Mabuti kong disipulo, hindi mo ba alam na may dalawang bahagi ang Nine Day Yin Yang He
“SIyempre, masusunod ang lahat ng gusto ko. Kailangan mong seryosohin ang bawat bagay na sasabihin ko,” Dagdag ni Ophelia. Alam niya na si Darryl ay parang isang ligaw na hayop na kinakailangan niyang turuan. Hindi kasi nito talaga gustong maging isa sa kaniyang mga disipulo.Kaya kinakailangan niyang maging istrikto kay Darryl, para hindi na siya mahirapan pa rito sa susunod.Dito na walang nagawa si Darryl kundi yumuko at sumagot ng, “Susundin kita.”Nasa kamay na ni Ophelia Lane ang pagbalik ng dati niyang lakas. Kinakailangan na niyang sundin ang bawat utos nito ngayon.Natuwa nang husto si Ophelia sa narinig niyang sagot ni Darryl. Ngumiti ito at tumatangong sinabi na, “Magaling aking disipulo.”Sa Mansyon ng mga Darby sa Donghai City, nabahala at nagalala nang husto si Lily. Nang magising ito matapos mawalan ng malay, nakita niya ang kaniyang sarili na nasa loob ng isang mansyon. Ang una niyang naging reaksyon ay ang pagalis sa lugar na ito, pero masyadong marami ang mga ban
Nagimpake si Darryl, pumara ng taxi at umalis papuntang Yunzhou City para kumbinsihin ang magkakapatid na Dixon. Kinakailangan niyang mapasali ang mga ito sa itatayo niyang sekta anuman ang mangyari. Hangga’t magagawa ng mga itong sumangayon, magagawa na rin ni Darryl ang unang hakbang sa pagtatayo ng sarili niyang sekta. Nagkulong ang apat na ito sa loob ng mansyon na pagmamayari ng mga Dixon na malapit lang sa mansyon na pagmamayari ng mga Carter.Nagring ang kaniyan cellphone habang sumasakay sa taxi. Napasimangot siya nang makita na mula ito kay Pearl Hahn. Siya ang ginawang in charge ni Darryl sa pamamahala ng Platinum Corporation. Pangkaraniwang tumatawag lamang ito kung mayroon siyang mga issue na hindi maresolba, na naging pambihira para sa kaniya.Nang sagutin niya ito, agad na nagsimula sa paglalabas ng problema ang nababagabag na si Pearl. “May masama po akong balita, Mr. President. Nagkaisa ang buong Donghai City para iboycott ang Platinum Corporation. Malaki na po ang na
Walang tigil na sumigaw ang apat kay Darryl. Kung hindi lang nakatali ang mga ito, kanina pa sana patay ang pumasok na si Darryl.Tumawa naman dito ang hindi nagsabi ng kahit na anong si Darryl. Hinayaan niyang maglabas ang tatlong ito ng kanikanilang mga galit.Nang malapit na silang matapos sa kasisigaw, humila siya ng isang upuan at umupo sa harap ng mga ito. “Sa paningin ninyong apat, dapat na akong mamatay dahil pinatay ko ang buong pamilya Dixon. Pero tatanungin ko kayo, maraming mga pinatay at ninakawan na inusenteng mga sibilyan ang pamilya Dixon. Karapat dapat din ba ang mga taong iyon na mamatay?”Dito na nagtinginan ang apat, hindi na sila nakasagot sa tanong ni Darryl. Tama nga ito. Kilala ang mga Dixon bilang pamilya na naghahasik ng kasamaan sa Yunzhou City ng napakaraming taon.Dito na nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita si Darryl, “At kayong apat! Hinayaan niyo ang mga Dixon na gawin ito! Alam niyo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa ninyo sa buong Yunzhou City?”