Hindi gustong patayin ng mga fighter si James sa kondisyon niya ngayon. Gusto nilang lahat na talunin si James sa isang maayos na laban at makuha ang titulo ng number one fighter sa mundo. Si Willy, na napalipad kanina, ay tumayo mula sa lapag at galit na sumigaw, "Alam niyo ba kung anong ginagawa niyo?! Iniisip niyo ba talaga na kayang talunin ng mga talunang kagaya niyo ang Black Dragon? Tama na ang kalokohan niyo! Inuutusan ko kayo na patayin siya ngayon din!" Yumuko si James. Tumingin siya kay Henry sa lapag at tinignan ang pulso niya. Dumilim ang mukha ni James. Mabilis niyang minarkahan ang mga vital acupoints sa katawan ni Henry at kumuha ng ilang pilak na karayom. Mahusay niyang tinusok ang limang pilak na karayom sa vital acupuncture points ni Henry. Nasa bingit ng kamatayan si Henry. Kailangang tapusin kaagad ni James ang labanan sa lalong madaling panahon. Kailangan niyang ialis si Henry dito at pagalingin ang mga sugat niya. Kung hindi, magiging hu
Nanginig ang natitirang dalawampu't pitong tao. Kahit na narinig na nila ang tungkol sa lakas ng Black Dragon, hindi nila inasahan na ganito siya nakakatakot. Ang taong pinatay niya ay tinatawag na Titan. Siya ang pinakamalakas na fighter sa buong Malgudi. Ang mga Malgudian ay kilala bilang isang lahi ng mga mandirigma, isang titulo na nararapat sa kanila. Nang nakita nila ito, walang nasabi si Willy. Pumulot siya ng machine gun sa lapag at pinaputukan si James. "Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Maliksi si James. Gumulong siya papunta sa bangkay ni Titan at ginamit bilang sanggalang sa mga bala. Pagkatapos, sa isang pitik ng daliri, lumipad ang isang pilak na karayom mula sa kamay niya at tumusok sa katawan ni Willy. Kaagad na nanghina si Willy at bumagsak sa lapag. Dahil alam niyang hindi si Willy ang mastermind sa likod ng lahat, siniguro niya na panatilihin siyang buhay. Si Willy lang ang tanging lead niya para malaman kung sino ang taong nasa likod ng lahat
Ang Black Dragon ay ang commander-in-chief ng Southern Plains. Siya ang may hawak sa hukbo ng isang milyon at ang tagapagbantay ng Sol. Ito ang pinakamagandang pagkakataon para sugurin siya ngayong nagbitiw na siya sa posisyon niya. Ang Black Dragon ang pakay nila sa umpisa pa lang. Hindi lang sa may mga mersenaryo sila at dalawampu't walong fighters, mayroon rin silang tinatagong alas—ang twenty-eight-nation military coalition. Ang dalawampu't walong maliliit na bansa sa border ng Southern Plains ay may tig-tatlong libong tao at bumuo ng isang hukbo na may lakas ng isandaang libong tao. Iisa lang ang layunin nila—ang tapusin ang Black Dragon. Nang nakita niya ang combat aircraft, binuhat ni James si Henry at mabilis na nagpunta sa loob ng gubat. Alam niya na ito lang ang paraan niya kung gusto niyang manatiling buhay. Kapag nahanap siya, walang habas siyang pasasabugan ng combat aircraft. Kahit na walang kapantay ang lakas niya, wala siyang laban sa isang nakakatakot
Gayunpaman, nasa delikadong sitwasyon siya ngayon. Imposibleng mapanatili niyang buhay si Henry nang mag-isa. "Ipaghihiganti kita, Henry." Nang may seryosong ekspresyon, sinara ni James ang mga kamao niya. "Hindi ko mapapatawad ang taong nasa likod nito. Magpahinga ka lang dito. Tatawagin ko ang atensyon ng mga kalaban. Kumapit ka lang. Darating ang reinforcements sa pagsikat ng araw. Kapag dumating ang oras, ibabalik kita sa Cansington." Binuhat ni James si Henry at naglakad papunta sa pinakamalalim na parte ng kweba. Sa wakas, nakahanap sila ng isang tagong lugar at tinago si Henry doon. Pagkatapos nito, tinanggal niya ang kahit na anong natitirang amoy at bakas na naroon. Alam ni James na may dalang military dogs ang kalaban. Kapag nagawa nila siyang mahanap, mamamatay si Henry. Hindi nila malalaman ang kinaroroonan niya kung tatanggalin niya ang amoy ni Henry. Pagkatapos tiyakin na maayos na ang lahat, mabilis siyang umalis. Umalis siya sa batong kweba at nagpun
