”So, pumunta ka ba rito para bisitahin ang lugar gaya ko?” Masiglang sabi ni Dora. ‘Bisitahin?’ Sa isip isip ni Darryl. Bahagya itong nagulat. University student si Dora, ang major nito ay architecture design. Kailangan nilang magpasa ng drafts bago magtapos ang semester, nabaalitaan ni Dora na top-notch ang kalidad ng mga villa na gawa ng Windon Real Estate kaya naman nagtungo siya rito para kumuha ng inspirasyon. Nagulat ito nang makuta si Darryl. “Nandito ako para bumisita, ikaw diba?” Mistulang nagulat ang pagkakabuntong hininga nito. “Napakaganda ng mga villa dito!”Nakabihis security guard si Darryl noong unang nakita siya ni Dora, inassume niya na nagtatrabaho ito ng part-time bilang security guard. Ngumiti si Darryl pero hindi ito sumagot. “Oo nga pala, taga saang university ka? Major in architecture design ka rin ba?” Tanong ni Dora. “Sa…” Muntikan na nitong masabi ang Hexad School.Nagpatuloy sa pagsasalita si Dora bago pa nito matapos ang sinasabi. “Ah! Hind
’Pinsan ni Jade ang matabang lalaking ito? Maganda si Jade kaya nakakapagtakang may pinsan itong napakapangit at taba.’ Sa isip isip ni Darryl. Umiling si Darryl. “Lisa at Jack tama? Umuei na kayo, makikinig sila sakin, hindi namin ipagbibili sainyo ang No. 99.” Nagulat si Lisa, dinuro nito si Darryl at pagalit na nagsalita. “Makikinig sayo? Anong sinabi mo? Na hindi mo ibebenta ang villa saamin? Hindi ba staff member ka lang dito? Tsk, tsk, tsk, sabi nan ga ba. Security guard ka dito hindi ba? Kailan pa nagkaron ng Karapatan ang security guard na tanggihan ang buyer, eh?”Malakas at malinaw ang boses nito at pumalibot sa kanila ang mga nakarinig.Namula ang pisngi ni Dora, hinila nito si Darryl. “Umalis nalang tayo.” “Huwag muna kyong umalis! Tatawagan ko ang pinsan ko at tatanggalan ng trabaho ang security guard mong boyfriend.” Natatawang sabi ni Jack.Tinawagan nito si Jade at agad naman itong sumagot. “Jade pumunta ka rito, urgent.” Sabi ni Jack.“Please, please huwag
Tumingin ng masama si Jade kay Jack. “Ano pang ginagawa niyo rito? Alis!” Tumayo ang nanginginig at napatulalang si Jack. Nalungkot at nadismaya ito dahil inaasahan niyang makukuha niya ang susi ngayong araw at mag-eenjoy kasama ni Lisa. Pero ganito ang nangyari.‘Kasalanan to ni Lisa dahil sa pagiging gold digger nito!’ Sa isip isip ni Jack. Mahina ang boses ni Lisa nang magtanong ito habang naglalakad palayo, “Saan na tayo pupunta ngayong gabi?” “Damn you! Pumunta ka kung san mo gusto, umalis ka na! Hindi na kita gustong makita kahit kalian!” Sigaw ni Jack. Kung hindi dahil sa walang kabuluhan nito ay wala sanang maooffend si Jack na hindi niya kayang bayaran. Nadala pa nito sa kaguluhan si Jade, Inalis nito ang kamay at naglakad palayo. Habang si Dora ay curious na nakatingin kay Darryl, ‘Sino siya?’ Ayaw nang maglibot ni Darryl kaya nagpaalam na ito kay Dora at bumili ng mga prutas sa supermarket. Masaya itong humini habang naglalakad pauwi. Pero nang nakatapak na i
Ginising ni Lily si Darryl nang mag umaga na. “Gising na, kailangan natin pumasok sa school.” Nag stretch si Darryl at dahan-dahang tumayo. Sobra nitong nagustuhan ang binabasang libro kagabi, napuyat pa ito kakabasa. Inabutan ito ni Lily ng mga damit. “Maghilamos ka na, ipagluluto kita ng agahan.” Umalis na ito at nagtungong kusina. Nagulat si Darryl sa naramdamang init at lambot sa kaniyang puso. Sa loob ngtatlong taon ay hindi ito pinagluto ng agahan ni Lily, sanay itong siya ang nagluluto ng mga pagkain. Pero ngayon ay nagbago ng buo si Lily, hindi pa siya sanay rito. Ngayon ang opisyal na unang araw nila sa Hexad School. Naroon na ang halos lahat ng estudyante sa lahat ng klase nang makarating si Darryl. ‘Weird. Bakit kaya wala pa si Dax? Nasobrahan ata siya ng tulog?’ Sa isip isip ni Darryl. Nang pumasok ito sa classroom ay agad siyang napakunot, ang unang period lesson ng head teacher ay tungkol sa human acupoints.SInulat ni Katherine sa board ang: [Human Acupoints
