Naglakad si James at umupo sa sopa.“Serena, maghanda ka ng tsaa.”“Masusunod.”Mabilis na umalis si Serena para gumawa ng tsaa.Pagkatapos na umupo ni thea, tiningnan niya si James at hinawi ang kanyang buhok. “Mr. Caden, nakipag-divorce na ako.”“Hmm?”Tiningnan siya ni James.Nagtataka siya kung ano ang balak nitong gawin.Nang makita niya na hindi siya sinagot ni James, nagpatuloy si Thea. “Malaya na ako ngayon. Kahit na kasal ako noon, isa pa din akong virgin. Hindi pa kami nagtalik ng isang James noon.”“Ms. Callahan, may nobya ako. Matalik mo siyang kaibigan, si Quincy. Sa pagsabi mo sa akin nito, gusto mo bang pagtaksilan ko si Quincy?” Malokong ngumiti si James.Naging seryoso ang mukha ni Thea. “Alam ko, pero hindi ka pa naman kasal, kaya naman amy pagkakataon pa ako. Malaya akong magustuhan ka at karapatan ko na habulin ang ang aking kaligayahan. Pagdating naman sa kung gusto mo ko o hindi, ikaw na ang bahala dun. Ayokong pagsisihan ito sa hinaharap, kaya kahit na
“Nagbabagang balita! “Nitong tanghali, namataan ng mga reporter ang bagong henyong doktor ng Cansington, na si Thea, sa Civil Affairs Department kasama ang live-in son-in-law ng mga Callahan. Ayon sa ulat ay mukhang nag-divorce na sila.“Ayon sa mga usap-usapan sa internet ay nakikipag-date si Thea sa Black Dragon, kaya hiniwalayan nan niya ang walang kwenta niyang asawa. Kahit na ano pa man ang katotohanan, ibigay na lang natin ang ating mga basbas sa kanila Thea at sa Black Dragon. Sana naman ay mapasaya ni Thea ang ating bayani, ang Black Dragon.”Ang balita ng paghihiwalay nila James at Thea ay mabilis na kumalat sa buong Cansington.Hindi nagtagal, isa pang nakakagulat na balita ang naging headline.“Ayon sa bagong balita ay ang Majestic Corporation ay binenta ang lahat ng ari-arian nito ng mababa sa market value at inanunsyo ang pagsasara nito.“Gaya ng alam natin lahat, ang tunay na boss ng Majestic Corporation ay ang Black Dragon, na si James. Bakit binenta ni James ang
Ang kanyang isipan ay okupado ng isang lalaki na kumuha sa katawan niya—ang Black Dragon.Hindi niya ito makalimutan.Bigla, nakita niya ang balita na sa may telebisyon.“Ano?!” Sigaw ni Tiara.“Anong problema, Tiara?”Lumabas si Zigmund mula sa study at hindi mapigilan na magtanong.“Ama, diborsyado na ang Black Dragon.”Masayang sinigaw ni Tiara at tinuro ang balita na nakapaskil sa telebisyon.“Tingnan mo! Ang paghihiwalay nila Thea at James at ang pagsasara ng Majestic Corporation ay nakapaskil sa balita ngayon!”“Tiara, kalimutan mo na siya. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan.”“Ama! Paano ko siya makakalimutan pagkatapos ng lahat ng nangyari? Ama, bigyan mo ko ng pera. Gusto kong bumili ng ticket papuntang Cansington para habulin ang aking kaligayahan,” naluluha na sinabi ni Tiara. Hindi alam ni Zigmund kung ano ang gagawin sa kanyang anak.Sa bandang huli, sumuko na lang siya at tumango, “Sige. bibigyan kita ng pera.”Ang mundo sa labas ay sobrang magulo.Ang ba
Maraming bagay ang nangyayari sa labas, pero walang kamalay-malay si James. Sadyang hindi niya lang pinansin ang mga ito.Nakatulog siya ng mahimbing sa House of Royals.Nung nagising siya, tanghali na nung sumunod na araw.Ngayon lang siya uli nakatulog ng ganito katagal.Higit pa dun, nagising siya dahil sa gutom.Mas mahaba pa sana ang tulog niya kung hindi lang siya nagising dahil sa gutom.Nagbihis siya at lumabas ng hindi man lang nag-aahit ng kanyang balbas.Nang makalabas siya sa House of Royals, may nakita siya na naghihintay sa kanya sa labas ng pinto.Isa itong matangkad na babae na may mahabang itim na buhok na nakasuot ng maikling puting dress. “Xara?”Bahagyang nabigla si James. Nilapitan niya ito at nagtanong, “Bakit ka nandito?”Maagang dumating si Xara at naghintay ng mahabang oras.Nang marinig niya ang boses ni James, lumingin siya at sinabi ng nakangiti, “Ang buong mundo ay pinag-uusapan ang tungkol sa buhay mo. Alam ko na nandito ka sa House of Royals.
