Share

Kabanata 245

Nagdilim ang mukha ni Darryl habang hinihila ang kamay ni Lily para dalhin ito paalis ng bar.

Pero nakangiti namang tumayo si Donoghue habang tinitingnan si Darryl mula ulo hanggang paa. “At sino ka naman? Sino ang nagpapasok sa iyo rito? Lumabas ka na!”

Lumabas ka?

Nanlalamig na tumawa si Darryl habang naglalabas ng isang nakakatakot na aura habang nakatitig kay Donoghue. “Mukhang ikaw yata si Donoghue, tama?”

Nakangiti namang sumagot si Donoghue ng, “Ako nga iyon! Ikaw ba ang kaibigan ni Dax na nagpunta rito kagabi? Nabugbog na namin sila kagabi. Gusto mo rin bang sapitin ang sinapit niya sa amin? Kung ayaw mo, mas maigi para sa iyong umalis sa lugar na ito ngayundin.”

Isang naglalagablab na galit ang biglang umusbong mula sa dibdib ni Darryl.

Dito na namula nang husto ang mga mat ani Darryl habang nakangiting sinasabi na, “Sinasabi ko sa iyo, hindi ako aalis dito hangga’t hindi kita nabubugbog ngayong gabi.” Nagmula ang huling sinabi ni Darryl sa nagngingitngit niyang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status