Pagkatapos siyang mabugbog, agad na tumawag si Hugo sa bahay nila upang papuntahin ang kanyang mga bodyguard at tulungan siya.Ang mga bodyguard ng kanyang pamilya ay puro mahuhusay sa pakikipaglaban, at ang bawat isa sa kanila ay kayang lumaban sa higit sa isang dosenang tao ng mag-isa.Kahit na gaano pa kagaling si James, sisiguraduhin niya na luluhod siya at magmamakaawa.Naglakad papasok si Hugo, tumingin ng masama kay James, at tumuro sa lupa, at sinabi niya na, “G*go! Lumuhod ka, at palalampasin ko ang ginawa mo, kung hindi, siguradong magsisisi ka…”Nagtago si Yvette sa likod ni James at bumulong, “Mula siya sa mga Doyle. Isa silang maimpluwensyang pamilya sa Sunleigh City at higit sa sampung bilyon ang halaga ng ari-arian nila. May kinalaman sila sa parehong legal at ilegal na mga negosyo.”Bahagyang tumango si James. Alam niya na hindi titigil si Hugo sa panggugulo kay Yvette kapag umalis siya ng hindi inaayos ang tungkol dito.Wala ring mangyayari kahit na bugbugin niya
Ang pagkakakilanlan ni James ay hindi na sikreto mula sa publiko sapagkat nabunyag na ito sa public trial.Ngunit, ang karamihan sa mga tao na nagtitipon sa café ay mga estudyante lamang na naka-focus sa kanilang pag-aaral. Hindi nila binibigyan pansin ang pulitika at mga balita, kaya hindi nila nakilala si James.Kahit na narinig na ng iba ang tungkol sa trial, hindi nila ito napanood kaya hindi nila alam kung ano ang posibleng itsura ni James.Umupo si Hugo, nag-dekwatro at nagsindi ng imported na sigarilyo. Bata pa siya pero mukhang sanay na sanay na siyang manigarilyo at ilang taon na niya ito na ginagawa.Samantala…Matapos matanggap ang tawag ni James,si Hardy, ang general na nakadestino sa Sunleigh City, ay galit na galit.“Bilisan mo, ipaalam mo ito agad kay Timothy!”Agad agad, isang lieutenant ang pumasok sa kuwarto at nagtanong, “General Lane, anong problema?”Galit na sumigaw si Hardy, “Tinawagan ako ng Dragon King, sinasabi niya na gumawa ng gulo ang anak ni Timothy sa isk
Nabigla ang may-ari ng café at mga estudyante.Isang one-star general ang taong ito. Bakit puno ng galang ang pagtrato niya sa taong nasa harapan niya?Marami sa kanila ang tumingin kay James. Ang ilang napapaisip na mga estudyante ay naglabas ng mga phone nila at hinanap agad ang litrato ng Dragon King. Agad na lumitaw ang mga resulta na si James ay na-nappoint bilang Dragon King.Sikreto dapat ito. Ngunit, maraming tao ang naroon ng maibigay ang titulong ito kay James. Kaya, mabilis na kumalat ang balita na ito, pero ang karamihan sa mga outsider ay hindi pa alam.“D-Dragon King? Si James, ang Dragon King? Ang commander ng Black Dragon Army?!” Sagot ng isa sa mga estudyante.Naisa publiko agad ang pagkakakilanlan ni James. Gulat siyang tinignan ng lahat.Nabigla si Hugo matapos siya magulpi. Bumangon siya mula sa sahig at tinakpan ang mukha niyang puro pasa, habang sinasabi, “Tito, ako ito, si Hugo. Ba-bakit mo ako sinaktan?”Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari at naguguluh
Matapos bisitahin ni James ang mga pamilya ng mga sundalo na namatay para sa kanya, bumili siya ng mga ticket pabalik ng Cansington.Sumakay siya sa eroplano at bumalik sa Cansington ng tanghali.Nagtanong si Maxine, “Saan tayo pupunta, James?”“May kailangan ako na gamutin.”Nangako si James kay Zane na gagamutin niya ang kundisyon ni Cynthia.Mahal na mahal ni Zane ang anak niya at willing siya gamitin ang lahat ng yaman niya magamot lang siya. Noong nanghiram ng pera si James sa kanya, nagbigay siya ng 300 billion ng walang alinlangan.Hindi ito dahil sa pagkakakilanlan ni James bilang national hero, bilang Black Dragon, dahil sa alam ni Zane na wala siyang kasing galing sa larangan ng medisina at siya ang nag-iisang tao na makapagliligtas kay Cynthia.Matapos lumabas ng airport, tumawag ng taxi si James at tumungo sa bahay ni Cynthia.Ala sais na ng gabi ng dumating sila sa tahanan ni Cynthia. Lumapit siya sa gate ng villa at pinindot ang doorbell. Hindi nagtagal, bumukas ang gate.
