Isa itong regular na tawag. Isa itong video call mula sa isang babaeng nagngangalang Evelyn Featherstone.Gusto sanang ibaba ni Darryl ang tawag pero nanginig ang kaniyang kamay at aksidenteng nasagot ang tawag! Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang kumokekta ang cellphone ni Circe sa kabilang lunya.Hayop! Ang tumawag dito ay isang magandang babaeng kakatapos lang magshower.“Ano ang nangyayari? Hindi ko ginustong tumingin!” Napalunok dito nang husto si Darryl na hirap na hirap sa pagpipigil ng kaniyang sarili. “Napakaganda ng katawan ng babaeng ito pero bakit parang pamilyar ang mukha niya sa akin?” Isip ni Darryl.Ah! Siya ang apo ng matandang lalaking bumili ng isang Godly pill sa halagang 5 billion dollars sa Auction ng mga Rogers. Isa siyang mataas na miyembro ng Eternal Life Palace sect!“Ah!” Sigaw ni Evelyn. Hindi niya inasahan na makita ang isang lalaking sumagot sa kaniyang tawag. Napapigil siya sa kaniyang hininga habang agad na ibinababa ang tawag.“Ano ang nang
Hindi lang pinakamaganda ang titulong nakuha ni Circe sa kaniyang klase, dahil siya rin ang itinuring na belle ng Hexad. Siya ang naging sentro ng atensyon sa lahat ng lugar na kaniyang puntahan.Naglakad siya palapit kay Darryl. Agad na napunta ang mata ng lahat kay Darryl nang lumakad si Circe palapit dito. Inangat niya ang kaniyang braso habang nagdedemand na, “Ibalik mo na ang cellphone ko, Darryl.”Tinawagan ni Evelyn kaninang umaga ang mga Newman para sabihan si Circe na nakay Darryl ang kaniyang cellphone.Ano? Kinuha ni Darryl ang cellphone ni Circe?Bahagyang nagulat at naconfuse ang lahat sa kanilang narinig.Awkward na ibinalik ni Darryl ang cellphone ni Circe. “Pasensya na,” tawa nito. “Ibabalik ko sana ito sa iyo kagabi pero nakaalis ka na noong maalala ko ito.”Nagisip siya ng dahilan kung bakit napunta sa kaniya ang cellphone nito kagabi.“Bakit napunta sa iyo ang phone ko?” Simangot ni Circe.Nagalit siya kay Darryl. Hawak ni Darryl ang phone niya ng buong gabi,
“Darryl.”Tayo ni Declan habang nangaasar. “Mukhang hindi na talaga matatanggal sa iyo ang bagay na iyan! Natural na para sa iyo ang magnakaw! Hindi ka ba nahihiya rito nang kahit kaunti? Sinabi mo na napulot mo lang ang cellphone ni Circe. Magagawa mo bang manumpa na napulot mo lang ito?”Hayop. Wala nang matatakbuhan si Darryl. Kaya mapait itong ngumiti at umamin sa kaniyang ginawa, “Oo na, ninakaw ko ang phone mo kahapon.”Napakagat sa kaniyang labi si Circe habang namumuhing nakatingin kay Darryl. Hindi pa niya nagagawang mamuhi sa isang tao kailanman. Ito pa lang ang unang beses na may isang taong nakapagnakaw ng kahit na ano sa kaniya.Isang insulto para sa kaniya na makasama sa klase ang isang mababang magnanakaw na kagaya ni Darryl.Napakamot si Darryl sa kaniyang ulo habang sinasabi na. “Wala na akong pakialam sa kung anong gusto mong isipin sa akin, Circe. Mayroon akong dahilan kung bakit ko ninakaw ang cellphone mo kagabi. Nalaman ko kahapon sa Oriental Pearl na hindi m
Naglagay si Katherine ng isang print out ng QR code sa blackboard.Dito na nagsimulang iscan ng mga estudyante ang QR code at magsimulang magdonate. Ang iba ay nagdonate ng 200 thousand, habang ang iba naman ay nagdonate ng 500 thousand. Pero mayroon ding mga mapagbigay na nagdonate ng nasa isang milyong dolyar.Naging motibasyon ng mga ito ang reward na ibibigay sa sinumang may pinakamataas na donation gaya ng sinabi ni Katherine kanina.“Magkano ang dinonate mo?”“Wow! Five hundred thousand.”“Hindi na rin masama ang dinonate ko. Nagdonate ako ng 600 thousand.”Ipinagmalaki nang lahat ang kanilang mga donasyon. Tama nga sii Katherine. Nagpakita ng isang listahan ang online platform ng school na nagpapakita ng mga estudyanteng may pinakamalalaking donasyon.Tumitig ang mata ng lahat sa listahang ito.Nang biglang may isang estudyante mula sa kabilang klase na nagdonate ng isang 1.8 million dollars.“Tingnan ninyo! Nagdonate si Declan ng 2 million!” Sigaw ng isa sa mga estudya
