“Ninakaw niya lang kaya ang card na iyan?” Isip ni Declan.Habang nakikita ang pagtataka sa mukha ng lahat, agad na sumagot si Darryl ng. “Hindi sa akin ang card na iyan. Sa boss ko iyan.” Noong una ay natahimik ang lahat sa kanilang narinig, pero matapos ang ilang segundo, agad nang sumabog ang lahat sa katatawa. “Hahaha! Sa boss naman pala niya ang card na iyan.” Isip ng lahat. “Haha! Sa boss niya naman pala iyan! Para lang siyang bata na pinaglalaruan ang card ng kaniyang boss! Napakaoportunista ng isang ito!” Isip ni Declan. “Hayop kayong lahat! Mabuti nga at tinulungan ko kayong makakuha ng kuwarto, pero nagawa niyo pa rin akong lokohin nang ganito? Bahala na. Bakit nga ba ako naaapektuhan sa mga taong ito.” Isip ni Darryl habang nakangiti sa harap ng lahat. Pagkatapos pumasok sa room, agad na pinapasok ni Declan ang mga waiter ng hotel.“Halika rito. Kayong lahat, orderin ninyo ang lahat ng gusto niyong kainin. Gusto kong magenjoy kayong lahat ngayong gabi!” Sabi niy
Nanlalamig namang umupo roon si Circe na parang isang namumukadkad na orchid, naglabas ito ng isang hangin nap uno ng biyaya sa mga taong nasa kaniyang paligid. Kahit na walang kahit na sino ang nakapansin sa pagiging weird o kakaiba ng kaniyang mga kilos, marami sa mga kalalakihan ang gusto siyang makilala, pero wala pa ring sapat na lakas ng loob ang mga ito para gawin iyon.Gumaganda na ang mood ng lahat, dito na tumayo ang nakangiting si Declan habang hawak hawak ang isang eleganteng box sa kaniyang mga kamay. Naglakad siya papunta kay Katherine at magalang na sinabing, “Ngayong araw din po pala ang teacher’s day, Ms. Katherine, gusto ko lang pong magpasalamat sa pagiging guro niyo po sa amin. Isa po itong regalo para sa inyo.” Agad na nabalot ng gulat at pagkamangha ang buong room. Pinaghandaan nga talaga ni Declan ang lahat. Nagawa niya ring maghanda ng regalo para kay Ms. Katherine. Malinaw nga talaga na gustong gusto niya na maging kanilang class monitor. Nanatili namang k
Agad din itong ginatungan ni Miles na nanginsulto kay Darryl. “Isa ka lang nakikitirang manugang—kaya paano mo nagawang kwestiyunin ang elixir na binigay ni Declan? Naiingit ka lang siguro.”Bumungisngis si Darryl habang nakatingin kay Declan.“Walang duda na isa ngang Spirit Petrification Elixir ang pill na ibinigay mo. Pero alam mo ba na ang pill na ito ay dapat na itago sa isang madilim, malamig at isang humid na kuwarto o lalagyan? Hindi ito maaaring masinagan ng araw. Ang Spirit Petrification Elixir ay mayroon talagang dark yellow na kulay. Agad itong magkukulay light yellow sa sandaling tamaan ito ng araw. Dahil light yellow na ang pill na hawak mo, maaaring nabilad na ito sa araw noong mabili mo ito sa nagagalang mangangalakal sa inyo.” Normal na nagpaliwanag si Darryl na nakapagpatahimik sa buong kuwarto.“Ano naman kung nabilad na ito sa araw?” Natatawang tanong ni Declan. “Epektibo pa rin kaya ito?”“Akala siguro ng mapagkunwaring Darryl na ito na pinaniniwalaan natin ang
Papunta si Circe sa washroom nang makapasok si Darryl sa dining area.Isang pilyong bagay ang pumasok sa kaniyang isip, na nakapagpatawa sa kaniya nang pabulong.“Hindi niya magagawang magbayad kung nanakawin ko ang cellphone at purse ni Circe. Tingnan natin kung ano na ang mangyayari ngayon kay Declan!”Dito na niya binangga si Circe kasabay ng mabilis na pagkuha sa dala nitong cellphone at purse.Tagumpay!Nagawa na niyang basahin ang Shadow Skills kahapon. Masyado talagang nakakakaba ang paggawa sa mga itinuturo nito sa unang beses, pero sa kabutihang palad ay nagawa pa rin niya itong gawin.Natatawa si Darryl sa sobrang pagkasabik sa kaniyang loob, pero nagkunwari siyang napapahiya habang humihingi ng tawad kay Circe, “Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin!”Dito na tiningnan nang maigi ni Darryl si Circe. Maganda. Napakaganda.Habang nasa dinner, si Circe ang may pinakakaunting nainom sa kanilang lahat, pero malinaw na makikita nang kahit na sino an
Kung ibang mga babae lang ang nakawala sa kanilang mga phone, agad na magpapanic ang mga iyon.Hindi naman isang ordinaryong babae si Circe. Hindi maikukumpara ang kaniyang pagkakalmado nang malaman niyang nawawala ang kaniyang dalang cellphone at purse.Tahimik naman siyang binati ni Darryl. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya ang itinuring na Belle ng Hexad. Hindi mapapantayan ng kahit na sino ang level ng pagkakalma at confidence na kaniyang ipinakita.Ano ang nangyari? Nawala ba niya ang dala niyang cellphone?Dito na nagtaka ang lahat. Dahil kung hindi makapagbabayad si Circe, nakahanda ba ang lahat na makihati sa pagbabayad ng bill?Hindi na kaya pang magkunwari ni Declan, matapos bumagsak sa lamesa habang nangyayari ang lahat ng ito. Ano ang nangyayari? Hindi magawang makapagbayad ni Circe? Kung ipagpapatuloy pa niya ang pagkukunwari, may masasabi nang hindi maganda ang mga taong ito sa kaniya. At kinalaunan ay kakailanganin na rin niyang harapin ang problema niyang ito.
