Sinuring maigi ni Maxine ang problema sa pagitan nila James at Thea mula sa pananaw ng isang babae.Binigyan niya si James ng isang komprehensibong paliwanag.Ang Thea sampung taon na ang nakakaraan ay matapang at malakas.Subalit, ang isang tao na nakaranas ng sampung tao ng kahihiyan at panghahamak ay siguradong magbabago kahit na gaano pa siya katapang at katatag noon.Sa kabila nito, hindi nagpatalo si Thea, at kahanga-hanga iyon."Isa siyang disenteng babae, na karapat-dapat sa pagpapahalaga ng ibang tao. Huwag mong hintayin na mawala siya sa'yo. Kahit na si Quincy ang first love mo na naghintay ng sampung taon para sa'yo at naging mabuti siya sa'yo, minaliit ka din niya noong ikaw pa ang live-in son-in-law ng mga Callahan. Nagsimula lang siya na alagaan ka noong nalaman niya ang pagkatao mo. "Samantala, isa namang aksidente si Tiara. Hindi ba gusto ng tatay niya na ipakulong ka bago niya nalaman ang pagkatao mo? Galit siya sa'yo, pero nagbago 'yun pagkatapos niyang malaman
Tanghali na, at hindi pa nagsisimula ang mga klase. Karamihan ng mga estudyante ay nagtipon upang magkwentuhan, nagkwentuhan sila tungkol sa buhay ng ibang mga estudyante at mga guro. "Yvette, pumunta ka dito ngayon mismo!" Umalingawngaw ang isang boses. Kasunod ng mga sigaw, isang binata ang galit na galit na naglakad kasama ang ilang mga kaklase niya. Samantala, isang dalaga na may mahaba at itim na buhok na nakasuot ng puting damit ang nakikinig ng tugtog sa kanyang headphones. Nakaupo siya sa huling hilera ng silid aralan. Umiindayog ang kanyang ulo kasabay ng tugtog. Bigla siyang nakaramdam ng panganib at inangat niya ang kanyang ulo. Noong nakita niya ang grupo ng mga estudyante na palapit sa kanya, bahagyang dumilim ang kanyang ekspresyon. Tinanggal niya ang kanyang headphones, binuksan ang bintana, at tumalon siya palabas. Pagbaba niya, agad siyang tumakbo paalis. Galit na nag-utos ang lalaking estudyante na nasa unahan, "Sumunod kayo sa'kin! Papatayin ko ang pu*a
Alam ni Yvette ang ugali ni Hugo.Isa siyang bully na bumuo ng isang grupo ng mga estudyante at palaging pinagmamalaki ang kanyang kapangyarihan. Alam ni Yvette na mapapahamak siya kapag nahuli siya ni Hugo. Prayoridad niya ngayon ang makahanap ng paraan para makatakas. Para naman sa kung paano niya siya haharapin sa hinaharap, saka na lamang niya iyon pag-iisipan. "Pu*angina ka, ang lakas ng loob mo na mangialam sa mga balak ko!" Sumigaw si Hugo habang naglalakad siya palapit kay Yvette. Tinitigan niyang maigi ang mukha at katawan ni Yvette. Totoong maganda si Yvette, at kontento siya sa kanyang nakita. "Dahil mukhang bukal sa loob mo ang paghingi mo ng tawad. Bibigyan kita ng pagkakataon na pasayahin ako. Papatawarin kita kapag nasarapan ako sa'yo.""S-Sige, Mr. Doyle." Masayang ngumiti si Yvette. Pagkatapos niyang sabihin 'yun, agad niyang tinulak ang isa sa mga lalaking estudyante at tumakbo siya palayo. Sa kasamaang palad, hindi niya nagawang takasan ang grupo ng mga
