Ginagamit ang meditation para kumalma ang isang tao.Sa tingin ni James ay isa itong bagay na hindi niya na kailangan ipaliwanag kay Quincy.Naghain si Quincy sa kanya ng isang plato ng kanin.Masayang tinanggap ni James ang pagkain. Kinuha niya ang kutsara at tinidor at kinain niya agad ang pagkain.Dahil matagal na siyang walang sigla, nagkaroon na siya ng konting lakas at medyo may gana na siya.Kahit na ang kondisyon niya ngayon ay malayo sa pagiging isang malusog na normal na tao, kampante siya na kaya niyang icultivate ang True Energy kapag nagpatuloy siya dito.Bukod pa dito, ang nababasa niya pa lang ay ang pangalawang volume ng unang chapter.Hindi niya pa nababasa ang main content ng nakasulat sa loob.Kampante si James na makakahanap siya ng Internal Martial Arts cultivation method sa mga susunod na chapter.Nang makita ni Quincy na ang kondisyon ni James ay nagiging mabuti na, nakahinga na siya ng maluwag.Pagkatapos kumain, ibinaba ni James ang kutsara at tinidor
Tumayo si Quincy sa labas ng corridor at nakahanap siya ng upuan.May komplikadong ekspresyon sa kanyang mukha habang napuno ng iba’t ibang bagay ang kanyang isip.Samantala, sa loob ng ward…Balisa na tumingin si Thea kay James habang nakahiga siya sa kama at nagmamakaawa. “Honey, magpakasal ulit tayo.”Tinaas ni James ang kamay niya para sumingit kay Thea.Hindi siya pwedeng makipagbalikan kay Thea.Marami siyang bagay na kailangan niyang gawin at ayaw niya na ulit na madamay si Thea.Makapangyarihan ang Emperor, at siguradong may mas taong mas makapangyarihan pa dito na kumikilos ng palihim.Kapag pinakasalan niya ulit si Thea, mapupunta ulit ito sa panganib.Alam niya pa rin ito sa kanyang isip, ngunit hindi pa rin desidido ang puso niya.May utang na loob siya kay Thea sa pagligtas nito ng buhay niya. Kung wala si Thea, hindi siya magiging ganitong klaseng lalaki ngayon. Minsan siyang nangako na protektahan si Thea at ibibigay niya ang sarili niya kay Thea ng buong buhay
Pagkatapos makuha ang second volume ng medical book, wala na ang problema si James sa ngayon.Gayunpaman, marami pa siyang bagay na kailangan ayusin.Mas magiging madali ang buhay niya kapag may dumating na tulong.Si Blake ang tamang tao para sa trabahong ito.Pumunta siya sa apartment unit na binigay sa kanila ng Blithe King .Maraming mga sundalo ang nakaposte sa apartment para bantayan si Blake.Kung gusto talaga umalis ni Blake, ang mga sundalong ito ay hindi sapat para pigilan siya.Gayunpaman, hindi umalis si Blake at sumunod siya at nanatili siya sa unit ng maraming araw.Binuksan ni James ang pinto at naglakad siya papasok.“Yo, nakabalik ka na.”Sa sandali na pumasok si James sa apartment unit, binati siya ni Blake ng nakangiti. “Gumawa ka ng malaking eksena. Akala ko ay namatay ka na. Maswerte ka talaga, huh?”Ngumiti ng maliit si James habang naglakad siya papunta sa sofa. Pagkatapos, umupo siya ng komportable.Mahina pa rin ang katawan niya, at napagod siya da
Sa labas ng pinto…Tinulungan ni Quincy na tumayo si James at tumingin siya dito ng nag aalala. “James, alam mo naman na mapanganib siya, kaya bakit pinipilit mo pa rin siya na makipagtulungan sayo?”Huminto sa paglalakad si James at sinabi niya, “Siya ang founder n Dark Castle, isa sa pinaka mapanganib na assassin’s guild sa mundo. Malaki ang impluwensya niya sa underworld, at mas magiging madali para sa akin na matapos ang lahat ng ito sa tulong niya.Nagtanong ng nag aalala si Quincy, “Paano kung nagpanggap lang siya na pumayag at naglaho siya pagkatapos makuha ang antidote mula sayo?”Nag isip ng ilang sandali si James at sinabi niya, “Hindi siguro ito mangyayari.”Kahit na si Blake ay isang walang awa at malupit na lalaki na walang problema sa pagpatay, isa pa rin siyang martial artist.Pamilyar si James sa prinsipyo ng isang martial artist.Pinanghahawakan nila ang kanilang salita.Ngunit, totoo lamang ito sa mga tao na may dedikasyon sa training ng maraming taon.Ang ka
