Share

Kabanata 1496

Author: Skykissing Wolf
Tiningnan ng Emperor ng New World ang ilan sa mga kalahok, tumango ito nang makuntento. Lahat ng mga kalahok ay elite na miyembro sa lipunan. Espesyal na makapangyarihan si Matteo, mukha itong matalino at matatag. Mapapanatag ito kapag siya ang naging Prince Consort.

Nang sandaling iyon, humakbang si Florian at tumingin sa paligid sabay sumigaw. “Ang unang round ay sina Matteo laban kay Sampson cartor!”

Dahan-dahang lumapit sa altar ang dalawa.

Nang sandaling iyon ay natuon ang atensyon ng lahat sa dalawa.

Si Sampson ay mula sa Sky Fountain Sect ng Westrington at isa itong level four Martial Emperor. Palagi itong nasa top five sa mga naunang kompetisyon ng martial arts. Hindi dapat maliitin ang kakayahan nito.

Mukhang kalmaddo si Matteo habang nakatingin ito kay Sampson. “Huwag na tayo mag-aksaya pa ng oras, bibigyan kita ng kalamangang mauna!”

‘Ano?’

‘magbibigay ng kalamangan si Matteo para kay Sampson?’

‘Gaano kalaki ang tiwala nito sa sarili para sabihin iyon?’

Nagulat ang
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1497

    Hindi maitago ng Empress na nakaupo sa high altar ang kaniyang pagkabigo. “Bakit si Luca nanaman?! Wala naamng halaga ang konpetisyon nito.”‘Sinuwerte lamang ang luca na ito; wala siyang tunay na kakayahan!’Sa parehong sandal ay hindi napigilang mapatingin ni Sloan kay Yvette. “Prinsesa, si Luca na ang makikipaglaban. Sa tingin mo ba ay mananalo siya?”Hindi ito sigurado kung bakit, pero hindi ma-kontrol ni Sloan ang pagkasabik ng kaniyang puso nang makitang umakyat ng entablado si Luca.Marahil espasyal si Luca. Isang himala na makasali sa finals ang isang Martial Saint.“Kapatid na Sloan, hindi mahalaga para sa akin kung siya’y manalo o matalo.” Kalmadong sagot ni Yvette, hindi ito nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha.Sa katunayan, kung mas maaga lang ay paniguradong magiging interesado si Yvette kay Luca.Ngunit mula noong nalaman nilang namatay si Darryl ay naging madilim at nawalan ng buhay ng mundo ni Yvette. Hindi na ito naging interesado sa kahit na a

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1498

    ”Ha-ha!” Malakas na tumawa ang nasa entabladong si Carl. Inidiin nito ang isang kamay sa kaniyang tiyan habang nakaturo kay Darryl. “Nakakatawa ka; sa tingin mo ay mananalo ka dahil sa abilidad mong iyan? Nag-iisip ka ba bago magsalita?”Nang sabihin niya ito ay nandilim at lumamig ang tingin sa mukha ni Carl. “Ipakita mo sa akin kung anong kaya mong gawin!”Matatag nitong itinaas ang kaniyang kamay.Bang!Agad na nag-iba ang hangin sa harapan nito!“Million Definite Slash!” Malamig na sumigaw si Carl at lumipad ang maninipis na kutsilyo na namuo sa ere.Kasing nipis ng pakpak ng paru-paro ang mga ito at nabuo mula sa internal na enerhiya. Nasa 10,000 ang dami nito!“Luca, dito na magtatapos ang iyong kompetisyon!” Malamig na sabi ni Carl.Itinaas nito ang kaaniyang kamay at tinuro si Darryl. Agad na nagmistulang meteor shower ang pagsugod ng mga ito sa direksyon ni Darryl.Hindi mapigilang mapahinga ng malamig ang mga nakakita. Nag-alala ang lahat para kay Luca!Napakalakas

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1499

    Hindi tinago ni Darryl ang kaniyang lakas nang buoin nito ang protective shield.Wala nang punto pa para magkunwari dahil finals na.Malapit na tinignan ni Darryl si Carl. “Carl! Hindi mo inakala iyon, hindi ba? Hayaan mong sabihin ko sa iyong; hindi ako isang Martial Saint!”Ang sumunod ay bahagyang pinaglayo ni Darryl ang kaniyang mga braso at binti at kalmado itong nagsalita. “Umatake ka na, pero ngayon ay ako naman!”Sumabog ang internal na enerhiya ni Darryl nang siya’y magsalita, kasing bilis ng kidlat itong sumugod.Bang!Walang naging oras si Carl para maka-react. Tinamaan ito ng malakas ng suntook ni Darryl at lumipad palabas ng arena ng labanan ang katawan nito, pagtapos ay bumagsak ang lalaki na parang sirang saranggola. Tumama ito sa isang haligi matapos lumipad ng may isang daang metrong layo bago lumapag sa sahig.Pinilit ni Carl na tumayo, tumingin ang maputlang mukha nito sa direksyon ni Darryl. Nagulat ang lalaki. ‘Tinago ng lalaking ito ang kaniyang internal na

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1500

    Napatigil at nanatiling tahimik ang Emperor ng New World nang marinig nito ang diskurso ng mga tao. Hindi ito makapagdesisyon.‘Malaking opensa ang ginawa ni Lucas na itago ang kaniyang pagkatao. Sa kabilang banda ay matalino at matapang ito; isa itong bihirang talent. Matatanggal sa kompetisyon ang lalaki kapag nagpasya akong isa itong panloloko sa maharlikang pamilya at masasayang ang lahat.’Tumingin ito kay Florian nang maisip iyon. “Ministro Florian, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?”“Ah..” nagulat si Florian at nagsimulang bumulong. “Hi-hindi ako sigurado.”‘Ang sambahin ang Kamahalan lamang ang alam kong gawin; wala akong kahit na anong ideya sa paghawak ng ganito kalaking problema.’Hindi mapigilang magsalita ng kanina pa tahimik na si Yvette. “Ama! Tinago ni Luca ang kaniyang totoong kakayahan at niloko ang maharlikang pamilya. Hindi nito nirespeto ang ating pamilya. Hindi lamang siya dapat na matanggal, dapat din itong patayin sa harap ng publiko!”Tumitig si Yvet

