“Huh?” Si David, na nakaupo sa sopa ng nakatulala, ay napalundag sa gulat. Tensyonado ang katawan niya, at nangingintab sa pawis ang kanyang noo. Gusto siyang tanungin ni Thea tungkol sa mga balita na kumakalat sa internet. Nang makita niya ang kakaibang reaksyon nito, napasimangot siya at nagtanong, “Anong problema mo? Halos wala ka sa sarili mo nitong nakalipas na dalawang araw.” “W-Wala lang to.” Mabilis na umupo si David. Wala siyang lakas ng loob na magsalita kahit na dalawang araw na ang nakalipas. Nag-aalangan siya na sabihin katy Thea ang katotohanan na nagsalin siya ng limang daang milyong dolyar mula sa bank account nito, o kaya ang tungkol sa kung paano siya nanghiram ng walong daang milyong dolyar na halaga ng loan mula sa mga loan sharks. Wala namang kumatok sa kanilang pinto nitong nakalipas na dalawang araw. Akala niya ay natakasan na niya ito. Hindi man lang nagsuspetya si Thea. Tumayo siya at naupo sa tabi ni David. Pagkatapos ay tinanong niya i
Sa sobrang gulat ni Thea ay wala itong masabi. Hindi siya makapaniwala na humiram si David ng 800 milyong dolyar mula sa mga loan sharks. Umalis si Maximus kasama ang mga tauhan nito. Noon ay isa lamang gang leader ng isang maliit na grupo si Maximus Leviticus. Sa panahon na ito, ang totoong makapangyarihan at maimpluwensyang tao sa underworld ng Cansington ay nagtago at nilayo ang kanilang mga sarili mula sa mundo. Pagkatapos magtago nila Dawson at ng Nine Fingers, sinunggaban naman ni Maximus ang pagkakataon at kaagad na umangat ang rango sa underworld. Ngayon ay isa na siyang loan shark. Ang kanyang mga pasugalan at negosyo sa entertainment district at umasenso. Malapit na siyang maging bagong hari ng underworld. May nagtanong sa kanya na tauhan niya, “Maximus, bait hindi mo pa dinakip si David? Pwede nating pilitin ang mga Callahan na magbayad.” Suminghal ng masama si Maximus. “Sa tingin mo ba ay matatapos na ang lahat kapag nakapagbayad na sila? Hindi ko s
Ang perang yun ay gagamitin niya dapat bilang kapital para sa pagbangon ng kanyang kumpanya. “Tama siya, nakatanggap siya ng pera mula sa ibang tao. Hindi naman talaga sa kanya ang pera sa simula. Hindi ka lang naman tutunga dyan at papanoorin ang kapatid mo na kikilan ng mga loan shark, tama?” Desperadong sinabi ni David. “Kung hindi ang mga loan sharks ang papatay sayo, ako na ang gagawa!” Sa galit niya sa kawalang hiyaan ng kanyang anak, nagpatuloy si Gladys sa paghampas kay David gamit ng walis.. “Thea, pakiusap. Ako lang ang nag-iisa mong kapatid.” “Pakiusap, Thea… Tulungan mo si David. Alam na niya ang leksyon niya! Hindi na niya uulitin ang pagkakamaling ito kahit na kailan.” Lumuhod ang mag-asawa sa paanan ni Thea at nagpatuloy na nagmakaawa. Pagkatapos bugbugin si David, tiningnan ni Gladys si Thea. “Thea, may pera ka naman sa card mo, tama ba? Bakit hindi mo na lang sila tulungan na bayaran ang utang nila? Kaya mo naman kitain ulit ang pera, pero kapag na
Walang ibang pagpipilian si Thea. Sa puntong ito, ang tanging magagawa niya ay ilabas ang pera at tapusin ito. Dahil mula naman sa ibang tao ang perang ito, hindi gaanong masama ang loob niya na pakawalan ito. Huminahon si Gladys noong bumigay si Thea sa pangungumbinsi nila. Bumuntong hininga siya, "Salamat, Thea." Humarap siya kay David, at seryoso niya siyang kinausap, "Simula sa araw na 'to, hindi ka na pwedeng umalis ng bahay ng wala ang permiso ko." "Oo, sige." Alam ni David na wala siyang pagpipilian kundi ang pumayag. Pagkatapos ng kanilang mainit na diskusyon, napagdesisyunan ni Thea na ang pinakamabuting gawin ay ang bayaran ang mga utang ng kanyang kapatid. Tok! Tok! Tok! May narinig silang kumakatok sa pinto. "Sagutin mo ang pinto, Benjamin." Ang sabi ni Gladys sa kanyang asawa. Sinagot ni Benjamin ang pinto. Nakatayo sa labas ang isang lalaki at isang babae na nasa kanilang twenties. Nakasuot ng isang suit at tie ang lalaki. Ang bab
