Ang birthday banquet ay naging personal na palabas ni Thea. Kahit ang matandang maybahay ay patuloy na pinupuri si Thea.“Ano?!” Habang masayang kumakain ang mag-anak, sinagot ni Clinton ang kanyang phone, kaagad na tumayo, at sinabi.Ang kanyang sigaw ay tumawag sa atensyon ng lahat.Hindi natutuwang tanong ng matandang babae, “Anong sinisigaw mo dyan?”“Dahil sa nakatanggap ako ng tawag, Lola. Na-promote ako at ililipat na sa military region.”“Ano?”“Na-promote ka?”Nagulat ang lahat.Bakit siya na-promote na lang bigla?Matapos ang sandaling pagkabigla, anng lahat ay nilingon at tumingin kay Thea. “Huwag niyo kong tignan. Wala akong kinalaman dito,” pati si Thea ay naguguluhan at kaagad na nagpaliwanag.“Clinton, ano na ang bago mong posisyson ngayon na na-promote ka na sa military region?”“Oo, nga, Clinton! Huwag mo na kaming bitinin! Dalian mo na at sabihin mo na sa amin ang posisyon mo.”“Hindi ko din pa alam. Tinawagan lang nila ako para ipaalam sa akin na ma
Gustong itanong ni Thea kung siya ba ang Black Dragon.Subalit, nakita na niya ang misteryosong Mr. Caden noon. Kahit na hindi niya makita ang mukha nito dahil sa maskara, nararamdaman niya na ang misteryosong Mr. Caden ay may pambihirang pasensya, na malayo kay James. Ang kanyang asawa ay imposibleng maging ang misteryosong Mr. Caden, ang Black Dragon, o kaya ang taong lihim na tumutulong sa kanya. Kahit na walang sinabi si Thea, alam ni James na may hinala na si Thea tungkol sa kanya. Pinili din niya na manahimik lang.Hindi nagtagal, gabi na.Nakabalik na si Clinton.Pinalibutan ng miyembro ng pamilya si Clinton, tinatanong ito tungkol sa pagpunta niya sa military region.Meron siyang marangal na ekspresyon habang pinagmamalaki niya, “Ang kasalukuyan kong estado ay namumukod tangi. Bukod sa kasali ako sa special forces combat training, napili din ako na maging close associate ni General Nolan. ang posisyon ko ay nasa ilalim ng isang tao lang, at mas mataas ako sa higit sa
Binaba na ni James ang kanyang phone at nanigarilyo sa labas bago bumalik sa loob ng bahay. Pinag-uusapan pa din ng mga Hill kung sino ang sasama sa review.Nang bigla, tumunog ang phone ni Clinton. Sinagot niya ang kanyang phone. “M-Masusunod, General Nolan, nauunawaan ko.”Ibinaba niya ito.Nakatuon ang mga tingin ng mga Hill sa kanya.“Clinton. tumawag ba muli si General Nolan?” Tanong ni Jedidiah.“Oo.”Huminga ng malalim si Clinton at sinabi, “Lolo, may maganda akong balita. Bukas, ang Black Dragon ng Southern Plains ay pupunta sa military region at magbibigay ng lecture sa mga napili para sa special training.”Napalundag siya sa tuwa matapos niyang ibahagi ang balita.“Ang Black Dragon! Sa wakas ay makikita ko na ang Military God!” Nagulantang ang mga miyembro ng Hill family. Ang Black Dragon?Ang Black Dragon ay pupunta sa North Cnasington?Medyo napaatras din si Thea at naisip niya sa kanyang sarili, ‘Ang misteryosong Mr. Caden ba ay nasa North Cansington di
