Si Felix Blakely?Nang marinig ang pangalang ito, agad na nakaramdam ng takot ang tatlong staff na nakatayo sa harapan ni Felix at nagawa pang manginig ng isa sa mga ito sa sobrang takot. Kilala ng buong Donghai City si Felix. Mayroon itong mga kuneksyon sa mabuti at masamang parte ng kanilang city! Bakit siya naririto? Ano ang kinalaman niya sa Platinum Corporation? “Ok lang naman kung ayaw ninyong magsalita. Pero hayaan ninyo akong maging direkta sa inyo. Sa sandaling mapatunayan ng gagawin kong imbestigasyon na mayroon kayong kinalaman dito, alam niyo naman na siguro ang mangyayari hindi ba?” Nang matapos sa pagsasalita si Felix, hindi na napigilan pa ng staff na nakatayo sa kaliwa ang kaniyang takot at agad na nagsabing, “Magsasalita na po ako… Magsasalita na po ako…” Nagpalitan naman ng tingin ang dalawa niyang mga katabi at ninenerbiyos na tumango sa harapan ni Felix. Napangiti naman dito si Darryl na nakaupo sa sofa na nasa gilid ng kaniyang opisina.Matapos ang il
Nagawa niya itong tanggihan? Haha! Tiningnan ng bawat isang miyembro ng pamilya Lyndon si Darryl habang iniisip kung gaano kakapal ang mukha nito sa kaniyang ginawa.Dito na nagdilim ang itsura ng nakatatandang Lyndon na nagtanong ng, “Anong sinabi mo?” Nanlalamig na tumawa si Darryl at malinaw na sinabing, “Nagawa niyong sisihin ang aking asawa sa nangyari kay Giselle nang hindi manlang ito iniimbestigahan. Nagawa niyong baliwalain ang posisyon niya sa pamilyang ito nang hindi manlang naiintindihan ang mga nangyari. Hindi ba’t masyado na kayong nagpadalos dalos dito?” Dito na sumama nang husto ang itsura ni Grandma Lyndon na tumingin nang matalas kay Darryl. “Sinasabi mo bang pinagbibintangan ko si Lilybud?” Magsasalita na sana si Darryl nang buong confidence sa mga sinabi ni Grandma Lyndon. Nang biglang hampasin ng hindi makapagpigil sa kaniyang sariling si William nang malakas ang lamesa bago sumigaw at ituro si Darryl, “Sino ka ba talaga sa tingin mo ha? Nasa meeting ka ng
Totoo bang hindi si Lily ang may gawa nito?Natigilan ang lahat sa kanilang mga narinig. Nagulat dito si Grandma Lyndon at agad na napatanong ng, “Ano ba talaga ang nangyari, Ms. Lindt?” Hindi ito sinagot ni Giselle. Ngumiti lang ito nang kaunti bago lumingon at tumingin kay William. Nang sabihin ni Giselle na magiimbestiga ito, naramdaman pa rin ni William na sinusuwerte siya sa pagkakataong ito. Pero matapos lumingon ni Giselle para tingnan siya, alam na niyang nahaharap siya sa isang malaking problema. Dito na nagsalita si Giselle sa pinto, “Pumasok na kayong tatlo!” Dito na agad pumasok nang nakayuko sa meeting room ang dalawang mga staff sa backstage ng show. Agad na nakaramdam ng pagkahilo si William matapos makita ang tatlong tao na ito. Nagulat siya rito habang pinagmumukhang kalmado ang kaniyang sarili sa harapan ng lahat. Dito na nagsalita si Giselle sa tatlo ng, “Sabihin niyo na ang katotohanan!” Matapos utusan ni Giselle, tumgingin nang diretso ang isa sa
Nang makita niyang tumango si Darryl, lumingon si Giselle kay Grandma Lyndon at mahinang sinabi na, “Well, tapos na ang problemang ito.”Nakahinga na nang maluwag ang matanda matapos nitong sumangayon sa ginawa niyang desisyon.Magiging madali para sa kanila ang lahat hangga’t magagawang palampasin ni Giselle ang tungkol sa bagay na ito.Pero, matapos nito, agad na nagsalita si Giselle sa matanda, “Pero may isa akong kundisyon!”“Anong kondisyon ang hinihingi mo, Ms. Lindt?” Mabilis na sagot ng matanda.Naglakad si Giselle papunta kay Lily at tumayo sa tabi nito. Pagkatapos ay tumingin si Giselle sa paligid ng meeting room at sinabing, “Mula sa araw na ito, tanging si Lily lang ang magiging in charge sa public image ko at sa anumang bagay na may kaugnayan sa akin. Sa kaniya lang ako nagtitiwala. Kaya walang sinuman sa inyong pamilya ang mangingialam sa kaniyang mga ginagawa. Naiintindihan niyo baa ko?”“Ano?!”Natigilan ang lahat nang marinig nila iyon.Binigyan ni Giselle si L
