Desidido na si James na umalis, kaya naman hindi na siya pinigilan ni Tobias. Ayaw kalabanin ni Tobias ang mga malakas na pwersa at gawin itong mga kalaban para lang kay James. Gayunpaman, nangako na siya na poprotektahan niya ito kapalit ng lihim ng Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge. Ngayon na na-regulate na ni James ang mga meridians sa buong katawan niya, maituturing na siya na isang fifth-rank grandmaster at may walang hangganan na potensyal. Bigyan ng sapat na oras, aangat siya sa rango. Ang James na ito ay karapatdapat na protektahan. Kaagad niyang nilabas ang kanyang phone at tinawagan si Hades, ang patriarch ng mga Johnstons. Kumonekta ang tawag, at isang hindi palakaibigan na boses ang maririnig mula sa kabilang linya, “O, tingnan mo nga naman? Hindi ba’t si Mr. Caden ito? Bakit ka napatawag?”“Hades, gusto ko lang ipaalam sayo na simula ngayon, parte na ng pamilya namin si James. Ang kanyang kilos ay alinsunod sa mga Caden.”Pagsabi niya nito, binaba na ni Tobia
Kagaya ng sitwasyon niya kay Blake, hindi niya mabasa ang laman ng isipan ni Tobias. Dumedepende siya sa kanyang kutob pagdating sa pakikipagkaibigan, at pakiramdam niya ay hindi maaasahan si Tobias. Hindi niya mabasa si Tobias, at nahihirapan siyang malaman kung ano ang nasa isipan nito. Higit pa dun, nandoon din ang isyu sa pagkakagulo sa loob ng mga Caden mula tatlumpung taon na ang nakalipas at ang pagpatay sa pamilya ni James sampung taon na ang nakalipas. Si Tobias ang salarin, at kaya naman, hindi na mawawala ang paghihiganti sa likod ng isipan ni James. Gayunpaman, hindi pa din sigurado si James kung dapat ba niyang patayin si Tobias para ipaghiganti ang kanyang pamilya kapag sapat na ang lakas niya. “Anong iniisip mo, James?”“Wala lang. Tara na.”Umiling si James, ayaw magpaliwanag. Lumingon siya at naglakad palayo. Bago pa man makalabas sa tarangkahan ng mga Caden, hinarangan si James ni Bobby, na nakatayo kasama ng isang lalaki na kasing edad niya. Ang lalaki
Matagal nang nililigawan ni Skyler si Maxine. Iyon ang dahilan kaya lagi siyang nagpapakita sa mansyon ng mga Caden halos araw-araw. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng apat na pamilya ay nasa alanganin, ang relasyon sa pagitan ng mga batang henerasyon ay hindi naman masyadong apektado. Kahit na ang isyu ng mga Johnston sa pakikipagsabwatan nila sa mga Sullivans at sa mga Lee para ikulong sa sulok ang mga Caden, pumupunta pa din si Skyler sa mansyon ng mga Caden. Pinanlisikan ni Skyler si James. Pinoprotektahan ni Maxine si James, na lalo lang gumalit sa kanya. “Bata, kung lalaki ka, halika dito, at lumaban ka ng patas.”“Huwag mo siyang pansinin, James,” bulong sa kanya ni Maxine. Ayaw ni James na makalaban si Skyler. Alam niya na malakas si Skyler at nakapag-cultivate na ito ng True Energy. Nilampasan lang niya sila Bobby at Skyler, at umalis palabas ng tarangkahan. Mabilis na kumilos si Skyler para muling harangan si James. Inunat niya ang kanyang kamay para haran