Ngunit, naglaho ang Truen Energy na pumasok sa katawan ni Cynthia ng walang bakas, na tila hinigop ito ng kung ano.Nagtanong si James, “May nadiskubre ka ba?”Kahit na nabasa na ni James ang ikalawang medical book, ang nakasaad dito ay kung paano gamitin ang Crucifier at iba’t ibang mga paraan ng pag-cultivate. May ilang mga martial art techniques din dito na hindi pa naaaral ni James. Hindi niya madiskubre kung anong karamdaman ni Cynthia.Kumunot ang noo ni Maxine habang nag-iisip siya ng ilang segundo. Pagkatapos, nagsalita siya, “Maliban sa nakakaramdam siya ng lamig, may iba ka pa ba na naramdaman kailan lang?”Sumagot si Cynthia, “Oo. Minsan matinding sakit ng ulo, pagkahilo at mabilis na tibok ng puso.”Tumingin si Maxine kay James at sinabi, “Kung hindi ako nagkakamali, mayroon siyang bibihirang klase ng kundisyon kung saan ipinanganak ang kundisyon ng katawan niya para sa martial arts.”“Ipinanganak para sa martial arts?” nabigla si James.“Oo. Noong pinakiramdaman ko ang pul
Nilisan ni James ang villa ni Cynthia at nagtaxi patungo sa villa ng mga Callahan.Habang nakaupo sa taxi, kung ano ano ang naisip niya.Hiniwalayan na niya si Thea, at bumalik lang siya sa mga Callahan dahil sa pananakot ni Thea gamit ang buhay niya. Dagdag pa dito, nalason ng Gu si Thea, kaya nag-aalala siya.Ngayon, mukhang mas okay na ang lagay ni Thea mentally, kaya hindi na niya kailangan ipagpatuloy ang manirahan sa mga Callahan.“Sir, nandito na tayo.”Naayos ni James ang sarili niya matapos ipaalala ng driver na nakarating na sila.“Sige.”Tumango si James, nagbayad at bumaba mula sa sasakyan.Madilim na ang kalangitan ng dumating si James sa mga Callahan, kung saan maliwanag dito. Lumapit siya at pinindot ang doorbell.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto.Isang lalake na hindi katandaan at maporma ang bumati sa kanya, ito si David.“Oh?”Nabigla ng kaunti si David matapos makita si James sa pinto. Naayos niya ang sarili niya at sabik na binati si James, “Ikaw pala, James! Nagba
Balak niyang kunin ang second volume ng medical book at umalis.“James.” Isang matangkad at matipunong lalake na nakasuot ng military uniform ang lumapit at binati ng magalang si James.Ang lalakeng ito ay si Clinton. Pinili si Clinton at napabilang sa special training dahil kay James. Kahit na hindi pa tapos ang special training, humingi siya ng leave para pasalamatan si James.Tinignan ni James si Clinton habang nakangiti at sinabi, “Hindi na masama. Panandaliang panahon ka pa lang nagsasanay pero mukhang mas malakas ka na ngayon.”Sumagot si Clinton habang nakangiti, “Matindi ang special training, pero ganado ako na ipagpatuloy ito. Umaasa ako na maging bayani tulad mo at protektahan ang bansa natin.”Sumenyas si James at sinabi, “Anong bayani? Hindi na ako ang commander ng Black Dragon Army, at hindi na rin ako ang Black Dragon. Isa na lang akong pangkaraniwang mamamayan.”“Sa puso ko, mananatili kang bayani!” madiin na sagot ni Clinton.“James.” Lumapit si Jedidiah.“Lolo,” maga
