Isang nakabibinging katahimikan.Nang makarating si Darryl sa pampang, hinila niya ang 10 talampakang pating sa buhangin.“Gulp!” Napalunok nang malakas ang isa sa mga taong nakatingin sa kaniya.Paano niya nagawa ito? Paano naging posible sa kaniya na pumatay ng isang pating?Tiningnan ng ilang daang mga mayayamang sumama sa outing si Darryl. Natigilan at namangha ang bawat isa sa mga ito. Napakagaling!Ngumiti si Darryl at sinabing “Bakit umiiyak nang ganito ang wifey ko? Nagalala ka ba nang husto sa hubby mo?”“Ikaw…” Durog na durog ang puso ni Lily habang iniisip na hindi na niya ito makikita pang muli. Gusto na lang niyang yakapin nang mahigpit si Darryl nang makita niya itong naglalakad papunta sa pampang.Punong puno pa rin ng luha ang napakaganda niyang mukha. Hindi niya inaasahang magbibiro pa rin si Darryl matapos niyang tawagin ang kaniyang sarili biglang hubby at tawagin siyang wifey sa harap ng lahat. Nakakahiya!“Tigilan mo na iyan, hi-hindi ako nagaalala s aiyo!”
“Masuwerte si Darry para magawang maging kaibigan ni Dax, pero malayo ang agwat ng kanilang mga katayuan kaya hindi rin magtatagal ang pagkakaibigan nilang ito,” isip ni Kent. Siya ang nagisip ng eksenang iyon tungkol sa isang pating pero si Darryl ang nakakuha ng atensyon na para dapat sa kaniya. Maging ang fiancé niyang Megan ay hindi na siya pinapansin sa mga sandaling ito.“Alright, maaari bang tumahimik tayong lahat.” Dito na umabante si Edward at nagsalita.“Nagmula tayong lahat sa mayayaman at kilalang mga pamilya. Ang bawat isa ay pinalaki nang husto ng kanikanilang mga magulang. Ang aim ng outing na ito ay para ichallenge ang survival instinct ng bawat isa. Kaya dapat lang na ihawin natin ang pating na iyan mamaya. Pero sa ngayon, humanap na muna tayo ng lugar para matulog.” Malaks na sinabi ni Edward.“Magaling!” Agad namang sumangayon dito ang lahat.Hindi nagtagal ay naghanap na ang bawat isa ng lugar na mapagpapahingahan matapos kainin ang inihaw na isda.“Dalian niny
Sa Moonlit River.Naglakad papasok si Giselle matapos niyang bumaba sa kaniyang sasakyan. Tinawagan siya ng kanilang high school class monitor noon na si Clifford para sabihin ang tungkol sa kanilang reunion.Hindi pa rin nawawala ang galit sa kaniyang dibdib mula sa nangyaring iyon kahapon. Kaya magiging mabuti para sa kaniya na umattend ng reunion para magrelax.Agad na naging focus ng lahat ang mukha ni Giselle. Dito na nagsilapit ang lahat ng kaniyang mga kaklase dahil si Giselle ang diyosa ng kanilang highschool class na isa na ring sikat na artista ngayon!Maliban kay Giselle, ang ikalawang tao na kumuha sa atensyon ng lahat ay ang kanilang class teacher noon na si Lana Thomas. Hindi nakapunta si Lana noong huli nilang reunion kaya nagawa na nitong bumawi sa pagkakataong ito.Ang 30 years old na si Lana ang pinakamagandang teacher sa kanilang school. At habang nasa gitna ng kanilang lesson, hindi magawang makapagconcentrate ng mga lalaking estudyante nito sa kaniyang mga iti
Kahit isa siyang school teacher, nagkaroon naman ng magandang vocals, magandang itsura at balingkinitang katawan si Lana. Nagmukha pa rin siyang elegante sa kaniyang 30s.Habang si Giselle naman ay isa nang sikat na bituin. Kaya magiging maganda kung si Giselle mismo ang magrerekomenda sak aniya.Natigilan dito si Giselle at agad na sumagot ng, “Sa totoo lang po, ang presidente ng Platinum Corporation ay si…”Pero agad siyang tumigil sa pagsasalita. Muntik na niyang makalimutan na gusto ni Darry na mapanatili ang kaniyang low profile kaya ayaw niyang ipaalam sa lahat ang tunay niyang estado.Paano? Ano ang gagawin niya para mapagbigyan ang request ng kaniyang guro?Habang iniisip kung paano ito gagawin, ngumiti si Giselle at sinabing. “Sige po, titingnan ko po bukas.”Sabik na sabik si Lana habang nagpapatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Magaling! Papadalhan kita ng ilan sa aking mga litrato. Ipadala mo ang mga ito sa presidente ng Platinum Corporation.”Sinimulan nang ipadala ni
