Ngunit, naglaho ang Truen Energy na pumasok sa katawan ni Cynthia ng walang bakas, na tila hinigop ito ng kung ano.Nagtanong si James, “May nadiskubre ka ba?”Kahit na nabasa na ni James ang ikalawang medical book, ang nakasaad dito ay kung paano gamitin ang Crucifier at iba’t ibang mga paraan ng pag-cultivate. May ilang mga martial art techniques din dito na hindi pa naaaral ni James. Hindi niya madiskubre kung anong karamdaman ni Cynthia.Kumunot ang noo ni Maxine habang nag-iisip siya ng ilang segundo. Pagkatapos, nagsalita siya, “Maliban sa nakakaramdam siya ng lamig, may iba ka pa ba na naramdaman kailan lang?”Sumagot si Cynthia, “Oo. Minsan matinding sakit ng ulo, pagkahilo at mabilis na tibok ng puso.”Tumingin si Maxine kay James at sinabi, “Kung hindi ako nagkakamali, mayroon siyang bibihirang klase ng kundisyon kung saan ipinanganak ang kundisyon ng katawan niya para sa martial arts.”“Ipinanganak para sa martial arts?” nabigla si James.“Oo. Noong pinakiramdaman ko ang pul
Nilisan ni James ang villa ni Cynthia at nagtaxi patungo sa villa ng mga Callahan.Habang nakaupo sa taxi, kung ano ano ang naisip niya.Hiniwalayan na niya si Thea, at bumalik lang siya sa mga Callahan dahil sa pananakot ni Thea gamit ang buhay niya. Dagdag pa dito, nalason ng Gu si Thea, kaya nag-aalala siya.Ngayon, mukhang mas okay na ang lagay ni Thea mentally, kaya hindi na niya kailangan ipagpatuloy ang manirahan sa mga Callahan.“Sir, nandito na tayo.”Naayos ni James ang sarili niya matapos ipaalala ng driver na nakarating na sila.“Sige.”Tumango si James, nagbayad at bumaba mula sa sasakyan.Madilim na ang kalangitan ng dumating si James sa mga Callahan, kung saan maliwanag dito. Lumapit siya at pinindot ang doorbell.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto.Isang lalake na hindi katandaan at maporma ang bumati sa kanya, ito si David.“Oh?”Nabigla ng kaunti si David matapos makita si James sa pinto. Naayos niya ang sarili niya at sabik na binati si James, “Ikaw pala, James! Nagba
Balak niyang kunin ang second volume ng medical book at umalis.“James.” Isang matangkad at matipunong lalake na nakasuot ng military uniform ang lumapit at binati ng magalang si James.Ang lalakeng ito ay si Clinton. Pinili si Clinton at napabilang sa special training dahil kay James. Kahit na hindi pa tapos ang special training, humingi siya ng leave para pasalamatan si James.Tinignan ni James si Clinton habang nakangiti at sinabi, “Hindi na masama. Panandaliang panahon ka pa lang nagsasanay pero mukhang mas malakas ka na ngayon.”Sumagot si Clinton habang nakangiti, “Matindi ang special training, pero ganado ako na ipagpatuloy ito. Umaasa ako na maging bayani tulad mo at protektahan ang bansa natin.”Sumenyas si James at sinabi, “Anong bayani? Hindi na ako ang commander ng Black Dragon Army, at hindi na rin ako ang Black Dragon. Isa na lang akong pangkaraniwang mamamayan.”“Sa puso ko, mananatili kang bayani!” madiin na sagot ni Clinton.“James.” Lumapit si Jedidiah.“Lolo,” maga
