Share

Kabanata 91

Penulis: Crazy Carriage
Subalit, maging ang isang elite na gaya ng deputy commander ng Western Border Patrol ay pinatay sa Cansington Hotel. Paano siya lalabanan ng mga ordinaryong tao na gaya nila?

Gayunpaman, nakahanda silang sumugal at lumaban.

Hindi nila alam kung ano ang mangyayari kapag nabigo sila.

Nataranta ang Great Four, ngunit walang kaalam-alam ang mga tao sa labas dahil isa itong personal na problema ng Great Four.

Ang tanging alam lang ng mga tao sa labas na may malaking problema ang Great Four. Ang pinuno ng mga Xavier, na si Warren, ay namatay sa selebrasyon mismo ng kanyang kaarawan. Di nagtagal, kumalat naman ang balita ng pagpanaw ni Trent.

Pagkatapos nito, namatay din ang mga pinuno ng tatlo pa sa mga pamilya na kasapi ng Great Four.

Wala na ang lahat ng mahahalagang tao mula sa Great Four.

Malaking balita ito sa Cansington.

Subalit, natabunan ang balita ng paghihirang sa Blithe King.

Ngayong tapos na ang succession ceremony, nagsimulang ibaling ng lahat ang kanilang aten
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Leziel CQ Palma
magkano po ba ang, ang isang chapter? bakit po di ko nakikita, at bakit po ang bilis naabos ng pionts ko. sana po makikita ang bawat points na babayaran namin. hindi po yung magugulat nlng kami, wala na kaming bonus o points.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 92

    Maagang umalis ang pamilya ni Thea. Balak nilang bumili ng isang bagong luxury car. Marami silang pinuntahang mga car dealer at marami silang sinubukan na sasakyan, kasama na ang Mercedes-Benz, BMW, Audi, at mga luxury car mula sa iba pang mga kilalang brand. Subalit, hindi pa rin sila kontento. Kung hindi ito masyadong mababa sa inaasahan nila, masyado naman itong mahal para sa budget nila. Nagkataon namang mayroong isang auto show sa Cansington noong araw na 'yun. Maraming mga luxury car na pinapakita. Binisita ng pamilya ni Thea ang palabas. Nanlaki ang mga mata ni David noong nakita niya ang mga luxury car na naka-display. "Woah! Mga Ferrari, mga Bentley, Maybach, at Bugatti Veyron!" Tumingin si David sa sexy at nakakaakit na model na nakatayo sa harap ng mga luxury car na naka-display at nainggit. "Kailan kaya tayo makakabili ng isang tunay na luxury car? Basura ang isang kotse na nagkakahalaga ng isang milyon kumpara sa mga 'to."Pak! Hinampas ni Gladys a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 93

    Dati, puro mga ilegal ang ginagawa ni Xander. Hindi pa nga siya nakakapagsalita, pero sinisisi na agad siya ng binatang nasa harap niya. "Syempre pepreno ako at hihintayin ko ang red light! Masyado kang malapit sa likod ko at nabangga mo ako. Tapos ngayon sinisisi mo ako at pinapalabas mo pa na ako ang mali?" Tiningnan ni Xander ang kotse ni David at napansin niya na wala itong license plate, at wala rin itong insurance sticker sa windscreen nito. Agad siyang nasiyahan. "Bago lang 'tong kotse mo, tama? Well, alam mo, may yupi na sa likod ng kotse ko ngayon. Sapat na siguro na pambayad sa'kin kung ibebenta mo ang kotse mo at magdadagdag ka ng ilang milyon pa."Nanlambot ang mga binti ni David, at agad siyang bumagsak sa lupa. "Pasensya na talaga, sir. Pwede mo ba akong patawarin? Binili ko ang kotseng ito gamit ng lahat ng pera ko. Wala na akong pera para bayaran ka!" "Bakit napakayabang mo kung wala ka naman palang pera?" Sinipa ni Xander si David, nilapitan niya siya, at pina