Agad na hinablot ni James ang braso ni Hugo at hinawakan niya ito ng mahigpit.Nagpumiglas si Hugo ngunit hindi siya makawala. Agad na namula ang kanyang mukha sa sobrang hiya, at sumigaw siya, "Bitawan mo ako, g*go!" Binitawan siya ni James ngunit inangat niya ang kanyang paa upang sipain si Hugo. Tumalsik ng ilang metro si Hugo, at humampas sa lupa ang kanyang katawan. Umungol siya sa sakit. Nagulat ang mga kasama niya sa nangyari. Masyadong malakas ang kalaban nila. "Bakit nakatayo lang kayo diyan? Umatake kayo at patayin niyo siya!" Sumigaw si Hugo mula sa lupa. Agad na nahimasmasan ang ibang mga estudyante at nilabas nila ang kanilang mga patalim upang takutin si James.Subalit, bigla silang sinugod ni James. Paglipas ng ilang segundo… Nakahiga na sa lupa ang mga estudyante, at sumisigaw sa sakit. Tumingin si Maxine kay James ng may kakaibang ekspresyon at napaisip, 'Talagang napakahusay niyang lumaban. Nagawa niyang pabagsakin ang ilang tao ng ganun kadali.'"S
Kumuha ng maraming selfie si Yvette kasama si James noong makilala niya kung sino siya. Sa mga huling selfie nila, halos naglalambitin na siya sa katawan ni James. Nakakatawa at mainit ang posisyon nila. "Oo nga pala."Pagkatapos kumuha ng mga selfie, biglang may naalala si Yvette at nagtanong siya, "Bakit mo nga pala ako hinahanap?" "Nandito ako dahil sa kapatid mo."Sinisi ni James ang kanyang sarili sa nangyari sa mga sundalong iyon. Napakabigat ng kanyang konsensya. Pinuntahan niya ang mga pamilya ng mga sundalo at pinaliwanag niya ang sitwasyon. Pumayag din siya na gawin ang halos lahat ng kahilingan nila. "Humanap muna tayo ng lugar para makapag-usap tayo ng masinsinan.""Sige." Tumango si Yvette.Magkakasamang umalis ang tatlo. Sa isang cafe malapit sa Sunleigh High School. Umupo sila sa isang private room. Sinimulan ni James na ipaliwanag kung ano ang tunay na nangyari sa kweba. "Namatay ang kapatid mo dahil sa'kin. Pinuntahan kita dahil gusto kong malaman k
Pagkatapos siyang mabugbog, agad na tumawag si Hugo sa bahay nila upang papuntahin ang kanyang mga bodyguard at tulungan siya.Ang mga bodyguard ng kanyang pamilya ay puro mahuhusay sa pakikipaglaban, at ang bawat isa sa kanila ay kayang lumaban sa higit sa isang dosenang tao ng mag-isa.Kahit na gaano pa kagaling si James, sisiguraduhin niya na luluhod siya at magmamakaawa.Naglakad papasok si Hugo, tumingin ng masama kay James, at tumuro sa lupa, at sinabi niya na, “G*go! Lumuhod ka, at palalampasin ko ang ginawa mo, kung hindi, siguradong magsisisi ka…”Nagtago si Yvette sa likod ni James at bumulong, “Mula siya sa mga Doyle. Isa silang maimpluwensyang pamilya sa Sunleigh City at higit sa sampung bilyon ang halaga ng ari-arian nila. May kinalaman sila sa parehong legal at ilegal na mga negosyo.”Bahagyang tumango si James. Alam niya na hindi titigil si Hugo sa panggugulo kay Yvette kapag umalis siya ng hindi inaayos ang tungkol dito.Wala ring mangyayari kahit na bugbugin niya
Ang pagkakakilanlan ni James ay hindi na sikreto mula sa publiko sapagkat nabunyag na ito sa public trial.Ngunit, ang karamihan sa mga tao na nagtitipon sa café ay mga estudyante lamang na naka-focus sa kanilang pag-aaral. Hindi nila binibigyan pansin ang pulitika at mga balita, kaya hindi nila nakilala si James.Kahit na narinig na ng iba ang tungkol sa trial, hindi nila ito napanood kaya hindi nila alam kung ano ang posibleng itsura ni James.Umupo si Hugo, nag-dekwatro at nagsindi ng imported na sigarilyo. Bata pa siya pero mukhang sanay na sanay na siyang manigarilyo at ilang taon na niya ito na ginagawa.Samantala…Matapos matanggap ang tawag ni James,si Hardy, ang general na nakadestino sa Sunleigh City, ay galit na galit.“Bilisan mo, ipaalam mo ito agad kay Timothy!”Agad agad, isang lieutenant ang pumasok sa kuwarto at nagtanong, “General Lane, anong problema?”Galit na sumigaw si Hardy, “Tinawagan ako ng Dragon King, sinasabi niya na gumawa ng gulo ang anak ni Timothy sa isk
