”Bakit hindi mo ito sinabi sa akin?”Umupo si James sa couch pagkatapos niyang pumasok ng bahay.May malamig na ekspresyon si Thea sa kanyang mukha. Sinermon niya, “Ito ba ang rason kung bakit malakas ang loob mo? Sinasabi mo na ako ay mapupunta sa top hundred. Ang pagbili mo sa posisyon ko ay ang solusyon mo?”“Hehe.”Tumawa lang si James.Galit na galit si Thea, ngunit tumatawa lan si James. Halos hilahin na ni Thea ang kanyang buhok.“Sabihin mo sa akin. Gaano karaming pera ang ginastos mo?”“Hindi gaanong marami.” Hindi ito alam ni James. Si Scarlett ang umasikaso nito. Nang makita niya ang ekspresyon ni Thea, alam niya na galit na galit ito.Sinubukan niyang magpaliwanag, “Darling, ang gusto ko lang ay ang mapasaya ka at makuha mo ang spotlight. Paano ko malalaman na madaling matutuklasan ito ng mga tao? Masyado silang matalino ngayon, hehe…”“Gaano karaming pera ang ginastos mo?”Ito lang ang mahalaga para kay Thea.Ang pamilya nila ay wala nang pera ngayon. Kailangan
Pagkatapos ibaba ni Thea ang phone, tumingin siya kay James. Ang mukha niya ay para bang gawa sa bato. “James, walang hiya ka. Kakasimula lang ni Xara sa trabaho. Alam mo na hindi madali na kumita ng pera. Paano mo nagawa na humiram ng three hundred thousand dolyar mula sa kanya?”“Three hundred thousand lang ‘yun…”Ngumiti si James ngunit huminto siya at tumahimik siya nang makita niya ang malamig na tingin ni Thea. Tumayo siya at sinabi niya, “Gagawa ako ng tanghalian.”Pumunta siya sa kusina.Nalungkot si Thea. Hindi niya alam kung tatawa o iiyak siya.Pumunta si James sa kusina at nagsuot siya ng apron. Sumisipol siya habang naghahanda ng tanghalian.Sa mga sandaling ito, nagsend ng text si May.“James, nakausap ko na lit si Black Snake. Sinabi niya sa akin na makakarating siya dito ngayong gabi at tinanong niya ang lokasyon ko. Ano ang dapat ko sabihin sa kanya?”Pagkatapos niya basahin ang message, pinag isipan niya ito bago siya sumagot, “Alam mo ba ang repair shop sa ka
Alam ni James na magagalit si Thea. "Darling, magpapaliwanag ako." "Ano pa bang ipapaliwanag mo? Bakit di ka bumili ng bahay kung meron kang milyon-milyon? Gusto mo bang tumira sa mga magulang ko buong buhay mo? James, ano pa ba ang sasabihin ko sa'yo?" "H-Hindi naman ako gumastos nang masyadong malaki. Wag lang makinig sa kalokohan nila. Ang totoo, kumuha ako ng hacker para i-hack ang Doctor App at ibahin nang palihim ang data." "Talaga bang nagsisinungaling ka pa rin sa'kin? Iniisip mo ba na tanga ako?" "Sige, magtatapat ako. Gumastos ako ng pera. Gumastos ako ng ilang milyon, pero ano naman ang ilang milyon. Wala kang kapantay para sa'kin. Kahit na gaano pa kalaki ang gastusin ko para sa'yo, napapasaya ako nito." "Saan nagmula ang pera?" Agresibong nagtanong si Thea. "Sa'kin," sabi ni James habang tumatawa. "Wag kang tumawa. Magseryoso ka." Kaagad na nanahimik si James. "Magtatanong ulit ako. Saan nagmula ang pera? May ginawa ka bang ilegal?" tanong ni Thea. Na
'Ang galing maglihim ni James, inabot ako nang ganito katagal para malaman ang pagkatao niya bilang sikretong boss ng Transgenerational Group. 'Nasa trilyones ang halaga ng Transgenerational New City.'Ang halagang ito ay hindi ang market capitalization asset kundi totoong pera. 'Ibang-ibang konsepto ang isang trilyong dolyar. 'Gaano karaming tao sa mundong ito ang kayang gumastos ng isang trilyon?' naisip ni Quincy. Samantala, dumating si James sa repair shop sa labas ng siyudad. Sa basement room ng repair shop. Nakarating na roon si May. Pumasok si James sa basement. “Mr. Caden.”Narinig ang maaayos at malalakas na pagbati. Kumaway si James at naglakad papunta sa sofa para umupo. Sabay na tumayo sina May at Ronald. “Mr. Caden.”“James.” Sabay na bumati ang dalawa. "Umupo ka," sabi ni James habang kumaway siya. Umupo silang dalawa. "May, nagpadala ba ng balita ang Black Snake?" tanong ni James. Umiling si James at nagsabing, "Hindi na siya nagpadala
