Nagulat ang lahat matapos makita ang dalawang mga suitcase na puno ng cash.“Ito na po ang five million na nirequest ninyo sir.” Nagiingat na lumapit si Sharon kay Darryl. Napuno na ito ngayon ng paggalang at hindi na rin makatingin nang diretso sa mga mata ni Darryl. “Ideposito mo ito ngayon at magiwan ng 1000 dollars,” walang pakialam na sagot ni Darryl. Hindi niya kailangan ng ganito kalaking pera. Sapat na ang isang libong dolyar para sa kaniya. Hindi naman nagawang suwayin ni Sharon ang kaniyang utos. Agad siyang bumalik sa counter at pumunta kay Darryl dala ang 1,000 dollars na gusto nitong iwidthraw. Sa mga sandali ring ito nagpakita si Megan. “Isang libo lang ang wiwidthdrawhin mo Darryl pero bakit ka nandito sa VIP section ng bangko?” Nagtataka nitong tanong. Bukas na ba sa publiko ang mga VIP section ng bangko? Dati itong may requirement na transaksyong hindi bababa sa 1 million dollars. Masyado na bang nagiging maluwag ang mga bangko sa kanilang mga guidelines? Hi
Nagulat ang mga lalaki sa naging reaksyon ni Megan.Tiningnan nila ito mula ulo hanggang paa—high heels, puting pangitaas at isang napakasikip na skirt. Naging kasing ganda ito ng isang babaeng bida sa isang pelikula!“Pulis ako! Ibaba niyo na ang mga hawak ninyong sandata ngayundin!” Nanlalamig na sinabi ni Megan. Pulis? Agad na nagdilim ang itsura ng mga lalaki. Tumingin sila sa isa’t isa at agad na pinaligiran si Megan. Sumakit dito nang husto ang ulo ni Darryl. Walang kahit na anong sandata ang babaeng ito, pero nagawa niya paring harapin ang mga lalaking ito? Napahampas na lang siya sa kaniyang ulo habang dahan dahang lumalapit sa mga lalaki.“Mga kapatid, itali ninyo siya!” Sigaw ng lider. Isa itong hindi inaasahang regalo! Masyado siyang maganda. Malademonyong ngumiti ang mga lalaki na lumapit kay Megan dala ang isang tali. “Mahilig talagang maghanap ng gulo ang babaeng ito,” Isip ni Darryl. Dito na siya huminga nang malalim at sumugod papunta sa mga lalaki.“Ban
“Iilag baa ko o hindi, ito ang katanungang bumabalot ngayon kay Darryl!”Sa loob lang ng isang segundo nabuo ang desisyon ni Darryl na piliing huwag umilag sa bala.Habang sumisigaw si Megan, napansin niya ang babaeng estudyante sa likuran ni Darryl. Dito na biglang naantig ang kaniyang puso.Na… nagawa niyang saluhin ang bala para sa isang taong hindi niya kaano ano.Dito na binigyan ni Darryl si Megan ng isang kakaibang tingin.Agad na dumaloy ang napakaraming bagay sa isipan ni Megan nang pisilin ng nakacamouflage na lider ang gatilyo ng baril.Bang!Kasama ng isang nakakagulat na tunog, bumagsak patalikod ang katawan ni Darryl habang tumatalsik ang dugo mula sa kaliwa niyang balikat.Huminga nang malalim si Darryl nang maramdaman niya ang sakit mula sa kaniyang tama! Pero, kinagat niya nang husto ang kaniyang ngipin para pigilan ang kaniyang sariling gumawa ng kahit na anong ingay. Umatras siya nang ilang hakbang habang nakatitig sa lider ng mga magnanakaw, ngumiti siya rit
Mabilis na humarurot papunta sa liblib na lugar ang van na sinasakyan ng mga magnanakaw. Dito na isa isang tinanggal ng mga magnanakaw ang kanilang mga suot na ski mask.Napuno ng pagkasabik ang kanilang mga mata nang makita nila ang mga bag na puno ng pera sa likuran ng kanilang van.“Mayroon tayong problema, kuya Walter. Nasa likuran natin ngayon ang lalaking iyon kasama ng babaeng pulis sa bangko kanina.”Mabilis na tumingin sa likod ang isang magnanakaw at napansin ang sasakyan sa kanilang likuran. Agad itong sumigaw sa nakacamouflage na lider ng mga magnanakaw sa sobrang panic.Mabilis na tumingin sa likuran ang iba pang mga kasama nilang magnanakaw, dito na tuluyang nagbago ang kanilang mga mukha. Masyado silang marami sa bangko pero hindi pa rin nila nagawang pabagsakin si Darryl. At sa halip ay nagawa pa sila nitong pabagsakin. Sabagay, walang kahit na anong pakialam si Darryl nang tamaan ito ng balang mula sa baril ng kanilang kuya Walter!“Ano naman ngayon? Huwag niyo sa
