Maraming ininom na alak si James. Gayunpaman, habang mas dumarami ang iniinom niya, mas nagigising siya. Bigla na lang, tumunog ang phone niya. Dinampot niya ang phone mula sa mesa at nakita niyang tumatawag si Thea. Sinagot niya ang tawag. "Nasaan ka, James?" Narinig ang boses ni Thea mula sa kabilang linya. Malamig at walang emosyon ang boses niya. Naiisip pa no James ang walang pakialam na ekspresyon ni Thea habang kausap siya. "Anong problema? May nangyari ba?" Simpleng sabi ni James. "May mga bagay na kailangan akong linawin sa'yo. Hindi madali na pag-usapan to sa tawag kaya dapat magkita tayo." "Sige." Hindi ito inisip ni James at kaagad na pumayag. Pakiramdam niya rin na dahil gusto niyang makipaghiwalay, mas mabuting gawin na kaagad ang kakailanganing proseso. "Nasaan ka? Pupuntahan kita." Hindi sigurado si James kung nasaang bar siya dahil hindi niya tinignan ang pangalan nito nang pumasok siya. Binaba niya ang phone at pinadala ang lokasyon kay The
Bago bumalik sa Cansingon, sinabihan ni James ang sarili niya na hindi siya tututol sa kagustuhan ni Thea. Papayag siya sa kahit na anong gusto ni Thea. Ngayon na gusto niya ng divorce, hindi siya tatanggi. Alam ni James na ginawa niya ang lahat ng makakaya niya at nabayaran na niya ang utang na loob niya sa pagligtas sa buhay niya. Nagpunta ang dalawa sa Civil Affairs Department. Nakumpleto ang proseso ng divorce. Tumingin si Thea kay James at nagsabing, "Maghiwalay tayo nang payapa. Sana makahanap ka ng babaeng makakaintindi sa'yo at mamahalin ka sa kung sino ka sa hinaharap. Para naman sa sampung bilyong dolyar na binigay mo sa'kin, magpapadala ako sa'yo ng ilang daang milyon mamaya para hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pera buong buhay mo." Kumaway si James at pinutol si Thea. "Hindi na kailangan. Binigay ko yan sa'yo, kaya sa'yo na yan. Sinabi ko na sa'yo na wala akong pake sa pera. May mga bagay na hindi mabibili ng pera." Pagkatapos magsalita, tumalikod
Naglakad si James at umupo sa sopa.“Serena, maghanda ka ng tsaa.”“Masusunod.”Mabilis na umalis si Serena para gumawa ng tsaa.Pagkatapos na umupo ni thea, tiningnan niya si James at hinawi ang kanyang buhok. “Mr. Caden, nakipag-divorce na ako.”“Hmm?”Tiningnan siya ni James.Nagtataka siya kung ano ang balak nitong gawin.Nang makita niya na hindi siya sinagot ni James, nagpatuloy si Thea. “Malaya na ako ngayon. Kahit na kasal ako noon, isa pa din akong virgin. Hindi pa kami nagtalik ng isang James noon.”“Ms. Callahan, may nobya ako. Matalik mo siyang kaibigan, si Quincy. Sa pagsabi mo sa akin nito, gusto mo bang pagtaksilan ko si Quincy?” Malokong ngumiti si James.Naging seryoso ang mukha ni Thea. “Alam ko, pero hindi ka pa naman kasal, kaya naman amy pagkakataon pa ako. Malaya akong magustuhan ka at karapatan ko na habulin ang ang aking kaligayahan. Pagdating naman sa kung gusto mo ko o hindi, ikaw na ang bahala dun. Ayokong pagsisihan ito sa hinaharap, kaya kahit na
“Nagbabagang balita! “Nitong tanghali, namataan ng mga reporter ang bagong henyong doktor ng Cansington, na si Thea, sa Civil Affairs Department kasama ang live-in son-in-law ng mga Callahan. Ayon sa ulat ay mukhang nag-divorce na sila.“Ayon sa mga usap-usapan sa internet ay nakikipag-date si Thea sa Black Dragon, kaya hiniwalayan nan niya ang walang kwenta niyang asawa. Kahit na ano pa man ang katotohanan, ibigay na lang natin ang ating mga basbas sa kanila Thea at sa Black Dragon. Sana naman ay mapasaya ni Thea ang ating bayani, ang Black Dragon.”Ang balita ng paghihiwalay nila James at Thea ay mabilis na kumalat sa buong Cansington.Hindi nagtagal, isa pang nakakagulat na balita ang naging headline.“Ayon sa bagong balita ay ang Majestic Corporation ay binenta ang lahat ng ari-arian nito ng mababa sa market value at inanunsyo ang pagsasara nito.“Gaya ng alam natin lahat, ang tunay na boss ng Majestic Corporation ay ang Black Dragon, na si James. Bakit binenta ni James ang