Agad na nagpunta si Darryl sa Pearl Pavilion matapos ibaba ang tawag.Nang makababa siya sa kaniyang sasakyan, agad niyang nakita ang napakaraming tao sa harapan ng Pearl Pavilion. Mukhang punong puno ng pagkasabik ang mga taong nakikiusyoso sa paligid.Nang maglakad si Darryl sa loob nito, nakita niyang nasa gitna ng mainit na usapan ang mga mayari ng iba’t ibang mga antique store sa buong Donghai City.“Peke ang isang ito!”“Oo nga, mukhang peke nga ito!”Nang maglakad si Darryl sa gitna ng maraming tao papasok sa store, nakita niya ang isang kalbong lalaki na nasa harapan ng counter na mayroong yakap na isang makulay at gawa sa porselanang vase. Mukhang gusto niyang ibenta ang vase na ito pero nagduda ang mga tao sa pagiging orihinal ng hawak niyang item.Ang mga taong nasa harapan ng kalbong lalaki ay sina Yvonne Young, Peter Williams at isa pang middle aged na lalaki.Nakasuot ang middle aged na lalaking ito ng isang tradisyunal na kasuotan ng mga Chinese at isang salamin s
Napakunot ang mga kilay ni Elsa Lyndon habang nakatauyo sa isang tabi.Kahit na hindi siya gaanong nakikipagusap kay Darryl, isa pa rin siyang miyembro ng pamilya Lyndon. Kaya sa sandaling magmukhang tanga si Darryl sa harapan ng lahat, hindi ba’t agad din siyang mapapahiya sa mga ito?Nang malaman ni Kingston ang pagkatao ng binata, at matapos ang isang sandaling pagtingin niya riyo, sinabi niya na. “Hindi ba’t ikaw ang manugang ng pamilya Lyndon?”Bago pa man ito magpatuloy, mahinang pinutol ni Yvonne ang pagsasalita ng kaniyang ama, “Dad, siya ang kinikilalang tagakilatis ng antique na kinuha ko!”“Ano?!”Sinubukan ng lahat na pigilan ang kanilang tawa. “Ano? Isa siyang kilalang tagakilatis ng antique? Mukhang mas kilala siya sa pagiging basura. Hidni na makapaghintay ang pamilya Lyndon na mapaalis siya dahil sa kawalan niya ng silbi sa mga ito! Pero ginawa siyang isang kinikilalang tagakilatis ng mga antique ni Yvonne? Nakakatawa!”Napahinga na lang nang malalim si Kingston n
Napahinga nang malalim si Kingston, hindi na rin naging maganda ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito. Lumingon siya at bumulong kay Yvonne, “Ito ba ang kinikilalang tagakilatis ng antique na kinuha mo? At binigyan mo ng 50,000 dollars na sahod kada buwan?”“Kahit na may pera ang ating pamilya, hindi pa rin tayo dapat gumastos nang ganoon ganoon na lang.”Wala namang nasabi rito si Yvonne habang makikita ang kaunting bakas ng kahihiyan sa kaniyang mga mata.Tumawa ang kalbong lalaki na para bang wala nang bukas, tinapik niya ang balikat ni Darryl at sinabing, “Mukhang marami nang alam ang batang ito!”Bahagyang ngumiti lamang dito si Darryl.Tumitig si Kingston kay Darryl at nanlalamig na sinabing, “Sabihin mo sa akin, paano nagkaroon ng presyong 500,000 dollars ang isang iyan?”“Hindi, mas malaki pa nga dapat ang halaga nito! Nagkakahalaga dapat ito ng 5 milyong dolyar! Kaya siguradong kikita ka nang malaki sa sandaling bilhin mo iyan.” Isip ni Darryl sa kaniyang sarili.At
Nanginig ang mga tuhod nina Yvonne at Elsa sa sobrang pagkagulat!“Nagagawa ba talaga niyang masabi kung isang talagang antique ang isang vase?”Agad na tinanggal ng namamanghang mukha ni Kingston ang kanilang pagtataka.“Hoy, andami na ninyong pinagkuwentuhan, gusto niyo bai tong bilhin o hindi?”Nauubos na ang pasensya ng kalbong lalaki.Palihim namang ngumiti rito si Darryl.“Siguradong utusan lang ang lalaking ito. Nagawa niyang magdala ng isang walang katumbas na halagang kayamanan dito sa Pearl Pavilion para ibenta sa halagang umaabot lang sa kalahating milyon!”Nang maisip niya ang tungkol sa bakas ng putik sa ilalim ng porselanang vase, naging confident si Darryl na kahuhukay hukay lang sa vase na ito. “Napakamisteryoso ng kalbong ito. Saan niya kaya nakuha ang vase na ito?” Simangot ni Darryl habang nagiiisip sa kaniyang sarili.“Oo! Bibilhin ko na ito!”Walang tigil na tumango si Kingston na para bang pagsisisihan ng kalbo ang kaniyang naging desisyon.At pagkatapos