Nagaalinlangan si Thea na pakawalan si James.Napakabait ni James sa kanya noon, pero hindi niya siya pinahalagahan. Matapos mawala sa kanya si James, nagsisi ng husto si Thea.Hindi niya sinisisi si James. Alam niya na kasalanan niya.Ginawa ni Thea ang lahat ng makakaya niya para mapanatili siya.Nanatiling tahimik si James.Habang nakikita niya na pinipilit siyang kumbinsihin ni Thea, natukso siya na manatili pero hindi niya magawa sapagkat naalala niya nag pangako niya para pakasalan si Tiara. Isa siyang lalake na tumutupad sa pangako.“Sapagkat alam mo na ang lahat, alam mo na rin siguro kung ano ang nangyari sa amin ni Tiara.”“Oo, alam ko. “ Pinakawalan ni Thea si James at sinabi, “Umalis ka kung gusto mo.”Wala ng sinabi pa si James. Tumalikod siya at umalis na.Puno ng kalungkutan ang mukha ni Thea sapagkat wala na siyang magawa. Pero naging buo ang loob niya habang pinapanood si James na umalis. Bumulong siya, “Hindi ako susuko. Kahit na kailangan kita na habulin hanggang sa
Hinatid ni Tiara si James sa second floor, binuksan ang pinto, at sinabi, “James, puwede ka magstay sa kuwartong ito. Bagong bili ang punda at mga bagay sa loob.”“Sige.” Tumango si James.Pumasok siya sa kuwarto.Sumunod si Tiara at tila nagaalinlangan ang itsura niya na parang may gusto siya sabihin, tinignan siya ni James at nagtanong, “May gusto ka ba sabihin?”Nahiya si Tiara at namula ang mukha niya, “J-James, ikaw at si Thea…”Huminto siya, nag-ipon ng lakas at nagtanong, “B-Bumalik ka ba dahil sa akin? Ano… sinabi ko na sa iyo na hindi kita gusto pilitin, at gusto ko ang best para sa inyo ni Thea. Gusto ko lang na maging okay kayong dalawa.”“Kalokohan. Hindi mo kailangan mag-overthink. Mauna ka ng lumabas. Gusto ko ipagpatuloy ang pagbabasa ko.”“Okay…” walang ganang sagot ni Tiara at lumabas na siya ng kuwarto.Sa ibaba…Magkatabia ng dalawang babae.Matapos makita na palapit si Tiara, nagtanong si Quincy na tila nakikichismis, “Tinanong mo ba si James kung bakit hindi siya n
“Nawawala?” natulala si James.Inayos niya ang sarili niya at nagtanong, “Okay naman siya kahapon. Paano siya bigla nawala?” Bumuntong hininga si Quincy. “Kakaiba ang ikinikilos niya kagabi at kung ano anong kakaibang mga tanong ang naiisip niya.”“Anong klaseng mga tanong?”“Sa madaling salita, nababagabag siya at naii-stress dahil pakiramdam niya binigyan ka niya ng problema. Sa tingin niya hindi na nanatili sa mga Callahan at bumalik ka dahil sa kanya. Nagising ako at hindi ko siya makita kahit saan. Nag-impake siya at umalis dala ang bagahe niya.”Nag-alala si James.“Bakit ka pa tulala? Bilisan mo at hanapin siya!”“Ako? Bakit ako ang maghahanap sa kanya?” hindi alam ni James kung anong gagawin niya.Nagsalita si Quincy, “Baka binabalak niya bumalik ng Capital at baka hindi pa siya nakakarating sa airport. Hindi mo ba puwede gamitin ang mga koneksyon mo para pigilan siya sa pag-alis?”“Mhm.” Tumango si James at nagmadali pababa ng hagdan.Bumangon na si Maxine at ginagamit na ang
Nilapitan siya ng matanda.Nagtanong si Tiara, “Tinatawag mo ba ako ngayon lang, sir?”“Oo.”Ang matandang ito ay walang iba kung hindi si Thomas. Lumapit siya at bumulong sa tenga ni Tiara.“Totoo?!!” Tuwang-tuwa si Tiara.“Oo. Sumama ka sa akin. Hindi ito kasinungalingan,” sagot ni Thomas habang nakangiti.Umalis ng airport si Tiara habang kasama si Thomas sa isang itim sa sasakyan, habang huli na ng makarating si James sa airport. Matapos niya dumating, tinawagan niya ang Blithe King.Ipinaalam sa kanya ng Blithe King na may taong nagngangalang Tiara Youngblood na nagbook ng ticket. Pero, hindi siya sumakay sa eroplano.Napasimangot si James matapos marinig ang balita. “Hindi siya sumakay sa eroplano?”“Oo, nakaalis na ang eroplano na binook niya, pero hindi siya sumakay.”“Sige. Naiintindihan ko,” ibinaba ni James ang tawag.Umupo siya sa hagdan sa labas ng airport, habang naninigarilyo.“Saan siya pupunta kung hindi siya sumakay sa eroplano?” kausap ni James ang sarili niya. “May
