Hindi umiwas si James. Sa halip, hinarang niya ang suntok.Nagbanggaan ang kanilang mga kamao.Crack!Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na mga buto.“Argh!!!”Napasigaw dahil sa sakit ang bodyguard ni Quay. Binawi niya ang kanyang kamay, habang iwinagayway ito sa ere at nagtatatalon sa paligid. Nagulantang ang lahat. Mabilis na umatake si James at pinabagsak ang mga natitirang tatlong bodyguards gamit ng ilang mga galaw lamang. Sa isang iglap, ang mga bodyguards ay nakahandusay na sa sahig, habang sumisigaw dahil sa sakit.Masayang nilingon ni James si Thea. “Mahal, hindi naman kita napahiya, tama? Dati akong sundalo. Paano naman ako matatalo sa isang pangkaraniwang sibilyan na hindi pa nakakalaban ng isang tunay na martial artist?” Akala ni James ay pupurihin siya ni Thea.Subalit, bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. Pinaalalahanan na siya nito na huwag labanan ang mga ito.“Sa tingin mo ba ay magaling ka na? Hindi ba’t sinabi ko sayo na huwag mong gawin to? Gaano
Ang mga tao ay nagulat sa nangyaring eksena.Hindi rin makapaniwala si Julianna at itinaas ang patalim, at muling isinaksak sa katawan ni James.Ganun pa din ang naging resulta. Hindi niya maibaon ang patalim sa balat ni Julianna gamit ang kanyang lakas. “Paano?”“N-Nandadaya ka! Anong tinatago mo sa ilalim ng damit mo?” Sigaw ni Julianna. Hindi siya makapaniwala.May hawak siyang patalim.Mabilis niyang sinugod si James para hilahin ang damit nito.“Hoy! Anong ginagawa mo? Nasaksihan ng mga tao ang nangyari! Bakit mo hinuhubad ang damit ko sa harap ng maraming tao?”Umatras si James at dumistansya kay Julianna.“May kasunduan na tayo na ayusin ang bagay na ito pagkatapos mo kong saksakin ng dalawang beses. Ngayon na nasaksak mo na ako ng dalawang beses, ito na ang katapusan nito,” sabi ni James. Hindi makapaniwala na nakatingin ang mga tao kay James. Talagang hindi kapani-paniwala ang eksenang ito.“Hindi! Nandaya ka!” Ayaw palampasin ni Julianna sila James at Thea ng
Hindi na alam ni Quincy kung ano ang kanyang gagawin.Ang mga tao ay pumasok na sa loob ng Dragon Fountain Villa.Ang first class at second class ay nagtipon-tipon sa kani-kanilang mga grupo.Nagsimula ang grupo na magkwentuhan.Hindi nagtagal, marami pang tao ang nagsidating.Halos lahat mula sa parehong klase ay dumating na pagkalipas ng alas sais ng gabi.Bigla, isang grupo ng mga tao ang dumating sa villa. Ang taong nasa unahan ay isang gwapong lalaki na nakasuot ng puting kaswal na damit. Makinis ang balat nito at may kulay platinum na buhok. May ilang mga bodyguards din na nakasunod sa kanya. “Woah! Si Kian nga!”“Yung celebrity na si Kian!” “Ang galing talaga ng class monitor natin! Nagawa niyang imbitahan ang sikat na artista na si Kian!”Nang makita nila naa palapit si Kian, ang mga tao ay nagawala at mabilis siyang pinalibutan, habang hinihingan ng autograph nito. Binati ni Kian ang lahat ng nakangiti.Na-depress siya sa panahon na ito.Pina-blacklist siya
Si Zion na mula sa first class ay kahit paano naagrabyado si Lorne na mula sa second class. Ilan sa mga tauhan ni Lorne ay sinipa siya sa sahig at binugbog ng mga ito.Ang lahat ay tumunganga lang at nanood, at walang sinuman ang nangahas na mangialam. Sumigaw si James at naglakad palapit sa kanila.Sa wakas, huminto din ang mga tauhan ni Lorne.Mabilis na tumayo si Zion mula sa sahig. Tadtad siya ng bakat ng sapatos, at ang buong mukha niya ay puno ng pasa, na talaga namang nakakaawa. Mabilis siyang nagtago sa likod ni James. Niyakap ni Lorne ang isang seksing babae at tiningnan si James. “Ano? Nangingialam ka ba?”Tiningnan ni James si Zion sa kanyang likuran at tinanong, “Anong nangyari?”Binulong ni Zion, “Pumunta… Pumunta ako ng restroom, at aksidente kong nabangga ang babae niya nung lumabas ako. Humingi naman na ako ng tawad, pero…”Nang makita niya ang nanlilisik na mga mata ni Lorne, hindi na nangahas na magsalita pa si Zion.Babae na yakap nito ay tiningnan si
