Share

Kabanata 90

Author: Crazy Carriage
Ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng mga Caden ay mga pangunahing miyembro ng Great Four, at walang alam sa mga sikretong gaya nito ang mga ordinaryong miyembro ng pamilya.

Pagkatapos mamatay ang mga Caden, hindi na binanggit ng Great Four ang tungkol sa insidente.

Subalit, may mga bali-balita na kumalat sa labas.

May mga tao na nagsabi na nagpakamatay si Nicholas dahil nakonsensya siya. Sinindihan niya ang apoy sa villa ng mga Caden at sinubukan niyang pagbayaran ang mga kasalanang ginawa niya gamit ng apoy.

May mga tao rin na nagsabi na may nakabangga ang mga Caden na isang makapangyarihang tao kaya sila pinatay.

Walang nakakaalam ng katotohanan.

Gayunpaman, pinagbantaan ni James ang mga buhay nila.

Lumuhod ng sampung araw at pagbayaran ang mga kasalanan nila gamit ng kanilang mga buhay.

Paano nila gagawin 'yun?

Napakayaman ng mga taong 'to, na may milyon-milyong mga asset at nagpapakasaya sa walang pagkaubos nilang yaman. Imposible na para sa kanila ang lum
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 91

    Subalit, maging ang isang elite na gaya ng deputy commander ng Western Border Patrol ay pinatay sa Cansington Hotel. Paano siya lalabanan ng mga ordinaryong tao na gaya nila? Gayunpaman, nakahanda silang sumugal at lumaban. Hindi nila alam kung ano ang mangyayari kapag nabigo sila. Nataranta ang Great Four, ngunit walang kaalam-alam ang mga tao sa labas dahil isa itong personal na problema ng Great Four. Ang tanging alam lang ng mga tao sa labas na may malaking problema ang Great Four. Ang pinuno ng mga Xavier, na si Warren, ay namatay sa selebrasyon mismo ng kanyang kaarawan. Di nagtagal, kumalat naman ang balita ng pagpanaw ni Trent. Pagkatapos nito, namatay din ang mga pinuno ng tatlo pa sa mga pamilya na kasapi ng Great Four. Wala na ang lahat ng mahahalagang tao mula sa Great Four. Malaking balita ito sa Cansington. Subalit, natabunan ang balita ng paghihirang sa Blithe King. Ngayong tapos na ang succession ceremony, nagsimulang ibaling ng lahat ang kanilang aten

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 92

    Maagang umalis ang pamilya ni Thea. Balak nilang bumili ng isang bagong luxury car. Marami silang pinuntahang mga car dealer at marami silang sinubukan na sasakyan, kasama na ang Mercedes-Benz, BMW, Audi, at mga luxury car mula sa iba pang mga kilalang brand. Subalit, hindi pa rin sila kontento. Kung hindi ito masyadong mababa sa inaasahan nila, masyado naman itong mahal para sa budget nila. Nagkataon namang mayroong isang auto show sa Cansington noong araw na 'yun. Maraming mga luxury car na pinapakita. Binisita ng pamilya ni Thea ang palabas. Nanlaki ang mga mata ni David noong nakita niya ang mga luxury car na naka-display. "Woah! Mga Ferrari, mga Bentley, Maybach, at Bugatti Veyron!" Tumingin si David sa sexy at nakakaakit na model na nakatayo sa harap ng mga luxury car na naka-display at nainggit. "Kailan kaya tayo makakabili ng isang tunay na luxury car? Basura ang isang kotse na nagkakahalaga ng isang milyon kumpara sa mga 'to."Pak! Hinampas ni Gladys a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 93

    Dati, puro mga ilegal ang ginagawa ni Xander. Hindi pa nga siya nakakapagsalita, pero sinisisi na agad siya ng binatang nasa harap niya. "Syempre pepreno ako at hihintayin ko ang red light! Masyado kang malapit sa likod ko at nabangga mo ako. Tapos ngayon sinisisi mo ako at pinapalabas mo pa na ako ang mali?" Tiningnan ni Xander ang kotse ni David at napansin niya na wala itong license plate, at wala rin itong insurance sticker sa windscreen nito. Agad siyang nasiyahan. "Bago lang 'tong kotse mo, tama? Well, alam mo, may yupi na sa likod ng kotse ko ngayon. Sapat na siguro na pambayad sa'kin kung ibebenta mo ang kotse mo at magdadagdag ka ng ilang milyon pa."Nanlambot ang mga binti ni David, at agad siyang bumagsak sa lupa. "Pasensya na talaga, sir. Pwede mo ba akong patawarin? Binili ko ang kotseng ito gamit ng lahat ng pera ko. Wala na akong pera para bayaran ka!" "Bakit napakayabang mo kung wala ka naman palang pera?" Sinipa ni Xander si David, nilapitan niya siya, at pina