Nasa ilalim ng lamesa ang kanyang phone habang nagsesend ng mga mensahe, paano ito napansin ng teacher? Bumuntong hininga si Katherine. “Miss Katherine, hindi po ako naglalaro sa phone. Tinitingnan ko lang ang oeas.” Dahil doon ay muntik nang hindi kunin ang kaniyang phone. “Huwag kang sasagot sagot kapag nagkamali ka. Akin na ang phone.” Malamig na pag-utos ni Katherine na nakapagpakitang hindi na mababago ang desisyon nito.Hinablot nito ang phone. “Darryl, Isa kang nakikitirang manugang. Bakit hindi ka nagpapakita ng awa? Dapat ay naa-appreciate mo ang pagkakataong ito na nakakapag-aral ka sa Hexad School at magtrabahong maigi. Ang iba ay puwedeng magbulakbol dahil nanggaling sila sa mayamang pamilya; kahit na hindii sila magtagumpay ay ayon lang. Pero ikaw? Hindi mo sineseryoso ang pag-aaral mo, hindi nakapagtataka na pinagtatawanan ka ng ibang tao.Tumalikod na si Katherine at bumalik sa podium. Walang magawa si Darryl at bumulong, “Anong masama sa pagiging isang nakikit
Ang Oriental Pearl ang pinakamagandang hotel sa siyudad. Siyempe ay pinili nito ang best hotel para sa kaunaunahan nilang pagsasama. Sumaya ang lahat nang marinig na sa Oriental Peal sila pupunta. Ang lahat ay masayang lumabas ng classroom at nagturo sa kani-kaniyang sasakyan. Dahil nagmula sa mayayamang pamilya ang karamihan sa kanila kaya naman mayroon silang sariling sasakyan at kung minsan pa ay sinasabay ng mga ito ang mga walang sasakyan.Kinailangan ni Darryl ng masasakyan pero puno na ang karamihan sa mga ito. Pumalibot ang tingin ni Darryl at nakita nitong may bakante pang upuan sa sasakyan ni Declan. Si Declan ang magmamaneho, katabi nito si Miles na nasa passenger’s seat at nasa likod naman ang mga pinsan ni Dax na sina Daisy at Daphne, ay mayroong bakante sa tabi nila. Binuksan ni Darryl ang pinto papasok na dapat ito nang bigla siya tinulak ni Daisy at nandidiri itong tiningnan. “Darryl, pwede bang sumabay ka nalang sa iba?”“Bakit? Puno na ang lahat ng sasakyan at
Habang pinapanood ang eksena, hindi mapigilan ni Drake Darby ang kaniyang pagkasabik habang nagsasabi sa nakatatandang Darby na “Napakaganda ng pagkakagawa sa Big Deeper Formation! Napakasolid ng ginawa nilang mga pagatake at pagdepensa. Siguradong titingalain na ng lahat ang pamilya Darby gamit ang formation na ito!” Kahit Level Three Masters pa lang ang tatlong ito, sa pamamagitan ng formation na ito ay magagawa na nilang lumaban sa isang Martial Marquis! Ngumiti ang nakatatandang Darby habang natutuwangh sinasabi na. “Isa talaga ang Big Dipper Formation sa mga pinakamagagandang formations.” Nang matapos sila sa pagsasanay, itinago ng nasasabik na si Florian ang kaniyang espada at tuwang tuwang lumapit habang sinasabi na. “Ano sa tingin mo Grandpa?”“Magaling, magaling, napakagaling! Maganda ang ipinakita ninyong mga improvement nitong nakaraan. Nahigitan nito ang aking mga inaasahan sa inyo. Kaya natutuwa ako ngayon sa inyong lahat, sigurado ako na kayo ang magbibigay ng kara
Sa sandaling manatili ang mga tagasunod ng Emei sa mansyon ng pamilya Darby, maaaring magkaroon ng tiyansa si Florian sa ilang mga babaeng ito. Kaya ito ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Matapos itong marinig, agad na lumabas sa kaniyang likuran si Yumi at agad na kinurot ang kaniyang asawa. “Bakit sabik na sabik ka ha?” Kilala ni Yumi ang kaniyang asawa kaya naiintindihan niya kung gaano kamanyak ang isipan nito. Dahil kung hindi siya isang manyak, hindi niya magagawang gahasain si Rebecca. Siguradong nakita ng walang kuwentang basura na itong maganda ang Abbess Mother Serendipity kaya agad na gumana ang nakakadiri nitong utak dito. “Ano? Nagaalala lang ako sa mga tagasunod ng Emei dahil wala silang tutuluyan, ako na ang nahihirapan para sa kanila sa sandaling tanggihan natin ang hiling nila.” Seryosong sinagot ni Florian. Tumitig naman sa kaniya ang tahimik na si Yumi. Ikinaway ng nakatatandang Darby ang kaniyang kamay at ngumiti sa Abbess Mother Serendipity. “Sige, p