Nagaalinlangan si Thea na pakawalan si James.Napakabait ni James sa kanya noon, pero hindi niya siya pinahalagahan. Matapos mawala sa kanya si James, nagsisi ng husto si Thea.Hindi niya sinisisi si James. Alam niya na kasalanan niya.Ginawa ni Thea ang lahat ng makakaya niya para mapanatili siya.Nanatiling tahimik si James.Habang nakikita niya na pinipilit siyang kumbinsihin ni Thea, natukso siya na manatili pero hindi niya magawa sapagkat naalala niya nag pangako niya para pakasalan si Tiara. Isa siyang lalake na tumutupad sa pangako.“Sapagkat alam mo na ang lahat, alam mo na rin siguro kung ano ang nangyari sa amin ni Tiara.”“Oo, alam ko. “ Pinakawalan ni Thea si James at sinabi, “Umalis ka kung gusto mo.”Wala ng sinabi pa si James. Tumalikod siya at umalis na.Puno ng kalungkutan ang mukha ni Thea sapagkat wala na siyang magawa. Pero naging buo ang loob niya habang pinapanood si James na umalis. Bumulong siya, “Hindi ako susuko. Kahit na kailangan kita na habulin hanggang sa
Isang milyong taon ng paghihirap at pagtitiyaga... Sino pa bukod kay James ang maaaring magtiis? Naturally, ang tagumpay ni James ay lampas sa kanilang inaasahan.Iniunat ni James ang kanyang mga kasukasuan, tiningnan ni James ang ibon, si Yahveh, Jehudi at Yehosheva at sinabi, “Hindi ito itinuturing na tagumpay. Napagana ko lang muli ang potensyal ng aking pisikal na katawan at ang sigla nito. Hindi ko pa naaabot ang Fifth Stage ng Omniscience Path.""Mayroon ka talagang isang bagay, bata." Hindi na pinansin ng ibon ang Light of Acme. Mabilis itong lumipad patungo kay James at sinaksak ang mukha ni James gamit ang matulis nitong tuka.Hinawakan ni James ang buntot nito at itinulak ang ibon sa malayong lugar.Naabsorb ng ibon ang impact sa pamamagitan ng pag-ikot sa pabilog na galaw bago lumipad pabalik kay James. Hindi nito napigilan ang labis na kaligayahan habang tumatawa ito, "Haha, ngayong napagana mo na muli ang potensyal na naputol bago ito, hindi mahirap tumapak sa Fifth St
Ang katawan ni James ay patuloy na nawasak ng Light of Acme. Nais niyang gamitin ang Light upang pasiglahin ang sigla ng kanyang katawan at buhayin ang potensyal ng kanyang katawan. Sa loob ng isang milyong taon, kinagat niya ang kanyang mga labi at tiniis ang walang katapusang pagdurusa.Ang tatlong makapangyarihang pigura ng ikalabimpitong espasyo ay matagal ng sumuko. Nagtipon sila para sa isang laro ng chess. Paminsan-minsan, inoobserbahan nila si James at tinitingnan kung namatay na ito.Sa simula, nanatili pa ring matulungin ang ibon. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, unti unting nawawala ang pag asa ng ibon. Nakaupo ito sa pinakamataas na palapag ng pavilion at nakatingin sa kalawakan. Kaya lang, halos isang milyong taon na ang lumipas.Nakahiga si James sa puddle na gawa sa kanyang dugo. Ang kanyang laman ay minasa at ang lahat ng kanyang mga buto ay halos mabali. Nang kapos na lamang ang natitirang hininga sa kanya, nabuhay ang sigla at sarap mula sa isa sa kanyang mga bu