Nabigla ang may-ari ng café at mga estudyante.Isang one-star general ang taong ito. Bakit puno ng galang ang pagtrato niya sa taong nasa harapan niya?Marami sa kanila ang tumingin kay James. Ang ilang napapaisip na mga estudyante ay naglabas ng mga phone nila at hinanap agad ang litrato ng Dragon King. Agad na lumitaw ang mga resulta na si James ay na-nappoint bilang Dragon King.Sikreto dapat ito. Ngunit, maraming tao ang naroon ng maibigay ang titulong ito kay James. Kaya, mabilis na kumalat ang balita na ito, pero ang karamihan sa mga outsider ay hindi pa alam.“D-Dragon King? Si James, ang Dragon King? Ang commander ng Black Dragon Army?!” Sagot ng isa sa mga estudyante.Naisa publiko agad ang pagkakakilanlan ni James. Gulat siyang tinignan ng lahat.Nabigla si Hugo matapos siya magulpi. Bumangon siya mula sa sahig at tinakpan ang mukha niyang puro pasa, habang sinasabi, “Tito, ako ito, si Hugo. Ba-bakit mo ako sinaktan?”Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari at naguguluh
"Imposible! Paano ko kayo maiiwan?"Nag aalala si Dahlia. Paano siya makakatakas ng mag isa sa ganitong sitwasyon?Sinabi ni James, "Nailigtas ko na sina Karglain, Bruce at ang iba pang mga tao. Tutulungan ko ngayon ang deputy leader ng iyong sekta. Kung iiwasan natin ang labanan, dapat ay madali tayong makatakas. Kung magpapatuloy ka rito, paano ka aalis kung tatatakan nila ang kanilang planeta?"Nakaramdam ng matinding ginhawa si Dahlia sa kanyang sinabi.Tumango siya at sinabing, "Sige, aalis muna ako sa Soul Realm at pupunta sa headquarters. Pagkatapos mong makipagkita kay Lolo, dadalhin ka rin niya doon."Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis na umalis si Dahlia. Nakahinga rin ng maluwag si James ng makaalis na siya.Tumingin siya sa matinding labanan sa malayo, iniunat ang kanyang katawan at naramdaman ang isang malakas na pwersa na bumalot sa kanyang katawan. Pagkatapos, bumulung bulong siya, "Hindi pa ako lumaban simula nang pumasok ako sa Seventh Stage ng Omniscience Pa
Tumango si James.Wala siyang masyadong magagawa sa mga sandaling iyon. Sinundan niya ang nagtitipon na hukbo at nagmamadaling lumabas ng Mount Carslergh. Sa sandaling iyon, libo libong mga sundalo ang nagtipon na sa labas ng Mount Carslegh at nakapalibot sa isang tao.Ang tao ay isang matandang lalaki na nakasuot ng dilaw na damit. May hawak siyang horsetail whisk sa kanyang kamay at naglabas ng dominanteng aura. Kasabay nito, ang kanyang mga mata ay puno ng nakamamatay na galit. Paulit ulit niyang iwinagayway ang kanyang whisk at isang malakas na pwersa ang humampas pasulong, na napilitang umatras ang mga sundalo.Ang lahat ng mga powerhouse sa Hopeless City ay lumahok sa labanan, maging ang Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods at Quasi Acmeans. Personal ding dumating si Hutchin para sumali sa laban.Ang matanda ay halos hindi nakakapagtanggol laban sa lahat ng kanilang mga pag atake. Gayunpaman, maliwanag na hindi na siya magtatagal at tuluyang babagsak.Biglang lumitaw ang isan