Ang taong iyon ang ang General ng Southern Plains. Ang isa sa mga five Commanders ng Sol. Ang Military God, ang Guardian ng Sol—ang Black Dragon.Ang venue ng sampung libong tao ay tahimik na tahimik.Lumipas ang oras minu-minuto. Hindi nagtagal, isang Maserati ang dumating at unti-unting lumitaw sa paningin ng lahat.ahan-dahan na huminto ang kotse sa harapan ng mga special trainers..‘N-Nandito na ba siya?‘Nandito na ba sa wakas ang Black Dragon?’Ang lahat ay pinigilan ang kanilang hininga at tinitigan ang Maserati na nasa harapan nila.Isa si clinton sa isang daang tao. Kaagad siyang nagulantang mataopos niyang makita ang kotse. ‘Hindi ba’t ang kotseng ito ang minamaneho ng asawa ni thea, si james? Bakit nandito ito sa military region?’Punong puno ng mga sundalo ang malawak na field.Bumukas ang pintuan ng kotse, at isang matangkad na lalaki na nakasuot ng pangkaraniwang damit ang lumabas habang nakatingin ang maraming tao.“Saludo!”Isang boses ang umalingawng
Nakaalis na si James, ngunit tahimik pa rin ang buong lugar. Tanging si Flying Eagle lamang ang namimilipit sa sakit sa lupa. Gasp!Paglipas ng mahabang oras, napasinghap ang mga tao sa paligid. Sino ba si Flying Eagle? Siya ang chief instructor ng Flying Eagle Special Forces. Pinamunuan niya ang grupo sa napakaraming mapanganib na misyon. Gayunpaman, natalo siya sa isang atake lang. "Nakita niyo ba ang nangyari?" "Paano umatake ang Black Dragon?" "Sa tingin ko nakita ko ito. Sinuntok niya si Flying Eagle sa dibdib ng ganito."Maraming diskusyon tungkol sa laban nila ang narinig. Hindi nagpaabala si James. Gusto niyang ibalik ang pabor kay Chase at kailangan lang niyang magpakita. Pag-alis niya, nagpadala siya ng mensahe kay Chase upang sabihan ang mga sundalo sa North Cansington Military Region na isang lihim ang kanyang pagkatao at kailangang pumirma ang lahat ng isang non-disclosure agreement. Paparusahan ng mabigat ng batas ng militar ang sinumang magbubun
Huminga ng malalim si Clinton. "Syempre naman. Napakalakas ng Black Dragon. Ang pinakamalakas sa North Cansington, si Flying Eagle ay hindi man lang tumagal at natalo siya agad sa isang atake lang." Kumukulo pa rin ang dugo ni Clinton habang inaalala niya ang nangyari. Noong marinig niya ito, nakumpirma ni Xara na nakita talaga ni Clinton si James. Gasp!Hindi niya napigilang suminghap. Pakiramdam niya ay sakal na sakal siya, dahil kailangan niyang itago ng mag-isa ang sikretong ito. Matagal na niyang alam ang pagkatao ni James ngunit hindi niya pwedeng sabihin sa kahit na sino ang tungkol dito. Ngayong may ibang tao na mula sa mga Hill ang nakakaalam sa pagkatao ni James, sa wakas ay pwede na nilang pag-usapan ni Clinton ang tungkol kay James. "Clinton, yung totoo, matagal ko nang alam kung ano ang pagkatao ni James. Hindi lang siya ang General ng Southern Plains, ang Black Dragon kundi siya rin ang behind-the-scenes boss ng Transgenerational New City at ng Transgener
Bahagyang naguluhan si James kay Thea. Hindi siya sigurado kung gusto ba ni Thea ang isa pang pagkatao niya.Anong gagawin niya lung ganun nga ang sitwasyon?Upang makumpirma niya ang kanyang hinala, gusto niyang subukan si Thea. Balak niyang magpanggap bilang ang misteryosong Mr. Caden at kausapin si Thea upang malaman kung ano ba talaga ang nasa kanyang puso't isipan. Hindi niya sinagot ang mga tanong ni Henry. Binaba niya ang tawag at matiyaga siyang naghintay sa bahay. Dismayadong umalis si Thea sa Majestic Corporation. Bago siya makauwi, nakatanggap siya ng tawag mula kay Newton. "Ms. Thea, pinapasabi ng chairman na pwede kayong magkita ngayong gabi. Sasabihin niya sa'yo ang mga detalye mamaya."Tuwang-tuwa si Thea pagkatapos niyang matanggap ang tawag. Nagsimula siyang masabik sa kanilang pagkikita. Inabangan niya ang pagsapit ng gabi. Humuni siya habang papasok siya sa bahay. "Anong nangyari, mahal? Bakit parang ang saya-saya mo?" Si James, na nasa sofa, a
