'Kahit pa kailanganin kong magpakasal sa taong hindi ko mahal, handa akong gawin yun para sayo." … Sa bahay ng mga Young. Kagaya ng nakasanayan, sobrang kalmado lang ng paligid sa loob ng mansyon. Binalita kaagad ni Yvonne na ikakasal na siya. Mula sa Langley Family ang papakasalan niya at ginawa niya lang yun para mailigtas si Darryl. Maging si Kingston ay hindi masyadong naiintindihan kung anong nagyari, "Gusto mo ba talagang pakasalan si Jeremy?" Alam ni Kingston kung gaano kamahal ni Yvonne si Darryl, at sa palagay niya ay hindi pa rin naman ito nakaka move on. Ilang beses na niyang nakita si Jeremy. Para sakanya, mukha itong matalino at alam niyang mayaman ang pamilya nito kaya kumpara kay Darryl, mas gusto niya si Jeremy. Mangiyak-ngiyak na sumagot si Yvonne. "Daddy, nakapag desisyon na po ako. Pwede niyo po ba akong tulungang ipakalat ang balitang to?" "Maganda kung ganun!" Sobrang saya ni Kingston na sa wakas ay ikakasal na ang anak niya kaya masaya siyang uma
Sa mansyon ng mga Lyndon. Umagang umaga pero sobrang tahimik ng paligid at tanging paghinga lang ni Darryl na halatang naghahabol ng hininga ang maririnig. Ilang oras na ring nagbabantay si Lily kay Darryl kaya noong oras na yun ay nakaramdam na siya ng pagod. Wala siyang ibang magawa kundi ang maghintay ng milagro na magising si Darryl at tatawagin siyang 'Honey'. Pero habang patagal ng patagal, paliit ng paliit ang pag-asang natitira sakanya. Creak. At bigla, nagbukas ng malakas ang pintuan at pumasok ang hinga na hingal na Yvonne. Wala na siyang sinayang na panahon at ipinakita niya kay Lily ang nagniningning na pill na hawak niya. "Lily, tignan mo kung anong dala ko!" "Yvonne, yan ang..." Masayang tumayo sa kinauupuan niya si Lily nang makita ang pill na hawak ni Yvonne. "Ito ang Nine Resurrection Pill!" Aligaga pero masayang sabi ni Yvonne. Pagkatapos, dumiretso siya sa tabi ni Darryl para ipainom ang pill. Ang Nine Resurrection Pill? Literal na hindi makahi
Pagkatapos ng masayang boses, naaninag naman ni Darryl ang isang magandang babae. Si Lily! Nang makita niyang namamaga ang mga mata nito kakaiyak, hindi niya mapigilang matawa. "Anong nangyari sayo, Lilybud? Bakit namumugto yang mga mata mo?" Hinawakan ni Lily ng mahigpit ang kamay ni Darryl, at muli, hindi niya nanaman napigilang umiyak sa sobrang saya. "Asawa ko.... salamat naman at gising ka na.... Akala ko talaga nawala ka na sa akin..." Mula noong nangyari ang insidente, hindi na natigil kakadasal si Lily na sana ay gumaling na si Darryl at magising na ito, at sa wakas, pinakinggan na siya ng langot at nagising na rin ito! Pero siyempre, walang ibang dapat pasalamatan kundi si Yvonne dahil siya anhg nagdala ng Nine Resurrection Pill. Nalungkot si Darryl nang maklita niyang umiiyak si Lily kaya maingat niyang hinimas ang balikat nito. "Tahan na, tahan na. Nandito na ako..." Masaya siyang ngumiti at nagpatuloy, "Isa pa, kakayanin ko bang mamatay ng wala pang nangyayari
Pagkakuha ni Darrul ng kanyang phone, agad niyang tinawagan si Katherine. "Miss Katherine, gising na po ako. Si Megan na po ba ang lalaban sa Golden Lion?" Aligagang tanong ni Darryl. Hindi makapaniwala si Katherine na naririnig niya ang boses ni Darryl at sa totoo lang ay sobrang saya niya. "Gising ka na?" Halos maiyak si Katherine sa sobrang saya. "Magandang balita yan! Masaya ako na okay ka na." 'Tanging ang Nine Resurrection Pill lang ang makakagamot kay Darryl. Ibig sabihin.... nahanap ng pamilya niya ang napaka makapangyarihang pill na yun?' Ang galing naman! Hindi pa rin napproseso ni Katherine ang mga nangyari at nahimasmasan lang siya nang marinig niya ang sumunod na sinabi ni Katherine. "Miss Katherine, pwede niyo po bang sabihin sa principal na tuparin niya ang pangako niya dahil ako naman talaga ang nanalo?" Tumungo si Katherine at paniguradong sinabi, "Wag kang mag alala. Ako mismo ang magsasabi sa principal. Nasa school siya ngayon kasama ang ibang mga mayay