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 94

    Natataranta ang buong pamilya ni Thea pagkatapos kunin ng mga tauhan ni Xander si David. Nakidnap si David sa harap mismo ng traffic police, ngunit hindi nila siya sinubukang pigilan. Hindi sila mga tanga at naintindihan nila na ang isang taong nagmamaneho ng isang kotse na nagkakahalaga ng milyun-milyon ay siguradong isang tao na maimpluwensya. Hinablot ni Alyssa si Thea at nakiusap siya sa kanya, "Ikaw na lang ang makakapagligtas kay David ngayon. Hindi ba kakilala mo si Alex Yates? Dalian mo at tawagan mo siya!" "Su… Susubukan ko." Hindi kampante si Thea. Subalit, ngayong nakidnap ang kapatid niya, wala siyang ibang pagpipilian kundi subukan ito dahil sa sitwasyon. “Sorry, the number you dialed is temporarily unavailable.”Tinawagan ni Thea si Alex, ngunit hindi pumapasok ang tawag niya. "Tinawagan ko siya, pero hindi ko siya ma-contact." Ang sabi ni Thea. "Kung ganun ano pang pwede nating gawin? Si J-James! Hindi ba dati siyang sundalo? Hindi ba't sinabi niya na ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 95

    "Huwag kang mag-alala, Mr. Smith. Malapit nang hiwalayan ni Thea si James."Kahit na walang kwenta si David, anak pa rin niya siya, kaya hindi niya kayang tumayo na lang at panoorin siyang malagay sa panganib. Higit pa dito, si James ay isang dating sundalo at sinasabi niya na may kilala siyang isang maimpluwensyang tao. Kung paghahambingin sila, mas pinili ni Gladys kung sino ang tunay na maimpluwensya. Mula sa mga Smith si Yoel at may malaking negosyo ang pamilya niya na bilyon-bilyon ang halaga. Ilang libong beses na mas maganda na makasal si Thea sa isa sa mga Smith kaysa sa manatili siyang kasal kay James. "Anong masasabi mo, Thea?" Tumingin si Yoel kay Thea. Talagang nakakatakot si Xander. Walang kwenta ang mga Smith kung ikukumpara kay Xander. Isa siyang tunay na gangster na walang pakialam sa pagkakaroon ng reputasyon o titulo. Subalit, may koneksyon ang kanyang ama kay Xander, at kumain pa nga sila ng hapunan ng magkasama.Isa pa, nabangga lang naman ang likod ng

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 96

    Tumawag si Thea at pinaalam niya kay James na naayos na nila ang problema.Bumalik si James sa bahay at naghanda ng pagkain, hinintay niya si Thea at ang iba na makauwi para kumain ng tanghalian.Mabilis silang nakauwi.Pagpasok nila ng bahay, napansin ni James na may mali.Lahat sila ay may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.May mga luha pa nga sa mga mukha nila Thea at Alyssa.Nagdududang nagtanong si James, “Thea, may problema ba? Akala ko ayos na ang lahat. Bakit hindi niyo kasamang bumalik si David?”Tumingin si Thea sa kanya at umiyak, naghihinagpis siya.“Anong problema?“Sabihin mo sa’kin kung may problema. Pwede kong ayusin ‘yun para sa’yo.” Ang sabi ni James sa kanya.“Ha…” Bumuntong hininga si Gladys.“Anong problema, mom? Bakit ka bumuntong hininga?” Ang tanong ni James.Gayunpaman, walang sinuman sa mag-anak ang nagsalita.Pumasok sila sa bahay at umupo. Agad na inihanda ni James ang mga mangkok at mga kubyertos, naghain siya ng kanin para sa lahat.

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 97

    "Sir…Sir, Sorry. Pakiusap… pakiusap patawarin mo ako."Puro gasgas at pasa ang katawan ni David, ngunit nagpatuloy siya sa pagmamakaawa. Sa di inaasahan, biglang may taong dumating at nagsalita, "Mr. Xander, may taong dumating na sinasabi na dala niya ang pera na pang ransom sa batang 'yan.""Papasukin siya.""Masusunod."Dinala si Yoel papunta sa basement ng mga tauhan ni Xander. Napansin niya si David na nakabitin sa kisame at puro pasa dahil sa pambubugbog sa kanya. Agad na nanghina ang mga binti niya, at halos bumagsak na siya sa lupa. Gayunpaman, noong naisip niya na mapapasakanya na si Thea pagkatapos niyang iligtas si David, agad na nanumbalik ang tapang niya. Higit pa rito, maraming kwento tungkol kay Xander. Alam ni Yoel na tapat siya sa kanyang mga kaibigan at hindi siya basta-basta gagawa ng gulo. Lumapit siya kay Xander na nakaupo sa bangko, naglabas siya ng sigarilyo, at inabot niya ito sa kanya. Yumuko siya at ngumiti, "Hello, Mr. Xander. Ang pangalan ko a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 98

