Pero nagawa pa rin siyang ipahiya ng hayop na binatang ito na nasa kaniyang harapan.“Bakit? Mali ba ako? Pakawalan mo na ang batang iyan kung mayroon ka pang natitirang konsensya sa pagkatao mo.” Pinanatili ni Darryl ang diretso niayng mukha habang ipinagpapatuloy ang kaniyang paglapit sa mga magnanakaw.“Hayop ka! Tumigil ka riyan sa kinatatayuan mo, Tumigil ka!” Sigaw ni Lance, dito na mabilis na nagliyab ang pagkamuhi sa kaniyang mga mata.“Ano ang ginagawa ni Darryl?”Nababagabag na inisip ni Megan. Punong puno na siya ng tensyon sa mga sandaling ito. Inisip niyang nawawala na si Darryl sa kaniyang katinuan. Paano na lang kung biglang magdilim ang paningin ng magnanakaw na iyon at agad na saktan ang inosenteng bata na kaniyang hawak?Dito na ngumiti si Darryl at sinabing “Sa totoo lang, humahanga ako sa lakas ng loob mo. Nagawa mong magnakaw sa isang bangko nang may iilang mga tauhan lamang. Pero nakakahiya dahil nagawa mong manghostage ng isang batang babae. Alam ko namang g
“Ikaw… ang sugat mo…”Mabilis na lumapit si Megan kay Darryl. Nababagabag nitong tinanong ang tungkol sa kaniyang sugat.“Ok lang ako.” Iling ni Darryl sa kaniyang ulo habang mukhang narerelax.Pero sa totoo lang ay tinitiis lang ni Darryl ang sakit na kaniyang nararamdaman.Naapektuhan ang kaniyang sugat nang biglaan niyang bunutin ang kaniyang Blood Drinking Sword kanina kaya agad siyang nakaramdam ng napakatinding sakit sa kaniyang sugat.Tumango naman dito ang hindi na nagsalita pang si Megan. Pero punong puno pa rin ng pagaalala ang kaniyang mga mata nang isakay niya ang batang babae sa sasakyan ni Darryl.Nang makasakay si Darryl sa kaniyang sasakyan, agad niyang naramdaman ang napakatinding sakit na nagmumula sa kaniyang balikat. Tahimik siyang napamura rito. Mukhang matagal nang nasa loob ng kaniyang balikat ang balang tumama sa kaniya. Kaya kung hindi pa niya ito magagawang tanggalin ay siguradong mauubusan na siya ng dugo.Sa halip na paandarin ang sasakyan, tinanggal
Napakagat sa kaniyang labi si Megan at tumigil na sa kaniyang pagsasalita nang mapansing tinitingnan siya ng nakangiting si Darryl.“Masyado na ba akong nagaalala sa kaniya?”“Hindi na ito importante. Malalim na ang gabi kaya siguradong umuwi na ang mga doktor mula sa ospital.”“Kung ganoon… paano mo gagamutin ang sugat mong iyan?” Simangot ni Megan. Tumahimik siya sa loob ngisang saglit bago mahinhing sabihin na “Bakit hindi ka na lang dumeretso sa amin? Tutulungan kitang linisin at gamutin ang sugat mo.”Agad naman siyang inasar ng tumatawang si Darryl “Bakit ba alalang alala ka sa akin? Natatakot ka bang mamatay ako?”“A….” Agad na nagpanic si Megan nang walang dahilan. “Ako pa rin ang may kasalanan kung bakit ka nasugatan kanina…”Malalim na ang gabi. At alam din ni Megan na hindi magandang magimbita ng isang lalaki sa kaniyang bahay nang ganito kalate.Pero mayroong sugat si Darryl sa pagkakataong ito. Paano na lang kung hindi ito magawang gamutin ni Darryl? At dahil din sa
Nakita niyang naghubad ng damit si Darryl bago himiga sa sofa.“Ikaw!” Titig ni Megan sa kaniya pero wala na itong nagawa kundi bigyan ito ng unan at kumot dahil matutulog na ito sa kaniyang sofa.Samantala, nilabas naman ni Darryl ang kaniyang cellphone habang nakahiga. Mayroon siyang rason kung bakit niya napiling matulog doon.Malalim na ang gabi kaya kung ipipilit pa niyang umuwi, siguradong hindi nanaman makakatulog nang mahimbing si Lily. At maaari niya ring magising si Samantha na agad manenermon sa kaniya.Hindi nagtagal, naglakad si Megan palabas at tumuro sa sofa. “Dito ka matutulog ngayong gabi. Huwag kang gagawa ng kahit na ano at magagala kung saan saan.”Matapos magipon ng lakas ng loob para sabihin iyon, mabilis na naglakad si Megan papasok sa kaniyang kuwarto.Hindi nagtagal, ay lumabas siya muli rito hawak ang kaniyang mga damit at naglakad papunta sa kaniyang bathroom.Nagdalawang isip siya nang isasara na sana niya ang pinto at binigyan ng isang mabagsik na ti