Alam ni James ang tungkol sa sakit ni Cynthia.Ang totoo, hindi ito isang sakit kung hindi isang espesyal na pangangatawan.Meron siyang pure yin body type.Masyado siyang maraming yin energy sa kanyang katawan at may kakulangan sa yang energy, na naging dahilan para magkaroon ng imbalance ng yin at yang energy sa kanyang katawan.Umiinom ng gamot si Cynthia para magkaroon siya ng yang energy para mapanatili ang balanse sa kanyang katawan. Subalit, habang tumatanda, nagsisimula nang mag-mature ang katawan nito, at ang katawan nito ay maglalabas ng mas marami pang yin energy. Kaya naman, kapag tuluyan nang nasira ang balanse sa kanyang katawan, magiging katapusan na niya.Mahirap gamutin ang kanyang kondisyon.Kailangan niyang uminom palagi ng gamot para lang pahabain ang kanyang buhay.Mahirap din para kay James na tuluyan siyang pagalingin.“Cynthia, ang sakit mo ay hindi magiging madaling gamutin. Bibigyan muna kita ng isang pormula. Iuwi mo ito at inumin ang gamot ng naaayon
Ang Cansington ay isang sinaunang kultural na kabisera na may mahabang kasaysayan.Dati itong kabisera ng walong dinastiya noong sinaunang panahon.Ang Medical Street ay ang atraksyon ng Cansington.Isa pa, nandoon din ang Antique Street.Ang Antique Street ay isa ding masiglang lugar. May daan-daang antique shops na mahahanap sa kalye. Ilan sa mga ito ay mga shops na ilang siglo na ang tanda.Magkasamang dumating sila James at Cynthia sa Antique Street.Ang kalye ay punong puno ng mga tindahan.Maraming antigo at paintings ang nakasalansan sa mga tindahan na ito.Ilan sa mga customer ay nakayuko sa lupa at maingat na pumipili ng bibilhin, umaasa na makakuha ng magandang presyo.“James, marami ka bang alam tungkol sa mga antigo?” Tanong ni Cynthia habang sinusundan iya si James at inoobserbahan ang kalye.Umiling si James. “Wala.”Sampung taong siyang naglingkod sa militar. Ang tanging ginawa lang niya ay ang espesyal na pagsasanay araw-araw. Ang tanging hinarap lang niya no
”Binata, ang kahon na ito ay hindi pangkaraniwan. Nakatago ito sa isang kaha de yero. Kailangan kong hingin ang pahintulot mula sa aking boss kung gusto mong makita ito. Subalit, hindi lahat ay pwedeng makita ang bagay na ito. Paano kung sabihin mo sa akin kung sino ka para makausap ko ang boss ko tungkol dito.”Bago pa man magsalita si James, sumingit si Cynthia, “Mula ako sa Dawn family ng Norte. Ang aking ama ay si Zane Dawn.”“Sige. Ipapaalam ko ito kaagad sa aking boss. Magtingin-tingin na lang muna kayong dalawa sa loob ng shop.”Pagkatapos, umalis na ang matanda.Hinila ni Cynthia si James at sinabi, “Magtingin muna tayo sa loob, James.”“Sige.” Bahagyang tumango si James.Pumunta ang matandang lalaki sa opisina sa may ikatlong palapag at dahan-dahan an kumatok sa pinto.“Pasok.”Isang boses ang maririnig mula sa loob ng opisina.Ang matandang lalaki ay binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina. Magalang niyang sinabi, “Boss, may naparito para magtanong tungkol
Nakuha ni Thea ang sampung bilyong dolyar mula kay James.Maingat siyang gumawa ng plano para sa pera.Malaki ang utang na loob niya sa pagpapalaki sa kanyang kanyang pamilya, kaya ngayon na meron na siyang pera, hindi niya nakalimutan na bigyan ang kanyang mga magulang ng tig-100 milyong dolyar bawat isa.Subalit, ang 100 milyon ni Benjamin ay kinuha ni Gladys nung makuha nito ang pera mula sa kanya.Walang masabi si Thea pagkatapos niyang malaman ang bagay na ito.Pagkatapos, palihim niyang binigyan si Benjamin ng isang milyong dolyar at sinabi dito na gastusin ito.Isang tapat na lalaki si Benjamin na walang katayuan sa loob ng mga Callahan. Gayunpaman, hindi ito nakapigil sa kanya mula sa pagkakaroon ng pangmayaman na libangan.Mahilig siya sa mga antigo at matagal ng pinag-aaralan ang mga ito.Ngayon na meron na siyang pera, pumunta siya sa Antique Street para tumingin kung may mapipili ba siya na maganda.Wala pang nakakapukaw ng kanyang atensyon pagkatapos na mag-shoppi