Ngumiti na parang robot si James. Tumayo siya na parang isang puppet. Naglakad siya paalis ng Century Hospital.Binili niya ang ranking ni Thea, ginawa niya itong katatawanan ng Cansington at ng medical conference.Wala siyang pakialam.Umalis siya ng Medical Street. Pagkatapos niyang umalis, sinuri niya ang paligid niya para masiguro na hindi siya sinusundan. Pagkatapos, tumawag siya ng taxi papunta sa Common Clinic.Sa Common Clinic.Nandoon si Ronn.Kausap niya si May sa clinic.Pumasok si James.Agad silang tumayo at sabay nilang sinabi, “James.”Kumaway si James at umupo siya bago niya sinabi, “Nalaman mo na ba kung sino ang sumubok na patayin ako nitong umaga?”Tumango si Ronn. “Nakuha ko na ang lahat ng impormasyon.”“Sabihin mo sa akin.”Ang sabi ni Ronn, “Ang mga taong ito ay dumating sa Cansington noong nakaraan na walong araw. Mga mersenaryo sila mula sa border ng Southern Plains. Parte sila ng Purgatory Army.”“Ah, ang Purgatory Army?”Sumingkit ang mga mata n
Ito ay para bang may parating na bagyo pagkatapos ng kalmadong panahon.May malakas na kutob si James na magkakaroon ng kaguluhan sa Cansington.Ang iba’t ibang mga army, political party, at mga makapangyarihan ay magtitipon doon.“May.”“Ano ‘yun, James?”Tinapik ni James ang mga daliri niya sa mesa, malalim ang kanyang iniisip. “Posible ba para sayo na makausap ang mga assassin mula sa Dark Castle?”Tumango si May. “Pwede kong kausapin ang ilan sa kanila.”Sinabi ni James, “Kausapin mo na sila ngayon. Sabihin mo na may problema ka sa Cansington at kailangan mo ng backup.”Umarkila si James ng ilang mga eksperto.Ang mga assassin mula sa Dark Castle ay isang magandang desisyon.“Sige.”Sumunod si May.Nagtype siya ng maikling message sa kanyang phone.“Black Snake, nabigo ako sa misyon ko at nabunyag ako. Pinatay ko ang middleman. Nagtatago ako sa Cansington ngayon, pero nasugatan ako. Pakiusap, tulungan mo akong tumakas.”Pagkatapos niya gawin ang message, pumindot siya
Pagkatapos niyang magsalita, umali na siya.Tumawag siya kay Ronn pagkatapos umalis ng Common Clinic.Agad na nagpakita si Ronn.Sa loob ng itim na multi-purpose vehicle.Nagsisigarilyo si James.“Sir.”Nagsulat si James ng maraming numero sa isang piraso ng papel at pinasa niya ito kay Ronn. “Ito ay isang code mula sa Dark Castle. Alamin mo kung ano ang ibig sabihin nito.”“Yes, sir.”“Pati, bantayan mo ng mabuti si May. Gusto kong malaman kung sino ang mga tao na kakausap sa kanya.”“Masusunod.” Tumango si Ronn at tinanong niya, “May iba pa ba?”“‘Yun lang. Pwede ka nang bumalik.”Umalis na si James at tumawag siya ng taxi para umuwi.Sa Common Clinic.Umupo sa upuan si May. Bilang isang assassin, maingat siya sa kanyang kapaligiran.Alam niya na binabantayan ang Common Clinic, at wala siyang ibang magagawa.Mukha siyang malungkot.Alam niya na hindi siya pinagkakatiwalaan ni James.Wala na siyang magagawa tungkol dito dahil isa siyang assassin dati.Ngayon, ang pin
”Bakit hindi mo ito sinabi sa akin?”Umupo si James sa couch pagkatapos niyang pumasok ng bahay.May malamig na ekspresyon si Thea sa kanyang mukha. Sinermon niya, “Ito ba ang rason kung bakit malakas ang loob mo? Sinasabi mo na ako ay mapupunta sa top hundred. Ang pagbili mo sa posisyon ko ay ang solusyon mo?”“Hehe.”Tumawa lang si James.Galit na galit si Thea, ngunit tumatawa lan si James. Halos hilahin na ni Thea ang kanyang buhok.“Sabihin mo sa akin. Gaano karaming pera ang ginastos mo?”“Hindi gaanong marami.” Hindi ito alam ni James. Si Scarlett ang umasikaso nito. Nang makita niya ang ekspresyon ni Thea, alam niya na galit na galit ito.Sinubukan niyang magpaliwanag, “Darling, ang gusto ko lang ay ang mapasaya ka at makuha mo ang spotlight. Paano ko malalaman na madaling matutuklasan ito ng mga tao? Masyado silang matalino ngayon, hehe…”“Gaano karaming pera ang ginastos mo?”Ito lang ang mahalaga para kay Thea.Ang pamilya nila ay wala nang pera ngayon. Kailangan