Sh*t. Sobrang hindi inaasahan ni Darryl ang naging komosyon dahil una sa lahat ay hindi niya naman inaasahang magiging ganun siya kasikat. Pero ang nakakatawa sa lahat ay ang kilala ang mga elder ng anim na sect bilang makakapangyarihan at matataas na tao, pero ngayon para silang mga tinderong nagtatawag ng mamimili... Nakakatuwa lang panuurin. Nakangiti lang si Darryl habang pinapanuod ang mga ito. At nang mapansin ito ni Graham, natatawa siyang sumigaw, "Tumigil nga kayong lahat! Nakita niyo namang hindi pa ganun kagaling si Darryl at kailangan niya pang magpahinga..." Kaya biglang natigilan ang lahat at nagtinginan, pero bandang huli, sabay-sabay silang tumingin kay Darryl. At doon lang nakahinga ng maluwag si Darryl. Laking pasalamat niya na pumagitna si Graham kasi kung hindi, paano niya sasbaihin na wala siyang gustong tanggapin? Naglabas ng susi si Graham at inabot kay Darryl. "Darryl, malinaw naman sa lahat na ikaw ang panalo sa Lion Slaughtering Conference. Nak
Napakamot nalang ng ulo si Darryl. "Uh... may asawa na po ako, Sir..." Nabakas sa mga mata ni Zoran na hindi ito natuwa sa sagot ni Darryl. "Ah... Ganun ba. Siguro nakalmutan ng tatay mo ang pinagkasunduan namin noon. Dalawampung taon na rin naman kasi kaming hindi nagkita at pahirapan pa kaming makausap ang isa't-isa dahil hindi naman ganun pa ka high tech noon kaya wala na rin talaga akong balita sakanya. Siya nga pala, nasaan na ang tatay mo?" Muling napakamot ng ulo si Darryl at nakangiting sumagot, "Nasa probinsya po ang mga magulang ko." Wala ng maisagot si Darryl. Binili niya ang mansyon sa tabi ng Mansion No. 001 para sana doo manirahan ang mga magulang niya, pero hindi naubusan ng reklamo ang mga ito, at wala pa atang isang linggo ay umalis na ang dalawa. At wala naman siyang magagawa kundi hayaan ang dalawang matanda. Tumungo lang si Zoran at tinitigan si Darryl ng diretso sa mga mata, "Darryl, ikaw dapat ang magiging manugang ko, pero dahil may asawa ka na pala, pw
Kung sa normal na pagkakataon, patay na sana si Darryl matapos niyang mainjured sa tiyan. Pero bakit buhay pa siya? Ngapatuloy si Circe sa pagsasalita, "Evelyn, sasamahan kita kapag dinalaw mo si Darryl. Tignan natin kung mapapakisuyuan natin siya na pakawalan ang lolo mo..." Kumunot ang noo ni Evelyn pero pinilit niyang maging malumanay sa kaibigan, "Circe, maraming salamat sa pagsasabi nito sakin. Kaya ko ng pumunta sakanya ng mag isa. Pagkatapos magsalita, tuluyan ng pinutol ni Evelyn ang tawag nang hindi na hinihintay si Circe na makasagot. Noong nakaraan, pinilit ni Evelyn na lumuhod si Darryl sa harapan nito, at hindi pa nakuntento siya nakuntento dahil inutusan din niya si Darryl na hugasan ang mga paa niya, kaya malaki ang posibilidad na gumanti ito. Malamang magpapakipot si Darryl kapag humingi siya ng tulong. At sobrang nakakahiya naman para sakanya kung tatanggihan siya ni Darryl sa harap ni Circe.… Kinabukasan, inalalayan ni lily si Darryl na kumain ng lugaw
"Huling beses nalang kitang tatanungin, nasaan ang susi?!" Biglang naglabas si Evelyn ng kutsilyo at tinapat ito sa leeg ni Darryl. "Ibigay mo sa akin ang susi!" Oh sh*t! Ramdam na ramdam ni Darryl ang kutsilyo na dumadampi sa balat niya, pero sa kundisyon niya ngayon, hindi niya kayang labanan si Evelyn. Pero hindi siya nagpahalatang mahina, bagkus ay hinamon niya pa si Evelyn, "Sige. Patayin mo na ako. Kapag namatay ako, ang Emei Sect ang lalaban sa lolo mo at kapag nangyari yun, wala na talaga siyang kawala." "Ang tigas talaga ng ulo mo!" Lalo pang diniinan ni evelyn ang pagkakatarak ng hawak niyang kutsilyo sa leeg ni Drryl kaya may dumugo ang dinaanan nito. "Sige na, ituloy mo na." Walang emosyong sabi ni Darryl. Kilala niya si Evelyn, at alam niyang hindi siya papatayin nito! "Ikaw..." Napakagat nalang ng labi si evelyn at bigla niyang tinago ang kutsilyo niya. "Darryl, pwede mo bang ibigay sa akin ang susi?" Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganun kal