Habang pinapanood ang eksena, hindi mapigilan ni Drake Darby ang kaniyang pagkasabik habang nagsasabi sa nakatatandang Darby na “Napakaganda ng pagkakagawa sa Big Deeper Formation! Napakasolid ng ginawa nilang mga pagatake at pagdepensa. Siguradong titingalain na ng lahat ang pamilya Darby gamit ang formation na ito!” Kahit Level Three Masters pa lang ang tatlong ito, sa pamamagitan ng formation na ito ay magagawa na nilang lumaban sa isang Martial Marquis! Ngumiti ang nakatatandang Darby habang natutuwangh sinasabi na. “Isa talaga ang Big Dipper Formation sa mga pinakamagagandang formations.” Nang matapos sila sa pagsasanay, itinago ng nasasabik na si Florian ang kaniyang espada at tuwang tuwang lumapit habang sinasabi na. “Ano sa tingin mo Grandpa?”“Magaling, magaling, napakagaling! Maganda ang ipinakita ninyong mga improvement nitong nakaraan. Nahigitan nito ang aking mga inaasahan sa inyo. Kaya natutuwa ako ngayon sa inyong lahat, sigurado ako na kayo ang magbibigay ng kara
Sa sandaling manatili ang mga tagasunod ng Emei sa mansyon ng pamilya Darby, maaaring magkaroon ng tiyansa si Florian sa ilang mga babaeng ito. Kaya ito ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Matapos itong marinig, agad na lumabas sa kaniyang likuran si Yumi at agad na kinurot ang kaniyang asawa. “Bakit sabik na sabik ka ha?” Kilala ni Yumi ang kaniyang asawa kaya naiintindihan niya kung gaano kamanyak ang isipan nito. Dahil kung hindi siya isang manyak, hindi niya magagawang gahasain si Rebecca. Siguradong nakita ng walang kuwentang basura na itong maganda ang Abbess Mother Serendipity kaya agad na gumana ang nakakadiri nitong utak dito. “Ano? Nagaalala lang ako sa mga tagasunod ng Emei dahil wala silang tutuluyan, ako na ang nahihirapan para sa kanila sa sandaling tanggihan natin ang hiling nila.” Seryosong sinagot ni Florian. Tumitig naman sa kaniya ang tahimik na si Yumi. Ikinaway ng nakatatandang Darby ang kaniyang kamay at ngumiti sa Abbess Mother Serendipity. “Sige, p
Nanatiling walang emosyon si Circe habang tumatango at itinatago ang kaniyang cellphone, naglakad siya paputna sa tabi ng grupo.Agad na naging awkward ang sitwasyon dahil mukhang hindi talaga nila magagawng kumain sa lugar na ito. Maging si Circe ay walang kakayahang makapasok dito kaya natural lang na wala ring kakayahan ang iba niyang mga kasama na gawin ito. Dito na iniling ng karamihan sa mga babae ang kanilang mga ulo, maging si Darryl ay napailing sa nangyaring ito. Nakatayo siya sa dulo ng grupo kaya walang sinuman ang nakapasin sa kaniya. Dito na siya biglang naglakad palapit sa staff member habang hawak ang isang card. “Hello, puwede mo bang icheck kung makakapagbukas ka ng kuwarto gamit ang card na ito?” Kabibigay bigay lang sa kaniya ni Wayne ng card na ito, palagi niya itong dala pero hindi pa niya ito nagagamit hanggang sa mga sandaling ito. “Huh? Nahihibang na ata ang nakikitirang manugang na ito? Haha!” Isip ng lahat. Ang VIP room ng Oriental Pearl ay ang pinak
“Ninakaw niya lang kaya ang card na iyan?” Isip ni Declan.Habang nakikita ang pagtataka sa mukha ng lahat, agad na sumagot si Darryl ng. “Hindi sa akin ang card na iyan. Sa boss ko iyan.” Noong una ay natahimik ang lahat sa kanilang narinig, pero matapos ang ilang segundo, agad nang sumabog ang lahat sa katatawa. “Hahaha! Sa boss naman pala niya ang card na iyan.” Isip ng lahat. “Haha! Sa boss niya naman pala iyan! Para lang siyang bata na pinaglalaruan ang card ng kaniyang boss! Napakaoportunista ng isang ito!” Isip ni Declan. “Hayop kayong lahat! Mabuti nga at tinulungan ko kayong makakuha ng kuwarto, pero nagawa niyo pa rin akong lokohin nang ganito? Bahala na. Bakit nga ba ako naaapektuhan sa mga taong ito.” Isip ni Darryl habang nakangiti sa harap ng lahat. Pagkatapos pumasok sa room, agad na pinapasok ni Declan ang mga waiter ng hotel.“Halika rito. Kayong lahat, orderin ninyo ang lahat ng gusto niyong kainin. Gusto kong magenjoy kayong lahat ngayong gabi!” Sabi niy
