Pagkatapos makuha ang second volume ng medical book, wala na ang problema si James sa ngayon.Gayunpaman, marami pa siyang bagay na kailangan ayusin.Mas magiging madali ang buhay niya kapag may dumating na tulong.Si Blake ang tamang tao para sa trabahong ito.Pumunta siya sa apartment unit na binigay sa kanila ng Blithe King .Maraming mga sundalo ang nakaposte sa apartment para bantayan si Blake.Kung gusto talaga umalis ni Blake, ang mga sundalong ito ay hindi sapat para pigilan siya.Gayunpaman, hindi umalis si Blake at sumunod siya at nanatili siya sa unit ng maraming araw.Binuksan ni James ang pinto at naglakad siya papasok.“Yo, nakabalik ka na.”Sa sandali na pumasok si James sa apartment unit, binati siya ni Blake ng nakangiti. “Gumawa ka ng malaking eksena. Akala ko ay namatay ka na. Maswerte ka talaga, huh?”Ngumiti ng maliit si James habang naglakad siya papunta sa sofa. Pagkatapos, umupo siya ng komportable.Mahina pa rin ang katawan niya, at napagod siya da
Sa labas ng pinto…Tinulungan ni Quincy na tumayo si James at tumingin siya dito ng nag aalala. “James, alam mo naman na mapanganib siya, kaya bakit pinipilit mo pa rin siya na makipagtulungan sayo?”Huminto sa paglalakad si James at sinabi niya, “Siya ang founder n Dark Castle, isa sa pinaka mapanganib na assassin’s guild sa mundo. Malaki ang impluwensya niya sa underworld, at mas magiging madali para sa akin na matapos ang lahat ng ito sa tulong niya.Nagtanong ng nag aalala si Quincy, “Paano kung nagpanggap lang siya na pumayag at naglaho siya pagkatapos makuha ang antidote mula sayo?”Nag isip ng ilang sandali si James at sinabi niya, “Hindi siguro ito mangyayari.”Kahit na si Blake ay isang walang awa at malupit na lalaki na walang problema sa pagpatay, isa pa rin siyang martial artist.Pamilyar si James sa prinsipyo ng isang martial artist.Pinanghahawakan nila ang kanilang salita.Ngunit, totoo lamang ito sa mga tao na may dedikasyon sa training ng maraming taon.Ang ka
Pagkatapos kumbinsihin si Blake, ang lahat ng nangyari pagkatapos ay mas magiging madali.Dinala ni Quincy si James pabalik sa bahay niya gamit ang kotse.Nang makarating na sa bahay, hindi makapag hintay si James sa pagpapatuloy sa pagbabasa ng medical book.Malalim ang pagbabasa ni James sa mga nakasulat dito.Ginawa niya ang lahat para maintindihan ang mga sinaunang salita habang mabagal niya itong binasa.Bago siya magsimula, nagrequest siya ng notebook at pen mula kay Quincy.Tuwing nakikita niya ang isang salita na hindi niya maintindihan, isusulat niya ito sa kanyang notebook. Pagkatapos, binuksan niya ang computer at nag search siya ng mga ibig sabihin nito sa internet.Buong araw na nag aral si James sa bahay ni Quincy tungkol sa mga nilalaman ng medical book.“James, magpahinga ka muna. Heto, uminom ka ng isang baso ng tubig.”Lumapit si Quincy na may hawak na isang base ng maligamgam na tubig, kinuha niya ang medical book mula sa kamay ni James, at nilagay niya ito
Mas lalong nahiya si James sa kalmadong sagot ni Quincy. "U-Um, pwede lumabas ka muna ng banyo? Kailangan kong magbihis.""Sige," sagot ni Quincy habang sumilip ang mga mata niya sa bathtub na para bang may tinitignan siya. Pagkatapos tumingin, tumalikod siya at umalis sa banyo. Nakahinga nang maluwag si James. Pagkatapos, umahon siya mula sa bathtub at mabilis na nagbihis. Pagkatapos magdamit, lumabas siya. Inihanda na ni Quincy ang mesa para sa kanila. Nang umupo siya sa tabi niya, inabutan niya siya ng isang pares ng kubyertos. Kinuha ito ni James at nagsimulang kumain. Sa gitna ng tanghalian, tumunog ang phone ni James. Kinuha niya ito at nakita niya ang isang hindi pamilyar na numero. Pagkatapos magdalawang-isip sandali, tinanggihan niya ang tawag. "Sino yun? Bakit di mo sinagot?" Simpleng nilapag ulit ni James ang phone niya at dinampot ulit ang mga kubyertos. "Hindi ko nakilala ang numero. Siguro mga telemarketer lang yun." Sandali lang pagkatapos tang
