Tumawa si Phoebe at sinabing, “Oo na, makakabili ka na, sabi mo eh!”At pagkatapos ay nagpunta naman siya sa tabi ni Lily at sinabing “Sabihin mo nga sa akin, ate Lil. Sinundan ka ba ng walang kwentang ito dahil nabalitaan na niya ang tungkol sa pagpapakilala ni tita Samantha sa bago mong boyfriend para manghingi ng danyos sa magiging hiwalayan ninyong dalawa?”“Binigyan mo ba siya ng perang pambili ng sasakyan?”Muntik nang matawa sa kaniyang narinig si Darryl. Nanghihingi ako ng danyos sa kanya? Ikaw lang ang nakapagisip ng ganiyang bagay.Hindi na nakapagpigil pa si Lily, hinila niya nang bahagya ang kamay ni Phoebe at sinabing, “Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan! Hindi siya nanghihingi ng pera sa akin.”Agad na nagsalita si Phoebe pagkatapos ni Lily, “Bakit hindi ba ako puweding magsalita? Kahit na hindi pa siya nanghingi ng pera sa iyo, para sa akin, napakaunfair pa rin nito sa iyo!”Habang may mukha na para bang nasa siya ang nasa tama, tumingin si Phoebe pababa kay Dar
Kasabay nito ang tila ba pagkabunot ng malaking tinik sa kaniyang likuran. Tatlong taon na rin ang nakalilipas pero ngayon lang siya naging motivated na magkaroon ng progreso sa kaniyang buhay.Kalmadong ngumiti si Darryl at sinabing, “Patulong tulong lang ako sa pinagtatrabahuan ko, madalas akong binibigyan ng trabaho na tungkol sa promotion ng aking pinagtatrabahuan at paminsan minsan naman ay nagagawa ko ring tumulong sa procurement. Tinutulungan ko ngayon ang aking boss na maghanap ng magandang sasakyan para sa kaniya.”Alam ni Darryl na magtatanong pa nang husto si Lily tungkol sa plano niyang pagbili ng bagong sasakyan pero agad nang nagpaliwanag si Darryl na huwag na itong usisain pa ni Lily.Nagtatakang tumango si Lily at nacucurious na nagtanong ng “Anong klase ng kumpanya ang pinagtatrabahuan mo?”Casual namang sumagot si Darryl ng “Maliit na kumpanya lang ito.”Sa totoo lang, gustong gusto nang sabihin ni Darryl kay Lily ang katotohanan na siya ang presidente ng Platinu
Ilang minuto pa ang nakalilipas, nakita ni Yuliana si Darryl na nasa isang tindahan ng miryenda sa tabi.Basang basa sa kaniyang pawis si Yulianna nang magpakita ito sa harapan ni Darryl. Nagtataka nitong sinabi na “Mister, gusto ka raw pong imbitahin pabalik sa centre ng aming manager.”Hindi niya naiintindihan kung bakit gustong gusto ng desperado nilang manager na pabalikin ang taong ito.Kasalukuyang kumakain si Darryl ng meatball nang walang pakialam niyang sinabi na. “Gustong gusto niyo akong paalisin doon kanina, hindi ba? Tapos pababalikin niyo naman ako roon? Sino baa ko sa tingin ninyo?”Ninerbiyos dito nang husto ang naiiyak nang si Yulianna. “Nagkamali po ako Mister. Hindi po naging maganda ang ipinakita kong asal sa inyo kanina. Sigurado pong mawawalan ako ng trabaho sa sandaling hindi ko po kayo mapabalik doon.”Napakagat na lang nang husto si Yulianna sa kaniyang mga labi. Minamaliit niya kanikanina lang si Darryl pero siya na ang nagmamakaawa sa harapan nito ngayon
Desperado siyang pinigilan ni Charles, “Hindi na kailangan. Ako na ang gagawa nito.”Kasabay nito ang pagtulo ng nanlalamig niyang pawis sa kaniyang noo.Siya ang presidente ng Platinum Corporation habang si Phoebe naman ang best friend ni Lily. Paanong hindi mo maaalala ang mga ito? Masyado kang naging walang awa nang kausapin mo siya kanina.“Sige, walang problema, ikaw na ang bahala riyan. Ilibre mo nga pala ako ng dinner sa sandaling maayos mo na ang relasyon ninyo ni Lily!” Itinago ni Phoebe ang kaniyang cellphone at nakangiting nagpaalam kay Charles bago tumalikod at umalis sa showroom.Hindi napansin sa mga sandaling ito ni Phoebe kung gaano kaawkward ang ipinakitang ngiti ni Charles sa kaniyang mukha.“President Darby, tungkol sa kontrata ng mga kumpanya natin…”Nakangiting bumalik si Charles sa kaniyang opisina.Direkta naman siyang sinabihan ni Darryl ng, “Pirmahan mo na!” at nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Pero bago mo pa ito pirmahan, may isang bagay kang dapat