Nanlalamig namang umupo roon si Circe na parang isang namumukadkad na orchid, naglabas ito ng isang hangin nap uno ng biyaya sa mga taong nasa kaniyang paligid. Kahit na walang kahit na sino ang nakapansin sa pagiging weird o kakaiba ng kaniyang mga kilos, marami sa mga kalalakihan ang gusto siyang makilala, pero wala pa ring sapat na lakas ng loob ang mga ito para gawin iyon.Gumaganda na ang mood ng lahat, dito na tumayo ang nakangiting si Declan habang hawak hawak ang isang eleganteng box sa kaniyang mga kamay. Naglakad siya papunta kay Katherine at magalang na sinabing, “Ngayong araw din po pala ang teacher’s day, Ms. Katherine, gusto ko lang pong magpasalamat sa pagiging guro niyo po sa amin. Isa po itong regalo para sa inyo.” Agad na nabalot ng gulat at pagkamangha ang buong room. Pinaghandaan nga talaga ni Declan ang lahat. Nagawa niya ring maghanda ng regalo para kay Ms. Katherine. Malinaw nga talaga na gustong gusto niya na maging kanilang class monitor. Nanatili namang k
Agad din itong ginatungan ni Miles na nanginsulto kay Darryl. “Isa ka lang nakikitirang manugang—kaya paano mo nagawang kwestiyunin ang elixir na binigay ni Declan? Naiingit ka lang siguro.”Bumungisngis si Darryl habang nakatingin kay Declan.“Walang duda na isa ngang Spirit Petrification Elixir ang pill na ibinigay mo. Pero alam mo ba na ang pill na ito ay dapat na itago sa isang madilim, malamig at isang humid na kuwarto o lalagyan? Hindi ito maaaring masinagan ng araw. Ang Spirit Petrification Elixir ay mayroon talagang dark yellow na kulay. Agad itong magkukulay light yellow sa sandaling tamaan ito ng araw. Dahil light yellow na ang pill na hawak mo, maaaring nabilad na ito sa araw noong mabili mo ito sa nagagalang mangangalakal sa inyo.” Normal na nagpaliwanag si Darryl na nakapagpatahimik sa buong kuwarto.“Ano naman kung nabilad na ito sa araw?” Natatawang tanong ni Declan. “Epektibo pa rin kaya ito?”“Akala siguro ng mapagkunwaring Darryl na ito na pinaniniwalaan natin ang
Papunta si Circe sa washroom nang makapasok si Darryl sa dining area.Isang pilyong bagay ang pumasok sa kaniyang isip, na nakapagpatawa sa kaniya nang pabulong.“Hindi niya magagawang magbayad kung nanakawin ko ang cellphone at purse ni Circe. Tingnan natin kung ano na ang mangyayari ngayon kay Declan!”Dito na niya binangga si Circe kasabay ng mabilis na pagkuha sa dala nitong cellphone at purse.Tagumpay!Nagawa na niyang basahin ang Shadow Skills kahapon. Masyado talagang nakakakaba ang paggawa sa mga itinuturo nito sa unang beses, pero sa kabutihang palad ay nagawa pa rin niya itong gawin.Natatawa si Darryl sa sobrang pagkasabik sa kaniyang loob, pero nagkunwari siyang napapahiya habang humihingi ng tawad kay Circe, “Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin!”Dito na tiningnan nang maigi ni Darryl si Circe. Maganda. Napakaganda.Habang nasa dinner, si Circe ang may pinakakaunting nainom sa kanilang lahat, pero malinaw na makikita nang kahit na sino an
Kung ibang mga babae lang ang nakawala sa kanilang mga phone, agad na magpapanic ang mga iyon.Hindi naman isang ordinaryong babae si Circe. Hindi maikukumpara ang kaniyang pagkakalmado nang malaman niyang nawawala ang kaniyang dalang cellphone at purse.Tahimik naman siyang binati ni Darryl. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya ang itinuring na Belle ng Hexad. Hindi mapapantayan ng kahit na sino ang level ng pagkakalma at confidence na kaniyang ipinakita.Ano ang nangyari? Nawala ba niya ang dala niyang cellphone?Dito na nagtaka ang lahat. Dahil kung hindi makapagbabayad si Circe, nakahanda ba ang lahat na makihati sa pagbabayad ng bill?Hindi na kaya pang magkunwari ni Declan, matapos bumagsak sa lamesa habang nangyayari ang lahat ng ito. Ano ang nangyayari? Hindi magawang makapagbayad ni Circe? Kung ipagpapatuloy pa niya ang pagkukunwari, may masasabi nang hindi maganda ang mga taong ito sa kaniya. At kinalaunan ay kakailanganin na rin niyang harapin ang problema niyang ito.