Ang piitan ay may pormasyon sa paligid nito, ngunit sinuri na ito ni James. Ngayon, madali niyang nabuksan ang pormasyon at tahimik na pumasok sa piitan.Ng malapit na siya sa piitan, pinigilan niya ang kanyang aura at nagtago sa kanyang paligid. Pagdating sa tarangkahan ng piitan, lumakad siya sa gilid at tahimik na sinimulan na idisassemble ang formation.Gumawa siya ng maliit na butas sa formation at pumasok sa piitan.Pagkapasok ni James sa piitan, naging malabong anino siya at mabilis na tinungo ang daanan. Saanman siya dumaan, ang mga guwardiya sa loob ng piitan ay babagsak sa lupa at manghihina.Ang mga guwardiya sa loob ng piitan ay medyo mahina at madaling itinapon sila ni James. Pagkarating ni James sa kaloob-looban ng piitan, nabasag niya ang kandado ng bakal na pinto ng selda.Maraming tao ang nakahiga sa loob ng madilim at malabong selda. Lahat sila ay naka seal sa kanilang mga cultivation base at nasugatan matapos pahirapan.Ikinumpas ni James ang kanyang kamay at i
Hangga't sinira niya ang formation, madali siyang makapasok sa piitan at mailigtas ang mga villager ng hindi inaalerto ang sinuman.Bumalik si James sa kanyang kwarto at nagpatuloy sa pagpapahinga.Biglang may kumatok sa pinto.Tumugon si James sa kumatok, na nagsasabing, “Pumasok ka.”Isang lalaking nasa middle-age ang pumasok sa silid, isinara ang pinto at umupo sa isang upuan.Ito ang pinagkakatiwalaan ni Balchae. Pagkabalik ni James mula sa Space Realm, na update siya ng confidant na ito tungkol sa halos lahat ng bagay."Anong problema? May problema ba?" Tanong ni James.Sinabi ng katiwala, "Narinig ko ang isang powerhouse mula sa Heaven-Eradicating Sect na lumitaw sa Soul Realm."“Oh?” Napukaw ang pagtataka ni James.Paulit ulit na sinabi ni Dahlia sa kanya na hinding hindi ililigtas ng Heaven-Eradicating Sect ang sinuman sa kanilang mga miyembro na nabihag ng ibang lahi. Kaya bakit nagpakita ang isang miyembro ng sect sa Soul Realm?Tanong ni James, "Sino ito?"Sumagot
Si Karglain, Bruce at ang mga taganayon ay nakakulong lahat sa piitan ng Mount Carslegh.Ang amo ni Balchae, si Waspen, ang namamahala sa pagbabantay sa piitan.Gayunpaman, hindi siya kinakailangang patuloy na bantayan ang piitan dahil saeled na ang cultivation base ng mga bilanggo. Kahit na buksan nila ang pinto ng piitan, imposibleng makatakas sila. Bukod dito, wala siyang pag-aalinlangan na ang Human Race ay hindi maglalakas loob na pumasok sa Mount Carslegh.Akala niya ay hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang Heaven-Eradicating Sect na pumuslit sa teritoryo ng Soul Race. Higit pa rito, magiging mas madali ang pagkuha sa kanila kung sila ay nagmamadaling pumunta sa Mount Carslegh.Matapos mas maunawaan ni James ang mga pangyayari, nagpatuloy siya sa paghakbang ng maingat. Sa halip, gumaling siya mula sa kanyang mga pinsala. Kinailangan siya ng libo libong taon upang dahan dahang gumaling mula sa kanyang mga sugat.Natural, lahat ng iyon ay gawa. Dahil nagbalatkayo na siya, nai
Mahinang sinabi ni James, na nagbabalat kayo bilang Balchae, "Maaster, pinangunahan ko ang isang hukbo patungo sa Space Realm gaya ng iniutos mo. Gayunpaman, ang kanilang pagbuo ng bundok ay hindi kapani-paniwalang makapangyarihan. Hindi ko na nagawang malusutan ito sa kabila ng pag atake dito sa loob ng mahabang panahon. Sa huli, ang Dakilang Elder ng Doom Race, si Youri, ay lumitaw at pinatay ko lamang ang aming mga sundalo mula sa Soul Raace. Gayunpaman, nasugatan din niya ako."Sinimulan ni James na subukang pukawin ang hidwaan sa pagitan ng Soul at Doom Races.Ang Doom Race ang kasalukuyang pinakamalakas sa Ten Great Races. Kahit na ang Ursa at Soul Race ay bahagyang mas mahina kaysa sa kanila."Naiintindihan ko. Kailangan mong kumalma. Personal kong ibabalita ang bagay na ito sa City Lord."Umalis si Waspen pagkatapos magsalita ng ilang salita.Pumikit si James at nagsimulang magpahinga. Dahil ginawa niya ang mga pinsala sa kanyang sarili gamit ang kanyang Chaos Power, mabil
