Pagkatapos mag-usap nang higit sa isang oras, natapos na nila ang plano nila. Ang tanging pinag-aalala na lang ni James ay si Thea. Kahit na sinabi na sa kanya ni May na kahit na walang awa ang mga assassin, propesyonal sila sa trabaho nila—ang pinapatay lang nila ay ang mga inuutos ng amo nila at hindi sila nangdadamay ng inosenteng tao. Bina-blacklist ng major assassin organizations ang mga nangdadamay ng inosenteng tao habang ginagawa ang mga trabaho nila. Gayunpaman, hindi ito isang simpleng sitwasyon. Posible na pagtatangkaang saktan si Thea ng isang killer para sa pera. “Ronald.”"Nakikinig ako, James." "Magpadala ka ng isandaang tao para protektahan si Thea nang palihim. Hindi ko gustong may mangyaring masama sa asawa ko sa palabas ngayong araw." "Naiintindihan ko." Kaagad na naghanda si Ronald. Sa hawak niyang underground intelligence network, madaling hanapin ang kinaroroonan ni Thea. Isandaang may karasanang mga sundalo ng Black Dragon Army ang pinadala
"At sino naman ang magandang babaeng ito?" Tanong ni Caleb. "Siya ang best friend ko, si Thea," pakilala ni Quincy. Nginitian siya ni Thea. Papuri ni Caleb, "Talagang pinapanindigan mo ang pangalan mo. Pwede bang sumali ba ako sa inyo sa mesa?" "Sige lang, maupo ka." Ngumiti si Quincy at pinakilala ang lalaki, "Thea, siya si Caleb. Noong bata pa ako, magkapitbahay kami. Maraming taon na kaming di nagkikita.""Ikinagagalak kitang makilala. Ako si Thea," pinakilala ni Thea ang sarili niya. Bumati rin si Caleb nang nakangiti. Sa mesa hindi malayo sa kanila, ilang lalaki rin ang nakaupo at kumakain ng hot pot. Naging alerto sila nang lumapit ang isang estranghero kay Thea. Bumuntong-hininga silang lahat pagkatapos nilang mapansin na kilala pala ito ni Quincy. Ang mga lalaking ito ay mga sundalo ng Black Dragon Army na pinadala ni James para palihim na protektahan si Thea. Basta't wala sa panganib si Thea, hindi nila ibubunyag ang mga sarili nila. Natapos nila kaagad an
Ang Nine Dragons Tunnel ay higit sampung kilometro ang haba at inabot ng sampung minuto ang biyahe. May ilang kotseng nakaparada sa loob ng tunnel. May ilang itim na kotse na may pekeng plaka. Mabilis na lumapit si Caleb at huminto sa harapan ng isa sa mga itim na sasakyan. Bumaba siya kaagad ng kotse. Ilang lalaking naka-itim ang bumaba rin mula sa itim na sasakyan. Binuksan ng mga taong ito ang BMW at binuhat ang dalawang babae pasakay sa mga itim na sasakyan. Bumaba rin ang Black Snake. "Black Snake." Naglakas si Caleb papunta sa kanya. Kumaway ang Black Snake. "Hindi ligtas para sa'yo na manatili sa Cansington sa ngayon. Dapat umalis ka na kaagad. Binilhan na kita ng villa sa Arshenton at may milyon-milyong pera sa safe doon. Sapat na yun para sa'yo panandalian." "Salamat!" Pinasalamatan siya kaagad ni Caleb. Iniwan niya ang BMW, sumakay sa isa pang kotse, at mabilis na umalis sa eksena. Sumakay din ang Black Snake sa loob ng kotse at inutusan ang driver, "Dal
Sa Five Valley Mountain.Nang nakita niya ang galit na ekspresyon ni James, hindi napigilan ni Ronald na pakalmahin siya, "Magiging ayos lang ang lahat. Ikaw ang target nila at tiyak na hindi nila sasaktan si Thea." Nahulaan na rin ni James na may magtatangkang dukutin si Thea para paghandaan siya sa kabila ng ethics para lang patayin siya. Nagpadala na siya ng isandaang tao para protektahan siya nang palihim, pero nadukot pa rin siya. Kailangan niyang kumalma at hindi mawala sa sarili. Ang pakay ng kalaban sa pagdukot kay Thea ay ang mapatay si James. Hindi nila sasaktan si Thea maliban sa gagamitin nila siya para pagbantaan si James. Naniniwala siya na ilang sandali na lang ay tatawagan na siya ng kalaban. Sa sandaling ito, tumunog ang phone niya. Isa itong encrypted number. Kalmado niyang sinagot ang tawag, "Sino ka?" Isang paos na boses ang narinig mula sa phone, "Black Dragon, paalisin mo ang lahat ng mga tao mo sa Mount Five Valley at sumuko ka sa'min. Kung hin