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 94

    Natataranta ang buong pamilya ni Thea pagkatapos kunin ng mga tauhan ni Xander si David. Nakidnap si David sa harap mismo ng traffic police, ngunit hindi nila siya sinubukang pigilan. Hindi sila mga tanga at naintindihan nila na ang isang taong nagmamaneho ng isang kotse na nagkakahalaga ng milyun-milyon ay siguradong isang tao na maimpluwensya. Hinablot ni Alyssa si Thea at nakiusap siya sa kanya, "Ikaw na lang ang makakapagligtas kay David ngayon. Hindi ba kakilala mo si Alex Yates? Dalian mo at tawagan mo siya!" "Su… Susubukan ko." Hindi kampante si Thea. Subalit, ngayong nakidnap ang kapatid niya, wala siyang ibang pagpipilian kundi subukan ito dahil sa sitwasyon. “Sorry, the number you dialed is temporarily unavailable.”Tinawagan ni Thea si Alex, ngunit hindi pumapasok ang tawag niya. "Tinawagan ko siya, pero hindi ko siya ma-contact." Ang sabi ni Thea. "Kung ganun ano pang pwede nating gawin? Si J-James! Hindi ba dati siyang sundalo? Hindi ba't sinabi niya na ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 95

    "Huwag kang mag-alala, Mr. Smith. Malapit nang hiwalayan ni Thea si James."Kahit na walang kwenta si David, anak pa rin niya siya, kaya hindi niya kayang tumayo na lang at panoorin siyang malagay sa panganib. Higit pa dito, si James ay isang dating sundalo at sinasabi niya na may kilala siyang isang maimpluwensyang tao. Kung paghahambingin sila, mas pinili ni Gladys kung sino ang tunay na maimpluwensya. Mula sa mga Smith si Yoel at may malaking negosyo ang pamilya niya na bilyon-bilyon ang halaga. Ilang libong beses na mas maganda na makasal si Thea sa isa sa mga Smith kaysa sa manatili siyang kasal kay James. "Anong masasabi mo, Thea?" Tumingin si Yoel kay Thea. Talagang nakakatakot si Xander. Walang kwenta ang mga Smith kung ikukumpara kay Xander. Isa siyang tunay na gangster na walang pakialam sa pagkakaroon ng reputasyon o titulo. Subalit, may koneksyon ang kanyang ama kay Xander, at kumain pa nga sila ng hapunan ng magkasama.Isa pa, nabangga lang naman ang likod ng

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 96

    Tumawag si Thea at pinaalam niya kay James na naayos na nila ang problema.Bumalik si James sa bahay at naghanda ng pagkain, hinintay niya si Thea at ang iba na makauwi para kumain ng tanghalian.Mabilis silang nakauwi.Pagpasok nila ng bahay, napansin ni James na may mali.Lahat sila ay may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.May mga luha pa nga sa mga mukha nila Thea at Alyssa.Nagdududang nagtanong si James, “Thea, may problema ba? Akala ko ayos na ang lahat. Bakit hindi niyo kasamang bumalik si David?”Tumingin si Thea sa kanya at umiyak, naghihinagpis siya.“Anong problema?“Sabihin mo sa’kin kung may problema. Pwede kong ayusin ‘yun para sa’yo.” Ang sabi ni James sa kanya.“Ha…” Bumuntong hininga si Gladys.“Anong problema, mom? Bakit ka bumuntong hininga?” Ang tanong ni James.Gayunpaman, walang sinuman sa mag-anak ang nagsalita.Pumasok sila sa bahay at umupo. Agad na inihanda ni James ang mga mangkok at mga kubyertos, naghain siya ng kanin para sa lahat.