“James.”Pagpasok pa lang niya sa clinic, isang babae na nasa kanyang twenties na naka suot ng isang manipis na shirt na pinarisan ng isang maiksing denim skirt at naka ponytail ang nakangiting bumati kay James. Siya si Whitney. Ilang araw nang nakikitira si Whitney sa clinic ni Henry. Nasaksihan niya ang pag-uutos ni James sa ilang mga tao upang wasakin ang pabrika ng Purity Pharmaceuticals, at pagkatapos niyang magsaliksik, may hinala na siya tungkol sa pagkatao ni James.Kahit na hindi niya alam ang mga detalye, nahulaan niya na si James ay isang makapangyarihang tao na mula sa Southern Plains. “Hello.”Tumango si James kay Whitney at pumasok siya sa silid. "James." Nagmadaling lumapit si Henry at bumati. "Nasaan yung mga hinihingi ko?" "Doon. Kakarating lang ng mga 'yan." Tinuro ni Henry ang isang kahon sa sahig at sumagot siya. Lumapit si James, dinampot niya ang kahon, at pumasok siya sa silid sa likod upang simulan ang kanyang gagawin. Sa labas. Hinila ni
Alam ng Ursa na lubos na mauubos ang kanyang lakas kung magpapatuloy ito. Sa ganoong hindi maibabalik na kalagayan, pinili niya ang pinakahuling opsyon—siguradong pagkawasak nilang parehas. Ginawa niya ang Forbidden Art ng Ursa Race, sinunog ang kanyang Blood Essence at sigla, at isinakripisyo ang kanyang sarili bilang kapalit ng kanyang lakas sa peak form. Sa sandaling iyon, mas malakas siya kaysa sa panahon ng kanyang peak form at agad na gumaling ang kanyang mga sugat. Napakalaki ng aura niya. Tulad ng isang diyos ng digmaan na nakatayo sa Chaos Space, ang kanyang mukha ay nagdilim habang malamig niyang sinabi, "Mamatay kayong lahat!"Habang umuungal siya, ibinaba niya ang kanyang sibat at sunod sunod na alon ng Spear Light ang nagkatotoo.Sa sandaling iyon, tila nawala ang epekto ng formation ni James. Ang mga makapangyarihang indibidwal na nakatago sa formation ay nilamon ng kapangyarihan at sabay sabay silang nagsuka ng isang subo ng dugo. Pagkatapos, pinaalis sila sa formation
Siya ay lubos na nagalit.“Break!”Ibinaba niya ang kanyang sibat. Ang kakilakilabot na kapangyarihan ay lumawak sa buong kawalan tulad ng isang halo, na natunaw ang lahat sa kanyang landas sa kawalan. Sa isang maikling sandali, sinira niya ang libo libong layer ng Formation.Gayunpaman, si James ay nag set up ng napakaraming Formation. Kahit na masira ng Ursa ang sampo sampung libo sa kanila sa isang iglap, hindi niya kayang sirain silang lahat. Bago tuluyang wasakin ng Ursa ang Formasyon, tiwala si James na kaya niyang lipulin siya. Iyon ay dahil naramdaman niya ang paglabas ng sigla ng Ursa at ang kanyang kapangyarihan ay lumiliit sa isang minuto. Ang Ursa ay malapit na sa kanyang wakas at hindi magtatagal.Sa bagong universe, nanginginig sa takot ang bawat nabubuhay nang maramdaman nila ang nakakatakot na pressure na nagmumula sa Chaos Space. Samantala, ang Omnipotent Lord ay nagmamadaling pumunta sa pinagmumulan ng kapangyarihan kasama ang isang grupo ng mga nangungunang mandi