    Naglakad si James papasok sa basement.Higit sa dalawampung tauhan ni Xander ang nagtipon sa basement.Daan-daang mga security guard at dose-dosenang mga tauhan niya sa labas ang napabagsak na ni James.“James? Ikaw ba ‘yun?”Kukunin na sana ni Xander si David noong bigla siyang nakakita ng isang tao na naglalakad papasok sa basement. Nagdilim ang kanyang mukha, at sumigaw siya, “Alam mo ba kung saan ang lugar na ‘to? Dalian mo at lumuhod ka! Aminin mo ang pagkakamali mo at humingi ka ng tawad…”Lumapit si James sa kanila at agad niyang sinipa si Xander.Agad na tumilapon si Xander ng ilang metro palayo at bumagsak siya sa lupa, at napaungol sa sobrang sakit.Nabali ang ilan sa mga buto niya noong bumagsak siya at hindi siya makatayo.“Ikaw…”Hindi nagpadalos-dalos si Xander.Mula siya sa mundo ng mga kriminal, kaya nakakuha siya ng kaunting impomasyon tungkol kay James base sa mga atake niya.Siguradong isang sundalo na mula sa special forces ang taong ito.“James, tama? W

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 99

    Kahit ang mga tauhan ni Xander ay hinahanap siya.Tumingin sila sa taas at nakita nila ang isang tao na nakabitin sa kisame ng basement.Nakadiin ang isang kamay niya sa pader na para bang may pandikit ang kanyang palad, at nakabitin sa ere ang buong katawan niya.Nagulat ang lahat.Anong klaseng technique ‘to?Mabilis na nahulog ang katawan ni James.Noong nahulog siya, humampas ang mga daliri niya sa paa sa baba ni Xander.Crack!Agad na nagkadurog-durog ang baba ni Xander. Kasabay nito, tumilapon ang kanyang katawan, at umikot-ikot siya sa lupa ng ilang beses, at napaungol siya sa sobrang sakit.Natakot ang mga tauhan ni Xander sa kanilang nakita.Sa kabila ng mga hawak nilang mga machete at mga electric baton, nagpatuloy sila sa pag-atras papunta sa pader.Habang nakatingin sila kay James, na parang si kamatayan, pinagpawisan silang lahat ng husto sa sobrang takot.Samantala, nasa sahig pa rin si Yoel, nagpapagulong-gulong at sumisigaw siya sa sakit.Sa oras na ito, pu

Bab terbaru

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4097

    Ng malapit na siya sa entrance, may mga babaeng napaka nakakaakit na lumapit sa kanya at hinawakan pa ang braso niya. Naglabas ng aura si James at napaatras ang mga babaeng nakapaligid sa kanya.Nanlamig ang mga babae.Pagkatapos, isang magandang babae ang lumapit sa kanya. Kumakaway siya ng fan sa kanyang mga kamay."Pasok po kayo, Mister."Pumasok si James.Masigla ang eksena sa loob.Maraming mesa sa loob. Bawat table ay may isang lalaki na maraming babae sa kanyang tabi. Sa gitna ay isang entablado, kung saan maraming kaakit akit na kababaihan ang sumasayaw sa mapang akit na paraan. Sa sandali na pumasok si James sa venue, sinuri niya ang kanyang kapaligiran. Ng malaman niyang may mga pribadong silid sa itaas, agad siyang pumasok sa isa sa mga silid at umupo."Ilan ang gusto mo, Sir? May gusto ka ba? Gusto mo ba ng mga babaeng Fox Race o Human Race? Sinisigurado ko na meron kami ng lahat ng gusto mo."Isang babaeng sumunod kay James ang humila sa kanyang damit para ipakita

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4096

    Nagmamadaling binagtas ni James ang Chaos. Sa kalaunan, nakarating siya sa Stone Realm, isa sa pinakamalaking mundo sa Greater Realms. Sa pagpasok sa Stone Realm, binago niya ang kanyang itsura at itinago ang kanyang aura. Pagkatapos, tumungo siya sa planeta kung saan matatagpuan ang Desolate Grand Canyon.Sa hindi kilalang nakaraan, nagkaroon ng matinding labanan sa Desolate Grand Canyon. Gayunpaman, ito ay sinaunang kasaysayan, at kahit na ang mga sinaunang teksto ng Ten Great Races ay hindi nakapagtala ng anuman tungkol sa labanan.Ang Desolate Grand Canyon ay matatagpuan sa Desolate Galaxy ng Stone Realm. Ang lugar ay nawasak at ang bilyon bilyong planeta na umiiral doon ay wala ng lahat ng mga palatandaan ng buhay. Sa sandaling lumapit si James sa Desolate Galaxy, naramdaman niya ang nakamamatay na katahimikan na bumalot sa kanya. Sa ilalim ng impluwensya ng nakamamatay na katahimikan na ito, nanlamig ang kanyang dugo.“Ibang bagay ito, ang Desolate Galaxy…” Bulong ni James.T

