”Ano ang mga pinagsasabi mong iyan, Dad? Kailan ko ba ginustong…” Ipinadyak ni Yvonne ang kaniyang mga paa habang namumula ang kaniyang mukha.Kahit na direkta niya itong nasasabi, hindi pa rin niya napigilan ang pagpasok ng mga imahe ni Darryl sa kaniyang isipan. Masyadong mahirap para sa kahit na sinong malaman ang iniisip ni Darryl. Palagi niyang sinusurpresa ang lahat. At ayon sa ibang tao, isa lang siyang basura, isang duwag at walang kuwentang tao. Pero, ang kilala niyang Darryl ay isang taong kasing misteryoso ng karagatan. At agad siyang napapanatag sa bawat sandaling kasama niya ito.Kakaiba ang bagay na ito… bakit niya magagawang magisip ng ganitong mga bagay? Nagbublush na inisip ni Yvonne.Matapos umalis sa bahay nina Yvonne, ipinarada ni Lily ang sasakyan sa entrance ng isang supermarket.“Darryl, bakit hindi mo kaya ihatid si Jade pauwi?” Sabi ni Lily “Magogrocery na muna ako para maipaghanda ka ng hapunan ngayong gabi.”“Ipaghahanda mo ako ng hapunan?!” Nagugulat na
Nagkaroon ng napakagandang panahon ang tanghaling ito ng Agosto, pero kasalukuyang madilim ang mood sa paligid ng mansyon na pagmamayari ng mga Darby.Makikitang nagtitipon sa main hall ng mansyon ang pamilya Darby na kasalukuyang nakatingin sa magasawang Jackson at Rebecca gamit ang bagsak nilang mga mata.“Napagisipan mo na ba ang tungkol sa bagay na ito, Jackson?” Tanong ni Jake.“Opo, dad,” Tango ni Jacksin. “Sinusuportahan ko ang desisyon ni Rebecca na ipagpatuloy ang kaniyang pagubuntis.” Habang nakatingin sa tiyan ni Rebecca. Walang duda na buntis nga si Rebecca. Pero kasalukuyang wala pa ring nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Rebecca hanggang sa mga sandaling ito.Mula noong gahasain ni Florian si Rebecca, binigyan na siya ni Jackson ng space para makarecover sa traumang nararanasan ng kaniyang asawa. Sabagay, masyadong naging matindi ang nangyaring ito para kay Rebecca. Pero hindi inasahan ni Jackson na magbubuntis nang dahil dito si Rebecca. Hindi na nila kailangan
Kulay dugo ang espadang ito na mayroong isang parang tunay na imahe ng dragon na nakaukit sa paligid nito. Mayroon din itong tatlong talampakan at dalawang pulgadang haba. Makikita ring nakaukit sa isang banda ng blade nito ang mga salitang “Blood Drinking Sword”.Ano ang nangyayari?Hindi na nakapagreact si Darryl nang marinig niya ang isang misteryosong boses na pumasok sa kaniyang isipan.“Kinilala na ng Blood Drinking Sword ang kaniyang master. Ang kasalukuyan nitong level ay nasa Level One ng Category Red.” “Grabe! Mayroon na ring kanikanilang mga level ang mga sandata ngayon. Mukhang malakas na siguro ang “Level One ng Category Red!” Nasasabik na inisip ni Darryl. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at dinial si Megan. Si Megan ay isang senior sister sa sekta ng Emei. Kaya siguradong mas marami na itong kaalaman kaysa sa kaniya. Nang kumunekta ang tawag, agad na nagtanong si Darryl ng, “Officer Castello, mayroon din po bang mga level ang iba’t ibang mga sandata?”
Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo. “Hayop, hindi pa rin ba maganda ang suot kong mga damit? Pero kabibili bili ko lang sa mga ito! Bakit ba hindi tumitigil ang mga tao sa pangmamaliit sa akin?”Kahit na nabili niya lang ito sa bangketa, mura at kumportable pa rin ito para sa kaniya.“Sige, hindi na ako papasok,” sabi ni Darryl na nagpatalo kay Sharon. Wala na siyang ganang makipagtalo pa sa isang ito.Tatawagan niya na sana si Megan para sabihing nasa entrance na siya ng bangko nang ipadyak ni Sharon ang kaniyang high heels.“Kung gusto mong tumawag, gawin mo na ito sa labas! Huwag mo nang istorbohin ang mga VIP,” Utos nito.“Bawal na rin akong tumawag?” Nagugulat na sinabi ni Darryl.“Hindi!” Sigaw ni Sharon habang nakaturo sa main entrance ng bangko. “Hindi isang pasyalan para sa isang katulad mo ang VIP Entrance ng bangkong ito. Sa labas ka na lang tumawag.”Dito na lumapit ang isang security guard na nagsabing “Ito po ang VIP section, Sir,” Simangot nito. “Hindi po kayo pup
Nagulat ang lahat matapos makita ang dalawang mga suitcase na puno ng cash.“Ito na po ang five million na nirequest ninyo sir.” Nagiingat na lumapit si Sharon kay Darryl. Napuno na ito ngayon ng paggalang at hindi na rin makatingin nang diretso sa mga mata ni Darryl. “Ideposito mo ito ngayon at magiwan ng 1000 dollars,” walang pakialam na sagot ni Darryl. Hindi niya kailangan ng ganito kalaking pera. Sapat na ang isang libong dolyar para sa kaniya. Hindi naman nagawang suwayin ni Sharon ang kaniyang utos. Agad siyang bumalik sa counter at pumunta kay Darryl dala ang 1,000 dollars na gusto nitong iwidthraw. Sa mga sandali ring ito nagpakita si Megan. “Isang libo lang ang wiwidthdrawhin mo Darryl pero bakit ka nandito sa VIP section ng bangko?” Nagtataka nitong tanong. Bukas na ba sa publiko ang mga VIP section ng bangko? Dati itong may requirement na transaksyong hindi bababa sa 1 million dollars. Masyado na bang nagiging maluwag ang mga bangko sa kanilang mga guidelines? Hi
Nagulat ang mga lalaki sa naging reaksyon ni Megan.Tiningnan nila ito mula ulo hanggang paa—high heels, puting pangitaas at isang napakasikip na skirt. Naging kasing ganda ito ng isang babaeng bida sa isang pelikula!“Pulis ako! Ibaba niyo na ang mga hawak ninyong sandata ngayundin!” Nanlalamig na sinabi ni Megan. Pulis? Agad na nagdilim ang itsura ng mga lalaki. Tumingin sila sa isa’t isa at agad na pinaligiran si Megan. Sumakit dito nang husto ang ulo ni Darryl. Walang kahit na anong sandata ang babaeng ito, pero nagawa niya paring harapin ang mga lalaking ito? Napahampas na lang siya sa kaniyang ulo habang dahan dahang lumalapit sa mga lalaki.“Mga kapatid, itali ninyo siya!” Sigaw ng lider. Isa itong hindi inaasahang regalo! Masyado siyang maganda. Malademonyong ngumiti ang mga lalaki na lumapit kay Megan dala ang isang tali. “Mahilig talagang maghanap ng gulo ang babaeng ito,” Isip ni Darryl. Dito na siya huminga nang malalim at sumugod papunta sa mga lalaki.“Ban
“Iilag baa ko o hindi, ito ang katanungang bumabalot ngayon kay Darryl!”Sa loob lang ng isang segundo nabuo ang desisyon ni Darryl na piliing huwag umilag sa bala.Habang sumisigaw si Megan, napansin niya ang babaeng estudyante sa likuran ni Darryl. Dito na biglang naantig ang kaniyang puso.Na… nagawa niyang saluhin ang bala para sa isang taong hindi niya kaano ano.Dito na binigyan ni Darryl si Megan ng isang kakaibang tingin.Agad na dumaloy ang napakaraming bagay sa isipan ni Megan nang pisilin ng nakacamouflage na lider ang gatilyo ng baril.Bang!Kasama ng isang nakakagulat na tunog, bumagsak patalikod ang katawan ni Darryl habang tumatalsik ang dugo mula sa kaliwa niyang balikat.Huminga nang malalim si Darryl nang maramdaman niya ang sakit mula sa kaniyang tama! Pero, kinagat niya nang husto ang kaniyang ngipin para pigilan ang kaniyang sariling gumawa ng kahit na anong ingay. Umatras siya nang ilang hakbang habang nakatitig sa lider ng mga magnanakaw, ngumiti siya rit
Mabilis na humarurot papunta sa liblib na lugar ang van na sinasakyan ng mga magnanakaw. Dito na isa isang tinanggal ng mga magnanakaw ang kanilang mga suot na ski mask.Napuno ng pagkasabik ang kanilang mga mata nang makita nila ang mga bag na puno ng pera sa likuran ng kanilang van.“Mayroon tayong problema, kuya Walter. Nasa likuran natin ngayon ang lalaking iyon kasama ng babaeng pulis sa bangko kanina.”Mabilis na tumingin sa likod ang isang magnanakaw at napansin ang sasakyan sa kanilang likuran. Agad itong sumigaw sa nakacamouflage na lider ng mga magnanakaw sa sobrang panic.Mabilis na tumingin sa likuran ang iba pang mga kasama nilang magnanakaw, dito na tuluyang nagbago ang kanilang mga mukha. Masyado silang marami sa bangko pero hindi pa rin nila nagawang pabagsakin si Darryl. At sa halip ay nagawa pa sila nitong pabagsakin. Sabagay, walang kahit na anong pakialam si Darryl nang tamaan ito ng balang mula sa baril ng kanilang kuya Walter!“Ano naman ngayon? Huwag niyo sa