Huminga ng malalim si Clinton. "Syempre naman. Napakalakas ng Black Dragon. Ang pinakamalakas sa North Cansington, si Flying Eagle ay hindi man lang tumagal at natalo siya agad sa isang atake lang." Kumukulo pa rin ang dugo ni Clinton habang inaalala niya ang nangyari. Noong marinig niya ito, nakumpirma ni Xara na nakita talaga ni Clinton si James. Gasp!Hindi niya napigilang suminghap. Pakiramdam niya ay sakal na sakal siya, dahil kailangan niyang itago ng mag-isa ang sikretong ito. Matagal na niyang alam ang pagkatao ni James ngunit hindi niya pwedeng sabihin sa kahit na sino ang tungkol dito. Ngayong may ibang tao na mula sa mga Hill ang nakakaalam sa pagkatao ni James, sa wakas ay pwede na nilang pag-usapan ni Clinton ang tungkol kay James. "Clinton, yung totoo, matagal ko nang alam kung ano ang pagkatao ni James. Hindi lang siya ang General ng Southern Plains, ang Black Dragon kundi siya rin ang behind-the-scenes boss ng Transgenerational New City at ng Transgener
Bahagyang naguluhan si James kay Thea. Hindi siya sigurado kung gusto ba ni Thea ang isa pang pagkatao niya.Anong gagawin niya lung ganun nga ang sitwasyon?Upang makumpirma niya ang kanyang hinala, gusto niyang subukan si Thea. Balak niyang magpanggap bilang ang misteryosong Mr. Caden at kausapin si Thea upang malaman kung ano ba talaga ang nasa kanyang puso't isipan. Hindi niya sinagot ang mga tanong ni Henry. Binaba niya ang tawag at matiyaga siyang naghintay sa bahay. Dismayadong umalis si Thea sa Majestic Corporation. Bago siya makauwi, nakatanggap siya ng tawag mula kay Newton. "Ms. Thea, pinapasabi ng chairman na pwede kayong magkita ngayong gabi. Sasabihin niya sa'yo ang mga detalye mamaya."Tuwang-tuwa si Thea pagkatapos niyang matanggap ang tawag. Nagsimula siyang masabik sa kanilang pagkikita. Inabangan niya ang pagsapit ng gabi. Humuni siya habang papasok siya sa bahay. "Anong nangyari, mahal? Bakit parang ang saya-saya mo?" Si James, na nasa sofa, a
“James.”Pagpasok pa lang niya sa clinic, isang babae na nasa kanyang twenties na naka suot ng isang manipis na shirt na pinarisan ng isang maiksing denim skirt at naka ponytail ang nakangiting bumati kay James. Siya si Whitney. Ilang araw nang nakikitira si Whitney sa clinic ni Henry. Nasaksihan niya ang pag-uutos ni James sa ilang mga tao upang wasakin ang pabrika ng Purity Pharmaceuticals, at pagkatapos niyang magsaliksik, may hinala na siya tungkol sa pagkatao ni James.Kahit na hindi niya alam ang mga detalye, nahulaan niya na si James ay isang makapangyarihang tao na mula sa Southern Plains. “Hello.”Tumango si James kay Whitney at pumasok siya sa silid. "James." Nagmadaling lumapit si Henry at bumati. "Nasaan yung mga hinihingi ko?" "Doon. Kakarating lang ng mga 'yan." Tinuro ni Henry ang isang kahon sa sahig at sumagot siya. Lumapit si James, dinampot niya ang kahon, at pumasok siya sa silid sa likod upang simulan ang kanyang gagawin. Sa labas. Hinila ni
Nagmadali si Newton na ihanda ang kotse.Kinuha ni Newton ang mga sumukong negosyo ng Great Four at itinayo ang Majestic Corporation.Ang Majestic Corporation ay may bilyon-bilyong halaga ng mga ari-arian ngayon.Madali lang para sa kanya na bumili ng isang mamahalin na kotse.Naghanda siya ng isang Rolls-Royce Silver Ghost sa isang iglap.Ang kotse ay nagkakahalaga ng isang bilyon at walong daang milyong dolyar at hindi mabibili gamit ng pera lang. Kailangan ay may malakas kang koneksyon.Ang Majestic Corporation ay may malawak na koneksyon ngayon.Ito ay dahil sa ang mga negosyo na nasa ilalim ng Majestic Corporation ay isinuko ng Great Four. Ang Great Four ay may malalim na koneksyon sa Cansington. Bukod sa mga bangkaroteng Xavier, ang iba pang tatlong pamilya ay maimpluwensya pa din.Hindi nagtagal, las singko na ng gabi.Nilabas ni James ang bago niya phone at nagpadala ng mensahe kay Thea.“Anong oras tayo magkikita?”Si thea ay nasa Pacific Group. Lutang ang isipan
