”Anong tinatawa niyo? Shut up!” Tumitig si Katherine sa klase. Isang malakas na vibration nanaman ang lumabas mula sa enerhiya nito. Ang lahat ang agad na tumahimik. Pero mapang-asar pa rin ang mga tingin nito kay Darryl. Tinitigan ni Katherine si Darryl, “Tingnan mo ang sarili mo, bakit ka nakikipag-away? Hindi ka kagaya ni Dax; wala kang makapangyarihang pamilya. Ano ang nakapagpatatak sayo na kaya mong makipagaway? ‘Damn it. Anong ginawa ko? Ininsulto ako ng istupidong si Kent, sinipa ko lang siya.’ Nasa isip ni Darryl pero hindi ito nagsalita. Nagpatuloy si Katherine. “Wala akong pakielam kung sino kayo. Lahat kayo na nasa klaseng ito ay mag cucultivate at hindi gagawa ng kaguluhan. Kayong dalawa ay nakipag-away sa entrance sa unang araw ninyo rito, hindi kayo marunong rumespeto, bumaba kayong dalawa at tumakbo ng hundred laps.” ‘Huh? Hundred laps?’ Nasa isip ni Dax. Nangitim ang mukha ni Dax. “Hundred laps? Hindi ako tatakbo ng isang lap!”Umupo ang galit na si Dax.
’Isang napakamalas na araw.’ Naisip ni Dax. Naghihingalo si Dax at mukhang bato ang ekspresyon nito dahil sa pagtakbo ng napakaraming laps kasama si Darryl. “Bwiset siya! Tatandaan ko tong Katherine na to. Hindi pa ako naiinsulto ng ganito buong buhay ko!” Pag rant ni dax habang tumatakbo. Apat nab eses itong sinampal at pinaruhasan pa na tumakbo ng hundred laps. Nakakainsulto ito para sa kaniya.“Sige, pero sa kung anong meron tayo ngayon, sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para maghiganti. Kung mas mababa ka kaysa sa kaniya, kailangan mo munang alisin ang ego mo,” Pinakalma ito ng walang laban na si Darryl.Samantalang sa classrooms na nasa taas nila, hinayaan lang ng mga teachers na mag self-study ang mga estudyante pagtapos magpakilala ng mga ito. Sa Year One Class Seventeen, nakaupo si Kent Hough sa tabi ng bintana. Na bored siya at napatingin sa kung ano ang nangyayari sa field.“Haha! Tingnan niyo oh! Di ba yun yung walang kwentang manuguang? Pinaparusahan
Ilang araw nang nakakaramdam ng pagsisisi si Lily. Lalo itong kinabahan dahil sa hindi pagkibo ni Darryl, hinawakan niya ang wrist nito. “I’m really sorry Darryl. Please, pwede ka bang sumama saakin pauwi?” Umakto si Darryl na para bang wala siyang narinig. Nagpatuloy ito sa pakikipag-sap kay Dax, “Tara na bilis! Di ba sabi mo maghahanap tayo ng pwedeng pagliguan? Maghanap rin tayo ng inumin pagtapos maligo.” Umiling si Dax. “Hindi ako sasama sayo para uminom at maligo! Tinatanong ka ng asawa mo kung pwede kang sumama sa kanya pauwi.”Pagtapos niya itong sabihin ay agad na tumakbo paalis si Dax. “Darryl sorry na, please patawarin mo na ko at sumama ka na pauwi?” Pagmamakaawa ni Lily, namumula na ang mga mat anito nang yakapin niya si Darryl mula sa likod.Nakapag reflect na ito sa mga naging aksiyon niya nitong mga nakaraang araw at sobra nitong pinagsisihan ang lahat ng nasabi at nagawa kay Darryl. “Kung hindi ka sasama saakin, susundan nalang kita kahit saan ka magpunta,
”So, pumunta ka ba rito para bisitahin ang lugar gaya ko?” Masiglang sabi ni Dora. ‘Bisitahin?’ Sa isip isip ni Darryl. Bahagya itong nagulat. University student si Dora, ang major nito ay architecture design. Kailangan nilang magpasa ng drafts bago magtapos ang semester, nabaalitaan ni Dora na top-notch ang kalidad ng mga villa na gawa ng Windon Real Estate kaya naman nagtungo siya rito para kumuha ng inspirasyon. Nagulat ito nang makuta si Darryl. “Nandito ako para bumisita, ikaw diba?” Mistulang nagulat ang pagkakabuntong hininga nito. “Napakaganda ng mga villa dito!”Nakabihis security guard si Darryl noong unang nakita siya ni Dora, inassume niya na nagtatrabaho ito ng part-time bilang security guard. Ngumiti si Darryl pero hindi ito sumagot. “Oo nga pala, taga saang university ka? Major in architecture design ka rin ba?” Tanong ni Dora. “Sa…” Muntikan na nitong masabi ang Hexad School.Nagpatuloy sa pagsasalita si Dora bago pa nito matapos ang sinasabi. “Ah! Hind
