Gayunpaman, nasa delikadong sitwasyon siya ngayon. Imposibleng mapanatili niyang buhay si Henry nang mag-isa. "Ipaghihiganti kita, Henry." Nang may seryosong ekspresyon, sinara ni James ang mga kamao niya. "Hindi ko mapapatawad ang taong nasa likod nito. Magpahinga ka lang dito. Tatawagin ko ang atensyon ng mga kalaban. Kumapit ka lang. Darating ang reinforcements sa pagsikat ng araw. Kapag dumating ang oras, ibabalik kita sa Cansington." Binuhat ni James si Henry at naglakad papunta sa pinakamalalim na parte ng kweba. Sa wakas, nakahanap sila ng isang tagong lugar at tinago si Henry doon. Pagkatapos nito, tinanggal niya ang kahit na anong natitirang amoy at bakas na naroon. Alam ni James na may dalang military dogs ang kalaban. Kapag nagawa nila siyang mahanap, mamamatay si Henry. Hindi nila malalaman ang kinaroroonan niya kung tatanggalin niya ang amoy ni Henry. Pagkatapos tiyakin na maayos na ang lahat, mabilis siyang umalis. Umalis siya sa batong kweba at nagpun
Nagtago si James sa likod ng isang bato sa tabi ng bangin. Nakatago ang buong katawan niya sa mga bitak ng bato at tanging ulo niya lang ang nakalitaw. Gumamit siya ng iba't-ibang klase ng halaman para mabilis na gumawa ng pangtaklob sa ulo niya. Kahit na may dumaan sa harapan niya, malabong mapansin nila siya basta't manatili siyang tahimik. Sa ibaba ng bangin, isang brigade ang naghahanap para sa kanya gamit ng torchlights. Pagkatapos mabanggit sa radyo ang posisyon niya, dumami ang mga kalaban niyang nagtipon-tipon sa paligid. May halos tatlong libo sa kanila sa baba. Nang nakita niya ang liwanag sa baba, bahagyang ngumisi si James. Mabilis siyang tumayo. Pagkatapos, nilagay niya ang pampasabog na kakagawa niya lang sa pagitan ng mga bitak sa isang bato na malapit nang malaglag. Tumungtong siya sa tuktok ng isang bato at mabilis na hinanda ang sniper rifle niya. Bang! Nabaril ang isa sa mga tao sa baba at bumagsak sa lapag. “Enemy alert!” Nang napan
Kailangan niya itong tapusin kaagad. Sa isang lundag, tumalon siya sa kanila. Rat-tat-tat!Nagpaulan ng bala ang squad bago pa man siya lumapag. Gayunpaman, kaagad silang napatay. Sumugod si James at nagsimulang kunin nag mga supplies nila—mga baril, bala, granada, at tool kits. "Banda roon!" "Dali!" "Ang Black Dragon!" Nagpaputok ang lahat. Mas maraming tao ang lumapit sa tunog ng kaguluhan. Pagkatapos, dumating ang mga helicopter. Walang habas na bumaril ang mga machine gun sa paligid para patumbahin si James. Pagkatapos makuha ang supplies, maliksing iniwasan ni James ang mga bala. Tumalon siya nang mataas sa ere papunta sa isang puno at tumalon sa malagong dahon. Pagkatapos ay tinago niya ang sarili niya sa tuktok ng punong may taas na tatlompung metro. Lumipad ang mga combat aircraft sa langit. Naningkit ang mga mata ni James sa eksena. Wala siyang pagkakataon na makalabas sa pagpapalibot nila basta't nasa paligid sila. Isang comb
May ilang oaras na lang at mag-uumaga na. Hindi na siya tatagal kung hindi siya makakaisip ng plano. Hindi rin siya siguradong sigurado kung nasa tuktok ba ng Mt. Thunder ang central command. Subalit, ang tuktok ng Mt. Thunder ay ang pinakamainam na lugar doon. Kung siya ang commander, pipiliin niya na itayo ang pansamantalang commande center doon. Ito ay dahil sa napapalibutan ito ng mga bangin sa lahat ng panig nito. Hindi lang iyon, isa itong lugar na madaling protektahan.Pagkatapos niyang maunawaan ang sitwasyon, nagsimulang gumawa ng plano si James. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at sinubukan alalahanin ang mga ruta na dinaanan niya para matunton ang kasalukuyan niyang lokasyon at layo sa tuktok ng Mt. Thunder. Ang pagdepende sa memorya ay hindi isang mabisang paraan, pero ayos na din ito. Ang pangunahing problema niya ngayon ay palapit na ng palapit ang pwersa ng kanyang mga kalaban. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makatakas sa pagpalibot nila