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 97

    "Sir…Sir, Sorry. Pakiusap… pakiusap patawarin mo ako."Puro gasgas at pasa ang katawan ni David, ngunit nagpatuloy siya sa pagmamakaawa. Sa di inaasahan, biglang may taong dumating at nagsalita, "Mr. Xander, may taong dumating na sinasabi na dala niya ang pera na pang ransom sa batang 'yan.""Papasukin siya.""Masusunod."Dinala si Yoel papunta sa basement ng mga tauhan ni Xander. Napansin niya si David na nakabitin sa kisame at puro pasa dahil sa pambubugbog sa kanya. Agad na nanghina ang mga binti niya, at halos bumagsak na siya sa lupa. Gayunpaman, noong naisip niya na mapapasakanya na si Thea pagkatapos niyang iligtas si David, agad na nanumbalik ang tapang niya. Higit pa rito, maraming kwento tungkol kay Xander. Alam ni Yoel na tapat siya sa kanyang mga kaibigan at hindi siya basta-basta gagawa ng gulo. Lumapit siya kay Xander na nakaupo sa bangko, naglabas siya ng sigarilyo, at inabot niya ito sa kanya. Yumuko siya at ngumiti, "Hello, Mr. Xander. Ang pangalan ko a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 98

    Naglakad si James papasok sa basement.Higit sa dalawampung tauhan ni Xander ang nagtipon sa basement.Daan-daang mga security guard at dose-dosenang mga tauhan niya sa labas ang napabagsak na ni James.“James? Ikaw ba ‘yun?”Kukunin na sana ni Xander si David noong bigla siyang nakakita ng isang tao na naglalakad papasok sa basement. Nagdilim ang kanyang mukha, at sumigaw siya, “Alam mo ba kung saan ang lugar na ‘to? Dalian mo at lumuhod ka! Aminin mo ang pagkakamali mo at humingi ka ng tawad…”Lumapit si James sa kanila at agad niyang sinipa si Xander.Agad na tumilapon si Xander ng ilang metro palayo at bumagsak siya sa lupa, at napaungol sa sobrang sakit.Nabali ang ilan sa mga buto niya noong bumagsak siya at hindi siya makatayo.“Ikaw…”Hindi nagpadalos-dalos si Xander.Mula siya sa mundo ng mga kriminal, kaya nakakuha siya ng kaunting impomasyon tungkol kay James base sa mga atake niya.Siguradong isang sundalo na mula sa special forces ang taong ito.“James, tama? W

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3998

    Alam ng Omnipotent Lord na si James ay gumawa ng Superweapon sa Chaos. Nangangahulugan ito na si James ay nagtataglay ng isang nakakatakot na lakas na nagbabanta sa kanyang posisyon. Gabi gabi, umiikot siya sa kanyang kama, hindi makatulog. Gayunpaman, wala pa rin siyang ideya kung ano ang ginagawa ni James. Ng maramdaman ang presensya ni James, agad siyang nagpakita.Sa pagharap sa pagtatanong ng Omnipotent Lord, mahinang ngumiti si James at sinabing, "May kailangan ako ng tulong mo."Itinuon ng Omnipotent Lord ang kanyang tingin kay James. Nawala ang ngiti sa mukha ni James habang bumulong, “Hindi ito ang lugar. Sumunod ka sa akin.”Pagkasabi niyan, tumalikod siya at dumiretso sa Mount Thea, habang ang Omnipotent Lord ay sumunod malapit sa likuran.Sa likod ng Mount Thea, nakaupo si James sa isang bato at pinagmamasdan ang magagandang tanawin ng Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent Lord ay tumayo sa tabi at nagsabi, "Tama na paligoy ligoy."Sinabi ni James, "Sa totoo lang, sumali

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3997

    Para maiwasan ang anumang disgrasya, ipinaliwanag ni James ng detalyado ang kanyang plano. Lahat ng naroroon ay nakinig sa kanya nang mabuti dahil ang labanan ay napakahalaga. Ang kanilang kalaban ay isang makapangyarihang indibidwal na nagexist mula pa noong panahon ng Primordial Realm at nagtataglay ng maraming Supernatural Powers. Kahit na siya ay nasugatan at ang kanyang lakas ay hindi bumalik sa pinakamataas na anyo, siya ay dating isang Acmean. Ang pagiging isang Acmean ay tanda ng lakas at kawalang tatag."Naiintindihan ba iyon?" Napatingin si James sa kanila.“Oo, Sir!” Sabay nilang sabi.Maging si Morangorin ay mas seryoso sa pagkakataong ito. Sa pagkislap ng liwanag sa kanyang katawan, nagtransform siya sa kanyang anyo ng tao.Sinamaan siya ng tingin ni James. Ito ang unang pagkakataon na nakita si Morangorin sa anyo ng tao. Siya ay isang medyo gwapong lalaki. Nakasuot siya ng puting roba na para siyang isang banal na nilalang."Mabuti," Sabi ni James. "Nais kong itago m