Nagmukha namang proud at arogante si Miles habang nakatayo sa likuran ni Declan. “Nagkakahalaga ng 30 million ang dinner na ito pero wala lang iyon para kay Declan,” Nagyayabang nitong sinabi.Napakasipsip talaga ng isang ito.Tumango at sumangayon naman sa kaniya ang buong klase. Gustong gusto ni Declan na pinupuri siya ng lahat, pero nakaramdam pa rin sia ng pait sa kaniyang loob. Nawala ang 28 million sa kaniyang bank account sa loob lang ng isang iglap. Hindi niya rin magagawang manghingi sa kaniyang ama ng pera sa susunod na anim na buwan. Atleast ay magagawa na niyang makuha ang posisyon ng class monitor bukas.Umalis ang lahat sakay ng kanikanilang mga sasakyan, pero walang sinuman ang nagpasakay kay Darryl. Kaya nagdadalawang isip nang lumapit si Katherine at napipilitang sabihin na, “Sige na nga, ako na ang maghahatid sa iyo pauwi.”Tumawa naman si Darryl habang tumatango.Sa sasakyan, nasurpresa si Katherine matapos malaman na nakatira si Darryl sa Peak Mansions.Ang Pe
Isa itong regular na tawag. Isa itong video call mula sa isang babaeng nagngangalang Evelyn Featherstone.Gusto sanang ibaba ni Darryl ang tawag pero nanginig ang kaniyang kamay at aksidenteng nasagot ang tawag! Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang kumokekta ang cellphone ni Circe sa kabilang lunya.Hayop! Ang tumawag dito ay isang magandang babaeng kakatapos lang magshower.“Ano ang nangyayari? Hindi ko ginustong tumingin!” Napalunok dito nang husto si Darryl na hirap na hirap sa pagpipigil ng kaniyang sarili. “Napakaganda ng katawan ng babaeng ito pero bakit parang pamilyar ang mukha niya sa akin?” Isip ni Darryl.Ah! Siya ang apo ng matandang lalaking bumili ng isang Godly pill sa halagang 5 billion dollars sa Auction ng mga Rogers. Isa siyang mataas na miyembro ng Eternal Life Palace sect!“Ah!” Sigaw ni Evelyn. Hindi niya inasahan na makita ang isang lalaking sumagot sa kaniyang tawag. Napapigil siya sa kaniyang hininga habang agad na ibinababa ang tawag.“Ano ang nang
Hindi lang pinakamaganda ang titulong nakuha ni Circe sa kaniyang klase, dahil siya rin ang itinuring na belle ng Hexad. Siya ang naging sentro ng atensyon sa lahat ng lugar na kaniyang puntahan.Naglakad siya palapit kay Darryl. Agad na napunta ang mata ng lahat kay Darryl nang lumakad si Circe palapit dito. Inangat niya ang kaniyang braso habang nagdedemand na, “Ibalik mo na ang cellphone ko, Darryl.”Tinawagan ni Evelyn kaninang umaga ang mga Newman para sabihan si Circe na nakay Darryl ang kaniyang cellphone.Ano? Kinuha ni Darryl ang cellphone ni Circe?Bahagyang nagulat at naconfuse ang lahat sa kanilang narinig.Awkward na ibinalik ni Darryl ang cellphone ni Circe. “Pasensya na,” tawa nito. “Ibabalik ko sana ito sa iyo kagabi pero nakaalis ka na noong maalala ko ito.”Nagisip siya ng dahilan kung bakit napunta sa kaniya ang cellphone nito kagabi.“Bakit napunta sa iyo ang phone ko?” Simangot ni Circe.Nagalit siya kay Darryl. Hawak ni Darryl ang phone niya ng buong gabi,