Pagkatapos mag-usap nang higit sa isang oras, natapos na nila ang plano nila. Ang tanging pinag-aalala na lang ni James ay si Thea. Kahit na sinabi na sa kanya ni May na kahit na walang awa ang mga assassin, propesyonal sila sa trabaho nila—ang pinapatay lang nila ay ang mga inuutos ng amo nila at hindi sila nangdadamay ng inosenteng tao. Bina-blacklist ng major assassin organizations ang mga nangdadamay ng inosenteng tao habang ginagawa ang mga trabaho nila. Gayunpaman, hindi ito isang simpleng sitwasyon. Posible na pagtatangkaang saktan si Thea ng isang killer para sa pera. “Ronald.”"Nakikinig ako, James." "Magpadala ka ng isandaang tao para protektahan si Thea nang palihim. Hindi ko gustong may mangyaring masama sa asawa ko sa palabas ngayong araw." "Naiintindihan ko." Kaagad na naghanda si Ronald. Sa hawak niyang underground intelligence network, madaling hanapin ang kinaroroonan ni Thea. Isandaang may karasanang mga sundalo ng Black Dragon Army ang pinadala
"At sino naman ang magandang babaeng ito?" Tanong ni Caleb. "Siya ang best friend ko, si Thea," pakilala ni Quincy. Nginitian siya ni Thea. Papuri ni Caleb, "Talagang pinapanindigan mo ang pangalan mo. Pwede bang sumali ba ako sa inyo sa mesa?" "Sige lang, maupo ka." Ngumiti si Quincy at pinakilala ang lalaki, "Thea, siya si Caleb. Noong bata pa ako, magkapitbahay kami. Maraming taon na kaming di nagkikita.""Ikinagagalak kitang makilala. Ako si Thea," pinakilala ni Thea ang sarili niya. Bumati rin si Caleb nang nakangiti. Sa mesa hindi malayo sa kanila, ilang lalaki rin ang nakaupo at kumakain ng hot pot. Naging alerto sila nang lumapit ang isang estranghero kay Thea. Bumuntong-hininga silang lahat pagkatapos nilang mapansin na kilala pala ito ni Quincy. Ang mga lalaking ito ay mga sundalo ng Black Dragon Army na pinadala ni James para palihim na protektahan si Thea. Basta't wala sa panganib si Thea, hindi nila ibubunyag ang mga sarili nila. Natapos nila kaagad an
Ang Nine Dragons Tunnel ay higit sampung kilometro ang haba at inabot ng sampung minuto ang biyahe. May ilang kotseng nakaparada sa loob ng tunnel. May ilang itim na kotse na may pekeng plaka. Mabilis na lumapit si Caleb at huminto sa harapan ng isa sa mga itim na sasakyan. Bumaba siya kaagad ng kotse. Ilang lalaking naka-itim ang bumaba rin mula sa itim na sasakyan. Binuksan ng mga taong ito ang BMW at binuhat ang dalawang babae pasakay sa mga itim na sasakyan. Bumaba rin ang Black Snake. "Black Snake." Naglakas si Caleb papunta sa kanya. Kumaway ang Black Snake. "Hindi ligtas para sa'yo na manatili sa Cansington sa ngayon. Dapat umalis ka na kaagad. Binilhan na kita ng villa sa Arshenton at may milyon-milyong pera sa safe doon. Sapat na yun para sa'yo panandalian." "Salamat!" Pinasalamatan siya kaagad ni Caleb. Iniwan niya ang BMW, sumakay sa isa pang kotse, at mabilis na umalis sa eksena. Sumakay din ang Black Snake sa loob ng kotse at inutusan ang driver, "Dal
Sa Five Valley Mountain.Nang nakita niya ang galit na ekspresyon ni James, hindi napigilan ni Ronald na pakalmahin siya, "Magiging ayos lang ang lahat. Ikaw ang target nila at tiyak na hindi nila sasaktan si Thea." Nahulaan na rin ni James na may magtatangkang dukutin si Thea para paghandaan siya sa kabila ng ethics para lang patayin siya. Nagpadala na siya ng isandaang tao para protektahan siya nang palihim, pero nadukot pa rin siya. Kailangan niyang kumalma at hindi mawala sa sarili. Ang pakay ng kalaban sa pagdukot kay Thea ay ang mapatay si James. Hindi nila sasaktan si Thea maliban sa gagamitin nila siya para pagbantaan si James. Naniniwala siya na ilang sandali na lang ay tatawagan na siya ng kalaban. Sa sandaling ito, tumunog ang phone niya. Isa itong encrypted number. Kalmado niyang sinagot ang tawag, "Sino ka?" Isang paos na boses ang narinig mula sa phone, "Black Dragon, paalisin mo ang lahat ng mga tao mo sa Mount Five Valley at sumuko ka sa'min. Kung hin