”Nakabalik na ako” sabi ni Darryl na may malaking ngiti sa kaniyang mukha habang naglalakad papalapit kay Lily.Tumango si Lily at tumingin sa Audi R8 na nakaparada sa labas.Nang makita ang nacucurious na mukha ni Lily, ngumiti si Darryl at sinabing, “Ito ang sasakyang pinili ko para sa aking boss. Day off ko ngayon kaya hinayaan niya muna akong dalhin itong kotse.”Naintindihan ito ni Lily pero sa loob loob niya, nagduda pa rin siya sa mga sinabing ito ni Darryl. Anong klase ng boss ang magiging ganito kabait para hayaan ang bago niyang staff na gamitin ang bago niyang sasakyan?Kasabay nito ang kababalik lang sa kaniyang diwang si Samantha na hindi mapigilang mapatawa sa kaniyang mga narinig “Ang kuwento naman ngayon ay nagmamaneho ka ng kotse na pagmamayari ng iba. Akala ko pa naman ay nagkaroon ka na rin nang pagbabago sa wakas.”Ngumiti si Darryl at hindi pinansin ang mga sinabing ito ni Samantha.Dito na mas nagalit si Samantha, agad siyang lumingon kay Lily at sinabing, “
Nang marinig ang sigaw ni Samantha sa kaniyang kuwarto, naglakad si Darryl palabas ng kaniyang kuwarto.Sa mga sandaling ito nagulat ang kaninang nakangiting si Jade. Bumulong ito kay Lily ng “Ate Lily, Nandito si Darby… si Darryl Darby?Mula noong marinig niya mula mismo kay Samson sa Moonlit River Bar na si Darryl ang ikalawang young master ng pamilya Darby, hindi na niya masyadong binibisita ang pamilya Lyndon para batiin si Lily.Hindi na niya ito tatangkain pang gawin!Nagpunta siya rito ngayon para makipagkuwentuhan kay Lily nang marinig niya kahapon na ilang araw nang wala si Darryl sa bahay ng mga Lyndon.Kaya hindi niya inaasahang magkikita muli sila ni Darryl sa muli niyang pagbisita sa mga Lyndon.Kalmado namang sinabi ni Lily na, “ Kababalik balik niya lang kanina.”Mayroon sanang gustong sabihin si Jade pero agad siyang napatigil nang makita niyang bumababa si Darryl sa hagdanan. Agad na ibinaba ni Jade ang kaniyang ulo at huwag tumingin dito!Parang nanloloko nama
Si William Lyndon!Mukhang lumabas siya ngayon para magshopping. Nakasuot lang ito ng pangkaraniwan habang kasama ang maganda niyang sekretarya na sumusunod sa kaniyang likuran.Kasalukuyang may dala dala na ilang mga shopping bag ang kaniyang sekretarya sa likod.Masyado na ang lalaking ito. Habang walang tigil na nagtatrabaho si Lily para maging katawan ng mga Lyndon sa Platinum Corporation, nasa labas naman si William para gastusin ang pondo ng kaniyang kumpanya at magpakasarap kasama ng kaniyang sekretarya.Nanlalamig na ngumiti si Darryl sa kaniyang loob. Wala rin siya sa mood na magpagulo kay William kaya napagpasyahan niyang paandarin ang kaniyang sasakyan at umalis sa lugar.Pero masyadong marami ang mga taong naglalakad sa kanilang unahan kaya naging imposible para kay Darryl na magdrive nang mabilis.Nang makita ni William ang hindi pagpansin sa kaniya ni Darryl, nanlalamig na ngumiti si William at nanukso. “Mukhang maganda ganda na ang buhay natin ngayon Darryl ah. Nag
Natigilan ang lahat sa kanilang nasaksihan.“Hoy, mukhang mainitin ang ulo ng seksing ito.”“Napakahot niya lalong tingnan!”Sinimulan na ng karamihan sa kanilang pagusapan si Jade. Nang tahimik siyempre sa takot na baka marinig ito ni Jade at mainis ang mabagsik at magandang binibini na ito.Pero hindi napansin ng mga nakikiusyoso ang pagfofocus ni Jade sa reaksyon ni Darryl habang walang awang sinesermonan si William.Nang makita niya ang kaunting ngiti sa bibig ni Darryl bilang simbolo ng pagsangayon nito sa kaniyang mga ginawa, mas lumakas pa ang loob ni Jade na ipagpatuloy ang kaniyang mga ginagawa.“Ang lakas mo ring makapangmaliit ng ibang tao. Iniisip mo bang kailangan pa ni kuya Darby ng isang mayamang babae? Nagkakamali ka yata rito!”Kuya Darby?Matapos marinig ang naging tawag ni Jade kay Darryl, natigilan muli ang lahat sa kanilang kinatatayuan, maging si William ay nagulat sa kaniyang mga narinig.Matapos magbigay ng ilang sermon, tumalikdo si Jade at bumalik sa