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3996

    Sampu sampung milyong taon na ang lumipas mula noong umalis si James. Sa nakalipas na milyon milyong taon, sina Quiomars Boswell, Morangorin Yombeen, Jabari, Xulia Xaadsan, Yehosheva Bernadette, Yahveh Zvonimir, Jehudi Driscoll at marami pang iba ay naghihintay sa Mount Thea. Inihanda nila ang lahat ng uri ng Banal na Gayuma para sa mga emerhensiya upang maging ang isang sugatang manlalaban na nasa bingit ng kamatayan ay mailigtas sa pinakamaikling panahon na posible. Inayos nila ang kanilang mga kondisyon sa Mount Thea sa maximum bilang paghahanda sa labanan. Kasabay nito, pinagmamasdan nila ang bawat galaw ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race.Swoosh!Biglang may lumitaw na liwanag.Nandito si James. Isang tao lang ang nasa main hall—si Xulia. Nakaupo siya sa pangunahing bulwagan, pinagmamasdan ang stone chamber ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race sa pamamagitan ng ilusyon na imahe.Sa sandaling lumitaw si James, kaagad siyang tumayo. "Bumalik ka, James."“Mhm.” B

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3995

    Nag materialize ang 108 Infinity Steles at nag set up si James ng Time Formation sa Chaos Space at sinimulang irefine ang mga ito.Makapangyarihan ang Infinity Steles at bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng mapangwasak na kapangyarihan.Ngayon, nais ni James na pinuhin sila muli sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang mahiwagang materyal sa bawat isa sa kanila upang madagdagan ang kanilang timbang. Sa ganoong paraan, pagkatapos maghiwa hiwalay ang Infinity Steles at mabuo ang Boundless Pagoda, magiging mas nakakatakot sila.Sa main hall ng Mount Ancestre's Ancestral Holy Site, ang Omnipotent Lord ay nakaupo sa kanyang trono. Sa ibaba niya ay isang anino.Ang anino ay nagsalita sa paos na boses, “Aking lord, matagal ko nang sinusundan si James. Sa takot kong ilantad ang sarili ko, lumayo ako sa kanya. Nakita ko siyang patungo sa kailaliman ng Chaos at nagrefine ng isang makapangyarihang sandata. Ang kaguluhan na nagmula sa Chaos ay nagmula sa Divine Weapon na kanyang nirerefine."S

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3994

    Ang Chaotic Treasures ay hindi kapani paniwalang nakakatakot, kaya kahit isang Macrocosm Ancestral God ay hindi sila kayang sirain. Gayunpaman, ang kasalukuyang rank ni James ay higit na nalampasan ang isang Macrocosm Ancestral God. Naabot na niya ang rurok ng Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank at malapit ng maabot ang Acme Rank.Ginamit niya ang kanyang Chaos Power, ginawa itong Chaos Fire at nilusaw ang Chaotic Treasures. Habang natunaw ang Chaotic Treasures, naging likido ang mga ito. Ang likidong ito ay naglalaman ng nakakatakot na kapangyarihan na kahit isang patak nito ay sisira sa Chaos Space.Kinokontrol ni James ang mga kapangyarihang ito at pinigilan silang makatakas. Gayunpaman, ang nakapalibot na Chaos Space ay naging ilusyon at baluktot.'Merge!'Gumalaw ang isip ni James.Nagsimulang magsama ang likido sa isa. Sa buong proseso, tinago ni James ang kapangyarihan ng iba't ibang Path sa likido. Ang bawat kapangyarihan ng Path ay maaaring magsagawa ng Nine-Power Mac