Bakit parang niyayaya niyang makipagdate si Darryl sa gitna ng gabi sa mga sinabi niyang ito?Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing, “Hindi na kailangan, dadaanan ko na lang iyan sa iyo bukas.”Bahagyang nadismaya si Yvonne nang marinig niya ito at mahinhing sinabi na “Sige, hihintayin ko ang tawag mo bukas.”Naglakad na rin palabas ng banyo si Megan nang ibaba ni Darryl ang kaniyang cellphone.Kahit na nakasuot ito ng isang conserbatibong set ng mga pajamas, hindi pa rin nito naitago ang sexy niyang katawan.Mas lalo siyang ginawang attractive ng basa niyang buhok na nakasandal sa kaniyang mga balikat at sa mamula mula niyang mga pinsgi matapos ng hot bath na kaniyang ginawa kanina.Hindi siya maiwasang tingnan ni Darryl habang tuluyang naiintindihan ang kahulungan ng salitang “Kabighabighani”.Naramdaman ni Megan ang init mula sa tingin ni Darryl habang tumitingin dito at nagtatanong ng “Bakit hindi ka pa natutulog?”Ngumiti si Darryl at sinabing. “Hinihintay kita pa
Dahil sa lokasyon nitong nasa tabi ng dagat, naging kakaiba ang panahon sa loob ng Donghai City. Naging mainit ang panahon nito sa umaga at mabilis namang lumalamig sa gabi.Pero mayroong isang lugar kung saan palaging nagtitipon tipon ang mga tao anuman ang panahon sa loob ng Donghai City.Ang Pearl Pavilion.Tama. Marami ang mga stall sa corridor nito na nagbebenta ng mga antique. Nagtitipon tipon din dito ang napakaraming mga antique enthusiasts na nagbabakasakaling makakuha ng mga tira tirang antique na pupuwede nilang mapagkakitaan.Habang ang ilang mga tindero naman ng mga antique ay kasalukuyang mainit na nakikipagnegosasyon sa kanilang mga customer.Maririnig ang tunog mula sa sasakyan ni Darryl habang humihinto ito sa harapan ng Pearl Pavilion. Tiningnan niya ang mga nagtitida sa paligid at siniguro na walang kahit na anong antique na kinakailangan niyang mabili bago umakyat papasok dito. Kanina pa naghihintay si Yvonne sa kaniyang pagdating sa itaas na palapag ng Pearl P
Matapos ang ilang oras, pinunasan ni Darryl ang kaniyang pawis at itinago ang higit sa sampung mga antidote na kaniyang ginawa.“Niligtas mo talaga ang aming buhay, kuya Darryl.” Nakaramdam ng matinding pagpapasalamat si Skyler habang naluluhang hinahawakan ang mga antidote na ginawa ni Darryl.Nilabas nito ang isang pendant na gawa sa jade at sinabing, “Kuya Darryl, pagmamayari ito ng ng isang Master ng Grandmaster Heaven Cult. Kinakatawan nito ang pagkatao ng isang Master. Nagmamadali kaming umalis noong isang araw kaya hindi ko nagawang ipasa sa iyo ang pendant na ito. Itago mo po ito nang maigi. Dahil sa sandaling magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan sa kahit na sinong miyembro ng Grandmaster Heaven Cult, ipakita niyo lang po sa kanila ang pendant na ito at agad nilang malalaman na isa kang miyembro ng ating kulto.”Tumango rito si Darryl, itinago niya ang jade na pendant bago tapikin ang balikat ni Skyler at sabihing, “Dalian mo nang iligtas ang mga kasama mo.”Tumango rito
Isa lang naman itong outing kaya bakit ko pa kailangang bumili ng bagong damit?“Hindi ba ako puwedeng hindi sumama sa outing na iyan?” Tanong ni Darryl.Siguradong nandoon si Kent dahil ang pamilya Hough mismo ang nagorganisa sa outing. Ayaw na ayaw nang makita ni Darryl ang lalaking iyon.Tumitig si Samantha sa kaniya at sinabing “Sa totoo lang, hindi na ko mapipilitang isama ka sa kahit na anong social event ng mga upper class, pero si Lily na ang presidente ng ating mga kumpanya at ikaw ang kaniyang asawa kaya kinakailangan mong sumama roon.”Tumango si Darryl at sumagot ng. “Sige, bibili na ako ng bagong mga damit.”Nanlalamig namang sumagot si Samantha ng, “Mabuti kung ganoon. Humingi ka na lang ng pera kay Lily kung kulang ang pera mo pambili ng magandang damit. Huwag na huwag ka nang magsusuot ng mumurahin para lang ipahiya ang asawa mong si Lily.”Muling tumango rito si Darryl.Umalis na rin si Samantha sa kuwarto matapos siyang guluhin nang ilang beses.At noong umali