Nakonsensya si Thea. Mabait si James at nirerespeto ang bawat isa sa mga desisyon niya. Pero nahulog siya sa ibang lalaki. Maituturing itong pagtataksil. Niyuko niya ang namumula niyang mukha at naglakad nang hindi nagtatangkang tumingin kay James. Mabilis na hinabol ni James si Thea at hinawakan ang kamay niya. Siguro dahil sa mabigat na konsensya niya, hinayaan ni Thea na hawakan ni James ang kamay niya at hindi siya kumawala. Sa sandaling lumabas sila ng sinehan, isang batang babae ang lumapit sa kanila nang may dalang mga rosas. Nagmamakaawa siyang tumingin kay James at nagsabing, "Sir, gusto mo bang bumili ng bulaklak para sa magandang babaeng to? Ang isang magandang babae ay kailangang may sariwang bulaklak!" "Magkano yan?" Nakangiting tanong ni James. "Ten dollars ang isa.""Sige, bibilhin ko lahat." Hinawakan ni James ang bulsa niya pero napansin niya na wala itong laman dahil hindi siya sanay na magdala ng wallet. Naiilang siyang ngumiti at nagtanong, "T
"Siya ang bayani ng Sol, at ikaw naman ang pinakamagandang babae sa Cansington. Nakatadhana kayong dalawa sa isa't isa. Bagay na bagay kayong dalawa. Medyo nailang si Thea sa mga salita nila at nagmadaling pinaliwanag ang sarili niya, "Nagkakamali kayo. Kaibigan ko lang ang Black Dragon. Hindi ko balak hiwalayan ang asawa ko. Dating kasamahan ng Black Dragon ang asawa ko at malapit silang magkaibigan." Natuwa si James na naririnig ito habang nakatayo sa tabi niya. Wala na ang kagustuhan ni Thea na hiwalayan siya. Basta't magpatuloy siyang magsikap, makukuha niya rin ang loob ni Thea sa lalong madaling panahon. Pagkatapos magpaliwanag ni Thea, mabilis niyang hinila si James paalis. Ngayon na sikat na siya, napapalibutan siya ng tao kahit saan siya magpunta, at ang mga taong ito ay palagi siyang tinatanong tungkol sa relasyon niya sa Black Dragon. Umalis sila sa jewelry shop. Malungkot na tumingin si Thea sa kanya. "Pasensya ka na James. Wala talaga akong kinalaman sa Bla
Nagdalawang-isip sandali si Thea at nagsabing, "Niligtas mo ang anak niya, at may katwiran ka na manghingi ng kapalit. Hindi ko gustong gamitin ang divorce para pagbantaan ka. Dapat magsama ang dalawang tao kung nababagay sila sa isa't-isa at maghiwalay kung hindi. Sa tingin ko hindi tayo nababagay sa isa't-isa." "Sige." Huminga nang malalim si James. Kahit na sinabi ni Thea na hindi niya gustong gamitin ang divorce bilang banta, malinaw ang ibig sabihin ng mga salita niya. Nadismaya si James sa mga Callahan, at lalo na kay Thea. Matagal nang ganito ang ugali ng mga Callahan at wala sa mga naranasan nila ang kayang magpabago sa kanila. Si Thea naman, noong una ay maganda ang pag-uugali niya sa kabila ng kabulukan na nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, unti-unti siyang naging kasing yabang ng mga Callahan. Tumayo siya, tumingin kay Thea, at nagdeklara, "Thea, ito na ang huling beses na tutulungan kita. Magkano ba ang gusto mo? Pagkatapos nito, mababayaran ko na nang buo ang
"Thea, ipadala mo sa'kin ang sampung bilyon. Hahawakan ko to para sa'yo at pagpaplanuhan ko kung paano gagamitin ang pera. Bumili muna tayo ng malaking villa. Pagkatapos, gusto kong mag-travel sa buong mundo." Nagsimula nang magplano si Gladys kung paano gagamitin ang pera. "Hindi pwede." Madiin na pagtanggi ni Thea. "Sa'kin ang pera na'to. Bakit kita hahayaang hawakan to?" Alam ni Thea na kapag binigay niya ang sampung bilyon kay Gladys, hindi na niya ito makikita ulit. Sa Military hospital."Ano?"Nanlaki ang mga mata ni Henry sa gulat. "Seryoso ka ba, James? Binigyan mo si Thea ng sampung bilyon at wala ka nang kinalaman sa kanya mula ngayon?" Nanlulumong sumagot si James, "Hindi kami nababagay ni Thea. Wala ako sa puso niya. Nabayaran ko na ang utang na loob ko sa kanya gamit ng sampung bilyong dolyar." "Ang lalaking mahal niya ay ang Black Dragon. Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang pagkatao mo? May pagkakataon pa para manatili kayong magkasama." Humi
