Pagkatapos na mabigla ng konti, inayos ni Lorne ang kanyang sarili.Alam niya na si James ay isa lamang simpleng live-in son-in-law ng mga Callahan. Isa siyang basura.Kahit na ang mga Callahan ay may pera, nakaraan na iyon.Ang mga Callahan ay nasangkot sa isang malaking gulo at nagkaroon ng malaking utang. Malapit na silang malugi.Pagkatapos na isipin ang tungkol dito, naningkit ang mga mata ni Lorne at tiningnan si James.“Ang sabi mo ay tatlong milyong dolyar. Kung ganun, bayaran mo ang girlfriend ko ng tatlong milyong dolyar, at sasaluhin ko ang ilan sa mga suntok mula sayo.”“Babe…” Kaagad na hinila ng seksing manamit na babae si Lorne. Nasaksihan na niya ang lakas ni James sa may entrance ng villa. Ang mga tauhan ni Quay ay pinabagsak niya sa isang iglap lang. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Lorne ang ilang suntok mula kay James.Kinaway ni Lorne ang kanyang kamay at sinabi, “Ayos lang yan. Ang batang to ay isa lamang hamak na live-in son-in-law ng mga Calla
Tumalsik ang tauhan ni Lorne sa isang sipa lang.Ang mga tao ay naramdaman kung gaano kalakas ang sipa niya.Ang nakita lang nila ay kung paano tumalsik ng dalawang metro ang tauhan ni Lorne at bumagsak sa lupa, at dumadaing sa sakit.Lumapit si James na may suot na balat na sapatos.Clomp! Clomp! Clomp!Habang palapit siya, tumutunog ang kanyang sapatos sa sahig.Biglang napaatras si Lorne dahil sa takot.Nakakatakot ito. Siya sana ang namimilipit sa sakit ngayon kung siya ang sumalo ng sipa na iyon. “Hindi ka man tumagal sa isang sipa lang.”Nilapitan ni James ang tauhan ni James at tiningnan ito ng may pangmamaliit.Sa ilalim ng tingin ng lahat, tinaas ni James ang kanyang paa at muli itong sinipa. Gumulong ito na parang bola, at nagpatumba ng ilang lamesa at upuan sa may bulwagan.“Argh! Tama na! Tama na…”Nabalot ng takot ang tauhan ni Lorne. Ang unang sipa ang bumasag sa ilan sa kanyang mga buto sa kanyang katawan, at namimilipit siya sa sobrang sakit. Mamamatay
Hindi pinansin ni James ang kanyang mga banta at nagpatuloy na maglakad papunta kay Lorne. Patuloy sa pag-atras si Lone at sumigaw, “Bakit nakatayo lang kayong dalawa dyan? Gulpihin niyo siya?”Nagpalitan ng tingin ang dalawang tauhan.Thump!Sabay ang mga ito na lumuhod sa sahig at nagmakaawa. “J-James. Wala kaming kinalaman dito. Pakiusap, maawa ka sa amin.”Sinipa sila ni Lorne at pinabagsak sa sahig. Maraming tao ang nanonood habang nangyayari ito.Ang mga tao ay para bang nanonood sila ng isang magandang palabas.Wala sa kanila ang nakaisip na ang kilalang son-in-law ng mga Callahan ng Cansington ay ganito pala kalakas.Nilapitan ni James si Lorne, binuhat ito, at binato papunta kay Zion. Crash!Humampas sa sahig ang katawan ni Lorne, at nabali ang kanyang ilong. Napaatras siya dahil sa takot.“P*tang *na mo! Papatayin kita…”Naglabas si Lorne ng isang bentenwebe habang sinusubukan niyang tumayo.Bago pa man siya makatayo, nilapitan na siya ni James at sinipa sa
Hindi mabuting tao si Lorne. Dati siyang isang school bully. Marami siyang na-bully na estudyante noon. Kaya naman, nagpalakpakan ang karamihan sa mga tao sa paligid noong nakita nila na binugbog siya. Mag-isang naglalaro ng Plants vs. Zombies si James. May ilang tao na lumapit upang batiin siya. Ngumiti lamang siya at nagpatuloy siya sa paglalaro. “James?”Narinig niya ang isang magandang boses.Inangat ni James ang kanyang ulo at nakita niya ang isang babae na nakatayo sa harap niya. Ang babae ay may itim na buhok, makinis na kutis, at magandang itsura. Tila nasa dalawampu't pito o dalawampu't walong taong gulang na siya. “Hmm?”"Joan Dunn?" Sumimangot si James. “Huh?"Kilala mo ba ako?" Bahagyang nagulat si Joan. Ngumiti si James at nagtanong, "May kailangan ka ba?" "Wala naman. Lumapit lang ako kasi James ang pangalan mo." Nakangiting sumagot si Joan at umupo siya sa tapat ni James. “Okay.”Suminghot si James at hindi na siya nagsalita pa. Tumingin si J
”Hindi ko alam. Naglaho siya pagkatapos nun, at nalaman ko na may nangyaring masama sa pamilya niya. Umulit ako ng isang taon sa high school at sineryoso ko ang mga sinabi niya. Nag-aral ako ng mabuti at nagtagumpay akong makapasok sa University ng Sol.”Bahagyang nagulat si James.Hindi niya inasahan na ang school bully, na dating nagsusuot ng gothic fashion, ay mag-aaral ng mabuti at makakapasok sa pinakamagandang unibersidad sa Sol."Magaling." Pinuri ni James si Joan, na may malinis na itsura. "Salamat." Ngumiti si Joan. Nag-usap ang dalawa sa loob ng ilang oras. Biglang may lumapit kay Thea at pabirong sinabi na, "Thea, may nang-aakit sa asawa mo. Joan ang pangalan ng babaeng 'yun. Dati siyang bully sa school at magaling siyang makipaglandian sa mga lalaki. Dahil nakita niya na malakas ang asawa mo, sinusubukan niya siyang akitin ngayon. Mag-iingat ka."Natawa si Thea at sinabing, "Class reunion 'to. Nag-uusap lang sila. Ayos lang 'yun." May tiwala si Thea kay James.