Pinuna siya ni James, “Bitawan mo nga ako. Wala talagang maganda ang lumalabas sa bibig mo.”‘Haha!” Tumawa lang si Henry. Nilingon niya ang magandang Maxine sa tabi ni James at tinanong, “Siya nga pala, sino siya?”Sinabi ni James, “Siya si Maxine. Mula siya sa mga Caden.”“Nagbago ka na simula nung naghiwalay kayo ni Thea, James. Ang daming magandang babae sa tabo mo ngayon.”Nang marinig ito, namula si Maxine at mabilis na pinaliwanag, “Isa itong kalokohan! Magkamag-anak kami!”“O, magkamag-anak kayo?”Kaagad napagtanto ni Henry ang kanyang pagkakamali at mabilis na binago ang takbo ng usapan. “Ano nga pala ang susunod mong gagawin, James?’ Tugon ni James, “Balak kong bumalik ng Cansington. Mabuti pang bumalik ka na ng Southern Plains at ayusin ang sitwasyon doon. May traydor sa hanay ng mga heneral. Tingnan mo ito, pero huwag kang magpadalos-dalos. Pagkatapos mo itong imbestigahan, ipaalam mo sa akin ang resulta. Babalik ako para asikasuhin ang traydor pagkatapos kong ayu
Sumakay sa eroplano si James at umalis sa Capital.Di nagtagal, nakarating siya sa military region ng Cansington. Dumating ang Blithe King upang salubungin siya. Noong bumaba ng kotse si James, naglakad ang Blithe King palapit sa kanya at niyakap siya. Tumawa siya at sinabing, "James, sa pagkakataong ito, tinulungan mo ang salot ng bansang ito.”Kahit na nakadestino ang Blithe King sa Cansington at hindi niya kailangang alalahanin ang nangyayaring gulo sa Capital, madadamay pa rin siya sa gulo nila dahil sa posisyon niya. Kaya naman, alam niya kung ano ang nangyari at alam niya na ginamit ni James ang Blade of Justice upang patayin ang Emperor. Alam din niya na nasa panganib si James.Buti na lang, nakabalik ng buhay si James."Masaya ako na nakabalik ka na." Inunat ng Blithe King ang kamay niya at hinampas niya ang dibdib ni James ng nakangiti. "Matagal na tayong magkakilala pero hindi pa tayo nakapag-inuman. Noong bago ka huling pumunta sa Southern Plains, sinabi ko na
“Uhm…”Natulala si Thea. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, ngumiti siya at sinabing, "Narinig ko na may isang magandang babae na mula sa mga Caden na nagngangalang Maxine. Ngayong nakita ko siya, totoo pala talaga ang mga kwento tungkol sa kanya.""Narinig mo ang tungkol sa'kin?" Puno ng pagdududa ang ekspresyon ni Maxine. Maliban sa ilang mga pamilya na nagsasanay ng martial arts, kaunti lang ang mga tao sa Capital na nakakaalam ng tungkol sa kanya. Kanino narinig ni Thea ang tungkol sa kanya? Samantala, hindi na nag-usisa pa si James. Tumingin siya kay Thea at nagtanong, "Bakit ka nandito?" Nakangiting nagsalita si Thea, "Empleyado mo si Tiara at isa siyang tagapagsilbi ng mga Callahan. Nasaktan siya dahil sa'yo, kaya hindi na nakapagtataka na puntahan at kamutahin ko siya, hindi ba?" Tumingin si James kay Quincy. Nagkibit-balikat si Quincy at sinabing, "Huwag ako ang tingnan mo. Wala akong sinabing kahit ano."Pagk
Totoong alam na ni Thea ang lahat. Siya na ngayon ang binibini ng God-King Palace. Maliban sa taong mas mataas sa kanya, si Thomas, siya ang pinaka prominenteng awtoridad sa God-King Palace. Maging ang Four Great Protectors ay nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Subalit, paulit-ulit siyang binalaan ni Thomas na huwag ipapaalam ang impormasyong ito sa iba, lalong-lalo na kay James. Alam ni Thea kung nasaan si James nitong mga nakalipas na ilang araw at gusto niya siyang tulungan. Habang may nagmamakaawang ekspresyon sa kanyang magandang mukha, sinabi niya na, "Mahal, hayaan mong tulungan kita. Hindi ako walang kwenta at marami rin akong kakayahan.""Anong alam mo?" Tumingin si James kay Thea ng nakasimangot. "Kasi…" Nag-alinlangan si Thea. Gusto niyang sabihin kay James ang totoo ngunit hindi niya magawa. "Niyuko ni Thea ang kanyang ulo at bumulong siya, "M-May nagsabi ng impormasyon sa'kin.""Sino?" Nagtanong si James. "H-Hindi ko alam." Umiling si Thea. "Hindi ko
