"Gano'n katagal akong tulog?"Nagulat si James nang malaman niyang walang malay sa loob ng tatlong buong araw."Kamusta? Okay lang ba ang lahat?"Nang marinig ang tanong niya, tumahimik si Quincy. Ang kanyang mga labi ay iginuhit sa isang mahigpit na linya.“Sagutin mo ako.”Medyo matagal bago nakagawa ng reply si Quincy. “Okay lang si Thea, pero dahil nagtamo siya ng dalawang tama ng bala at nawalan ng maraming dugo, nasa ICU pa rin siya. Malubhang nasugatan din si General Highsmith, ngunit ginagamot siya habang nagsasalita ako. Para sa iba pa, sila…hindi nakarating...”Nabulunan siya sa kanyang mga salita nang lumabas ang mga iyon sa kanyang bibig.Nawala ang isip ni James nang makarating sa kanya ang balita.Nakasandal siya sa higaan ng ospital, tumingin siya sa puting pader sa harapan niya, at ang mga mukha ng mga sundalo ay sumilay sa kanyang isipan.Ang kanyang mga mata ay biglang naging basa, at ang mga luha ay nagsimulang tumulo sa kanyang mukha nang hindi mapigilan.
Matapos na bigyan ni James ng respeto ang mga sundalo na natalo sa laban, bumalik siya sa military hospital.Apektado si James ng konsensya sa dosena ng mga buhay na nasakripisyo para sa kanya.Siya ay determinado na magpatuloy na mabuhay ng sagad para sa mga taong namatay.Matapos ng lahat ng nangyari, ito din ay nagpalakas sa kanyang paninindigan na ilaan ang kanyang katawan para sa bayan.Sa loob ng military hospital…Kinuha ni James ang baul na nakita niya sa underground cavern mula sa cabinet.Ang panlabas na surface ay itim at may misteryosong mga pattern na nakaukit dito.Ang baul ay selyado pero kulang ito ng keyhole. Tanging sa ilalim ng maingat na inspection lang mapapansin na ang may maliit na mga pinhole na nandoon.Nadiskubre ito ni James sa cavern pero wala siyang pagkakataon na maingat na tignan ito dahil sa itsura ng mga mercenary.Habang nakatitig siya sa itim na baul, tanong ng Blithe King, “Ano ang bagay na ito na pinaghirapan mo na hanapin?”Umiling si Ja
”Sandali, ano?”Pareho sila ay tumingin kay James nakabuka ang mga bibig.Nagpatuloy na ipaliwanag ni James ang kanyang naunang punto, “Ang mga kakayahang medikal na natutunan ko sampung taon ang nakalipas ay ang unang volume at ang librong ito ang pangalawang volume ng parehong series. Ito ay may record kung paano gamitin ang Crucifier sa buong kapasidad nito.”Ang pangalawang volume ng Medical Book ay higit sa kahit anong maisip ni James.Hindi lang ito merong mga sulat sa cultivation method at kung paano gamitin ang True Energy, pati na din pinaliwanag ang higit na paggamit ng Crucifier.Ang unang volume ng medical book ay katulad ng libro sa mga letra ng alphabet, habang ang pangalawang volume ay tinuro kung paano pagsamahin ang mga letra para bumuo ng mga salita.Ng napagtanto niya ang mga implikasyon ng salita ni James, ang kanyang mata ay kuminang. “Kung gayon, hindi ka mamamatay?”“Mhm.”Siguradong tumugo si James at sinabi, “Kaya kong aralin kung paano magcultivate ng
Ginagamit ang meditation para kumalma ang isang tao.Sa tingin ni James ay isa itong bagay na hindi niya na kailangan ipaliwanag kay Quincy.Naghain si Quincy sa kanya ng isang plato ng kanin.Masayang tinanggap ni James ang pagkain. Kinuha niya ang kutsara at tinidor at kinain niya agad ang pagkain.Dahil matagal na siyang walang sigla, nagkaroon na siya ng konting lakas at medyo may gana na siya.Kahit na ang kondisyon niya ngayon ay malayo sa pagiging isang malusog na normal na tao, kampante siya na kaya niyang icultivate ang True Energy kapag nagpatuloy siya dito.Bukod pa dito, ang nababasa niya pa lang ay ang pangalawang volume ng unang chapter.Hindi niya pa nababasa ang main content ng nakasulat sa loob.Kampante si James na makakahanap siya ng Internal Martial Arts cultivation method sa mga susunod na chapter.Nang makita ni Quincy na ang kondisyon ni James ay nagiging mabuti na, nakahinga na siya ng maluwag.Pagkatapos kumain, ibinaba ni James ang kutsara at tinidor