Pero nagawa pa rin siyang ipahiya ng hayop na binatang ito na nasa kaniyang harapan.“Bakit? Mali ba ako? Pakawalan mo na ang batang iyan kung mayroon ka pang natitirang konsensya sa pagkatao mo.” Pinanatili ni Darryl ang diretso niayng mukha habang ipinagpapatuloy ang kaniyang paglapit sa mga magnanakaw.“Hayop ka! Tumigil ka riyan sa kinatatayuan mo, Tumigil ka!” Sigaw ni Lance, dito na mabilis na nagliyab ang pagkamuhi sa kaniyang mga mata.“Ano ang ginagawa ni Darryl?”Nababagabag na inisip ni Megan. Punong puno na siya ng tensyon sa mga sandaling ito. Inisip niyang nawawala na si Darryl sa kaniyang katinuan. Paano na lang kung biglang magdilim ang paningin ng magnanakaw na iyon at agad na saktan ang inosenteng bata na kaniyang hawak?Dito na ngumiti si Darryl at sinabing “Sa totoo lang, humahanga ako sa lakas ng loob mo. Nagawa mong magnakaw sa isang bangko nang may iilang mga tauhan lamang. Pero nakakahiya dahil nagawa mong manghostage ng isang batang babae. Alam ko namang g
“Ikaw… ang sugat mo…”Mabilis na lumapit si Megan kay Darryl. Nababagabag nitong tinanong ang tungkol sa kaniyang sugat.“Ok lang ako.” Iling ni Darryl sa kaniyang ulo habang mukhang narerelax.Pero sa totoo lang ay tinitiis lang ni Darryl ang sakit na kaniyang nararamdaman.Naapektuhan ang kaniyang sugat nang biglaan niyang bunutin ang kaniyang Blood Drinking Sword kanina kaya agad siyang nakaramdam ng napakatinding sakit sa kaniyang sugat.Tumango naman dito ang hindi na nagsalita pang si Megan. Pero punong puno pa rin ng pagaalala ang kaniyang mga mata nang isakay niya ang batang babae sa sasakyan ni Darryl.Nang makasakay si Darryl sa kaniyang sasakyan, agad niyang naramdaman ang napakatinding sakit na nagmumula sa kaniyang balikat. Tahimik siyang napamura rito. Mukhang matagal nang nasa loob ng kaniyang balikat ang balang tumama sa kaniya. Kaya kung hindi pa niya ito magagawang tanggalin ay siguradong mauubusan na siya ng dugo.Sa halip na paandarin ang sasakyan, tinanggal
Napakagat sa kaniyang labi si Megan at tumigil na sa kaniyang pagsasalita nang mapansing tinitingnan siya ng nakangiting si Darryl.“Masyado na ba akong nagaalala sa kaniya?”“Hindi na ito importante. Malalim na ang gabi kaya siguradong umuwi na ang mga doktor mula sa ospital.”“Kung ganoon… paano mo gagamutin ang sugat mong iyan?” Simangot ni Megan. Tumahimik siya sa loob ngisang saglit bago mahinhing sabihin na “Bakit hindi ka na lang dumeretso sa amin? Tutulungan kitang linisin at gamutin ang sugat mo.”Agad naman siyang inasar ng tumatawang si Darryl “Bakit ba alalang alala ka sa akin? Natatakot ka bang mamatay ako?”“A….” Agad na nagpanic si Megan nang walang dahilan. “Ako pa rin ang may kasalanan kung bakit ka nasugatan kanina…”Malalim na ang gabi. At alam din ni Megan na hindi magandang magimbita ng isang lalaki sa kaniyang bahay nang ganito kalate.Pero mayroong sugat si Darryl sa pagkakataong ito. Paano na lang kung hindi ito magawang gamutin ni Darryl? At dahil din sa
Nakita niyang naghubad ng damit si Darryl bago himiga sa sofa.“Ikaw!” Titig ni Megan sa kaniya pero wala na itong nagawa kundi bigyan ito ng unan at kumot dahil matutulog na ito sa kaniyang sofa.Samantala, nilabas naman ni Darryl ang kaniyang cellphone habang nakahiga. Mayroon siyang rason kung bakit niya napiling matulog doon.Malalim na ang gabi kaya kung ipipilit pa niyang umuwi, siguradong hindi nanaman makakatulog nang mahimbing si Lily. At maaari niya ring magising si Samantha na agad manenermon sa kaniya.Hindi nagtagal, naglakad si Megan palabas at tumuro sa sofa. “Dito ka matutulog ngayong gabi. Huwag kang gagawa ng kahit na ano at magagala kung saan saan.”Matapos magipon ng lakas ng loob para sabihin iyon, mabilis na naglakad si Megan papasok sa kaniyang kuwarto.Hindi nagtagal, ay lumabas siya muli rito hawak ang kaniyang mga damit at naglakad papunta sa kaniyang bathroom.Nagdalawang isip siya nang isasara na sana niya ang pinto at binigyan ng isang mabagsik na ti