Share

Kabanata 435

Napakamot nalang ng ulo si Darryl. "Uh... may asawa na po ako, Sir..."

Nabakas sa mga mata ni Zoran na hindi ito natuwa sa sagot ni Darryl. "Ah... Ganun ba. Siguro nakalmutan ng tatay mo ang pinagkasunduan namin noon. Dalawampung taon na rin naman kasi kaming hindi nagkita at pahirapan pa kaming makausap ang isa't-isa dahil hindi naman ganun pa ka high tech noon kaya wala na rin talaga akong balita sakanya. Siya nga pala, nasaan na ang tatay mo?"

Muling napakamot ng ulo si Darryl at nakangiting sumagot, "Nasa probinsya po ang mga magulang ko."

Wala ng maisagot si Darryl. Binili niya ang mansyon sa tabi ng Mansion No. 001 para sana doo manirahan ang mga magulang niya, pero hindi naubusan ng reklamo ang mga ito, at wala pa atang isang linggo ay umalis na ang dalawa.

At wala naman siyang magagawa kundi hayaan ang dalawang matanda.

Tumungo lang si Zoran at tinitigan si Darryl ng diretso sa mga mata, "Darryl, ikaw dapat ang magiging manugang ko, pero dahil may asawa ka na pala, pw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status