Nagpapanic na bumalik si Dax buhat buhay ang asawa niyang si Nancy. “Mayroon bang doktor dito sa inyo? Mayroon ba?”Dito na tuluyang nawalan ng malay si Nancy sa kaniyang mga braso.Agad na nagpunta sa kanila ang lahat ng nagkukuwentuhan sa loob ng kuweba at nagulat sa kanilang nakita.Ano ang nangyari? Bakit siya nahimatay?Hiniling ng lahat na gamitin ang pagkakataong ito para magkaroon ng kuneksyon sa pamilya Sanders, pero walang kahit na sino sa kanila ang mga doktor!Sa mga sandaling ito, isang babae ang umabante. Siya ay walang iba kundi si Helen Darwin, ang apo ng pamilya Darwin. Isa siyang napakasipag na babaeng nasa second year na ng kaniyang medical degree.Nakahinga na nang maluwag si Dax nang makita niya si Helen. Agad namang kinuha ni Helen ang pulso ni Nancy iniling ang kaniyang ulo habang sinasabing, “Hindi normal ang bagay na ito, masyadong naging mahina ang kaniyang paghinga, siguradong dalawang oras na lang siyang magtatagal kung magpapatuloy pa ito.”“Tinatak
“Oo nga, gusto mo na bang mamatay?” Sigaw ng nafufrustrate na si Kent.Hindi kaagad sumagot sa mga ito si Darryl. Ikinaway lang niya ang kaniyang mga kamay at sinabing, “Sige kung ganoon, kayo nang dalawa ang gumamot sa kaniya.”Hindi na nakapagsalita pa ang dalawang ito. Paano nila magagawang gamutin ang iniindang sakit ng asawa ni Dax!“Sige, manahimik na kayong dalawa,” Ibinaba ni Dax ang kaniyang mga kamay. Dahan dahan niyang ibinaba si Nancy para paupuin sa kandungan ni Darryl.“Dax, humanap ka ngayon ng mga ugat ng puno at mga bulate sa labas,” sabi ni Darryl habang dinidiinan ang tiyan ni Nancy!Ang Rising Sun Acupoint. Noong magaral siya ng martial arts, binalaan siya ng kaniyang master na ang acupoint ay hindi maaaring hawakan nang basta bata. Ito ay dahil sa pagikot ng dugo at enerhiya sa parte na ito ng katawan ng isang tao na maaaring magresulta sa pagtigil sa pagdaloy ng dugo ni Nancy.Matapos umalis ni Dax, mabilis na lumapit si Lily kay Darryl at sinabing, “Huwag k
Hindi pinansin ni Darryl ang tawanan ng mga ito.Binaliwala niya ito habang kinukuha ang isang walang lamang jar na gawa sa ceramic mula sa sahig. Maraming mga bote at jar ang naiwan sa loob ng kuweba. Walang kahit na sino sa kanila ang may alam kung sino ang nagiwan ng mga iyon sa lugar na ito.Binanlawan niya ang lata, tumingin sa paligid at sinabing, “Justin, William at Kent. Hubarin ninyo ang mga pantaas sa suot niyo.”“At bakit naman naming iyon gagawin? Nahihibang ka na ba?” sigaw ni Kent“Kailangan ko ng apoy para gumawa ng elixit at nabasa na rin ang mga panggatong natin sa ulan kaya kailangan ko na ang mga pantaas ninyo para makagawa ng apoy.” Kalmadong sagot ni Darryl.Sumigaw naman si Justin ng “Bakit kailangang mga damit pa namin ang kukunin mo? Bakit hindi mo nalang gamitin ang suot mo? Hindi mo ba alam na baka sipunin kami sa gusto mong ipagawa sa amin?”Sumagot naman si Darryl ng “Sige, mas importante pala ang inyong mga pantaas kaysa sa buhay ni Nancy.”Hayop ka!
Kumilos si Dax na para bang wala siyang narinig na kahit ano habang tahimik at walang emosyong nakaupo sa tabi ng kaniyang asawa.Sumama ang loob ni Yvonne sa kaniyang sarili nang makita niya kung paano pagtawanan ng lahat si Darryl, “Wala pa akong karanasan sa paggawa nito kaya hindi ako makasisiguro sa aking mga sinabi. Maaaring may mga tao ngang gumagamit ng mga ceramic jar sa paggawa ng elixir…”Parang hindi siya nagisip sa ginawa niyang ito. Sa sobrang abala niya sa pagshashare ng kaniyang kaalaman tungkol sa paggawa ng mga elixir, hindi niya namalayang napahiya na pala niya nang husto si Darryl.“Haha, hindi mo na siya kailangang ipagtanggol pa Ms. Young.”“Oo nga, kahit na niligtas ka pa ng walang kuwentang manugang na ito mula sa isang pating kanina, hindi ka pa rin dapat makaramdam ng pagpapasalamat sa kaniya. Dahil isa lang siyang peke!”Tumawa naman si William at sinabing “Kahit sumabog pa ang jar na iyan, wala siyang mabubuo na kahit ano. Kaya tumigil ka na sa pagarte