Ang matandang lalaking naunang nagsalita ay hindi lang kung sino. Isa siyang kilalang powerhouse sa assassin leaderboard. Tumingin siya kay James at ngumisi. Lumapit siya, pinulot ang tali sa lapag, at nagsimulang ibalot ito sa sarili niya. "Alam mo na ba ngayon kung paano to gawin?" Ngumisi ang matandang lalaki. Ngumiti lang si James. Humakbang siya nang ilang beses paharap. Nang umabante siya, aatras ang mga assassin na nasa harapan niya. Kahit na tumawag ang Black Snake para ipaalam sa kanila na nahuli ang asawa ng Black Dragon at madali siyang susuko, ang Black Dragon pa rin ang kaharap nila. Ang lahat ng 28-nation martial arts gurus ay nagsanib-pwersa laban sa kanya ngunit pinatay niya silang lahat. Daan-daang libong tao ang nagtangkang pumatay sa kanya pero wala silang nagawa. Kamatayan ang maghihintay sa kung sinomang hindi mag-iingat laban sa ganitong klase ng tao. Mabilis na tinanggal ng matandang assassin ang pagkakatali sa sarili niya, kinuha ang lubid, a
Malamig na tumingin si James sa Black Snake at nagsabing, "Pakawalan mo sila." Nanatili ang mga mata ng Black Snake kay James. Tinuro niya ang nakataling sina Thea at Quincy at nagsalita nang may mapaglarong ngiti, "Isa lang ang pakakawalan ko. Ikaw ang may huling salita kung sino yun sa kanila." "Pakawalan mo si Thea." Hindi nagdalawang-isip si James. Sumenyas ang Black Snake sa mga kasamahan niya. Kaagad na lumapit ang isa sa mga tao niya at tinanggal ang pagkakatali kay Thea. Mabilis na tumayo si Thea. Namanhid ang mga ganito niya sa pagkakatali nang matagal at kaagad siyang tumumba sa lapag. Tumayo siya ulit at tumingin sa armadong assassin sa paligid niya at namula ang mga mukha niya. Nanginig ang mga labi niya. "James… a-anong ginagawa mo? Si Quincy na lang ang pakawalan mo. Mananatili ako kasama mo." Sumigaw si Quincy na nakatali sa upuan, "Thea, anong ginagawa mo? Umalis ka na, dali. Hindi mo ba gustong mabuhay?" "Thea, umalis ka na!" Sumigaw si James. "H-Hi
Sa isang underground basement sa Michenton Village.Naka-lock ang bakal na pinto, at maraming assassin na puno ng sandata ang nakabantay sa labas.Nakatali si Quincy sa isang upuan at hindi makagalaw.“James, a-ayos ka lang ba?”Bakas ang pag-aalala sa maputla niyang mukha habang patuloy niyang tinitingnan si James kung ayos lang ba ito.Nakatali si James ng lubid, at ang kaliwang nitong binti at mat tama ng bala. Kahit na kayang niyang kontrolin ang daloy ng dugo ng kanyang katawan at pigilan na pagdurugo sa loob nito, malakas pa din ang pagdurugo sa kanyang katawan.Habang nakahiga sa labag, sinabi niya, “Ayos lang ako. Patawad si Thea lang ang nailigtas ko.”Sa pagitan nila Quincy at Thea, pinili niya na iligtas si Thea.Miserable ang buhay ni Thea. pagkatapos masunog ang mukha nito, tiniis nito ang pang-aalipusta ng lahat ng mga tao at nabuhay ng puno ng kalungkutan.Nakonsensya siya para kay Thea.Sa halip na mabigyan niya ng isang masayang buhay si Thea, nadamay niya it
“Oh?” Habang nakaupo sa lapag, hindi mapigilan ni James na tumingin kay Black Snake.‘Anong binabalak ni Black Snake?‘Gusto niya akong maging boss ng Dark Castle?’“Gusto mo na ako ang maging boss ng Dark Castle? Binibigay mo ba sa akin ang Dark Castle? Hindi ka ba natatakot na linisin ko ang Dark Castle kapag napasakamay ko na ito?”Tumawa ng malakas si Black Snake. “Haha, hindi problema yun.”Tumawa din di James. ‘Sige, sang-ayon ako. Luwagan niyo na ang mga lubid.”Sinenyasan ni Black Snake ang kanyang mga tauhan.Dalawang lalaki na nakaitim na damit at hood ang lumapit at pinakawalan si James.Tumayo si James, ginalaw ang kanyang mga binti, at tinignan si Black Snake ng may malokong ngiti.“Pinakawalan mo talaga ako? Hindi ka ba natatakot na baka bigla na lang kitang atakihin? Alam mo kung gaano ako kalakas. Hindi ka tatagal ng tatlong galaw sa aking mga kamay kapag seryoso kitang inatake.”Ngumisi si Black Snake. “Ang buong Dark Castle ay sayo na ngayon, at tauhan mo