Palaging nakamasid si James para sa pagkakataon na umatake sa kanyang mga kalaban. Sa loob lamang ng isang oras, nakapagpabagsak na siya ng tatlumpung helicopter. Sa mga sandaling iyon, iilan na lang ang natitira sa mga ito. Dahil sa wala na ang spotlight na pwede magbunyag ng kanyang lokasyon, naging madali na para kay James na kumilos. Nagawa niyang makarating sa kampo at dahan-dahan na nakaakyat ng Mt. Thunder. Pagsapit ng alas singko ng umaga, narating ni James ang tuktok ng bundok. Ang central command ay nababantayan lamang ng ilang daang sundalo. Ang pangunahing pwersa ay nasa kasalukuyang nasa kabundukan at naghahanap kay James. Naglabas si James ng isang machine gun na may silencer at nagpaputok. Bumagsak ang mga sundalo na parang mga patay na langaw. Kasabay nito, sa loob ng central command… Ang mga heneral mula sa twenty-eight-nations alliance ay nasa gitna ng isang mainit na diskusyon. “General McDonald, hindi namin matunton ang kinaroroonan ng Black
Kahit na hindi takot mamatay si Ferdinand, takot naman ang iba pang mga heneral. Dahil sa pagbabanta ni James sa kanilang mga buhay, nagpasiya sila na sumuko. “S-si Willy ang may pakana nito. Inutusan niya kami na ipadala ang hukbong sandatahan ng dalawampu’t walong mandirigma para labanan ka sa Mt. Thunder Pass. Kapag natalo sila, saka lang kami lulusob.” “Tama siya! Si Willy ang nagplano ng lahat ng ito.” “Inutusan niya kami na hulihin ang Black Shadow General ng Southern Planis para gamitin laban sayo. Kumilos lang kami ddahil sinabi niya na kailangan niya ang tulong namin.” Nagsalita ang bawat isa sa kanila. Kinuyom ni James ang kanyang kamao. Ang buhay ni Henry ay nasa peligro ng dahil sa kanila. Gusto niyang patayin silang lahat, ora mismo. Lumamig bigla ang buong kwarto. ang mga heneral na nakahiga sa lapag ay nararamdaman ang matindi niyang aura. Nanginig sila sa takot na para bang nasa harapan sila ng isang mabangis na hayop. Huminga ng malalim si James.
”Ano?! Ang Heneral ay nandito sa Southern Plains?” “Kailan pa?” “Bakit hindi ako naabisuhan?” Subalit, hindi nagbigay ng paliwanag si Levi. Tumayo siya malapit sa bintana at tahimik na naghintay. Dahan-dahan na sumikat ang araw sa may malayo, na nagpaliwanag na madilim na kalangitan. Tinignan niya ang kanyang relos. Alas siete na ng umaga. Gamit ang hawak niyang walkie-talkie, ibinigay na niya ang utos, “Sugod!” Ang tunog ng mga trumpetang pandigma ay umalingawngaw sa buong military region. Libu-libong mga combat aircraft ang lumipad. Kasunod nito, hile-hilerang mga tangke, armored vehicles, at mga sasakyan ang umalis ng may nakakatakot na formation papuntang Mt. Thunder Pass. At sa mga oras din na yun, nasa labas naman si James ng central command sa tuktok ng Mt. Thunder. Bukang liwayway na. Kung umayon ang lahat sa plano, ngayon ay pinalusob na ni Levi ang kanilang hukbo. Bumalik siya sa loob ng silid. Habang nakatingin sa mga heneral, kinausap niya a
Sa military hospital sa may Southern Plains… Kaagad na sinugod si Henry sa operating room. Si James mismo ang nagsagawa ng comprehensive examination sa kanya. Nabasag ang lahat ng buto niya sa buong katawan. Bukod dito, ang tendons ng mga kamay at binti niya ay halos punit na. Nagtamo din siya ng malakas na hampas sa kanyang ulo at nagkaroon ng matinding kaso ng cerebral concussion pati na din ng malalang cranial nerve damage. Para palalain pa ang lahat, meron din siyang tama ng bala. Buhay pa siya hanggang ngayon dahil sa pilak na karayom ni James. Kung hindi, matagal na siyang namatay. Ang kasalukuyan niyang prognosis ay talagang matindi. Kahit na isang henyong doktor si James, ang pagpapagaling sa mga sugat nito ay hindi magiging madali. Kahit paano ay iyon na lang ang kailangan niyang harapin ngayon… Ngayon na si James ay nasa isang ligtas na na lugar, magagawa na niyang ituon ang lahat ng atensyon niya sa pagpapagaling kay Henry. Hangga’t humihinga pa ito, pos