Ang Light of Acme ay sumikat sa kanyang katawan, na nagdulot ng mga bitak sa kanyang katawan. Pagkatapos, ang mga bitak ay walang tigil na napunit, na nagresulta sa mga laman at dugo na tumalsik sa lahat ng dako.Nabaluktot ang kanyang ekspresyon sa sakit, habang patuloy na sinisira ng Light of Acme ang pisikal na katawan ni James.Napakabilis, ang kanyang pisikal na katawan ay nilipol ng Light of Acme. Ang natitira sa kanya ay ilang mga buto. Ang mga buto ay hindi pa kumpleto, dahil ang iba sa kanila ay nabasag, habang ang iba ay naging pulbos na.Kung hindi na makatiis si James at pinahintulutan ang Light of Acme na ipagpatuloy ang proseso ng pagkasira nito, kung gayon ito ay tunay na mangangahulugan ng katapusan niya. Ang kanyang kaluluwa ay sumanib sa kanyang pisikal na katawan matagal na ang nakalipas. Kung ang lahat ng mga buto ay nawasak, iyon ay mangangahulugan ng kabuuang kamatayan.Iniwasan niya ang huling strike sa oras sa pamamagitan ng muling pagpapakita sa isang lugar
Maaaring paganahin ng Light of Acme ang sariling potensyal ng isang tao at payagan ang isa na humakbang sa mas mataas na Stage ng Omniscience Path. Ito ang sinabi ni Lord Samsong kay James matapos basahin ang mga talaan ng isang sinaunang aklat.Kung ito nga ba ang katotohanan, walang ideya si James. Ngunit wala rin siyang ibang pagpipilian.Ginulo niya ang kanyang isip at nakuha ang Liwanag ng Acme o sa mga salita ng ibon, ang Light of Death, mula sa Celestial Abode. Ang Light ay napakakulay at maliwanag. Kahit na tinatakan na ito ni James, ang Liwanag ay maaari pa ring magmula sa isang nakakatakot na antas ng kapangyarihan. Ang kapangyarihang ito ay nagulat sa mga makapangyarihang Lord na naroroon din.“Ano ito?” Tanong ni Yahveh na may pagtataka. Hindi niya maiwasang mapabulalas, "Ang kalakas."Sina Jehudi at Yehosheva ay parehong tumingin kay James.Nakatitig sa Light of Acme sa harap niya, ipinaliwanag ni James, "Ito ang Light of Acme, na nabuo sa pamamagitan ng kapangyarihan
Patuloy na hinikayat ng tatlo si James, ngunit mayroon pa rin siyang anyong talunan sa kanyang mukha.Tumingin siya sa tatlo at sinabi, "Salamat, pero hindi ako susuko." Mag-iisip ako ng paraan para makaalis dito. Ay oo, nakatagpo ka ba ng mga buhay na nilalang na papunta sa ikalabing walong espasyo habang matagal ka nang nandito?"Ah, oo nga pala, may nakilala ka bang mga buhay na nilalang na papunta sa ikalabing walong espasyo habang matagal ka nang nandito?"Lahat silang tatlo ay umiling.Sumagot si Yehosheva, "Ako ang unang dumating sa ikalabing-pitong puwang." Pagkatapos, dumating silang dalawa. Ikaw ang pang-apat. Hindi ko alam kung may iba pang dumaan dito bago ako, pero pagkatapos ko, wala nang ibang pumunta sa ikalabing walong puwesto.Itinaas ni James ang kanyang ulo upang tingnan ang hugis walang anyong hadlang sa espasyo sa itaas niya. Ang Ikalimang Yugto ng Daan ng Omniscience? Ito ay magiging napakahirap. Umupo siya na may mapanlikhang ekspresyon sa kanyang mukha. Inii
Para sa lahat ng mga nag-aaral, ang oras ay marahil ang pinaka walang halaga, lalo na para sa mga makapangyarihang tao sa Lord Rank.Ang tatlong makapangyarihang pigura mula sa ikalabing-pitong espasyo ay matagal nang dumating dito. Ang kanilang panahon dito ay maaari lamang kalkulahin sa pamamagitan ng mga Panahon.Alam nila na nagmamadali si James na umalis. Gayunpaman, hindi nila kailanman nabasag ang ikalabing-pitong espasyo upang makamit ang ikalabing-walo, sa kabila ng kanilang mahabang pananatili dito."Hayaan mo siyang subukan."“Tara na at maglaro tayo ng chess.”"Sige."Ang tatlong makapangyarihang tao ay pansamantalang umalis upang pumunta sa isa pang pavilion at nagsimula ng kanilang laro ng chess upang magpalipas ng oras. Ito ay dahil hindi na posible ang pagsasanay. Si Yahveh at Jehudi ay parehong Eight-Power Macrocosm Ancestral Gods na hindi na makapag-upgrade ng kanilang ranggo upang maabot ang Nine-Power. Para kay Yehosheva, ito ay hindi na maaaring maging mas to