Pagkatapos na mabigla ng konti, inayos ni Lorne ang kanyang sarili.Alam niya na si James ay isa lamang simpleng live-in son-in-law ng mga Callahan. Isa siyang basura.Kahit na ang mga Callahan ay may pera, nakaraan na iyon.Ang mga Callahan ay nasangkot sa isang malaking gulo at nagkaroon ng malaking utang. Malapit na silang malugi.Pagkatapos na isipin ang tungkol dito, naningkit ang mga mata ni Lorne at tiningnan si James.“Ang sabi mo ay tatlong milyong dolyar. Kung ganun, bayaran mo ang girlfriend ko ng tatlong milyong dolyar, at sasaluhin ko ang ilan sa mga suntok mula sayo.”“Babe…” Kaagad na hinila ng seksing manamit na babae si Lorne. Nasaksihan na niya ang lakas ni James sa may entrance ng villa. Ang mga tauhan ni Quay ay pinabagsak niya sa isang iglap lang. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Lorne ang ilang suntok mula kay James.Kinaway ni Lorne ang kanyang kamay at sinabi, “Ayos lang yan. Ang batang to ay isa lamang hamak na live-in son-in-law ng mga Calla
Tumalsik ang tauhan ni Lorne sa isang sipa lang.Ang mga tao ay naramdaman kung gaano kalakas ang sipa niya.Ang nakita lang nila ay kung paano tumalsik ng dalawang metro ang tauhan ni Lorne at bumagsak sa lupa, at dumadaing sa sakit.Lumapit si James na may suot na balat na sapatos.Clomp! Clomp! Clomp!Habang palapit siya, tumutunog ang kanyang sapatos sa sahig.Biglang napaatras si Lorne dahil sa takot.Nakakatakot ito. Siya sana ang namimilipit sa sakit ngayon kung siya ang sumalo ng sipa na iyon. “Hindi ka man tumagal sa isang sipa lang.”Nilapitan ni James ang tauhan ni James at tiningnan ito ng may pangmamaliit.Sa ilalim ng tingin ng lahat, tinaas ni James ang kanyang paa at muli itong sinipa. Gumulong ito na parang bola, at nagpatumba ng ilang lamesa at upuan sa may bulwagan.“Argh! Tama na! Tama na…”Nabalot ng takot ang tauhan ni Lorne. Ang unang sipa ang bumasag sa ilan sa kanyang mga buto sa kanyang katawan, at namimilipit siya sa sobrang sakit. Mamamatay
Hindi pinansin ni James ang kanyang mga banta at nagpatuloy na maglakad papunta kay Lorne. Patuloy sa pag-atras si Lone at sumigaw, “Bakit nakatayo lang kayong dalawa dyan? Gulpihin niyo siya?”Nagpalitan ng tingin ang dalawang tauhan.Thump!Sabay ang mga ito na lumuhod sa sahig at nagmakaawa. “J-James. Wala kaming kinalaman dito. Pakiusap, maawa ka sa amin.”Sinipa sila ni Lorne at pinabagsak sa sahig. Maraming tao ang nanonood habang nangyayari ito.Ang mga tao ay para bang nanonood sila ng isang magandang palabas.Wala sa kanila ang nakaisip na ang kilalang son-in-law ng mga Callahan ng Cansington ay ganito pala kalakas.Nilapitan ni James si Lorne, binuhat ito, at binato papunta kay Zion. Crash!Humampas sa sahig ang katawan ni Lorne, at nabali ang kanyang ilong. Napaatras siya dahil sa takot.“P*tang *na mo! Papatayin kita…”Naglabas si Lorne ng isang bentenwebe habang sinusubukan niyang tumayo.Bago pa man siya makatayo, nilapitan na siya ni James at sinipa sa
Hindi mabuting tao si Lorne. Dati siyang isang school bully. Marami siyang na-bully na estudyante noon. Kaya naman, nagpalakpakan ang karamihan sa mga tao sa paligid noong nakita nila na binugbog siya. Mag-isang naglalaro ng Plants vs. Zombies si James. May ilang tao na lumapit upang batiin siya. Ngumiti lamang siya at nagpatuloy siya sa paglalaro. “James?”Narinig niya ang isang magandang boses.Inangat ni James ang kanyang ulo at nakita niya ang isang babae na nakatayo sa harap niya. Ang babae ay may itim na buhok, makinis na kutis, at magandang itsura. Tila nasa dalawampu't pito o dalawampu't walong taong gulang na siya. “Hmm?”"Joan Dunn?" Sumimangot si James. “Huh?"Kilala mo ba ako?" Bahagyang nagulat si Joan. Ngumiti si James at nagtanong, "May kailangan ka ba?" "Wala naman. Lumapit lang ako kasi James ang pangalan mo." Nakangiting sumagot si Joan at umupo siya sa tapat ni James. “Okay.”Suminghot si James at hindi na siya nagsalita pa. Tumingin si J