Tumayo si Quincy sa labas ng corridor at nakahanap siya ng upuan.May komplikadong ekspresyon sa kanyang mukha habang napuno ng iba’t ibang bagay ang kanyang isip.Samantala, sa loob ng ward…Balisa na tumingin si Thea kay James habang nakahiga siya sa kama at nagmamakaawa. “Honey, magpakasal ulit tayo.”Tinaas ni James ang kamay niya para sumingit kay Thea.Hindi siya pwedeng makipagbalikan kay Thea.Marami siyang bagay na kailangan niyang gawin at ayaw niya na ulit na madamay si Thea.Makapangyarihan ang Emperor, at siguradong may mas taong mas makapangyarihan pa dito na kumikilos ng palihim.Kapag pinakasalan niya ulit si Thea, mapupunta ulit ito sa panganib.Alam niya pa rin ito sa kanyang isip, ngunit hindi pa rin desidido ang puso niya.May utang na loob siya kay Thea sa pagligtas nito ng buhay niya. Kung wala si Thea, hindi siya magiging ganitong klaseng lalaki ngayon. Minsan siyang nangako na protektahan si Thea at ibibigay niya ang sarili niya kay Thea ng buong buhay
Pagkatapos makuha ang second volume ng medical book, wala na ang problema si James sa ngayon.Gayunpaman, marami pa siyang bagay na kailangan ayusin.Mas magiging madali ang buhay niya kapag may dumating na tulong.Si Blake ang tamang tao para sa trabahong ito.Pumunta siya sa apartment unit na binigay sa kanila ng Blithe King .Maraming mga sundalo ang nakaposte sa apartment para bantayan si Blake.Kung gusto talaga umalis ni Blake, ang mga sundalong ito ay hindi sapat para pigilan siya.Gayunpaman, hindi umalis si Blake at sumunod siya at nanatili siya sa unit ng maraming araw.Binuksan ni James ang pinto at naglakad siya papasok.“Yo, nakabalik ka na.”Sa sandali na pumasok si James sa apartment unit, binati siya ni Blake ng nakangiti. “Gumawa ka ng malaking eksena. Akala ko ay namatay ka na. Maswerte ka talaga, huh?”Ngumiti ng maliit si James habang naglakad siya papunta sa sofa. Pagkatapos, umupo siya ng komportable.Mahina pa rin ang katawan niya, at napagod siya da
Sa labas ng pinto…Tinulungan ni Quincy na tumayo si James at tumingin siya dito ng nag aalala. “James, alam mo naman na mapanganib siya, kaya bakit pinipilit mo pa rin siya na makipagtulungan sayo?”Huminto sa paglalakad si James at sinabi niya, “Siya ang founder n Dark Castle, isa sa pinaka mapanganib na assassin’s guild sa mundo. Malaki ang impluwensya niya sa underworld, at mas magiging madali para sa akin na matapos ang lahat ng ito sa tulong niya.Nagtanong ng nag aalala si Quincy, “Paano kung nagpanggap lang siya na pumayag at naglaho siya pagkatapos makuha ang antidote mula sayo?”Nag isip ng ilang sandali si James at sinabi niya, “Hindi siguro ito mangyayari.”Kahit na si Blake ay isang walang awa at malupit na lalaki na walang problema sa pagpatay, isa pa rin siyang martial artist.Pamilyar si James sa prinsipyo ng isang martial artist.Pinanghahawakan nila ang kanilang salita.Ngunit, totoo lamang ito sa mga tao na may dedikasyon sa training ng maraming taon.Ang ka
Pagkatapos kumbinsihin si Blake, ang lahat ng nangyari pagkatapos ay mas magiging madali.Dinala ni Quincy si James pabalik sa bahay niya gamit ang kotse.Nang makarating na sa bahay, hindi makapag hintay si James sa pagpapatuloy sa pagbabasa ng medical book.Malalim ang pagbabasa ni James sa mga nakasulat dito.Ginawa niya ang lahat para maintindihan ang mga sinaunang salita habang mabagal niya itong binasa.Bago siya magsimula, nagrequest siya ng notebook at pen mula kay Quincy.Tuwing nakikita niya ang isang salita na hindi niya maintindihan, isusulat niya ito sa kanyang notebook. Pagkatapos, binuksan niya ang computer at nag search siya ng mga ibig sabihin nito sa internet.Buong araw na nag aral si James sa bahay ni Quincy tungkol sa mga nilalaman ng medical book.“James, magpahinga ka muna. Heto, uminom ka ng isang baso ng tubig.”Lumapit si Quincy na may hawak na isang base ng maligamgam na tubig, kinuha niya ang medical book mula sa kamay ni James, at nilagay niya ito