Ang liwanag ay nakasisilaw, na nagpapaliwanag sa nakakubling Chaos Space. Kasabay nito, nagtataglay ito ng nakakatakot na kapangyarihan na kahit isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay mapapatay sa isang kisapmata.Maraming makapangyarihang indibidwal ang nakatago sa formation. Nagmamadali nilang pinagana ang formation at itinago ang kanilang kapangyarihan dito. Sa isang iglap, hindi mabilang na mga inskripsiyon ang lumitaw sa harap ni James, na nagtitipon upang bumuo ng isang hadlang.Ang nakakatakot na liwanag ay tumama sa harang.Gayunpaman, ang kapangyarihan ng liwanag ay masyadong nakakatakot at ang hadlang ay hiniwa na parang mantikilya. Gayunpaman, ang kapangyarihan ng liwanag ay lubhang nabawasan.Pagkatapos makipagpalitan ng suntok sa Ursa, alam na ngayon ni James kung gaano siya katakot. Ang Ursa ay nasugatan mula noong edad ng Primordial Realm at hindi na gumaling mula noon. Sa kabila ng pag atake sa kanya at ng formation, ang aura ng Ursa ay napakalakas pa rin.‘P*
Ng makita ito, napataas ang kilay ni James. Ito ay isang Formasyon na personal niyang itinayo. Ang isang alon ng Sword Energy ay sapat na upang patayin ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Sa pagharap sa napakaraming kalaban, hindi nangahas si James na magpabaya sa kanyang bantay. Habang gumagalaw ang kanyang isip, lumitaw ang Malevolent Sword sa kanyang kamay. Habang hawak niya ang Malevolent Sword sa kanyang kamay, naramdaman niya ang kapangyarihan ng espada, na nagbigay sa kanya ng katiyakan.“Ikaw…!”Ng maramdaman ang kapangyarihan ng Malevolent Sword, nagdilim ang mukha ng Ursa. Masyadong nakakatakot ang kapangyarihan ng espada at kahit siya ay nakaramdam ng lamig sa kanyang spine. Kung nasa peak form siya, hindi siya matatakot. Gayunpaman, siya ay nasugatan at si James ay sadyang hindi mahuhulaan. Ito ay isang tao na nag cultivate ng Chaos Power at nasa Sixth Stage ng Omniscience Path. Ngayon na mayroon siyang Superweapon sa kanyang pag aari, ang Ursa ay nagsimulang ma
Inambush ni James ang Ursa. Dahil na catalyze niya ang Omniscience Path, ang lakas ng kanyang pisikal na lakas ay lubhang nakakatakot. Kahit na ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay daranas ng matinding dagok. Bukod, habang pinagsama ni James ang kanyang pisikal na lakas sa Chaos Power, ang kapangyarihan ay mas hindi kapani paniwala. Ang pag atake ay nagdusa sa Ursa ng isang mapangwasak na dagok.Ang pag atake ay tumagos sa pisikal na katawan ng Ursa. Bukod pa rito, habang isinaaktibo ni James ang kapangyarihan ng iba't ibang Landas, bumuhos ang lahat sa katawan ng Ursa. Ang Ursa ay nasugatan bago ito.Sa sandaling iyon, kumilos ang mga makapangyarihang indibidwal na nakatago sa loob ng Formation. Dahil malakas sila, ang kapangyarihang ipinalabas nila ay mas nakakatakot ng hiramin nila ang kapangyarihan ng Formation. Sa isang iglap, ang Ursa ay dumanas ng libo libong mapangwasak na suntok. Ang kanyang katawan ay natatakpan ng mga sugat at may butas sa kanyang dibdib. Hindi lang i
Nagsalita si James.Habang nagsasalita siya, ang mga makapangyarihang tao sa paligid niya ay pumasok sa formation at pumunta sa kani kanilang pwesto.Pumasok na rin si James sa formation.Sa pagbuo sa loob ng Chaos Space, tumingin si James sa bundok sa kanyang harapan habang may ngiti sa kanyang mukha.Sa sandaling iyon, hindi pa napagtatanto ng powerhouse ng Ursa Race na nalipat na ang Mount Ancestre.Kaswal na ikinaway ni James ang kanyang kamay at nagkaroon ng ilang tuntunin sa inskripsiyon. Ang mga panuntunang ito sa inskripsiyon ay patuloy na nagbabago bago tumawag ng isang imahe. Ito ang imahe ng Ancestral Holy Site.Dahil hindi pa napagtatanto ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race na nalipat na ang Mount Ancestre, binalak ni James na lituhin siya. Papasok siya sa formation, lalapit sa kalaban at haharapin siya ng nakamamatay na suntok. Ito ang isa sa pinakamahalagang stage ng labanan. Dahil nasugatan na ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race, ang ambush ni Jame