Walang magawa si James kundi ang umuwi at maghintay ng balita.Pumara siya ng taxi pabalik sa villa ni Cynthia.Nagmamadaling tanong ni Maxine pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay, “Kamusta? Nahanap mo na ba siya?"Umiling si James. Lumapit siya at umupo sa sofa.Tinanong din ni Cynthia, "Hindi mo ba siya nahanap?"Natanggal na ni Maxine ang sobrang Cold Energy sa katawan ni Cynthia, na nagpapahintulot na bumalik sa normal ang temperatura ng kanyang katawan pansamantala.Nag-aalalang tumingin si Cynthia kay James. Kinuha niya ang kanyang telepono at binuksan ang surveillance footage na ipinadala ng Blithe King.Yumuko si Maxine at tumingin. Matapos panoorin ang footage, nag-aalala siyang nagtanong, "Sino ang matandang iyon? Bakit iniwan siya ni Tiara?"Malungkot ang ekspresyon ni James.“Base sa kanyang itsura, baka lolo ko yun. Gayunpaman, siya ay dapat na namatay sa sunog sampung taon na ang nakalilipas. Hiniling ko na sa Blithe King na gamitin ang kanyang awtoridad para s
Sa pagsasaalang alang na ang Ursa ay masyadong nakakatakot, binago ni James ang kanyang diskarte. Matapos iwasan ang pakikipaglaban sa kanya ng direkta, mayroon na silang ilang silid sa paghinga. Nagtago silang tatlo sa formation, na personal na itinayo ni James. Kahit na ang lakas ng Ursa ay pansamantalang bumalik sa tuktok at kahit na nalampasan iyon, maaari lamang niyang sirain ang sampo sampung libong layer ng formation sa isang pagkakataon. Samantala, patuloy na palalakasin ni James ang pormasyon at lilikha ng mga bago mula sa mga anino. Kaya, kahit na patuloy na sinisira ng Ursa ang formation, hindi nabawasan ang kapangyarihan ng formation. Samantala, maghahanap sina Quiomars at Matthias ng mga pagkakataon upang salakayin ang Ursa. Kahit na hindi nila siya maaaring saktan, maaari pa rin silang lumikha ng gulo para sa kanya. Kaya lang, ang labanan ay dumating sa isang pagkapatas."Lumabas ka sa pinagtataguan mo at labanan mo ako!" Galit na galit ang Ursa.Ang kanyang nakakabingi
Sa kailang banda si James, ay nilabas lahat ng kanyang kapangyarihan para icatalyze ang formation, pinagsama ang mga ito para bumuo ng protective barrier. Subalit, sa ilalim ng pagkasira ng sibat, ang barrier ay patuloy na nabasag.Habang magulo ang isip ni James, ang Infinity Steles ay kumalat para bumuo ng Boundless Pagoda, na kaagad bumalot kay Quiomars. Sa sandaling iyon, lumitaw siya sa harap ng sibat at nilabas ang lahat ng kanyang lakas bago ilagay ang ito sa Malevolent Sword. Pagkatapos, ang Malevolent Sword ay tumama sa sibat.Kahit na si James ay nasa Sixth Stage ng Omniscience Path, hindi banggitin na siya ay nagtataglay ng Chaos Power at isang Superweapon, mayroon pa ring malaking pagkakaiba sa kapangyarihan sa pagitan niya at ng Ursa. Ang kapangyarihan ng sibat ay kumalat sa buong katawan niya sa pamamagitan ng Malevolent Sword. Sa sandaling iyon, nagsimulang lumitaw ang mga bitak sa buong katawan niya at napuno siya ng dugo. Nasugatan si James. Hindi makayanan ang kapan