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4095

    Nakangiting sabi ni James, "Bago magsimula ang auction, nakipagkaibigan ako kay Prinsesa Leilani Amani ng Angel Race at kumuha ng Herb of Reclusion in advance. Kaya naman bumalik ako nang mas maaga kaysa sa inaasahan."Tumango si Dahlia at isinalaysay ang sunod sunod na pangyayari.Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Dempsey at ang iba pa."Nga pala, may balita ba sa Soulblues?" Tanong ni James.Tumango si Dempsey at sinabing, "Oo, ang mga miyembro ng Heaven-Eradicating Sect ay nagtatanong tungkol sa Soulblue sa buong Greater Realms. Dumating ang impormasyon nang umalis ka. Dahil nasa Thala Realm ka, hindi ko maipaalam sa iyo sa tamang oras."Tanong ni James, “Saan matatagpuan ang Soulblues?”Tumingin si Dempsey kay James at nagtanong, "Narinig mo na ba ang Desolate Grand Canyon?"Umiling si James at sinabing, “Hindi, may kaugnayan ba ito sa Soulblues?”“Mhm.” Tumango si Dempsey at sinabing, "Ang Desolate Grand Canyon ay matatagpuan sa Stone Race, isa sa sampung pinakamal

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4094

    Ang Mount Eden ay ang espirituwal na bundok kung saan naninirahan si Leilani. Ang espirituwal na bundok na ito ay kilalang-kilala sa Angel Race. Sa paanan ng bundok, maraming Angels na nagpapatrol. Nang sumulpot si James, napatigil siya."Gusto kong makilala si Prinsesa Leilani," Magalang na pakiusap ni James sa halip na gumamit ng karahasan.Ang kapitan ng mga guwardiya ay tumingin kay James, na ang katanyagan ay kumalat sa buong lugar sa panahon ng piging ng kaarawan ni Leilani. Bagaman maraming oras ang lumipas, ang balita sa Sacred Blossom ay nasa paligid pa rin."Teka lang. Ibabalita ko ang pagdating mo."Dahil alam ng mga guwardiya na ito na personal na nakilala ni Leilani si James, agad silang sumugod para ibalita ang pagdating ni James.Hindi nagtagal, bumalik sila.“Sumunod ka sa akin.”Isang guard ang gumawa ng welcoming na kilos.Bahagyang tumango si James at umakyat sa bundok.Hindi nagtagal, nakarating siya sa tinutuluyan ni Leilani."Kamahalan, napakaganda mo pa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4093

    Gayunpaman, dahil nandito na si James sa Angel Race, lubos siyang naghanda. Ang Heaven-Eradicating Sect ay nag-ayos ng lahat. Gaano man ang pagsisiyasat ng Angel Race, walang makakaalam na siya ay isang tao.Sa isang asyenda sa gitna ng lawa sa tuktok ng Mount Eden, si Leilani ay nakasuot ng eleganteng damit at naglalakad sa isang mahangin na landas. Sa likod niya ay isang mapang akit na babae."Inimbestigahan ko nang mabuti ang bagay na ito, Kamahalan. Apatnapu't siyam talaga ang nagmula sa isang maliit at hindi kilalang mundo. Ang mundong ito ay hindi kabilang sa mga ranggo ng Greater Realms. Siya ay talagang miyembro ng Lahing Ape. Ayon sa ating katalinuhan, ang kanyang pisikal na lakas ay napakalakas, sa Quasi Acme Rank.""Isang pisikal na katawan sa Quasi Acme Rank?"Ng marinig ito, natigilan si Leilani. Huminto siya at tumingin sa kanyang chambermaid, nagtanong, "Ang katalinuhan ba ay tumpak?"“Oo.” Ang mukhang kaakit-akit na babae ay tumango at sinabing, "Isang miyembro ng