’Pinsan ni Jade ang matabang lalaking ito? Maganda si Jade kaya nakakapagtakang may pinsan itong napakapangit at taba.’ Sa isip isip ni Darryl. Umiling si Darryl. “Lisa at Jack tama? Umuei na kayo, makikinig sila sakin, hindi namin ipagbibili sainyo ang No. 99.” Nagulat si Lisa, dinuro nito si Darryl at pagalit na nagsalita. “Makikinig sayo? Anong sinabi mo? Na hindi mo ibebenta ang villa saamin? Hindi ba staff member ka lang dito? Tsk, tsk, tsk, sabi nan ga ba. Security guard ka dito hindi ba? Kailan pa nagkaron ng Karapatan ang security guard na tanggihan ang buyer, eh?”Malakas at malinaw ang boses nito at pumalibot sa kanila ang mga nakarinig.Namula ang pisngi ni Dora, hinila nito si Darryl. “Umalis nalang tayo.” “Huwag muna kyong umalis! Tatawagan ko ang pinsan ko at tatanggalan ng trabaho ang security guard mong boyfriend.” Natatawang sabi ni Jack.Tinawagan nito si Jade at agad naman itong sumagot. “Jade pumunta ka rito, urgent.” Sabi ni Jack.“Please, please huwag
Tumingin ng masama si Jade kay Jack. “Ano pang ginagawa niyo rito? Alis!” Tumayo ang nanginginig at napatulalang si Jack. Nalungkot at nadismaya ito dahil inaasahan niyang makukuha niya ang susi ngayong araw at mag-eenjoy kasama ni Lisa. Pero ganito ang nangyari.‘Kasalanan to ni Lisa dahil sa pagiging gold digger nito!’ Sa isip isip ni Jack. Mahina ang boses ni Lisa nang magtanong ito habang naglalakad palayo, “Saan na tayo pupunta ngayong gabi?” “Damn you! Pumunta ka kung san mo gusto, umalis ka na! Hindi na kita gustong makita kahit kalian!” Sigaw ni Jack. Kung hindi dahil sa walang kabuluhan nito ay wala sanang maooffend si Jack na hindi niya kayang bayaran. Nadala pa nito sa kaguluhan si Jade, Inalis nito ang kamay at naglakad palayo. Habang si Dora ay curious na nakatingin kay Darryl, ‘Sino siya?’ Ayaw nang maglibot ni Darryl kaya nagpaalam na ito kay Dora at bumili ng mga prutas sa supermarket. Masaya itong humini habang naglalakad pauwi. Pero nang nakatapak na i
Ginising ni Lily si Darryl nang mag umaga na. “Gising na, kailangan natin pumasok sa school.” Nag stretch si Darryl at dahan-dahang tumayo. Sobra nitong nagustuhan ang binabasang libro kagabi, napuyat pa ito kakabasa. Inabutan ito ni Lily ng mga damit. “Maghilamos ka na, ipagluluto kita ng agahan.” Umalis na ito at nagtungong kusina. Nagulat si Darryl sa naramdamang init at lambot sa kaniyang puso. Sa loob ngtatlong taon ay hindi ito pinagluto ng agahan ni Lily, sanay itong siya ang nagluluto ng mga pagkain. Pero ngayon ay nagbago ng buo si Lily, hindi pa siya sanay rito. Ngayon ang opisyal na unang araw nila sa Hexad School. Naroon na ang halos lahat ng estudyante sa lahat ng klase nang makarating si Darryl. ‘Weird. Bakit kaya wala pa si Dax? Nasobrahan ata siya ng tulog?’ Sa isip isip ni Darryl. Nang pumasok ito sa classroom ay agad siyang napakunot, ang unang period lesson ng head teacher ay tungkol sa human acupoints.SInulat ni Katherine sa board ang: [Human Acupoints
Nasa ilalim ng lamesa ang kanyang phone habang nagsesend ng mga mensahe, paano ito napansin ng teacher? Bumuntong hininga si Katherine. “Miss Katherine, hindi po ako naglalaro sa phone. Tinitingnan ko lang ang oeas.” Dahil doon ay muntik nang hindi kunin ang kaniyang phone. “Huwag kang sasagot sagot kapag nagkamali ka. Akin na ang phone.” Malamig na pag-utos ni Katherine na nakapagpakitang hindi na mababago ang desisyon nito.Hinablot nito ang phone. “Darryl, Isa kang nakikitirang manugang. Bakit hindi ka nagpapakita ng awa? Dapat ay naa-appreciate mo ang pagkakataong ito na nakakapag-aral ka sa Hexad School at magtrabahong maigi. Ang iba ay puwedeng magbulakbol dahil nanggaling sila sa mayamang pamilya; kahit na hindii sila magtagumpay ay ayon lang. Pero ikaw? Hindi mo sineseryoso ang pag-aaral mo, hindi nakapagtataka na pinagtatawanan ka ng ibang tao.Tumalikod na si Katherine at bumalik sa podium. Walang magawa si Darryl at bumulong, “Anong masama sa pagiging isang nakikit