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1501

    Malamig na pinagpawisan si Florian nang sandaling iyon.‘Hayop, buti nalang at panakot lang iyon.’Siyempre ay hindi ito nag-alala sa kaligtasan ni Luca, ngunit maaari itong madamay.Walang nakapansin sa ginawang pagtago ni Luca Moonlight sa kaniyang tunay na lakas. Ito ay resulta ng hindi maayos na pagbantay ng tagahatol.“Woo!”Pasikreto ring napahinga ng malalim ang mga manonood para kay Darryl. Agad ring nagbago ang pananaw ng mga ito kay Darryl.“Isang alagad ng ibang makamundong master ang Luca na ito. Hindi nakapagtataakng napakalakas niya at ayaw nitong ipagsabi ang kaniyang katauhan.”Bumalik ang Emperor sa kaniyang tronong dragon at walang emosyong nagsalita. “Ipagpatuloy ang kompetsisyon!”Agad na tumango si Florian bago ito naglakad at malakas na nagsalita. “Ok! Ngayon ay paglalabanan na ang pagkapanalo sa unang pwesto. Mag papalabunutan kayong tatlo, maglalaban ang dalawang mananalo at ang matitira sa dalawa ay ang lalaban para sa unang pwesto.”Nag palabunutan na

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1502

    Isang Level One Heaven Ascension?’Tinago rin ni Matteo ang kaniyang lakas! Huminga ng malalaim si Darryl bago ito mas naging maingat!Sa katunayan ay hindi mag-aabala si Darryl para biyan ito ng atensyon kung isa lamang Martial Emperor ang lebel ni Matteo.Ngunit ibang usapan na kapag nasa Heaven Ascension ang lebel nito dahil kung ganoon ay isa na ito sa pinakamalalakas na indibidwal na nasa Nine Mainlands.Sina Gonggong at Zhu Bajie na mula sa North Moana ay parehong Heaven Ascension na mga cultivator!“My God, itinago rin ni Master Hanson ang kaniyang kapangyarihan?”“Mukhang mas lamang si Master Hanson! Sigurado akong hindi ito inakala ni Luca Moonlight…”“Nakakainteres! Mas nagiging interesado ako sa kompetisyon ito!”Nag-init ang mga pag-uusap ng mga manonood habang tinitiis ang nakakasakal na pwersa.Napangiti at tumango ang Emperor ng New World na nasa taas ng entablado. “So, tinago rin pala ni Matteo Hanson ang kaniyang kapangyarihan. Magaling! Mas kaabang-abang ang

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1503

    ’B-bakit napakalakas ni Luca? Isa lamang itong Level Five Martial Emperor pero nagtagal ito laban sa mga pag-atake ni Matteo…’Hindi makapaniwala ang lahat habang nanonood, mas napaisip ang mga ito.Posibleng hindi maintinidihan ng mga ordinaryong tao ang mga pangyayari sa dalawa habang nasa gitna ng ere. Pero may napansing kakaiba ang ilan sa mga cultivator.Kahit na nahirapang magtagal si Luca ay napagtanto nilang nadepensahan parin nito ang mga pag-atake ni Matteo! Mas lalo ring nagulat si Matteo nang sandaling iyon.‘Anong nangyayari?’May nakadikit na Purple Cloud Enchanted Flame sa bawat pag-atakeng ginawa ni Matteo, pero mabilis lamang itong nalulusaw ni Luca.Hindi kaya’y mayroon ding Purple Cloud Enchanted Flame si Luca?Hindi napagtanto ni Matteo na ang taong nasa kaniyang harapan ay mortal niyang kaaway, si Darryl Darby!Sa nakalipas na mga taon ay nagsanay ding maigi si Darryl sa pag-cultivate ng White Lily Cold Flame sa ibabaw ng paghasa niya sa kaniyang cultivati

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 1504

    SI Matteo ang may pinakamaraming naging suporta mula sa mga manonood magmula noong nagsimula ang martial arts marriage tournament at masasabing hindi kakayanin nino man ang kapangyarihan nito sa pagiging isang Heaven Ascension level!Ngunit natalo ito nang sandaling iyon.Ang pinakamahalaga, ang kalaban nito—si Luca Moonlight at isa lamang Level Five Martial Emperor.“Ikaw…”Magulo ang hitsura ni Matteo nang lumabas ito mula sa butas sa oras na iyon at mapula ang mga mata nitong tumitig kay Darryl. “N-nag cultivate ka rin ng Purple Cloud Enchanted Flame?”Kalagitnaan na ito nang kaniayng mapagtanto na parang may mali. Hindi ito matatalo kahit na mayroon din nito si Luca dahil mas malakas ang kaniyang kapangyarihan.Dahan dahang bumaba si Darryl mula sa ere bago nginitian si Matteo. “Hindi na mahalaga kung nag-cultivate rin ako ng Purple Cloud Enchanted Flame dahil talo ka na!”Pinilit ni Darryl na pigilan ang galit na nasa kaniyang puso nang sabihin niya iyon.Sa katunayan ay g

Pinakabagong kabanata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7050

    Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7049

    Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7048

    Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7047

    Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7046

    Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7045

    Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7044

    "Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7043

    Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7042

    Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status