Ang kanyang isipan ay okupado ng isang lalaki na kumuha sa katawan niya—ang Black Dragon.Hindi niya ito makalimutan.Bigla, nakita niya ang balita na sa may telebisyon.“Ano?!” Sigaw ni Tiara.“Anong problema, Tiara?”Lumabas si Zigmund mula sa study at hindi mapigilan na magtanong.“Ama, diborsyado na ang Black Dragon.”Masayang sinigaw ni Tiara at tinuro ang balita na nakapaskil sa telebisyon.“Tingnan mo! Ang paghihiwalay nila Thea at James at ang pagsasara ng Majestic Corporation ay nakapaskil sa balita ngayon!”“Tiara, kalimutan mo na siya. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan.”“Ama! Paano ko siya makakalimutan pagkatapos ng lahat ng nangyari? Ama, bigyan mo ko ng pera. Gusto kong bumili ng ticket papuntang Cansington para habulin ang aking kaligayahan,” naluluha na sinabi ni Tiara. Hindi alam ni Zigmund kung ano ang gagawin sa kanyang anak.Sa bandang huli, sumuko na lang siya at tumango, “Sige. bibigyan kita ng pera.”Ang mundo sa labas ay sobrang magulo.Ang ba
Maraming bagay ang nangyayari sa labas, pero walang kamalay-malay si James. Sadyang hindi niya lang pinansin ang mga ito.Nakatulog siya ng mahimbing sa House of Royals.Nung nagising siya, tanghali na nung sumunod na araw.Ngayon lang siya uli nakatulog ng ganito katagal.Higit pa dun, nagising siya dahil sa gutom.Mas mahaba pa sana ang tulog niya kung hindi lang siya nagising dahil sa gutom.Nagbihis siya at lumabas ng hindi man lang nag-aahit ng kanyang balbas.Nang makalabas siya sa House of Royals, may nakita siya na naghihintay sa kanya sa labas ng pinto.Isa itong matangkad na babae na may mahabang itim na buhok na nakasuot ng maikling puting dress. “Xara?”Bahagyang nabigla si James. Nilapitan niya ito at nagtanong, “Bakit ka nandito?”Maagang dumating si Xara at naghintay ng mahabang oras.Nang marinig niya ang boses ni James, lumingin siya at sinabi ng nakangiti, “Ang buong mundo ay pinag-uusapan ang tungkol sa buhay mo. Alam ko na nandito ka sa House of Royals.
Alam ni James ang tungkol sa sakit ni Cynthia.Ang totoo, hindi ito isang sakit kung hindi isang espesyal na pangangatawan.Meron siyang pure yin body type.Masyado siyang maraming yin energy sa kanyang katawan at may kakulangan sa yang energy, na naging dahilan para magkaroon ng imbalance ng yin at yang energy sa kanyang katawan.Umiinom ng gamot si Cynthia para magkaroon siya ng yang energy para mapanatili ang balanse sa kanyang katawan. Subalit, habang tumatanda, nagsisimula nang mag-mature ang katawan nito, at ang katawan nito ay maglalabas ng mas marami pang yin energy. Kaya naman, kapag tuluyan nang nasira ang balanse sa kanyang katawan, magiging katapusan na niya.Mahirap gamutin ang kanyang kondisyon.Kailangan niyang uminom palagi ng gamot para lang pahabain ang kanyang buhay.Mahirap din para kay James na tuluyan siyang pagalingin.“Cynthia, ang sakit mo ay hindi magiging madaling gamutin. Bibigyan muna kita ng isang pormula. Iuwi mo ito at inumin ang gamot ng naaayon
Ang Cansington ay isang sinaunang kultural na kabisera na may mahabang kasaysayan.Dati itong kabisera ng walong dinastiya noong sinaunang panahon.Ang Medical Street ay ang atraksyon ng Cansington.Isa pa, nandoon din ang Antique Street.Ang Antique Street ay isa ding masiglang lugar. May daan-daang antique shops na mahahanap sa kalye. Ilan sa mga ito ay mga shops na ilang siglo na ang tanda.Magkasamang dumating sila James at Cynthia sa Antique Street.Ang kalye ay punong puno ng mga tindahan.Maraming antigo at paintings ang nakasalansan sa mga tindahan na ito.Ilan sa mga customer ay nakayuko sa lupa at maingat na pumipili ng bibilhin, umaasa na makakuha ng magandang presyo.“James, marami ka bang alam tungkol sa mga antigo?” Tanong ni Cynthia habang sinusundan iya si James at inoobserbahan ang kalye.Umiling si James. “Wala.”Sampung taong siyang naglingkod sa militar. Ang tanging ginawa lang niya ay ang espesyal na pagsasanay araw-araw. Ang tanging hinarap lang niya no