Nang muli siyang magising, nakita ni Darryl ang kaniyang sariling nakahiga sa sahig ng kaniyang opisina. Walang tigil ang pagtulo ng pawis sa kaniyang katawan na inabsorb ng basang basa niyang mga damit.Pero nawala na ang init at sakit na kumalat sa buo niyang katawan.Buwisit! Mukhang naloko si Samson sa pagkakataong ito.Dalawang araw na ang makalilipas kaya siguradong wala na ang epekto ng pill na iyon.Paano ng aba siya naging ganoon kamanmang para inumin ang isang hindi kilalang pill? Mabuti na lang at walang nagyaring masama sa kaniya. Habang narerealize kung gaano siya kasuwerte, nagring ang kaniyang cellphone.Kumunot ang mga kilay ni Darryl nang makita na isang hindi kilalang number ang tumatawag sa kaniya.“Kumusta ka na? Si Darryl ba ito?”Nang sagutin ni Darryl ang tawag, isang mahinahon at kaakit akit na boses ang kaniyang narinig sa kabilang linya, mukhang nangagaling ito sa isang mahinhin at kaakit akit na babae.Mukha ring pamilyar ang boses na ito kay Darryl.
Si Leo White ang binatang nagpunta rito mula sa Lin City. Dahil sa iniindang cancer ng isa sa kaniyang mga kapamilya, napagpasyahan niyang ibenta na ang kayamanan ng kanilang pamilya para matustusan ang pampagamot nito.Naroon din ang iba pang mga mayari ng iba’t ibang mga antique store nang marinig ang tungkol dito.Matapos ipaliwanag ni Peter ang kuwento ni Leo kay Yvonne, ipinakilala na siya nito, “Ito po pala ang aming boss na si Ms. Yvonne.”Tapat namang tumango si Leo at sinabing, “Kinakailangan ko nang magpunta sa ibang antique store sa sandaling hindi makapagdecide ang babaeng boss ninyo.”Matapos niyang sabihin ito, binuksan na ni Leo ang hawak niyang box.Makikita sa loob ng box ang isang kulay dugong pendant na gawa sa jade.Mayroon ding mga nakaukot ditong mga antique design habang bilugan at moist naman ang itsura ng jade. Ang pinakamapapansing katangian ng hawak nitong antique ay ang kulay pulang pattern na parang isang punit sa loob.Hindi na nakapagpigil pa sa pa
Nainis si Jack dito na nagsabing, “Pumayag na akong bilhin ang blood tear jade na iyan sa halagang 500 million dollars, Ms. Young. Iyo na iyang 150 million dollars mo.” Nagmukhang walang narinig si Yvonne at tumingin nang matalim kay Leo habang sinasabing. “Kukunin ko na ang jade, Mr. White. Kahit na mas mababa ang aaking presyo, kailangan mo pa rin itong ibenta sa akin. At kailangan mo ring maging totoo sa mga sinasabi mo hindi ba?” Tumango naman ang mga sumasangayon na mayari ng ibang mga antique store. “Oo nga, first come, first served.” “Kailangan mong sundin ang mga rules, bata.” “Nasa gitna pa kayo ng negosasyon ni Ms. Young. Hindi tama ang gusto mong pagbebenta nito sa iba.” Kumampi sa panig ni Yvonne ang mga mayari ng ibang mga antique store. Dahil una sa lahat, hindi na kailangan pang sabihin na kilala ang pamilya Young sa antique industry. Kaya dapat lang na gumawa ang lahat ng papasok sa industriyang ito ng paraan para mapalapit sa mga Young. “Hindi bale na!”