Naglakad silang dalawa ng magkatabi.Palihim na kinuhaan ng mga reporter ang eksena.Nagulat si Quincy mula sa malayo. Kaagad niya silang nilapitan at tumayo sa harapan nilang dalawa, saka hinubad ang kanyang sunglasses.“Thea…” Sinabi niya habang nakanganga.Sumunod, nilingon niya si James.May konting pagkamuhi sa kanyang mukha, at nagsimulang lumuha ang kanyang mga mata. Napasimangot si James. ‘Bakit nandito si Quincy?’“James…”Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin dahil sa luha, at tumingala siya para malungkot na tingnan si James.“Hmm?“Bakit ka nandito?” Tiningnan siya ni James at tinanong.Si Thea, na nakatayo sa tabi ni James, ay nailang tungkol sa sitwasyon.Alam niya na ang misteryosong Mr. Caden ay ang boyfriend ng mataling niyang kaibigan na si Quincy sampung taon na ang nakakaraan.“Quincy…”Tinignan niya si Quincy ng may namumulang mukha dahil sa hiya.Tinignan siya ni Quincy ng may luha sa kanyang mga mata at sinabi, “James, alam mo bang sampung tao
“Ako…”Tumigil sa pagsasalita si Thea.Gusto niyang sabihin na may asawa siya at ayaw niyang hiwalayan ito.Subalit, hindi niya nagawang sabihin ang bagay na ito.“Hindi kami ikinasal ni James dahil mahal namin ang isa’t isa. Pinili lang siya ng lolo ko na maikasal sa mga Callahan.”Nang sinabi niya ito, kaagad na naunawaan ni James ang nilalaman ng kanyang puso.Pagkatapos, maraming sinabi si Thea, at ang lahat ay pagpapakita ng kanyang pasasalamat.Subalit, lutang ang isipan ni James.Natapos silang dalawa sa pagkain.Pagkatapos kumain, sinabi ni James, “Ihatid na ba kita pabalik sa inyo?”‘H-Hindi na, ayos lang,” magalang na tumanggi si Thea. “Pag-iisipan ko…na makipag-divorce,” sabi ni Thea. Namula siya at tumakbo paalis pagkatapos magsalita.Naiwan si James na namomoblema. Pinanood niya si Thea na umalis at hinawakan ang kanyang ilong.‘Makipag-divorce…’’’Napangiti na lang siya ng bahagya at natahimik.Bumalik siya ng Majestic Corporation, nagpalit ng damit, a
Ang Emperor ng Capital, isa sa Five Commanders?Ang pinakamakapangyrihan sa Five Commanders, na maayos na nagpapatakbo sa Capital?“Meron pa bang iba?”Tinignan ni James si Jake. "Inimbestigahan ko ang lahat tungkol sa pinanggalingan ng ancient box na iyon at nagtanong na din ako tungkol sa mga grave robbers. Ang grupo ng mga grave robbers ay nakatanggap ng pera mula sa isang misteryosong employer. Nakatanggap sila ng mapa ng Prince of Orchid Mountain, na nakatulong sa kanila para matagumpay na makapasok sa loob ng libingan at mahanap ang ancient box. Subalit, isang hindi inaasahan na aksidente ang nangyari, at may nagnakaw nito habang ang susi ay napunta sa mga kamay ni Scarlett.”“Dumiretso ka na sa importanteng bahagi. Sino ang taong nagnakaw ng ancient box, at sino ang misteryosong employer?” Sinilip siya ni James mula sa tabi. “Ayon sa impormasyong aking nakalap, ang taong nagnakaw ng ancient box ay si Floyd Zink. Isa siyang kilalang tao sa underworld. Siya ang nagdala ng
Sa Kapitolyo ng Sol, sa may bakuran ng isang partikular na bahay. May mga security guards na nakasuot ng itim ang nakatayo sa labas ng bakuran. Isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket ang lumapit. Bago pa man siya makalapit sa bakuran, kaagad na hinarangan ng mga security guards ang kanyang daanan.“Walang pwedeng pumasok sa Heaven Mansions. Pakiusap at umalis na kayo kaagad, kung hindi ay walang awa namin kayong papatayin.” Ang lalaking nakasuot ng itim na Jacket ay walang iba kung hindi si James ng Cansington. Pagkatapos niyang may mahanap na mga palatandaan, kaagad siyang sumakay sa isang private plane papunta sa Kapitolyo para personal na makipagkita sa Emperor at tanungin ito tungkol sa ilang mga detalye. Kung ang Emperor ay talagang may kinalaman sa nangyari sa kanyang pamilya, kailangan nitong mamatay.“Ako ang Black Dragon ng Southern Plains. Kailangan kong makita ang Emperor. Dalian niyo at sabihin niyo ito sa kanya.”May madilim na ekspresyon si James sa kan