Pagkaalis ng Omnipotent Lord, tinitigan ni James ang Mount Ancestre. Dahil ang Mount Ancestre ay walang anumang Formation Restrictions, malinaw na nakikita ni James ang lahat.Sa pagbabalik sa Mount Ancestre, agad na inilikas ng Omnipotent Lord ang lahat ng mga disipulo at ipinatawag ang lahat ng nasasakupan sa isang nakatagong basement. Dahil may Formation Restriction doon, hindi pa nakakapasok si James' Divine Sense sa basement. Sa oras na tumagos siya sa lugar, nakaalis na ang Omnipotent Lord at ang kanyang mga alagad.Nagsalubong ang kilay ni James. Alam niya na ang Omnipotent Lord ay hindi madaling makikipagkompromiso. Gayunpaman, wala siyang ideya kung ano ang kanilang pinag uusapan.Matapos ilikas ng Omnipotent Lord ang lahat mula sa Mount Ancestre, tanging ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race ang nanatili sa Formation sa likod ng bundok.Ang Omnipotent Lord ay nagpakita kay James sa Bundok Thea.“Inilikas ko na lahat, James. Maaari ka ng magsimula,” Sabi ng Omnipot
Isang kakila kilabot na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at sumugod patungo sa Omnipotent Lord na parang tsunami. Hindi makayanan ang ganoong kalaki at biglaang alon ng kapangyarihan, ang Omnipotent Lord ay walang kamalay malay na napaatras.Swoosh!Ang Malevolent Sword ay lumitaw sa kamay ni James at itinaas niya ang espada."Aaminin ko malakas ka. Gayunpaman, ang pagpatay sayo ay madali lamang para sa akin. Pumunta ako dito hindi para makipagkumpetensya para sa posisyon ng Lord ng Universe. Wala akong interes sa kapangyarihan at awtoridad. Gusto ko lang masiguro ang kapayapaan at katatagan ng mundong ito.”Itinutok niya ang kanyang espada sa Omnipotent Lord at ang napakalaking kapangyarihan ay lumitaw mula sa loob ng espada. Masyadong nakakatakot ang kapangyarihan ng espada kasama ni James. Maging ang Omnipotent Lord, na malapit ng maabot ang Acme Rank, ay nakaramdam ng lamig sa kanyang spine. Sa isang laban hanggang kamatayan, hindi siya magkakaroon ng p
Alam ng Omnipotent Lord na si James ay gumawa ng Superweapon sa Chaos. Nangangahulugan ito na si James ay nagtataglay ng isang nakakatakot na lakas na nagbabanta sa kanyang posisyon. Gabi gabi, umiikot siya sa kanyang kama, hindi makatulog. Gayunpaman, wala pa rin siyang ideya kung ano ang ginagawa ni James. Ng maramdaman ang presensya ni James, agad siyang nagpakita.Sa pagharap sa pagtatanong ng Omnipotent Lord, mahinang ngumiti si James at sinabing, "May kailangan ako ng tulong mo."Itinuon ng Omnipotent Lord ang kanyang tingin kay James. Nawala ang ngiti sa mukha ni James habang bumulong, “Hindi ito ang lugar. Sumunod ka sa akin.”Pagkasabi niyan, tumalikod siya at dumiretso sa Mount Thea, habang ang Omnipotent Lord ay sumunod malapit sa likuran.Sa likod ng Mount Thea, nakaupo si James sa isang bato at pinagmamasdan ang magagandang tanawin ng Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent Lord ay tumayo sa tabi at nagsabi, "Tama na paligoy ligoy."Sinabi ni James, "Sa totoo lang, sumali