Ano?Halos matumba ang lahat nang makita nila ang listahan. Napapigil sa paghinga ang ilang mga kababaihan sa sobrang pagkamangha.Five million.Paano nagawa ng nakikitirang manugang na itong magdonate nang ganito kalaki? Saan niya nakuha ang perang ito?Agad namang napatanong ang walang kamuang muang na si Katherine ng, “Ano ang nangyari? Bakit kayo nagulat?”“Ms. Katherine,” sagot ng isa sa kaniyang mga estudyante, “Tingnan niyo po ang online donation platform.”Dito na chineck ni Katherine ang kaniyang cellphone at nanginig sa kaniyang nakita.Ano? Nagdonate si Darryl ng five million? Siya na ang estudyanteng may pinakamalaking donasyon sa buong Hexad!Natigilan siya sa kaniyang kinatatayuan habang hindi makapaniwalang tumitingin kay Darryl.Hindi maiwasang mapatingin ni Circe kay Darryl, dumilim nang bahagya ang kaniyang mga mata. Kung magagawa niyang magdonate ng 5 million, bakit siya magnanakaw ng mga cellphone? Maliban na lang kung totoo ang mga sinabi niya kanina?Kas
Agad na nabalot ng papuri ang buong klase. Marami sa mga babae ang humahangang tumingin kay Declan. Para magawang magdonate ng kulang kulang 20 million na parang wala lang, siguradong napakayaman ng pamilyang kinabibilangan nito.Muling nagimprove ang imahe ni Declan sa harap ng kaniyang mga kaklase.Pero napansin ng ilan sa kanila ang maliliit na detalye mula sa labang ito—gaya ni Circe. Nagawa nitong obserbahan si Darryl.Malinaw niyang nakita ang panginignig ng kamay ni Declan sa bawat sandaling magdodonate ito. Habang si Darryl naman ay nananatiling kalmado sa kaniyang kinatatayuan. Nagawa na niyang magdonate ng higit sa sampung milyon nang kalmado.Sa dalawang ito, malinaw na mas interesado siya kay Darryl.Hindi mapigilang matawa ni Darryl sa kaniyang kinatatayuan. “Malapit na bang maubos ang pera mo Declan?” Nanloloko nitong sinabi.Hindi na halos mabayaran ni Declan ang mga kinain nila sa Oriental Pearl kahapon. At nagawa na rin niyang magdonate ngayon ng 17 million kaya
Walang pinagsabihan na kahit sino si Katherine na bumagsak siya ng dalawang level at naging isang Level Four Master General na lamang. Kaya paano ito nalaman ni Darryl.“Ms. Katherine,” Tawa ni Darryl habang dahan dahang nagsasalita. “Gaya ng sinabi ko kahapon, mayroong issue ang Spirit Petrification Elixir na ibinigay ni Declan sa inyo kahapon. Pero sa kasamaang palad, walang kahit na sino ang naniwala sa akin.”Hindi naman ito sinagot ni Katherine, ninenerbiyos niyang kinagat ang kaniyang labi. Dahil nga ba talaga ito sa Spirit Petrification Elixir?“Kung hindi ako nagkakamali, babagsak ka ng dalawa pang level sa bawat sumunod na araw,” nagpatuloy si Darryl sa pagsasalita. “Ayon sa kasalukuyan mong level, magiging isang ordinaryong tao ka na lang sa loob ng isang linggo.”Dito na nagdilim ang itsura ni Katherine. Agad na nagpakita ang takot sa kaniyang mga mata habang nanginginig ang kaniyang mga labi.Naghirap siya nang husto para maging isang Level One Master Marquis. Nagawa p
Kasalukuyang nagmemeditate ang Abbess Mother Serendipity sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansyon nang maglabas ito ng isang napakaganda at napakalakas na aura sa mahaba at kulay puti niyang dress.Habang isa namang imahe ng tao ang mapapansing nakasilip at malademonyong nakangiti sa pintuan papasok sa bakuran. Ito ay walang iba kundi si Florian Darby.Mula noong tumuloy ang nagagandahang mga tagasunod ng Emei sect sa masyadong katabi ng tirahan ng mga Darby, umasa na si Florian na magkakaroon siya ng isang hindi makakalimutang sandali kasama ng mga ito. Pero madalang lang lumabas sa kanilang mansyon ang Abbess Mother Serendipity at ang ibang mga tagasunod ng Emei sect. Madalas na tumatambay ang mga ito sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansyon.Hindi nagawang suwayin ni Florian ang utos ng kaniyang lolo kaya tumayo lang siya sa bakuran para tingnan ang mga babaeng ito. Dito na biglang pumasok sa kaniyang isipan ang isang ideya.Napansin ng Abbess Mother Serendipity si Florian at si