Pagkatapos ibaba ni Thea ang phone, tumingin siya kay James. Ang mukha niya ay para bang gawa sa bato. “James, walang hiya ka. Kakasimula lang ni Xara sa trabaho. Alam mo na hindi madali na kumita ng pera. Paano mo nagawa na humiram ng three hundred thousand dolyar mula sa kanya?”“Three hundred thousand lang ‘yun…”Ngumiti si James ngunit huminto siya at tumahimik siya nang makita niya ang malamig na tingin ni Thea. Tumayo siya at sinabi niya, “Gagawa ako ng tanghalian.”Pumunta siya sa kusina.Nalungkot si Thea. Hindi niya alam kung tatawa o iiyak siya.Pumunta si James sa kusina at nagsuot siya ng apron. Sumisipol siya habang naghahanda ng tanghalian.Sa mga sandaling ito, nagsend ng text si May.“James, nakausap ko na lit si Black Snake. Sinabi niya sa akin na makakarating siya dito ngayong gabi at tinanong niya ang lokasyon ko. Ano ang dapat ko sabihin sa kanya?”Pagkatapos niya basahin ang message, pinag isipan niya ito bago siya sumagot, “Alam mo ba ang repair shop sa ka
Alam ni James na magagalit si Thea. "Darling, magpapaliwanag ako." "Ano pa bang ipapaliwanag mo? Bakit di ka bumili ng bahay kung meron kang milyon-milyon? Gusto mo bang tumira sa mga magulang ko buong buhay mo? James, ano pa ba ang sasabihin ko sa'yo?" "H-Hindi naman ako gumastos nang masyadong malaki. Wag lang makinig sa kalokohan nila. Ang totoo, kumuha ako ng hacker para i-hack ang Doctor App at ibahin nang palihim ang data." "Talaga bang nagsisinungaling ka pa rin sa'kin? Iniisip mo ba na tanga ako?" "Sige, magtatapat ako. Gumastos ako ng pera. Gumastos ako ng ilang milyon, pero ano naman ang ilang milyon. Wala kang kapantay para sa'kin. Kahit na gaano pa kalaki ang gastusin ko para sa'yo, napapasaya ako nito." "Saan nagmula ang pera?" Agresibong nagtanong si Thea. "Sa'kin," sabi ni James habang tumatawa. "Wag kang tumawa. Magseryoso ka." Kaagad na nanahimik si James. "Magtatanong ulit ako. Saan nagmula ang pera? May ginawa ka bang ilegal?" tanong ni Thea. Na
'Ang galing maglihim ni James, inabot ako nang ganito katagal para malaman ang pagkatao niya bilang sikretong boss ng Transgenerational Group. 'Nasa trilyones ang halaga ng Transgenerational New City.'Ang halagang ito ay hindi ang market capitalization asset kundi totoong pera. 'Ibang-ibang konsepto ang isang trilyong dolyar. 'Gaano karaming tao sa mundong ito ang kayang gumastos ng isang trilyon?' naisip ni Quincy. Samantala, dumating si James sa repair shop sa labas ng siyudad. Sa basement room ng repair shop. Nakarating na roon si May. Pumasok si James sa basement. “Mr. Caden.”Narinig ang maaayos at malalakas na pagbati. Kumaway si James at naglakad papunta sa sofa para umupo. Sabay na tumayo sina May at Ronald. “Mr. Caden.”“James.” Sabay na bumati ang dalawa. "Umupo ka," sabi ni James habang kumaway siya. Umupo silang dalawa. "May, nagpadala ba ng balita ang Black Snake?" tanong ni James. Umiling si James at nagsabing, "Hindi na siya nagpadala
Pagkatapos mag-usap nang higit sa isang oras, natapos na nila ang plano nila. Ang tanging pinag-aalala na lang ni James ay si Thea. Kahit na sinabi na sa kanya ni May na kahit na walang awa ang mga assassin, propesyonal sila sa trabaho nila—ang pinapatay lang nila ay ang mga inuutos ng amo nila at hindi sila nangdadamay ng inosenteng tao. Bina-blacklist ng major assassin organizations ang mga nangdadamay ng inosenteng tao habang ginagawa ang mga trabaho nila. Gayunpaman, hindi ito isang simpleng sitwasyon. Posible na pagtatangkaang saktan si Thea ng isang killer para sa pera. “Ronald.”"Nakikinig ako, James." "Magpadala ka ng isandaang tao para protektahan si Thea nang palihim. Hindi ko gustong may mangyaring masama sa asawa ko sa palabas ngayong araw." "Naiintindihan ko." Kaagad na naghanda si Ronald. Sa hawak niyang underground intelligence network, madaling hanapin ang kinaroroonan ni Thea. Isandaang may karasanang mga sundalo ng Black Dragon Army ang pinadala