Nagtago si James sa likod ng isang bato sa tabi ng bangin. Nakatago ang buong katawan niya sa mga bitak ng bato at tanging ulo niya lang ang nakalitaw. Gumamit siya ng iba't-ibang klase ng halaman para mabilis na gumawa ng pangtaklob sa ulo niya. Kahit na may dumaan sa harapan niya, malabong mapansin nila siya basta't manatili siyang tahimik. Sa ibaba ng bangin, isang brigade ang naghahanap para sa kanya gamit ng torchlights. Pagkatapos mabanggit sa radyo ang posisyon niya, dumami ang mga kalaban niyang nagtipon-tipon sa paligid. May halos tatlong libo sa kanila sa baba. Nang nakita niya ang liwanag sa baba, bahagyang ngumisi si James. Mabilis siyang tumayo. Pagkatapos, nilagay niya ang pampasabog na kakagawa niya lang sa pagitan ng mga bitak sa isang bato na malapit nang malaglag. Tumungtong siya sa tuktok ng isang bato at mabilis na hinanda ang sniper rifle niya. Bang! Nabaril ang isa sa mga tao sa baba at bumagsak sa lapag. “Enemy alert!” Nang napan
Kailangan niya itong tapusin kaagad. Sa isang lundag, tumalon siya sa kanila. Rat-tat-tat!Nagpaulan ng bala ang squad bago pa man siya lumapag. Gayunpaman, kaagad silang napatay. Sumugod si James at nagsimulang kunin nag mga supplies nila—mga baril, bala, granada, at tool kits. "Banda roon!" "Dali!" "Ang Black Dragon!" Nagpaputok ang lahat. Mas maraming tao ang lumapit sa tunog ng kaguluhan. Pagkatapos, dumating ang mga helicopter. Walang habas na bumaril ang mga machine gun sa paligid para patumbahin si James. Pagkatapos makuha ang supplies, maliksing iniwasan ni James ang mga bala. Tumalon siya nang mataas sa ere papunta sa isang puno at tumalon sa malagong dahon. Pagkatapos ay tinago niya ang sarili niya sa tuktok ng punong may taas na tatlompung metro. Lumipad ang mga combat aircraft sa langit. Naningkit ang mga mata ni James sa eksena. Wala siyang pagkakataon na makalabas sa pagpapalibot nila basta't nasa paligid sila. Isang comb
May ilang oaras na lang at mag-uumaga na. Hindi na siya tatagal kung hindi siya makakaisip ng plano. Hindi rin siya siguradong sigurado kung nasa tuktok ba ng Mt. Thunder ang central command. Subalit, ang tuktok ng Mt. Thunder ay ang pinakamainam na lugar doon. Kung siya ang commander, pipiliin niya na itayo ang pansamantalang commande center doon. Ito ay dahil sa napapalibutan ito ng mga bangin sa lahat ng panig nito. Hindi lang iyon, isa itong lugar na madaling protektahan.Pagkatapos niyang maunawaan ang sitwasyon, nagsimulang gumawa ng plano si James. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at sinubukan alalahanin ang mga ruta na dinaanan niya para matunton ang kasalukuyan niyang lokasyon at layo sa tuktok ng Mt. Thunder. Ang pagdepende sa memorya ay hindi isang mabisang paraan, pero ayos na din ito. Ang pangunahing problema niya ngayon ay palapit na ng palapit ang pwersa ng kanyang mga kalaban. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makatakas sa pagpalibot nila
Palaging nakamasid si James para sa pagkakataon na umatake sa kanyang mga kalaban. Sa loob lamang ng isang oras, nakapagpabagsak na siya ng tatlumpung helicopter. Sa mga sandaling iyon, iilan na lang ang natitira sa mga ito. Dahil sa wala na ang spotlight na pwede magbunyag ng kanyang lokasyon, naging madali na para kay James na kumilos. Nagawa niyang makarating sa kampo at dahan-dahan na nakaakyat ng Mt. Thunder. Pagsapit ng alas singko ng umaga, narating ni James ang tuktok ng bundok. Ang central command ay nababantayan lamang ng ilang daang sundalo. Ang pangunahing pwersa ay nasa kasalukuyang nasa kabundukan at naghahanap kay James. Naglabas si James ng isang machine gun na may silencer at nagpaputok. Bumagsak ang mga sundalo na parang mga patay na langaw. Kasabay nito, sa loob ng central command… Ang mga heneral mula sa twenty-eight-nations alliance ay nasa gitna ng isang mainit na diskusyon. “General McDonald, hindi namin matunton ang kinaroroonan ng Black