"Oo." Tumango si Daniel at sinabing, "Magpapadala ako agad ng email sa'yo. Tingnan mo kung natanggap mo na."Nilabas niya ang kanyang phone, binuksan ang mailbox, at pinadala niya ang impormasyon kay James. "Huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa nangyari. Tungkulin nila ‘yun bilang mga sundalo. Kahit na sinakripisyo nila ang mga sarili nila, nailigtas nila ang buhay mo. Ngayong napatay mo na ang Emperor, sigurado ako na matatahimik na sila.”Umiling si James at sinabing, “Iba ito. Namatay sila dahil sa personal kong problema. Utang ko ito sa kanila.”Hindi na nagsalita pa si Daniel. Alam niya na wala ring mangyayari kahit na ano pang sabihin niya.Nilabas ni James ang kanyang phone at nakita niya ang email.Binuksan niya ito at binasa niya ang profile information ng mga sundalo. Pagkatapos, tinawagan niya si Quincy. "Anong problema, James? May nangyari ba?" Nagmula ang boses ni Quincy sa phone. Nagtanong si James, "May personal savings ka ba? Pahiram ako ng pera.""Mag
Si James ay hindi napansin na ang kanyang mga salita ay nagkumbinsi kay Mirabelle at sa Omnipotent Lord.Para siguruhin ang mga salita ni James, personal na nagtungo si Mirabelle sa Dark World para imbestigahan ang mga bagay na ito.Sa kabilang banda, inutusan ng Omnipotent Lord ang kanyang pinagkakatiwalaan na maglakbay sa ibang mga universe upang magtanong tungkol kay Yukia.Samantala, pumunta na si James sa Demon Realm para makipagkita kay Henrik.“Haha!”Matapos malaman na na-bluff ni James ang isang powerhouse ng First Universe, tumawa si Henrik at sinabing, “Nalaman ko lang na mas mahusay kang magsinungaling kaysa sa aking amo. Ang galing mo talaga. Ang First Universe ay tiyak na mag iingat sayo ngayon."Sinabi ni James, "Gumawa ako ng ganoong plano dahil nag aalala ako na ang negosasyon sa panahon ng conference ay hindi magiging maayos at ang First Universe ay susubukan na gumamit ng pwersa laban sa iba pang mga universe."Tumango si Henrik at sinabing, “Ito ay isang maga
Gayunpaman, hindi sigurado ang Omnipotent Lord kung ilang powerhouse ang nakatago sa kailaliman ng Dark World.Nagtanong ang Omnipotent Lord, “Paano mo nalaman ang mga bagay na ito?”Sagot ni Mirabelle, “Ng makilala ko si Forty nine sa Twelfth Universe, sinabi niya sa akin ang tungkol sa mga kaganapang ito. Ang powerhouse na ikinasugat ng tatlong daang Ninth Stage Lords ay tinatawag na Yukia. Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang kanyang cultivation rank. Gayunpaman, siya ay dapat na isang existence na nalampasan na ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God."“Haha!” Tumawa ang Omnipotent Lord."Ikaw ay isang Eighth-Power Macrocosm Ancestral God, Mirabelle. Naniwala ka lang ba talaga sa sinabi niya? Imposibleng lumampas sa isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Matagal na akong naging Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Sa totoo lang, isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ang limitasyon. Imposibleng lampasan iyon. Maliban kung pagsasamahin natin ang ating mga universe, hi
