Sh*t. Sobrang hindi inaasahan ni Darryl ang naging komosyon dahil una sa lahat ay hindi niya naman inaasahang magiging ganun siya kasikat. Pero ang nakakatawa sa lahat ay ang kilala ang mga elder ng anim na sect bilang makakapangyarihan at matataas na tao, pero ngayon para silang mga tinderong nagtatawag ng mamimili... Nakakatuwa lang panuurin. Nakangiti lang si Darryl habang pinapanuod ang mga ito. At nang mapansin ito ni Graham, natatawa siyang sumigaw, "Tumigil nga kayong lahat! Nakita niyo namang hindi pa ganun kagaling si Darryl at kailangan niya pang magpahinga..." Kaya biglang natigilan ang lahat at nagtinginan, pero bandang huli, sabay-sabay silang tumingin kay Darryl. At doon lang nakahinga ng maluwag si Darryl. Laking pasalamat niya na pumagitna si Graham kasi kung hindi, paano niya sasbaihin na wala siyang gustong tanggapin? Naglabas ng susi si Graham at inabot kay Darryl. "Darryl, malinaw naman sa lahat na ikaw ang panalo sa Lion Slaughtering Conference. Nak
Napakamot nalang ng ulo si Darryl. "Uh... may asawa na po ako, Sir..." Nabakas sa mga mata ni Zoran na hindi ito natuwa sa sagot ni Darryl. "Ah... Ganun ba. Siguro nakalmutan ng tatay mo ang pinagkasunduan namin noon. Dalawampung taon na rin naman kasi kaming hindi nagkita at pahirapan pa kaming makausap ang isa't-isa dahil hindi naman ganun pa ka high tech noon kaya wala na rin talaga akong balita sakanya. Siya nga pala, nasaan na ang tatay mo?" Muling napakamot ng ulo si Darryl at nakangiting sumagot, "Nasa probinsya po ang mga magulang ko." Wala ng maisagot si Darryl. Binili niya ang mansyon sa tabi ng Mansion No. 001 para sana doo manirahan ang mga magulang niya, pero hindi naubusan ng reklamo ang mga ito, at wala pa atang isang linggo ay umalis na ang dalawa. At wala naman siyang magagawa kundi hayaan ang dalawang matanda. Tumungo lang si Zoran at tinitigan si Darryl ng diretso sa mga mata, "Darryl, ikaw dapat ang magiging manugang ko, pero dahil may asawa ka na pala, pw
Kung sa normal na pagkakataon, patay na sana si Darryl matapos niyang mainjured sa tiyan. Pero bakit buhay pa siya? Ngapatuloy si Circe sa pagsasalita, "Evelyn, sasamahan kita kapag dinalaw mo si Darryl. Tignan natin kung mapapakisuyuan natin siya na pakawalan ang lolo mo..." Kumunot ang noo ni Evelyn pero pinilit niyang maging malumanay sa kaibigan, "Circe, maraming salamat sa pagsasabi nito sakin. Kaya ko ng pumunta sakanya ng mag isa. Pagkatapos magsalita, tuluyan ng pinutol ni Evelyn ang tawag nang hindi na hinihintay si Circe na makasagot. Noong nakaraan, pinilit ni Evelyn na lumuhod si Darryl sa harapan nito, at hindi pa nakuntento siya nakuntento dahil inutusan din niya si Darryl na hugasan ang mga paa niya, kaya malaki ang posibilidad na gumanti ito. Malamang magpapakipot si Darryl kapag humingi siya ng tulong. At sobrang nakakahiya naman para sakanya kung tatanggihan siya ni Darryl sa harap ni Circe.… Kinabukasan, inalalayan ni lily si Darryl na kumain ng lugaw
"Huling beses nalang kitang tatanungin, nasaan ang susi?!" Biglang naglabas si Evelyn ng kutsilyo at tinapat ito sa leeg ni Darryl. "Ibigay mo sa akin ang susi!" Oh sh*t! Ramdam na ramdam ni Darryl ang kutsilyo na dumadampi sa balat niya, pero sa kundisyon niya ngayon, hindi niya kayang labanan si Evelyn. Pero hindi siya nagpahalatang mahina, bagkus ay hinamon niya pa si Evelyn, "Sige. Patayin mo na ako. Kapag namatay ako, ang Emei Sect ang lalaban sa lolo mo at kapag nangyari yun, wala na talaga siyang kawala." "Ang tigas talaga ng ulo mo!" Lalo pang diniinan ni evelyn ang pagkakatarak ng hawak niyang kutsilyo sa leeg ni Drryl kaya may dumugo ang dinaanan nito. "Sige na, ituloy mo na." Walang emosyong sabi ni Darryl. Kilala niya si Evelyn, at alam niyang hindi siya papatayin nito! "Ikaw..." Napakagat nalang ng labi si evelyn at bigla niyang tinago ang kutsilyo niya. "Darryl, pwede mo bang ibigay sa akin ang susi?" Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganun kal