Alam ng Emperor na hindi niya kayang patayin si James sa Sol. Wala siyang kakayahang patayin si James. Dumaan sa isipan niya noon ang gamitin si Thea para burahin si James. Pagkatapos ng napakaraming pangyayari, naintindihan ng Emperor na pinapahalagahan nang sobra ni hames si Thea, higit pa sa sarili niyang buhay. Tiyak na magwawala siya kapag may nangyari kay Thea. Nakakatakot ang magiging kahihinatnan ng galit ng Black Dragon. Isa itong mabigat na kahihinatnan para sa Emperor. May isang paraan lang para mapatay si James—ang pabalikin siya sa borders at patayin siya sa giyera. Gayunpaman, payapa ang borders, at ang maliliit na bansa malapit sa border ay kailangang magsimula ng giyera para mapilitan si James na bumalik sa labanan. Mahinang tinapik ng Emperador ang mga daliri niya sa mesa. Tap, tap, tap.Isang tunog na may ritmo ang narinig sa kwarto. Pagkatapos ng isang sandali, nagsalita ang Emperor, "Wag muna kayong magparamdam at wag din kayong magpadalos-dalos
Maraming ininom na alak si James. Gayunpaman, habang mas dumarami ang iniinom niya, mas nagigising siya. Bigla na lang, tumunog ang phone niya. Dinampot niya ang phone mula sa mesa at nakita niyang tumatawag si Thea. Sinagot niya ang tawag. "Nasaan ka, James?" Narinig ang boses ni Thea mula sa kabilang linya. Malamig at walang emosyon ang boses niya. Naiisip pa no James ang walang pakialam na ekspresyon ni Thea habang kausap siya. "Anong problema? May nangyari ba?" Simpleng sabi ni James. "May mga bagay na kailangan akong linawin sa'yo. Hindi madali na pag-usapan to sa tawag kaya dapat magkita tayo." "Sige." Hindi ito inisip ni James at kaagad na pumayag. Pakiramdam niya rin na dahil gusto niyang makipaghiwalay, mas mabuting gawin na kaagad ang kakailanganing proseso. "Nasaan ka? Pupuntahan kita." Hindi sigurado si James kung nasaang bar siya dahil hindi niya tinignan ang pangalan nito nang pumasok siya. Binaba niya ang phone at pinadala ang lokasyon kay The
Bago bumalik sa Cansingon, sinabihan ni James ang sarili niya na hindi siya tututol sa kagustuhan ni Thea. Papayag siya sa kahit na anong gusto ni Thea. Ngayon na gusto niya ng divorce, hindi siya tatanggi. Alam ni James na ginawa niya ang lahat ng makakaya niya at nabayaran na niya ang utang na loob niya sa pagligtas sa buhay niya. Nagpunta ang dalawa sa Civil Affairs Department. Nakumpleto ang proseso ng divorce. Tumingin si Thea kay James at nagsabing, "Maghiwalay tayo nang payapa. Sana makahanap ka ng babaeng makakaintindi sa'yo at mamahalin ka sa kung sino ka sa hinaharap. Para naman sa sampung bilyong dolyar na binigay mo sa'kin, magpapadala ako sa'yo ng ilang daang milyon mamaya para hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pera buong buhay mo." Kumaway si James at pinutol si Thea. "Hindi na kailangan. Binigay ko yan sa'yo, kaya sa'yo na yan. Sinabi ko na sa'yo na wala akong pake sa pera. May mga bagay na hindi mabibili ng pera." Pagkatapos magsalita, tumalikod
Naglakad si James at umupo sa sopa.“Serena, maghanda ka ng tsaa.”“Masusunod.”Mabilis na umalis si Serena para gumawa ng tsaa.Pagkatapos na umupo ni thea, tiningnan niya si James at hinawi ang kanyang buhok. “Mr. Caden, nakipag-divorce na ako.”“Hmm?”Tiningnan siya ni James.Nagtataka siya kung ano ang balak nitong gawin.Nang makita niya na hindi siya sinagot ni James, nagpatuloy si Thea. “Malaya na ako ngayon. Kahit na kasal ako noon, isa pa din akong virgin. Hindi pa kami nagtalik ng isang James noon.”“Ms. Callahan, may nobya ako. Matalik mo siyang kaibigan, si Quincy. Sa pagsabi mo sa akin nito, gusto mo bang pagtaksilan ko si Quincy?” Malokong ngumiti si James.Naging seryoso ang mukha ni Thea. “Alam ko, pero hindi ka pa naman kasal, kaya naman amy pagkakataon pa ako. Malaya akong magustuhan ka at karapatan ko na habulin ang ang aking kaligayahan. Pagdating naman sa kung gusto mo ko o hindi, ikaw na ang bahala dun. Ayokong pagsisihan ito sa hinaharap, kaya kahit na