Walang magawa si Gladys kundi pigain ang kanyang mga kamay. Nataranta ang buong pamilya. Noong inakala nila na wala nang ilalala pa ang kanilang sitwasyon, dumating ang sulat mula sa abogado ng mga Xenos upang palalain ang lahat. Inakusahan nito si Thea sa ilegal na pagkuha sa pera ng iba at paggamit sa 500 milyong dolyar. Hinihingi nito na ibalik niya ang pera sa loob ng itinakdang oras. Kung hindi, makakasuhan siya. Gaya ng sabi sa kasabihan, ‘When it rains, it pours.’Bago pa man nila mabayaran ang mga utang ni David, binawi na ng mga Xenos ang pera sa bank account ni Thea. Naharap sa isang napakalaking problema ang mga Callahan.Nagpulong sila. Walang sinuman sa kanila ang makapagsalita. Nakakasakal ang katahimikan.“Umisip ka ng paraan, mom.” Binasag ni Alyssa ang katahimikan sa kanyang desperasyon. Walang magawa si Gladys. Ano namang magagawa niya?May utang pa silang 500 milyon sa mga Xenos. Idagdag mo ito sa mga loan na nagkakahalaga ng 800 milyon at ang mga
Malaking problema ang kinakaharap ng mga Callahan. Kailangan nilang makaisip ng paraan kung paano aayusin ang problema. Maliban sa mga loan, kailangan nilang maibalik ang 500 milyon na utang nila sa mga Xenos sa lalong madaling panahon. Mayroon pang 100 milyon si Thea sa kanyang company account na maaari niyang i-withdraw. Nasa halos 300 milyon naman ang halaga ng villa na niregalo sa kanya ng Black Dragon. Siguradong madali nila itong mabebenta sa halagang 300 milyon kahit na ibenta pa nila ito ng mas mababa sa market price nito. Subalit, kulang pa din sila 100 milyon. Saang sulok naman ng mundo siya kukuha ng 100 milyong dolyar? Naglakad-lakad siya ng walang patutunguhan. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa tapat ng Majestic Corporation. Gusto niyang makita ang misteryosong Mr. Caden. May kumakalat na mga balita na nasa Southern Plains siya ngayon at nakikipaglaban sa dalawampu't walong mandirigma sa Mt. Thunder Pass at napapaligiran ng is
Kung may silbi lang sana ang asawa niya… Kung makapangyarihan at maimpluwensyang tao lang sana si James, hindi sana siya magkakaroon ng ganitong problema. Sa kasamaang palad, basura ang asawa niya. Si James ay isa lang walang kwentang son-in-law ng mga Callahan. Huminahon si James pagkatapos ng tawag. Hinagis niya ang kanyang phone sa mesa at nagtanong siya, "Kamusta ang kondisyon ni Henry?" Sumagot si Levi, "Maayos naman ang lagay niya." "Magaling. Bantayan niyong maigi ang kondisyon niya. Sabihan niyo ako agad kung may problema." "Masusunod." "Iwan mo na ako. Pagod ako. Babalik na ako sa pagtulog." Hinayaan ni Levi na magpahinga ang kanyang commander. Humiga na sa kama si James. Pagod na pagod siya. Napagod siya ng husto pagkatapos ng laban niya sa dalawampu’t walong mandirigma sa Mt. Thunder Pass. Ang malala pa dito, kinailangan niyang tumakas mula sa hukbo ng isang daang libong malalakas na mandirigma buong gabi. Pagod na pagod na ang katawan niya.
Wala nang ibang pagpipilian si Thea. Ang tanging tao na makakapagligtas sa kanya at sa kanyang pamilya ay si Zavier.Naghintay ang dalawa sa isang restaurant.Nagmadaling pumunta si Zavier. Nakarating siya sa restaurant sa loob lang ng kalahating oras.Napakagwapo at karismatiko siyang tingnan. Nakasuot siya ng isang designer suit at isang mamahaling relo.Pagpasok niya, binati niya ang dalawang babae, “Hello, Thea. Hey, Quincy.”Agad na tumayo si Thea, “M-Mr. Watson.”Nanatiling nakaupo si Quincy. Nakaupo siya sa isang tabi at nginitian niya si Zavier. Tinuro niya ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Thea at sinabing, “Maupo ka, Zavier.”Umupo si Thea.Ganun din si Zavier.Nakaupo ang dalawa sa tabi ng isa’t isa. Inusog ni Thea ang upuan niya upang panatilihin ang distansya sa pagitan nila ni Zavier.Tumingin si Zavier kay Thea at nagtanong siya ng may ngiti sa kanyang mukha, “Oo nga pala, nasaan ang asawa mong si James?”“N-Nasa business trip siya.”“Ganun ba?”Nagkibi