Agad na sumabog sa katatawa ang ilan sa mga mayari ng iba pang mga antique store sa city habang napapakagat naman sa kaniyang labi nang husto si Yvonne. Tahimik niyang tiningnan si Darryl habang nakakaramdam ng pagkabagabag dito. Tumutugma ang kulay, materyales at pagkakagawa ng blood tear jade na ito sa mga impormasyong nakalap niya noon tungkol dito. Kaya bakit niya nagawang sabihin na isa itong peke? Inisip ni Yvonne na hindi si Darryl ang taong kagaya ng iniisip ng mga taong nasa kaniyang paligid. Pero normal lang din na isipin ng lahat na isa siyang walang kuwentang tao dahil ito rin ang ipinapakita niya sa lahat noon kaya natural lang din na kainisan siya ng lahat na nagisip na wala siyang alam sa mga antique at nagkukunwari lang na may alam dito. Sa mga sandaling ito, tumingin sina Leo at Jack sa isa’t isa at ngumiti. Kanina pa nila inisip ang naging background ni Darryl, pero alam na nila ngayon na isa lang itong manugang na minamaliit ng lahat. Buwiset! Tinakot sila
Maririnig na rin sa mga sandaling ito ang tunog mula sa sirena ng mga paparating na pulis.May tumawag na sa inyo ng pulis? Dito na nanlamig ang mga pawis ni Leo na agad nagsimula sa pagtakbo. “Gusto mong tumakas?” “Pigilan ninyo siya!” Nagreact ang ilan sa mga mayari ng mga antique store na sumigaw kay Leo. Narinig naman ng ibang mga empleyado ng antique store nina Yvonne ang pagsigaw ng mga ito at agad na pinigilan si Leo at pinadapa nang mahigpit sa sahig. Habang si Jack na nagkunwari na isa rin sa mga nabiktima ay mabilis na nagsabing. “Buwisit, peke nga ito. Muntik na akong mawalan ng 500 million dollars dahil sa hayop na ito.” Tumakbo siya palapit kay leo at dinuraan ito bago sinimulan ang kaniyang panenermon hanggang sa maisip na niyang umalis. Pero nang tumalikod siya para umalis sa Pearl Pavilion, isang katawan ang tumakbo nang mabilis papunta sa kaniyang harapan para harangin ang kaniyang pagalis. Ito ay walang iba kundi si Darryl. “Buwisit ka, ano bang probl
Mabilis namang tumakbo palapit sa binata ang mga pulis, hindi na nasurpresa ang mga ito nang mapunit nila ang maskarang suot ni Leo. Isang taon na ang nakalilipas nang maloko ng dalawang ito ang isang mayamang merchant na dumating sa Donghai City para maginvest sa isang painting na nagkakahalaga ng 1 billion dollars. Dahil sa laki ng kasong ito, itinuo ng buong general headquarters ang buo nilang focus sa kasong ito na agad ding inassign kay Megan para imbestigahan at maresolba sa lalong madaling panahon. Pero dahil sa galing ng dalawang ito sa pagtatago, kahit na isang taong inilaan ni Megan ang kaniyang focus sa kasong ito, hindi pa rin niya nagawang masundan ang dalawa. Pero hindi niya inasahang mahuhuli niya ang dalawang ito ngayong araw. Nanginig ang buong katawan ni Megan matapos makakuha ng mataas na achievement sa kasong ito. Hindi naman makapagsalita ang mga mayari ng kanikanilang mga antique stores na nagboluntaryong tumestigo sa panig ni Jack kanina. Alam na alam
Sa totoo lang, nagaalala si Yvonne na baka masyado pang mababa ang 50 thousand dollars para kay Darryl. Pero hanggang dito lang ang kaya niyang ipasahod base sa posisyong mayroon siya sa kanilang kumpanya. Napahinga naman nang malalim dito si Peter na kasalukuyang namamahalang staff sa Pearl Pavilion! Ano? Nagkaroon ng karapatan ang isang ito bilang isang kinikilalang tagakilatis ng mga antique na magkaroon ng sahod na umaabot sa 50 thousand dollars? Habang siya ay mayroon lang higit 10,000 dollars na sahod kada buwan! Matapos marinig ang paliwanag ni Darryl nang tingnan nito ang pekeng blood tear jade kanina, inamin ni Peter sa kaniyang sarili na hindi siya ganoon kagaling sa pagkilatis ng mga antiques kaya agad na nawala ang inis sa kaniyang sarili at sa halip ay napuno siya ng inggit kay Darryl. Matapos itong pagisipan ng isang sandali, pumayag na rin si Darryl at sinabing, “Oh… ok lang naman siguro ito dahil hindi ko naman kailangang magpunta rito araw araw.” Napakagand
Si Felix Blakely?Nang marinig ang pangalang ito, agad na nakaramdam ng takot ang tatlong staff na nakatayo sa harapan ni Felix at nagawa pang manginig ng isa sa mga ito sa sobrang takot. Kilala ng buong Donghai City si Felix. Mayroon itong mga kuneksyon sa mabuti at masamang parte ng kanilang city! Bakit siya naririto? Ano ang kinalaman niya sa Platinum Corporation? “Ok lang naman kung ayaw ninyong magsalita. Pero hayaan ninyo akong maging direkta sa inyo. Sa sandaling mapatunayan ng gagawin kong imbestigasyon na mayroon kayong kinalaman dito, alam niyo naman na siguro ang mangyayari hindi ba?” Nang matapos sa pagsasalita si Felix, hindi na napigilan pa ng staff na nakatayo sa kaliwa ang kaniyang takot at agad na nagsabing, “Magsasalita na po ako… Magsasalita na po ako…” Nagpalitan naman ng tingin ang dalawa niyang mga katabi at ninenerbiyos na tumango sa harapan ni Felix. Napangiti naman dito si Darryl na nakaupo sa sofa na nasa gilid ng kaniyang opisina.Matapos ang il