Naglagay si Katherine ng isang print out ng QR code sa blackboard.Dito na nagsimulang iscan ng mga estudyante ang QR code at magsimulang magdonate. Ang iba ay nagdonate ng 200 thousand, habang ang iba naman ay nagdonate ng 500 thousand. Pero mayroon ding mga mapagbigay na nagdonate ng nasa isang milyong dolyar.Naging motibasyon ng mga ito ang reward na ibibigay sa sinumang may pinakamataas na donation gaya ng sinabi ni Katherine kanina.“Magkano ang dinonate mo?”“Wow! Five hundred thousand.”“Hindi na rin masama ang dinonate ko. Nagdonate ako ng 600 thousand.”Ipinagmalaki nang lahat ang kanilang mga donasyon. Tama nga sii Katherine. Nagpakita ng isang listahan ang online platform ng school na nagpapakita ng mga estudyanteng may pinakamalalaking donasyon.Tumitig ang mata ng lahat sa listahang ito.Nang biglang may isang estudyante mula sa kabilang klase na nagdonate ng isang 1.8 million dollars.“Tingnan ninyo! Nagdonate si Declan ng 2 million!” Sigaw ng isa sa mga estudya
Ano?Halos matumba ang lahat nang makita nila ang listahan. Napapigil sa paghinga ang ilang mga kababaihan sa sobrang pagkamangha.Five million.Paano nagawa ng nakikitirang manugang na itong magdonate nang ganito kalaki? Saan niya nakuha ang perang ito?Agad namang napatanong ang walang kamuang muang na si Katherine ng, “Ano ang nangyari? Bakit kayo nagulat?”“Ms. Katherine,” sagot ng isa sa kaniyang mga estudyante, “Tingnan niyo po ang online donation platform.”Dito na chineck ni Katherine ang kaniyang cellphone at nanginig sa kaniyang nakita.Ano? Nagdonate si Darryl ng five million? Siya na ang estudyanteng may pinakamalaking donasyon sa buong Hexad!Natigilan siya sa kaniyang kinatatayuan habang hindi makapaniwalang tumitingin kay Darryl.Hindi maiwasang mapatingin ni Circe kay Darryl, dumilim nang bahagya ang kaniyang mga mata. Kung magagawa niyang magdonate ng 5 million, bakit siya magnanakaw ng mga cellphone? Maliban na lang kung totoo ang mga sinabi niya kanina?Kas
Agad na nabalot ng papuri ang buong klase. Marami sa mga babae ang humahangang tumingin kay Declan. Para magawang magdonate ng kulang kulang 20 million na parang wala lang, siguradong napakayaman ng pamilyang kinabibilangan nito.Muling nagimprove ang imahe ni Declan sa harap ng kaniyang mga kaklase.Pero napansin ng ilan sa kanila ang maliliit na detalye mula sa labang ito—gaya ni Circe. Nagawa nitong obserbahan si Darryl.Malinaw niyang nakita ang panginignig ng kamay ni Declan sa bawat sandaling magdodonate ito. Habang si Darryl naman ay nananatiling kalmado sa kaniyang kinatatayuan. Nagawa na niyang magdonate ng higit sa sampung milyon nang kalmado.Sa dalawang ito, malinaw na mas interesado siya kay Darryl.Hindi mapigilang matawa ni Darryl sa kaniyang kinatatayuan. “Malapit na bang maubos ang pera mo Declan?” Nanloloko nitong sinabi.Hindi na halos mabayaran ni Declan ang mga kinain nila sa Oriental Pearl kahapon. At nagawa na rin niyang magdonate ngayon ng 17 million kaya
Walang pinagsabihan na kahit sino si Katherine na bumagsak siya ng dalawang level at naging isang Level Four Master General na lamang. Kaya paano ito nalaman ni Darryl.“Ms. Katherine,” Tawa ni Darryl habang dahan dahang nagsasalita. “Gaya ng sinabi ko kahapon, mayroong issue ang Spirit Petrification Elixir na ibinigay ni Declan sa inyo kahapon. Pero sa kasamaang palad, walang kahit na sino ang naniwala sa akin.”Hindi naman ito sinagot ni Katherine, ninenerbiyos niyang kinagat ang kaniyang labi. Dahil nga ba talaga ito sa Spirit Petrification Elixir?“Kung hindi ako nagkakamali, babagsak ka ng dalawa pang level sa bawat sumunod na araw,” nagpatuloy si Darryl sa pagsasalita. “Ayon sa kasalukuyan mong level, magiging isang ordinaryong tao ka na lang sa loob ng isang linggo.”Dito na nagdilim ang itsura ni Katherine. Agad na nagpakita ang takot sa kaniyang mga mata habang nanginginig ang kaniyang mga labi.Naghirap siya nang husto para maging isang Level One Master Marquis. Nagawa p