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3993

    Nakipagsapalaran siya sa malayo sa uniberso at nagtungo nang malalim sa Chaos. Pagkatapos, umupo siya sa isang lotus position sa kawalan.Walang mga direksyon o coordinate sa Chaos.Habang nakaupo si James sa kawalan, pinag isipan niya kung anong uri ng kayamanan ang dapat niyang irefine. Maraming Chaotic Treasures sa Celestial Abode. Ang ilan sa kanila ay nakuha sa Twelfth Universe, habang ang iba ay nakuha sa Ecclesiastical Restricted Zone.Habang gumagalaw ang kanyang isipan, lumitaw ang ilang Chaotic Treasures.Kabilang sa kanila ay ang Demon-Slayer Sword na naka-hover sa kanyang harapan. Ang espada ay itim at ang dulo nito ay bahagyang baluktot. Nagpakita ito ng itim na kislap at naglabas ng mahiwagang kapangyarihan. Ang Demon-Slayer Sword ay nagmula sa Dark World at nakuha ng mga Callahan. Sa huli, ibinigay ni Thea ang espada sa kanya. Kahit na ang espada ay hindi isang top-notch Chaotic Treasure, ito ay napakahalaga kay James.Ayaw niyang ibigay ang espada. Pagkatapos, isan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3992

    Inakala ng Omnipotent Lord na nasa ilalim niya si James. Gayunpaman, mula ng sumali si James sa Ancestral Holy Site at naging isang Protector, lalo siyang naging misteryoso. Ang isang kapansin pansing pangyayari ay ng harangin niya ang pag atake ng isang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race pagkatapos ay misteryosong nawala sa loob ng milyon milyong taon. Ang kanyang pag uugali ay naging dahilan upang ang Omnipotent Lord ay maging mas maingat sa kanya.Bumalik siya sa main hall ng Mount Ancestre."Shadow," Tawag niya.“Aking Lord.”Isang anino ang lumitaw ng wala saan at lumuhod sa isang tuhod.“Gusto kong bantayan mong mabuti si James. Isumbong mo sa akin kung may gagawin siyang kakaiba,” Utos niya."Naiintindihan," Sabi ng anino bago nawala nang walang bakas.Ang Shadow ay ang pinagkakatiwalaan ng Omnipotent Lord. Hindi alam ang tunay niyang pangalan at nacultivate niya ang kakaibang Hidden Path. Kahit na ordinaryo ang kanyang lakas, ang kanyang nakatagong kakayahan ay na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3991

    Sa isang kisapmata, ang mga inskripsiyong ito ay kumalat sa harap ni James tulad ng hindi mabilang na mga bituin sa malawak na universe. Ikinumpas ni James ang kanyang kamay at ikinalat ang mga sigil ng inskripsiyon, na pumasok sa nakapalibot na Chaos Space.Isang Formasyon ang nabuo. Ang Formation na ito ay sapat na upang bitag ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Kahit na ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay hindi magagawang basagin ang Formation kahit gaano pa niya subukan maliban kung pinagkadalubhasaan niya ang Formation Path at ang kanyang pag-unawa sa Formation ay umabot sa Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank.Matapos iset up ang unang Formation, ipinagpatuloy ni James ang pag set up ng iba pang Formation. Nahaharap sa isang Acmean, hindi niya mapabayaan ang kanyang bantay.Ipinagpatuloy niya ang pag set up ng mga Formation sa Chaos Space at pinagsama ang mga ito sa isa, na bumubuo ng isang convoluted at intertwined Superformation.Nanatili siya sa Chaos Sp

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3990

    Lahat ng tao sa main hall ng Mount Thea ay tumingin kay James.Si Jabari ang unang nagsalita, nagtanong, “Sa panahon ng pakikipagtagpo mo sa Ursa, mararamdaman mo ang kanyang aura nang malapitan, tama ba? Nagawa mo bang sukatin ang kanyang lakas?"Bahagyang tumango si James at sinabing, “Oo. Nakatiis talaga ako sa atake niya. Hinimok ko ang lahat ng aking Chaos Power ngunit nasugatan pa rin. Sapat na iyon para ipakita kung gaano siya katatag. Gayunpaman, hindi ko ginamit ang Omniscience Path. Kung ginawa ko, maaaring nakapagtanggol ako laban sa pag atake ng hindi nagtamo ng anumang pinsala. Itutuloy natin ang dati nating plano. Kailangan nating mag set up ng isang formation para ma trap siya sa Chaos, kung gayon madali para sa atin na patayin siya nang magkasama."Matapos magkaroon ng pagkakataong suriin ang lakas ng Ursa, tiwala si James.Ang maikling pag uusap ay sapat para sa kanya upang tapusin na ang Ursa ay wala sa panig ng Human Race, ni hindi niya tinutulungan si Yukia.Si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status