Gayunpaman, pagkatapos maunawaan ni James ang maraming pamamaraan ng pagsasanay, natagpuan niya ang mga pagkakatulad sa mga pamamaraan ng pagsasanay ng dalawang magkaibang mundo. Pinagsama niya ang lahat ng kanyang naunawaan sa kanyang sariling Daan ng Kaguluhan. Ito ay nagbigay-daan sa parehong kapangyarihan ng kanyang Chaos Path at ang kanyang kapangyarihan na umangat.Matapos niyang makuha ang maraming pamamaraan ng pagsasaka, nakarating siya sa isang pavilion na matatagpuan sa loob ng mga bundok. Pagkatapos, umupo siya sa pinakamataas na palapag ng pavilion.Ang kanyang pagdating ay sinundan nina Yahveh, Jehudi, at Yehosheva."Talagang kakaiba ka," sabi ni Jehudi habang binibigyan si James ng thumbs up.Hindi mapigilan ni Yahveh ang kanyang mga papuri at sinabi, "Bagaman hindi ko mahulaan ang iyong ranggo, dahil kaya mong ipalabas ang Nine-Power Macrocosm Power nang walang kahirap-hirap, ang iyong mga kakayahan ay kayang talunin ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God at ang Nin
Tatlo lamang ang mga buhay na nilalang sa ikalabing-pitong espasyo. Si Yahveh at Jehudi ay nagmula sa Unang Uniberso, at sila ay dinukot dito kaagad pagkatapos ng paglikha ng Unang Uniberso. Sila ay parehong Walong-Power Macrocosm Ancestral Gods. Ang pangalan ng babae ay Yehosheva, at siya ay nagmula sa Primordial Realm. Ang kanyang ranggo ay mas mataas, umabot sa Ikasiyam na Antas ng Panginoon. Lahat sila ay magiliw kay James dahil alam nilang walang ordinaryong tao ang makararating sa lugar na ito. Pagkatapos ng lahat, walang ordinaryong tao ang makakatalo sa mga anino sa ikalabing-anim na palapag.Pinagkiskis ni James ang kanyang mga kamao at sinabi, “Ang pangalan ko ay James Caden. Isang karangalan na makilala kayo.”Ngumiti si Yehosheva at sinabi, "Walang pangangailangan para sa mga pormalidad. Magsisimula na tayong maging magkaibigan mula ngayon. Magkakasama tayo ng matagal."Sa pamamagitan ng paraan, saan ka galing?" Tinanong ni Yahveh.Tapat na sumagot si James, “Ang Ikalab
Isang daang milyong taon ang lumipas…Nagliwanag ang katawan ni James, at siya ay lumitaw sa itaas ng sinaunang larangan ng digmaan."Umaalis siya.""Papunta ba siya sa ikalabing-anim na palapag?""Papunta ba siya sa ikalabing-anim na palapag?""Ang nakakatakot… Nandito lang siya ng 100 milyong taon!""Napakabahala... Nandito lang siya ng 100 milyong taon!"Ang mga makapangyarihang tao sa paligid ay nagtipon at nag-usap. Lahat sila ay nagulat sa pag-unawa ni James.Tumingin si James sa hadlang sa espasyo sa itaas niya at itinaas ang kanyang kamay habang nagtipon ang isang mahiwagang kapangyarihan sa kanyang palad. Pagkatapos, ang kanyang katawan ay naging ilusyonaryo at nahati sa libu-libong mga anino sa isang iglap. Ang mga aninong ito ay nagsagawa ng iba't ibang pamamaraan ng pagsasanay at sabay-sabay na inatake ang hadlang sa espasyo sa hangin.Boom!May lumitaw na bitak sa puwersang pangkalawakan.Ang mga nakapaligid na anino ay nagsanib sa isa, at ang katawan ni James ay ku