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4092

    Lumabas si Dahlia para imbestigahan ang bagay na iyon. Ngayong kumalat na ang mensahe ng Dooms sa buong Greater Realms, nalaman ito ng ilang nangungunang pamilya at universe. Ang pag iimbestiga sa mga bagay na ito gamit ang galing ng Heaven-Eradicating Sect ay madali lang. Kaya naman, bumalik siya kaagad.Sa isang patyo…Si James ay nakaupo sa isang rest area, habang si Dahlia ay nakatayo sa kanyang harapan."Kumpleto na ang imbestigasyon, James," Sabi ni Dahlia.Tanong ni James, "Anong nangyayari?"Ipinaliwanag ni Dahlia, "Ang Chaos Sacred Lotus ay isang pinakamataas na kayamanan ng Doom Race na lubhang nakikinabang sa mga nabubuhay na nilalang sa Quasi Acme Rank. Sinasabi ng mga alingawngaw na ang mga nabubuhay na nilalang sa Quasi Acme Rank ay tatawid sa Acme Rank kapag naubos na nila ang Chaos Sacred Lotus."Ng marinig ito, napakunot ang noo ni James at nagtanong, "Kung ganoon, bakit kailangan nating bumuo ng isang grupo ng lima? Atsaka, bakit ang Dooms ay magdadala ng napaka

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4091

    "Sa totoo lang, may kailangan ako ng tulong mo..."Nauutal na sabi ni James.Nakangiting sabi ni Leilani, "Malaya kang magsalita ng gusto mo. Hindi kailangan maging pormal sa harapan ko.""Sige, dediretso na ako," Sabi ni James. "Pumunta ako dito sa Thala Realm dahil nalaman kong magkakaroon ng Herb of Reclusion sa auction. Iniisip ko kung maaari mong ibigay sa akin ang herb bilang regalo."“Naintindihan ko.”Naisip ni Leilani na gagawa si James ng ilang labis na hinihingi. Hindi niya inaasahan na isang Macrocosm Ancestral God Rank Elixir lang ang gusto niya. Tumingin siya kay James at sinabing, "Bibigyan kita ng pagkakataon na baguhin ang iyong hiling. Gagawin ko ang aking makakaya para matupad ang hiling mo hanggat kaya ng kapangyarihan ko."Umiling si James at sinabing, “Hindi ako maglalakas loob.”“Sige kung gayon.”Sinabi ni Leilani, "Ipapadala ko ang bagay na hinihingi mo sa iyong tirahan sa loob ng ilang araw."“Salamat.”Tumayo si James at ikinulong ang kanyang mga ka

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4090

    "Ayos lang. Hindi mo kailangang gawin iyon."Pagpapatuloy ni Leilani, "Napakaganda ng Sacred Blossoms, ngunit nakita ko na sila nang maraming beses. Gayunpaman, ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng isang taong nakabisado ang Sacred Blossom bilang kanilang signature skill. Gayunpaman, walang nagtatagal magpakailanman. Sapat na para masaksihan ko ang ganoong kahanga hanga at kamangha manghang sandali."Matapos pakinggan ang mga salita ni Leilani, bahagyang iwinagayway ni James ang kanyang kamay sa hangin. Ang mga talulot ng Sacred Blossom ay dahan dahang nalaglag at isa isang naglaho sa susunod na sandali.Bahagyang yumuko si James kay Leilani. Pagkatapos, tumalikod siya at dahan dahang bumaba sa paanan ng bundok."Mayroon pa bang iba na gustong ipakita sa amin ang kanilang mga kakayahan?"Ibinaling ni Leilani ang kanyang mga mata sa mga taong nagkukumpulan sa paanan ng bundok. Gayunpaman, walang nagtangkang magboluntaryo sa pagkakataong ito matapos makita kung ano ang maaar

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4089

    Nagulat, napabulalas si Leilani, "Woah.""N-Namaster niya ang Five Great Paths?""Paano iyon posible? Hindi kapani paniwala iyon. Paano nalinang ng isang tao ang lahat ng Five Great Paths?"Hindi lamang ang mga nilalang sa paanan ng bundok ang nagulat, maging ang mga powerhouse sa mga VIP seat ay nagulat.Nagdulot ng kaguluhan ang pagpapakita ni James ng Five Great Paths.Ang Five Great Paths ay napakahimala.Karaniwan para sa mga magsasaka na nakabisado ang isa o dalawa sa kanila. Gayunpaman, ang pag aaral sa lahat ng limang ay hindi narinig.Nagulat ang mga manonood, ngunit hindi pa ito tapos.Ipinatawag ni James ang kanyang Karma Power. Ang kanyang kapangyarihan ay lumipad patungo sa gitna ng Scared Blossom, na bumubuo ng isang talulot.Ang Sacred Blossom ay naging perpekto.Isang kumpletong Sacred Blossom na naglalaman ng lahat ng Path na naka lutang sa itaas ng arena.Ang nakasisilaw na bulaklak ay lubhang nakakabighani at maganda.Ito ay mukhang ang pinaka kahanga-han

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status