Pagkatapos kumbinsihin si Blake, ang lahat ng nangyari pagkatapos ay mas magiging madali.Dinala ni Quincy si James pabalik sa bahay niya gamit ang kotse.Nang makarating na sa bahay, hindi makapag hintay si James sa pagpapatuloy sa pagbabasa ng medical book.Malalim ang pagbabasa ni James sa mga nakasulat dito.Ginawa niya ang lahat para maintindihan ang mga sinaunang salita habang mabagal niya itong binasa.Bago siya magsimula, nagrequest siya ng notebook at pen mula kay Quincy.Tuwing nakikita niya ang isang salita na hindi niya maintindihan, isusulat niya ito sa kanyang notebook. Pagkatapos, binuksan niya ang computer at nag search siya ng mga ibig sabihin nito sa internet.Buong araw na nag aral si James sa bahay ni Quincy tungkol sa mga nilalaman ng medical book.“James, magpahinga ka muna. Heto, uminom ka ng isang baso ng tubig.”Lumapit si Quincy na may hawak na isang base ng maligamgam na tubig, kinuha niya ang medical book mula sa kamay ni James, at nilagay niya ito
Mas lalong nahiya si James sa kalmadong sagot ni Quincy. "U-Um, pwede lumabas ka muna ng banyo? Kailangan kong magbihis.""Sige," sagot ni Quincy habang sumilip ang mga mata niya sa bathtub na para bang may tinitignan siya. Pagkatapos tumingin, tumalikod siya at umalis sa banyo. Nakahinga nang maluwag si James. Pagkatapos, umahon siya mula sa bathtub at mabilis na nagbihis. Pagkatapos magdamit, lumabas siya. Inihanda na ni Quincy ang mesa para sa kanila. Nang umupo siya sa tabi niya, inabutan niya siya ng isang pares ng kubyertos. Kinuha ito ni James at nagsimulang kumain. Sa gitna ng tanghalian, tumunog ang phone ni James. Kinuha niya ito at nakita niya ang isang hindi pamilyar na numero. Pagkatapos magdalawang-isip sandali, tinanggihan niya ang tawag. "Sino yun? Bakit di mo sinagot?" Simpleng nilapag ulit ni James ang phone niya at dinampot ulit ang mga kubyertos. "Hindi ko nakilala ang numero. Siguro mga telemarketer lang yun." Sandali lang pagkatapos tang
Nagmaneho nang napakabilis si Quincy. Hindi nagtagal, nakarating sila sa military hospital. Hindi siyang pampublikong institusyon ang military hospital, kung kaya't hindi pwedeng pumasok ang mga pangkaraniwang sibilyan. Bukas lang ito sa mga military personnel na nangangailangan ng pagpapagamot. Pwede ring gamutin rito ang pamilya ng mga miyembro ng militar. Lahat ng ginagamot sa ospital na ito ay mula sa militar o may koneksyon sa militar. Maraming tao ang nagtipon-tipon sa labas ng inpatient ward habang nakatingin at nakaturo sa babaeng nakaupo sa bintana ng pang-walong palapag. "Hindi ba yun ang bagong henyong doktor mula sa Cansington, si Thea?" "Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nagtatangkang tumalon?" "Siguro dahil kay James." “Si James?”"Oo. Hindi niya alam ang pagkatao ni James noon at hiniwalayan niya siya. Hindi nagtagal, nagkaroon ng krisis sa Southern Plains. Sinuot ulit ni James ang uniporme niya sa birthday party niya at bumalik para tumulong sa si
Hindi sila makahanap ng mga salita para siya. Noon, tinulungan sila ni James nang palihim tuwing may nakakasalubong silang problema, pero paano nila siya pinasalamatan? Sa pamamagitan ng pang-iinsulto sa kanya at pag-iisip ng masama tungkol sa kanya. Wala ring nasabi si Thea sa mga salita ni James. Naging blangko ang isipan niya nang ilang segundo. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagsigaw sa kanya, "Mahal kita! Mahal na mahal kita! Totoo yun! James… Honey, hindi ko kayang mabuhay nang wala ka! Walang kwenta ang buhay ko kung wala ka. Bumalik ka na sa'kin. Alam kong nagkamali ako! Mamahalin kita at aalagaan buong buhay ko. Papayag ang mga Callahan dito! Hindi ba, Ma? Lolo?" "Oo, oo naman!" Mabilis na tumango si Gladys. Basta't maging ligtas si Thea, walang ibang mas mahalaga. Handa siyang magsabi ng kahit na ano para sa kapakanan niya. Humakbang si Lex at natatarantang tumingin kay James. "James, bumalik ka na sa'min. Humihingi ng tawad ang mga Callahan para sa pangmamaltrato