Natakot ang mapagmataas na si Kian sa mga sinabi ni James. Hindi siya nangahas na magsalita pa at pinagpatuloy niya ang kanyang pagtatanghal. Tinapik ni James ang balikat ni Zion at nakangiti niyang sinabi na, "Ayos lang 'yun. Huwag kang mag-alala. Namnamin mo na lang ang mga pagkain at inumin.""Salamat." Muling nagpasalamat si Zion kay James. "Wala 'yun." Kinumpas ni James ang kanyang kamay.Tumingin si Quincy kay James at hinawakan niya ang kanyang baba habang nag-iisip. 'Mukhang mas komplikado pa sa inaasahan ko ang lalaking 'to.' Ang naisip ni Quincy. Mula pa noong una ay iniisip na niya na walang kwenta si James. Pinakita ni James ang nakakatakot niyang lakas, pinabagsak niya ang mga bodyguard ni Quay, at binugbog din niya si Lorne at ang kanyang mga tauhan hanggang sa umalis sila sa party. Ngayon, maging ang isang celebrity na gaya ni Kian ay nirerespeto siya ng ganito. Tinawag pa nga niyang chairman si James. “James.”"Ano 'yun?" Tumingin si James kay Quinc
Pinagmamalaki ng mga babaeng tagahanga niya na nakasiping nila siya. "Walang utang na loob." Ang sabi ni Kian. Pagkatapos umalis ni Thea, agad siyang pinalibutan ng iba niyang mga tagahanga upang magpakuha ng litrato kasama siya. Pinupulupot ni Kian ang mga braso niya sa baywang at mga balikat ng mga mas magaganda niyang tagahanga. Samantala, nakatayo lamang siya sa tabi ng mga tagahanga niya na hindi gaanong maganda. Pagkatapos niyang magpakuha ng litrato kasama ang kanyang mga tagahanga, umalis si Kian at bumalik siya sa kanyang silid sa ikalawang palapag upang magpahinga. Ang kanyang manager, si Helen, ay nagpapahinga sa loob ng silid. Nasa kanyang 30s na si Hellen ngunit maganda pa rin ang kanyang itsura, mukha siyang nasa 18 o 19 taong gulang pa lang na may maputi at malambot na balat. Nakasuot siya ng isang sexy na damit at mapang-akit ang itsura niya habang nakahiga siya sa kama. “Hellen.”"Hulaan mo kung sinong nakita ko?" Lumapit si Kian at masayang nagsalit
Pwersahang kinaladkad ni James si Thea pabalik sa kanilang silid. Sa loob ng isang silid sa ikalawang palapag.“Anong ginagawa mo? Bakit mo sinisira ang kasiyahan ko, James?” Nainis si Thea.“Sandali lang, Mahal.”Nagmadaling umalis si James.Nagpunta siya sa isang supermarket sa bundok at bumili siya ng isang one-piece swimsuit.Mabilis siyang bumalik sa silid at inabot niya ang swimsuit kay Thea.“Ito ang isuot mo.” Ang sabi ni James.Dinampot ito ni Thea at tiningnan niya ito. Natawa siya sa sitwasyon.“Kailangan ba talaga ‘to, James?”“Oo, magbihis ka na dali.”“Sige. Lumabas ka muna.” Tumayo si Thea at tinulak niya si James palabas ng silid.Pagkatapos niyang itulak palabas si James, tiningnan niya ang one-piece swimsuit na hawak niya at ngumiti siya. Sa puso niya, masaya siya.Hindi niya inasahan na gagawin ito ni James. Subalit, nagustuhan niya ito.Mabilis siyang lumabas suot ang swimsuit na binili ni James para sa kanya.Tiningnan ni James ang swimsuit na suot