Natanggap ni James ang imbitasyon ni Mirabelle mula sa First Universe. Mayroon pa siyang sampung libong taon bago ang conference. Maraming oras iyon.Bumalik si James sa kanyang seclusion sanctuary sa Divine Dimension ng Human Realm.Sa una, binalak niyang makipagkita sa kanyang pamilya at mga kaibigan bago umalis patungo sa First Universe. Gayunpaman, nagpasya siyang hindi na makita ang mga ito pagkatapos ng ilang deliberasyon. Para sa kanila, isa na siyang patay na tao.Mas mabuting hindi na sila muling magsama dahil kailangan na naman niya silang iwan. Mas lalo lang siyang mami miss nito.Kaya, si James ay tumungo upang makipagkita kay Henrik sa halip.Bukod kay Radomir, si Henrik ang pangalawang pinakamalakas na tao sa Twelfth Universe. Nais ni James na hilingin sa kanya na tingnan ang Twelfth Universe at panatilihin ang kapayapaan habang siya ay wala.Samantala, pabalik na rin si Mirabelle sa First Universe.Bagama't ang Chaos ay walang hangganan, ang isang powerhouse na tu
Naniwala si Mirabelle sa kasinungalingan ni James. Pagkatapos ng lahat, siya nga ay nagpakita ng nakakatakot na lakas.Imposible para sa isang ordinaryong tao na madaling pumatay ng Three-Power Macrocosm Ancestral God na may hawak ng Chaotic Treasure.Bukod dito, nakapasok na si James sa Ikaapat na Yugto ng Omniscience Path, na nalampasan ang kanyang kaalaman sa Omniscience Path."Hindi ko inaasahan na nilinang mo ang Omniscience Path. Maraming tao ang sumubok na ma cultivate ang Omnscience Path, ngunit walang sinuman ang nakalampas sa Third Stage. Paano mo nagawa?"Tinitigan ni Mirabelle si James ng may pagtataka, umaasang maliwanagan siya.“Kung wala kang ibang gagawin dito, umalis ka na. Tiyaking dadalo ako sa conference sa Ancestral Holy Site ng First Universe sa loob ng sampung libong taon."Tinaboy siya ni James palayo sa Twelfth Universe."Kung gayon, magkikita tayo sa First Universe."Hindi na nagsalita pa si Mirabelle.Nasa kanya na ang mga sagot sa kanyang mga tanong
Matapos marinig na binanggit ni James ang Dark Strife, bahagyang nalito si Mirabelle.Gayunpaman, bigla niyang naintindihan na sinusubukan ni James na iparamdam na may kinalaman siya rito.Kaswal na tanong ni James, "Narinig mo na ba si Yukia?"May dalawang layunin siya. Isa, gusto niyang matuto pa tungkol kay Yukia. Alam niyang siguradong hindi taga Twelfth Universe si Yukia. Kaya, siya ay dapat na mula sa ibang universe.Mula sa timeline, malamang na mula siya sa isang universe bago ang ninth.Si Mirabelle ay mula sa First Universe. Kung si Yukia ay napunta sa ibang mga universe, dapat malaman ni Mirabelle ang tungkol sa kanya.Pangalawa, sinusubukan niyang lituhin ang First Universe.“Yukia?”Sandaling hinanap ni Mirabelle ang kanyang mga alaala. Pagkatapos, umiling siya at sinabing, "Wala pa akong narinig tungkol sa kanya dati."Ipinaliwanag ni James, "Sa panahon ng Dark Strife, si Yukia ay nagdulot ng matinding pinsala sa tatlong daang Ninth Stage Lords."Tinitigan ni Mi
Inalis ni James ang imbitasyon at sinabing, “Sige. Tiyak na pupunta ako sa First Universe upang dumalo sa kumperensya sa loob ng sampung libong taon."Naglakad si Mirabelle papunta kay James na may matingkad na ngiti. Gayunpaman, dahan dahang umatras si James sa kanya.Napakalakas ng babaeng nasa harapan niya. Bagama't siya ay maganda at hindi nakakapinsala, tulad ng isang diyosa, ang aura na nagmumula sa kanya ay nag ingat sa kanya.“Hindi mo kailangang kabahan nang husto. Hindi ko pa nabisita ang Twelfth Universe. Ngayong narito na ako, paano kung ipakita mo sa akin sa paligid ng Twelfth Universe?"Si Mirabelle ay hindi nagpakita ng intensyon na umalis anumang oras sa lalong madaling panahon.Nais niyang manatili upang matuto nang higit pa tungkol sa Apatnapu't siyam at kung paano niya naabot ang ganoong mataas na ranggo ng paglilinang habang nananatili sa ilalim ng radar ng First Universe.Puno ng misteryo si James.Gayunpaman, tinanggihan siya ni James, na nagsasabing, "Mayr