Kasalukuyang nagmemeditate ang Abbess Mother Serendipity sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansyon nang maglabas ito ng isang napakaganda at napakalakas na aura sa mahaba at kulay puti niyang dress.Habang isa namang imahe ng tao ang mapapansing nakasilip at malademonyong nakangiti sa pintuan papasok sa bakuran. Ito ay walang iba kundi si Florian Darby.Mula noong tumuloy ang nagagandahang mga tagasunod ng Emei sect sa masyadong katabi ng tirahan ng mga Darby, umasa na si Florian na magkakaroon siya ng isang hindi makakalimutang sandali kasama ng mga ito. Pero madalang lang lumabas sa kanilang mansyon ang Abbess Mother Serendipity at ang ibang mga tagasunod ng Emei sect. Madalas na tumatambay ang mga ito sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansyon.Hindi nagawang suwayin ni Florian ang utos ng kaniyang lolo kaya tumayo lang siya sa bakuran para tingnan ang mga babaeng ito. Dito na biglang pumasok sa kaniyang isipan ang isang ideya.Napansin ng Abbess Mother Serendipity si Florian at si
“Anong magnanakaw?” Nacucurious na tanong ni Yvonne habang naririnig ang mga bungisngis ng magkapatid na Palmer.Ngumiti si Daisy at sinabing, “Hindi mo ba nabalitaan, Yvonne? Nagnakaw si Darryl ng cellphone kahapon. Mas maganda kung lalayo ka na sa magnanakaw na iyan.”Ngumiti naman si Yvone at hindi naniwala sa kahit isang salita na sinabi ng mga ito. Nagnakaw si Darryl ng cellphone? Ito ang pinakanakakatawang bagay na kaniyang narinig.Magagawa niyang mamuhay ng kumportable sa buo niyang buhay gamit ang kaniyang kakayahan sa pagsusuri ng mga antique at artifact. Kaya bakit naman niya magagawang magnakaw ng mga phone?Hindi naman pinansin ni Darryl si Daisy, finocus niya ang kaniyang sarili sa pagtingin sa piraso na ito ng jade.“Mayroon itong nakaukit na isang imahe ng foreigner na tumutugtog ng isang musical instrument. Kung tama ako, nagmula ito sa pagukit na ginawa nila sa jade na ito. Isang kayamanan ang jade na ito, masasabi ko na nagkakahalaga ito ng nasa isa’t kalahating
Si Xavier King ay isang Level Five Master General mula sa Kunlun sect.Ang pinakamalaki niyang problema ay ang pagiging isa niyang manyak. Uhaw siya sa mga kababaihan. Agad niyang napansin sina Lily at Yvonne sa unang araw ng kanilang klase kaya sinubukan niyang mapalapit sa mga ito.Hindi siya natuwa sa pagiging malapit ng dalawang ito kay Darryl, kaya agad niyang binato ito ng bola nang walang pagaalinlangan.“Pasensya na, nadulas sa kamay ko ang bola kanina!” Ngiti ni Xavier.“Ok lang,” walang pakialam na sinagot ni Darryl.Kinuha ni Xavier ang bola at bumalik na sa court.Nagpatuloy si Darryl sa kaniyang pakikipagusap kay Circe. “Sige, pagusapan natin kung saan tayo kakain mamayang uwian.”Ililibre siya ng belle ng school kaya isang kamangmangan ang pagtanggi rito.Habang paalis si Circe, tahimik itong nagbunyi sa kaniyang sarili, pero hindi niya ito ipinakita sa kahit na sino. Pinanatili niya ang nanlalamig niyang itsura.Ipinulupot ni Lily ang kaniyang braso sa braso ni
Agad na tumigil sa pagsuntok si Xavier. “Oh, Ms. Katherine,” Tumawa siya habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Katherine. Napakacharming talaga nito, mas lalo pa siyang naging attractive sa pagkamature na kaniyang ipinapakita.Nakahinga na rin nang maluwag si Lily. Mabuti na lang at dumating sa tamang oras si Ms. Katherine. Dahil kung hindi, siguradong makakatanggap ng pambubugbog mula rito si Darryl.Sabagay, isa pa ring teacher si Xavier. Kaya paano magagawang lumaban ni Darryl dito?Sumimangot si Katherine at sinabing, “Mr. Xavier, ano ang ginagawa ninyo rito?” Tanong niya.Pinanood niya nang maigi ang mga susunod na mangyayari.“Wala naman, nagbibiruan lang kami rito.” Malakas na tawa ni Xavier.Mahahalatang hindi sa kaniya naniwala si Katherine. “Nakita ko ang buong pangyayari. Mr. Xavier, bilang isang PE teacher, paano mo nagawang mangbully ng iyong mga estudyante?” Nanlalamig nitong akusa.Kinamumuhian din ni Katherine si Xavier. Kilalang kilala ng manyak niyang pag