Nagmaneho nang napakabilis si Quincy. Hindi nagtagal, nakarating sila sa military hospital. Hindi siyang pampublikong institusyon ang military hospital, kung kaya't hindi pwedeng pumasok ang mga pangkaraniwang sibilyan. Bukas lang ito sa mga military personnel na nangangailangan ng pagpapagamot. Pwede ring gamutin rito ang pamilya ng mga miyembro ng militar. Lahat ng ginagamot sa ospital na ito ay mula sa militar o may koneksyon sa militar. Maraming tao ang nagtipon-tipon sa labas ng inpatient ward habang nakatingin at nakaturo sa babaeng nakaupo sa bintana ng pang-walong palapag. "Hindi ba yun ang bagong henyong doktor mula sa Cansington, si Thea?" "Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nagtatangkang tumalon?" "Siguro dahil kay James." “Si James?”"Oo. Hindi niya alam ang pagkatao ni James noon at hiniwalayan niya siya. Hindi nagtagal, nagkaroon ng krisis sa Southern Plains. Sinuot ulit ni James ang uniporme niya sa birthday party niya at bumalik para tumulong sa si
Hindi sila makahanap ng mga salita para siya. Noon, tinulungan sila ni James nang palihim tuwing may nakakasalubong silang problema, pero paano nila siya pinasalamatan? Sa pamamagitan ng pang-iinsulto sa kanya at pag-iisip ng masama tungkol sa kanya. Wala ring nasabi si Thea sa mga salita ni James. Naging blangko ang isipan niya nang ilang segundo. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagsigaw sa kanya, "Mahal kita! Mahal na mahal kita! Totoo yun! James… Honey, hindi ko kayang mabuhay nang wala ka! Walang kwenta ang buhay ko kung wala ka. Bumalik ka na sa'kin. Alam kong nagkamali ako! Mamahalin kita at aalagaan buong buhay ko. Papayag ang mga Callahan dito! Hindi ba, Ma? Lolo?" "Oo, oo naman!" Mabilis na tumango si Gladys. Basta't maging ligtas si Thea, walang ibang mas mahalaga. Handa siyang magsabi ng kahit na ano para sa kapakanan niya. Humakbang si Lex at natatarantang tumingin kay James. "James, bumalik ka na sa'min. Humihingi ng tawad ang mga Callahan para sa pangmamaltrato
Dinala si Thea pabalik sa operating theatre para tahiin ulit ang mga sugat niya. Naghintay si James sa pasilyo sa labas ng theatre sa isang upuan. Nakapataong sa tuhod niya ang mga braso niya at tinatakpan ng kamay niya ang mukha niya. Nakaramdam siya ng pagsisisi kay Quincy. Naglakad siya sa isang tabi, kinuha ang phone niya, at nag-text sa kanya. [Nakaalis ka na ba?] Nakaalis na si Quincy sa ospital at nakatulalang nakaupo sa kotse niya. Bigla na lang, narinig niya ang tunog ng isang text notification mula sa phone niya. Dinampot niya ito at nakita niya ang text ni James. Napuno ng kalungkutan ang maganda niyang mukha. Alam ni Quincy na may nararamdaman pa rin si James para kay Thea at hindi niya siya nakalimutan sa kabila ng paghihiwalay nila. Kahit na ganun, gusto niyang subukan. Mas mabuti ito kaysa magsisi na wala siyang ginawang kahit na ano. Sa huli, naglakad pa rin siya palayo nang may nadudurog na puso. 'Kasalanan ko ang lahat,' panlulumo ni Quincy. P
Tumayo siya, kinuha ang libro, at mahinang bumulong, "Salamat." Ngumiti si Quincy. "Alam ko na mamimiss mo ang librong to kaya dinala ko to para sa'yo." "Salamat…" Bahagyang tumango si James at mapagpaumanhing tumingin sa kanya. "Pasensya ka na…" Ngumiti ang magagandang labi ni Quincy habang kinawayan niya lang ang paghingi niya ng tawad at kalmadong nagsabing, "Ayos lang. Totoo yun. Sinabi ko na sa'yo na rerespetuhin ko kung anomang desisyon ang gagawin mo." Bumuntong-hininga siya. "Mahirap ang pinagdaanan ni Thea. Tinalikuran siya ng mundo pagkatapos masunog ng mukha niya. Kahit ang sarili niyang pamilya ay kinamuhian siya. Sa wakas, nagmukha nang maganda ang buhay niya, ngunit nalason naman siya. Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag gumana na ang lason?"Naiintindihan ni Quincy ang sitwasyon nina Thea at James. May kasalanan rin siya dito sa pagiging makasarili niya. Hindi sana maiipit si James kung hindi siya nakisali noon. "Sa totoo lang, ayaw ko nang ipagpatulo