Si Mirabelle ay isang pangunahing nilalang ng First Universe.Siya ay isinilang sa parehong panahon ng Omnipotent Lord at ang kanyang lakas ay nakakatakot. Sa First Universe, tanging ang Omnipotent Lord ang bahagyang mas malakas kaysa sa kanya.Gayunpaman, isang Macrocosm Ancestral God lang ang naramdaman niya sa Twelfth Universe. Ang taong nararamdaman niya ay ang Lord ng Twelfth Universe, si Radomir. Si Forty nine, sa kabilang banda, ay hindi matagpuan.Siya ay labis na naguguluhan.Ang tanging pagpipilian niya ay ilabas ang kanyang lakas para mapansin siya ng Forty nine. Naniniwala siyang Forty nine ang tiyak na magpapakita hangga't ikakalat niya ang kanyang lakas.Naalerto si Radomir sa sandaling ilabas niya ang kanyang aura sa buong universe.Gayunpaman, hindi siya nagpakita.Bagama't siya ang Lord ng Twelfth Universe, mayroong isang mas makapangyarihang tao kaysa sa kanya sa Twelfth Universe.Habang si James ay nakatutok sa pag cucultivate upang makahanap ng bagong path,
Tumingin si Mirabelle sa Omnipotent Lord at nagtanong, “Oh? Anong problema?”Umupo ang Omnipotent Lord at sinabi, “Nakatanggap lang ako ng balita na si Santino mula sa Sixth Universe ay nagtungo sa Twelfth Universe ngunit pinatay sa Chaos sa labas ng Twelfth Universe. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, ang taong pumatay kay Santino ay tinatawag na Forty nine at malamang na mula sa Twelfth Universe.”Sabi ni Mirabelle, "Pinatay siya?"Mahirap para sa kanya na paniwalaan na si Santino, isang Three-Power Macrocosm Ancestral God, ay pinatay ng isang tao mula sa Twelfth Universe.Ang Omnipotent Lord ay taimtim na sumagot, “Oo. Ang Twelfth Universe ay palaging ang pinakamahina, kaya hindi namin sila binigyang pansin. Hindi ko inaasahan ang isang powerhouse na ipanganak sa Twelfth Universe. Ayon sa mga nakasaksi sa labanan, Apatnapu't siyam ang pumatay kay Santino nang hindi gumagamit ng Chaotic Treasure. Kaya, maaaring ipagpalagay na ang kanyang lakas ay katumbas man lang ng isang Fi
Pinatay ni James ang isang Three-Power Macrocosm Ancestral God mula sa Sixth Universe.Pagkatapos ng labanan kay Santino, nakakuha si James ng pangkalahatang pag-unawa sa kanyang sariling lakas.Kuntento na siya sa lakas niya ngayon. Sa Twelfth Universe, kakaunti lamang ang maaaring talunin siya.Tungkol naman sa pagsasanib ng labindalawang universe, naramdaman ni James na hindi talaga ito masamang bagay kung wala itong masamang epekto sa mga nabubuhay na nilalang ng Twelfth Universe.Bumalik si James sa Twelfth Universe, nagtungo sa isang hindi pinangalanang espirituwal na bundok sa Divine Dimension ng Human Realm at nagsimulang mag cultivate.Sa pagkakataong ito, pangunahing nakatuon siya sa kanyang magiging landas.Samantala, ang ilang mga kaguluhan ay sumabog sa iba't ibang mga universe.Ang First Universe ay nagpadala ng maraming mga sugo upang hikayatin ang Macrocosm Ancestral Gods ng ibang mga universe sa iba't ibang benepisyo ng pagsasama sama ng kanilang mga universe.