Alam ng Ursa na lubos na mauubos ang kanyang lakas kung magpapatuloy ito. Sa ganoong hindi maibabalik na kalagayan, pinili niya ang pinakahuling opsyon—siguradong pagkawasak nilang parehas. Ginawa niya ang Forbidden Art ng Ursa Race, sinunog ang kanyang Blood Essence at sigla, at isinakripisyo ang kanyang sarili bilang kapalit ng kanyang lakas sa peak form. Sa sandaling iyon, mas malakas siya kaysa sa panahon ng kanyang peak form at agad na gumaling ang kanyang mga sugat. Napakalaki ng aura niya. Tulad ng isang diyos ng digmaan na nakatayo sa Chaos Space, ang kanyang mukha ay nagdilim habang malamig niyang sinabi, "Mamatay kayong lahat!"Habang umuungal siya, ibinaba niya ang kanyang sibat at sunod sunod na alon ng Spear Light ang nagkatotoo.Sa sandaling iyon, tila nawala ang epekto ng formation ni James. Ang mga makapangyarihang indibidwal na nakatago sa formation ay nilamon ng kapangyarihan at sabay sabay silang nagsuka ng isang subo ng dugo. Pagkatapos, pinaalis sila sa formation
Siya ay lubos na nagalit.“Break!”Ibinaba niya ang kanyang sibat. Ang kakilakilabot na kapangyarihan ay lumawak sa buong kawalan tulad ng isang halo, na natunaw ang lahat sa kanyang landas sa kawalan. Sa isang maikling sandali, sinira niya ang libo libong layer ng Formation.Gayunpaman, si James ay nag set up ng napakaraming Formation. Kahit na masira ng Ursa ang sampo sampung libo sa kanila sa isang iglap, hindi niya kayang sirain silang lahat. Bago tuluyang wasakin ng Ursa ang Formasyon, tiwala si James na kaya niyang lipulin siya. Iyon ay dahil naramdaman niya ang paglabas ng sigla ng Ursa at ang kanyang kapangyarihan ay lumiliit sa isang minuto. Ang Ursa ay malapit na sa kanyang wakas at hindi magtatagal.Sa bagong universe, nanginginig sa takot ang bawat nabubuhay nang maramdaman nila ang nakakatakot na pressure na nagmumula sa Chaos Space. Samantala, ang Omnipotent Lord ay nagmamadaling pumunta sa pinagmumulan ng kapangyarihan kasama ang isang grupo ng mga nangungunang mandi
Ang liwanag ay nakasisilaw, na nagpapaliwanag sa nakakubling Chaos Space. Kasabay nito, nagtataglay ito ng nakakatakot na kapangyarihan na kahit isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay mapapatay sa isang kisapmata.Maraming makapangyarihang indibidwal ang nakatago sa formation. Nagmamadali nilang pinagana ang formation at itinago ang kanilang kapangyarihan dito. Sa isang iglap, hindi mabilang na mga inskripsiyon ang lumitaw sa harap ni James, na nagtitipon upang bumuo ng isang hadlang.Ang nakakatakot na liwanag ay tumama sa harang.Gayunpaman, ang kapangyarihan ng liwanag ay masyadong nakakatakot at ang hadlang ay hiniwa na parang mantikilya. Gayunpaman, ang kapangyarihan ng liwanag ay lubhang nabawasan.Pagkatapos makipagpalitan ng suntok sa Ursa, alam na ngayon ni James kung gaano siya katakot. Ang Ursa ay nasugatan mula noong edad ng Primordial Realm at hindi na gumaling mula noon. Sa kabila ng pag atake sa kanya at ng formation, ang aura ng Ursa ay napakalakas pa rin.‘P*
Ng makita ito, napataas ang kilay ni James. Ito ay isang Formasyon na personal niyang itinayo. Ang isang alon ng Sword Energy ay sapat na upang patayin ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Sa pagharap sa napakaraming kalaban, hindi nangahas si James na magpabaya sa kanyang bantay. Habang gumagalaw ang kanyang isip, lumitaw ang Malevolent Sword sa kanyang kamay. Habang hawak niya ang Malevolent Sword sa kanyang kamay, naramdaman niya ang kapangyarihan ng espada, na nagbigay sa kanya ng katiyakan.“Ikaw…!”Ng maramdaman ang kapangyarihan ng Malevolent Sword, nagdilim ang mukha ng Ursa. Masyadong nakakatakot ang kapangyarihan ng espada at kahit siya ay nakaramdam ng lamig sa kanyang spine. Kung nasa peak form siya, hindi siya matatakot. Gayunpaman, siya ay nasugatan at si James ay sadyang hindi mahuhulaan. Ito ay isang tao na nag cultivate ng Chaos Power at nasa Sixth Stage ng Omniscience Path. Ngayon na mayroon siyang Superweapon sa kanyang pag aari, ang Ursa ay nagsimulang ma