Inalalayan ni evelyn si Darryl na bumangon habang tuloy-tuloy siyang nagsasalita. "Hoy, pwede bang hawakan mo naman ang kamay ko? Kailangan mo akong alalayan sa bewang kasi paano naman ako maglalakad diba?" Sabi ni Darryl habang dahan-dahang tumatayo sa takot na baka muling bumuka ang sugat niya. Galit na galit si Evelyn pero pinilit niyang panindigan ang kabaitan niya. Inakbay niya ang kamay ni Darryl sa balikat niya at inalalayan ang beang nito para makapaglakad. Unti-unting hakbang. Hindi nagtagal, nakarating sila sa CR at dali-daling pumikit si Evelyn. Pero nang wala siyang marinig na kahit anong ingay, bigla siyang dumilat at sumalubong sakanya ang imahe ni Darryl na nakatitig sakanya habang nakangiti. 'Bakit ba ang dami pang kaartehan ng lalaking to? Ano bang tinititig-titig niya?' Sa pagkakataong ito, hindi na kinaya ni evelyn kaya pasinghal niyang sinabi, "Ano bang meron sayo?" "Paano naman ako iihi ng nakapantalon? Hindi ko nga maigalaw ang kamay ko kaya pwede
Inayos ni Evelyn ang sarili niya at sinabi habang hindi nakatingin kay Darry, “Pwede bang ibigay mo na yung susi ngayon?”“Oo!” Natawa si Darryl dahil fresh siya ngayon, nakahiga sa kama at nakangiti bago sabihin, “Pero, dapat tawagin mo muna akong Butihing Kuya.”“Anong sinabi mo?” Kaagad nagbago ang expression ni Evelyn at mukhang sasabog na ito.Bakit tatawagin siya ni Evelyn sa ganoong pangalan!?“Ikaw, gusto mo ba mamatay?” Nanggigigil na sabi ni Evelyn.Hindi na umimik si Darryl at ngumiti nalang.Napakuyom ng kamao si Evelyn dahil hindi niya mailabas ang galit niya kay Darryl. Napakagat labi ito at sinabing, “Butihing… Butihing...”Namula si Evelyn bago matapos ang mga salitang ito.‘Ang lokong ito!’ Sigaw ni Evelyn sa isip niya. Naglaban pa siya ng ilang sandali bago maamong sabihin na, “Bu… Butihing kuya! Sapat na ba yan?”Natuwa si Darryl at mas lumaki ang mga ngiti nito pagkarinig kay Evelyn. “Ang bait mo namang kapatid. Halika, tawagin mo naman akong Best Big Brot
Nagenjoy si Darryl sa agahang niluto ni Lily.Maganang kumain si Darryl dahil pinagtripan niya si Evelyn kahapon. Nakatulog pa nga siya ng mahimbing at fresh na nagising.Totoo ang Infinite Elixir Manual. Nakarecover siya sa loob ng tatlong araw simula nung uminom siya ng Nine Resurrection Pill.Naligo si Daryl pagkatapos umalis ni Lily para pumasok sa school. Narinig niyang nagbukas ang pinto pagkatapos niya maligo at nagbihis habang nag-aalinlangan na pumasok si Evelyn.“Binabalaan kita, huwag mo akong pagtripan ngayong araw. Dalian mo at ilabas mo na ang lolo ko,” sabi ni Evelyn habang hila si Darryl papunta sa Hexad School.Habangbuhay na maaalala ni Evelyn ang kahihiyan na ginawa niya kahapon kay Darryl.Hinayaan naman ni Darryl na hatakin siya nito papunta sa entrance ng Hexad School.“Okay, okay, nasa entrance na tayo ngayon. Tigilan mo na ang paghila sakin… Para namang tatakas ako...” sabi ni Darryl.Napabuntong hininga si Darryl kahit nagsasalita.Recess ng mga oras na
Unti-unting namuo ang galit ni Evelyn at nais na sampalin si Darryl sa sobrang galitGayunpaman, kahina-hinala kung susuwayin niya si Darryl sa pangyayari ngayonNahirapan sandali si Evelyn ngunit aba’y huminahon siya at masunuring binulalas, “M… Master.”Tumango ang ulo ni Darryl. “Mabuti, Tara na.”Pagkatapos ay naglakad si Darryl papunta sa direksyon ng pribadong silid nang hindi lumilingon kay Kent at sa mga kagrupo nito at si Evelyn na masuring sumusunod.PuchaKatulong talaga siya ni Darryl. Hindi ba siya masyadong maganda upang maging katulong?Si Kent at ang kanyang kagrupo ay hindi nakagalaw sa kanilang kinatatayuan at tulala na napatingin nang maglakad ang dalawa papalayo. Matagal bago sila bumalik sa kanilang katinuan.Partikular na tinitigan ni Kent ng mabuti ang magandang pigura ni Evelyn mula sa likuran habang ang kanyang puso ay puno ng inggit at poot kay Darryl.‘Putangina. Hindi ako makapaniwala na ang walang kwentang tulad ni Darryl ay magkakaroon ng isang m