Share

Kabanata 283

“Anong magnanakaw?” Nacucurious na tanong ni Yvonne habang naririnig ang mga bungisngis ng magkapatid na Palmer.

Ngumiti si Daisy at sinabing, “Hindi mo ba nabalitaan, Yvonne? Nagnakaw si Darryl ng cellphone kahapon. Mas maganda kung lalayo ka na sa magnanakaw na iyan.”

Ngumiti naman si Yvone at hindi naniwala sa kahit isang salita na sinabi ng mga ito. Nagnakaw si Darryl ng cellphone? Ito ang pinakanakakatawang bagay na kaniyang narinig.

Magagawa niyang mamuhay ng kumportable sa buo niyang buhay gamit ang kaniyang kakayahan sa pagsusuri ng mga antique at artifact. Kaya bakit naman niya magagawang magnakaw ng mga phone?

Hindi naman pinansin ni Darryl si Daisy, finocus niya ang kaniyang sarili sa pagtingin sa piraso na ito ng jade.

“Mayroon itong nakaukit na isang imahe ng foreigner na tumutugtog ng isang musical instrument. Kung tama ako, nagmula ito sa pagukit na ginawa nila sa jade na ito. Isang kayamanan ang jade na ito, masasabi ko na nagkakahalaga ito ng nasa isa’t kalahating
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arjay Bituin Cura
wow ayos maganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status