Inambush ni James ang Ursa. Dahil na catalyze niya ang Omniscience Path, ang lakas ng kanyang pisikal na lakas ay lubhang nakakatakot. Kahit na ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay daranas ng matinding dagok. Bukod, habang pinagsama ni James ang kanyang pisikal na lakas sa Chaos Power, ang kapangyarihan ay mas hindi kapani paniwala. Ang pag atake ay nagdusa sa Ursa ng isang mapangwasak na dagok.Ang pag atake ay tumagos sa pisikal na katawan ng Ursa. Bukod pa rito, habang isinaaktibo ni James ang kapangyarihan ng iba't ibang Landas, bumuhos ang lahat sa katawan ng Ursa. Ang Ursa ay nasugatan bago ito.Sa sandaling iyon, kumilos ang mga makapangyarihang indibidwal na nakatago sa loob ng Formation. Dahil malakas sila, ang kapangyarihang ipinalabas nila ay mas nakakatakot ng hiramin nila ang kapangyarihan ng Formation. Sa isang iglap, ang Ursa ay dumanas ng libo libong mapangwasak na suntok. Ang kanyang katawan ay natatakpan ng mga sugat at may butas sa kanyang dibdib. Hindi lang i
Nagsalita si James.Habang nagsasalita siya, ang mga makapangyarihang tao sa paligid niya ay pumasok sa formation at pumunta sa kani kanilang pwesto.Pumasok na rin si James sa formation.Sa pagbuo sa loob ng Chaos Space, tumingin si James sa bundok sa kanyang harapan habang may ngiti sa kanyang mukha.Sa sandaling iyon, hindi pa napagtatanto ng powerhouse ng Ursa Race na nalipat na ang Mount Ancestre.Kaswal na ikinaway ni James ang kanyang kamay at nagkaroon ng ilang tuntunin sa inskripsiyon. Ang mga panuntunang ito sa inskripsiyon ay patuloy na nagbabago bago tumawag ng isang imahe. Ito ang imahe ng Ancestral Holy Site.Dahil hindi pa napagtatanto ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race na nalipat na ang Mount Ancestre, binalak ni James na lituhin siya. Papasok siya sa formation, lalapit sa kalaban at haharapin siya ng nakamamatay na suntok. Ito ang isa sa pinakamahalagang stage ng labanan. Dahil nasugatan na ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race, ang ambush ni Jame
Pagkaalis ng Omnipotent Lord, tinitigan ni James ang Mount Ancestre. Dahil ang Mount Ancestre ay walang anumang Formation Restrictions, malinaw na nakikita ni James ang lahat.Sa pagbabalik sa Mount Ancestre, agad na inilikas ng Omnipotent Lord ang lahat ng mga disipulo at ipinatawag ang lahat ng nasasakupan sa isang nakatagong basement. Dahil may Formation Restriction doon, hindi pa nakakapasok si James' Divine Sense sa basement. Sa oras na tumagos siya sa lugar, nakaalis na ang Omnipotent Lord at ang kanyang mga alagad.Nagsalubong ang kilay ni James. Alam niya na ang Omnipotent Lord ay hindi madaling makikipagkompromiso. Gayunpaman, wala siyang ideya kung ano ang kanilang pinag uusapan.Matapos ilikas ng Omnipotent Lord ang lahat mula sa Mount Ancestre, tanging ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race ang nanatili sa Formation sa likod ng bundok.Ang Omnipotent Lord ay nagpakita kay James sa Bundok Thea.“Inilikas ko na lahat, James. Maaari ka ng magsimula,” Sabi ng Omnipot