Bagama't makapangyarihan ang Seveth Stage ng Omniscience Path, partikular itong kahanga hanga sa Greater Realms.Isang respetadong Space Race elder ang nagkomento, "Bagaman siya ay nasa Seventh Stage pa lang, nagawa niya iyon habang ang Omniscience Path ay pinipigilan. Ito ay tiyak na mahirap isipin."Marami sa mga Elder ng Space Race ang nagtipon at nagbahagi ng kanilang mga opinyon tungkol kay James.Samantala, umalis na sina James at Dahlia sa Space Realm. Ang dalawa ay bumalik sa Soul Realm at kaagad na nakarating sa Chaos sa labas ng Soul Realm.Sa isang lugar sa Chaos, pinakawalan ni Dahlia si Balchae. Ang cultivation base ni Balchae ay selyado pa rin at hindi pa siya nagkamalay.Tumingin si Dahlia kay James at nagtanong, "Paano natin siya haharapin? Dapat ba natin siyang patayin o panatilihin siyang buhay?"Sabi ni James, "Hindi pa natin siya kailangang patayin. Baka may soul lamp siya sa Hopeless City. Kapag namatay siya, mamamatay ang soul lamp. Kapag nangyari iyon, masi
"Naabot ko na sa wakas ang Seventh Stage ng Omniscience Path at mas malakas na ako ngayon kaysa sa Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank. Naabot ko na rin ang Quasi Acme Rank."Huminga ng malalim si James. Ang pagsasanay sa Omniscience Path ay napakahirap. Naabot lamang niya ang Seventh Stage pagkatapos ng labis na pagsisikap at paglaan ng maraming oras. Ayon sa alam ni James, ang pinakamataas na yugto sa Omniscience Path ay ang Ninth Stage.Ang isang taong nakarating sa Sixth Stage ng Omniscience Path ay si Haestra. Walang sinuman sa Greater Realms ang may kakayahang pumatay sa kanya. Ang pinaka magagawa nila ay iseal siya sa isang lugar.Pinakalat ni James ang kanyang aura at tinanggal ang formation. Itinulak niya ang gate at lumabas ng mansyon. Habang naglalakad siya palabas, nakita niya ang isang makapal na babae na nakatayo sa kanyang harapan at galit na galit na nakatingin sa kanya.Napakamot ng ulo si James at nagtanong, "Anong problema? May maitutulong ba ako sayo?"“Ika
Ang Ten Great Races ay nagsama sama upang limitahan ang potensyal na cultivation ng Human Race. Bilang resulta, maaabot lamang ng mga tao ang Third Stage ng Omniscience Path.Matagumpay na nakapasok si James sa Ikaapat na Yugto ng Omniscience Path sa tulong ni Thea. Pagkatapos, nakuha niya ang Light of Acme sa Ecclesiastical Restricted Zone at naabot ang Fifth at Sixth Stage.Simula noon, ang kanyang pisikal na lakas ay lumago sa isang glacial rate at nadama ni James na walang gaanong pag unlad. Ngayong mayroon na siyang Fruit of Life, umaasa siyang maaabot niya ang mga bagong taas.Ang kanyang Blood Energy ay umuuga at ang kanyang istraktura ng buto ay nagsimulang magbago. Kasabay nito, ang kanyang mga selula ng kalamnan ay nasira at paulit ulit na binago ang kanilang mga sarili. Sa buong proseso, unti unting tumaas ang kanyang pisikal na lakas.Dumadaan sa pagbabago si James.Lumipas ang oras bawat minuto.Ang lakas ni James ay lumago nang husto. Dahan dahan niyang nirefine a